Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

PAARALAN EMA EMITS College BAITANG/ Baitang 10

Philippines ANTAS

GURO: Bb. Prince Lyne Villanueva DISIPLINA: Filipino

PANG-ARAW- ORAS/PETSA MARKAHAN Ikatlong


ARAW NA NG Markahan
BANGHAY-ARALIN PAGTUTURO
SA FILIPINO

LAYUNIN: Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay na Kurikulum.
Sundin ang pamamaraan upang matamo ang layunin, maaari ring magdagdag ng iba pang gawain sa
paglinang ng Pamantayang Pangkaalaman at Kasanayan.Tinataya ito gamit ang istratehiya ng Formation
Assessment.Ganap na mahuhubog ang mga mag-aaral at mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin
dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa Gabay ng Kurikulum at huhubugin ang bawat kasanayan at
nilalaman.
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa mga akdang
Pangnilalaman pampanitikan ng Africa at Persia.
B. Pamatayan sa Ang mga mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa kagandahan ng alinmang
Pagganap bansa batay sa binasang akdang pampanitikan.
C. Mga Kasanayan Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
sa Pagkatuto a) natatalakay ang kahulugan ng anekdota at naiisa-isa ang iba’t-ibang uri nito.
b) nabibigyang kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi (F10PT-IIIB-
77)
c) naipaliliwanag ang gamit ng mga uri ng anekdota; at
d) nakabubuo ng maikling senaryo sa sariling buhay na kapupulutan ng
aral.
II. NILALAMAN:
Ang nilalaman ay ang mga aralin sa bawat linggo. Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro na mula sa Gabay
sa Kurikulum. Maaari itong tumagal ng isa hanggang dalawang linggo.
a.Paksa Anekdota

III. KAGAMITANG PANTURO


Itala ang mga kagamitang panturo ng gagamitan sa bawat araw.Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang
higit na mapukaw ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
a. Sanggunian Internet
1. Mga pahina ng
Gabay ng Guro
2. Mga pahina ng
Kagamitang
Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang https://www.youtube.com/watch?v=ajKvSGsSZlQ
Kagamitan mula
sa portal ng February 24, 2022
Learning
Resources (LR)
b. Iba pang Kagamitang biswal
Kagamitang
Panturo
IV. PAMAMARAAN: Gawin ang mga pamamaraang ito ng buong linggo at tiyakin na may gawain sa
bawat araw. Para sa holistikong pagkahubog gabayan ang mga mag-aaral gamit ang mga istratehiya ng
Formative Assessment. Magbigay ng maraming pagkakataon sa pagtuklas ng bagong kaalaman, mag -isip ng
analitikal at kusang magtaya ng dating kaalaman na iuugnay sa kanilang pang-araw-araw na karanasan.

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG- AARAL


A..Balik – aral sa A. Panimulang Gawain
nakaraang aralin o 1. Panalangin
pagsisimula ng Magsitayo ang lahat para sa isang panalangin
bagong aralin na pangungunahan ni Jhamaica.
Ama, maraming salamat po sa
panibagong araw na
ipinagkaloob mo sa amin.
Salamat po sa iyong pag-iingat
sa amin sa araw-araw. Dalangin
ko po na kami po ay iyong
palaging gabayan. Maraming
salamat po sa lahat ng mga
biyayang dumadating sa buhay
namin. Ama, patawarin mo po
kami sa mga pagakakasalang
nagagawa namin. Nawa po ay
ang inyong presensya ang
maghari ngayong umagang ito.
Ang lahat ng dalangin kong ito
ay iniaalay ko sa matamis mong
pangalan, Amen.

2. Pagbati

Magandang umaga sa inyong lahat. Ako si


Bb. Prince Lyne Villanueva, ang inyong Magandang umaga rin po
magiging pansamantalang guro ngayung madam.
oras na ito.

3. Pagsasaayos ng silid-aralan

Bago kayo magsiupo maaari bang (Aayusin ng mga mag-aaral ang


pakiayos ng linya ng inyong mga upuan at linya ng upuan at pupulutin ang
pakipulot na rin ng kalat sa inyong mga kalat na nasa kanilang
paligid. paligid.)

4. Pagtatala ng Liban

May liban ba sa araw na ito? Walang liban po ngayong araw.

Mainam!

5. Balik-aral

Kahapon tinalakay natin ang tungkol sa


maikling kwento.

Bb. Criscelia, ano nga ulit ang kahulugan


ng maikling kwento? Ang maikling kwento po ay
isang maiksing salaysay hinggil
sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan
ng isa o ilang tauhan at may
iisang kakintalan o impresyon
lamang. Isa itong masining na
anyo ng panitikan
Mahusay!
Tila naunawaan ninyo ang ating tinalakay
nung nakaraan.
B. Paghahabi sa Bilang pagpapatuloy, magkakaroon tayo ng
Layunin ng Aralin pampasiglang Gawain na tatawaging CONNECT
TO EXPRESS na kung saan may mga larawan
akong ipapakita at huhulaan nyo ang bawat isang
larawan upang makabuo ng isang salita o paksa.
Maar i lamang ninyong itaas ang inyong mga
kamay kung alam ninyo ang kasagutan.

Naunawaan ba ninyo ang panuto? Opo.

Mahusay!
Handa na ba kayo? Opo.

Ano ang nakikita ninyo sa mga larawan. Itaas


lamang ang kamay ng gustong sumagot.

A (tataas ang kamay ng mga


sasagot na mga mag aaral)

Bb.Rosemae, ano ang iyong kasagutan?


Madam, base sa unang larawan
makikita po natin na letrang A
lang po ito. Sa pangalawang
larawan naman po ay makikita
na nakahawak ang babae sa
kanyang leeg at ang huli naman
po ay sumisimbolo sa larong
Dota. Kaya naman ang aking
kasagutan kung
pagsasamasamahin ay A NECK
DOTA

Mahusay!

Bigyan natin ng harurut clap si Bb. Rosemae 1,2,3


1,2,3
Ha?
Harurut

Nasiyahan ba kayo sa ating gawain? Opo.

Mainam!
Ang aralin na ating tatalakayin ngayong araw ay
tungkol sa Anekdota. Ngunit bago tayo tuluyang
dumako sa ating aralin ay alamin muna natin ang
mga layunin na kinakailangang makamit sa oras
na ito.
Pakibasa ng mga layunin.

Sa pagtatapos ng aralin, ang


mga mag-aaral ay inaasahang:
a) natatalakay ang
kahulugan ng anekdota at
naiisa-isa ang iba’t-
ibang element nito.
b) nabibigyang kahulugan
ang salita batay sa
ginamit na panlapi
(F10PT-IIIB-77)
c) naipaliliwanag ang
tamang pagsulat
anekdota; at
d) nakabubuo ng maikling
senaryo sa sariling
buhay na kapupulutan
ng aral.

Ngayon ay makakamit lamang natin ang layunin


na ito kung kayo ay magkakaroon ng
kooperasyon.

Makakaasa ba ako? Opo.

Maraming salamat.

C. Pag – uugnay ng Base sa ating ginawang pampasiglang Gawain


mga halimbawa kanina. Nalaman ninyo na Anekdota ang
sa aralin tatalakayin natin ngayong araw na ito.
Sa inyong sariling pagpapakahulugan, ano nga ba
ang anekdota? (tataas ng kamay ang mga mag
aaral na gusting sumagot.)

Joy, ano nga ba ang anekdota base sa iyong


pagpapakahulugan? Ang anekdota ay isang maikling
salaysay ng isang nakawiwili,
naklilibang o patalambuhay na
pangyayari.
Tama!
Ang anekdota ay isang maikling salaysay na may
katotohanan at mayroon din mapupulot na aral.
Ito’y maaaring totoo o kaya’y bunga ng isip na
nagwawakas sa isang katawa- tawang pangyayari.
Ito’y nagbibigay -buhay sa matamlay na usapan
ng mgatauhan ng kuwento.

Ito ay kinapapalooban ng Pitong (7) elemento.


Shiela, maaari mo bang basahin ang unang
elemento?
1. Tauhan
Sa anekdota, kailangang ang
pangunahing tauhan ay isang
kilalang tao. Siya’y maaaring
bayani o isang pangkaraniwang
taong nakagawa ng di-
inaasahang gawain na
nagbigaypangalan sa kanya.

2. Tagpuan
Ailah, ano naman ang ikalawang elemento? Simple at kalimitan ay
nagaganap lamang sa isang lugar
ang tagpuan sa anekdota.

3. Suliranin
Ano naman ang pangatlo peejay?
Ang pangunahing tauhan ang
madalas na magkaroon ng
suliranin sa kuwento.
Bagomagwakas ang isang akda
ay kinakailangang nalutas na ang
suliranin.

Ano ang pangapat na element Bb. Edjhane? 4. Banghay


- Ang banghay sa anekdota ay
malinaw at maikli. Bukod dito,
ang pinakasentro sapangyayari
ay ang nakaaaliw na bahagi na
nakapagbibigay-aliw sa mga
mambabasa o tagapakinig.Sa
banghay matatagpuan ang
panimula, nilalaman, at wakas
ng isang anekdota.

Ano naman ang panglimang element Bb. 5.Tunggalian


Jhamaica?
- Ang anekdota ay nagtataglay
ng tunggalian ng tauhan laban sa
kanyang sarili, sa kanyang
kapwa at sa kanyang paligid.
Ito’y nakapaloob sa banghay
6. Kasukdulan
Ano naman ang ikaanim na element Vina? - Ang kapana-panabik na bahagi
sa anekdota ay ang kasukdulan.
Kadalasan, sa bahaging ito pa
lamang ay natutukoy na ng mga
mambabasa ang magiging wakas
ng kuwento. Ito’y nakapaloob
din sabanghay.

(sabay sabay na babasahin)


7. Wakas

At pampito, pakibasa ng sabay sabay. - Sa bahaging ito ay nailalahad


ang solusyon sa problema ng
pangunahing tauhan. Katuladng
pabula, may aral sa anekdota na
sa wakas lamang ng kuwento
nailalantad.

Maraming salamat!

Ngayun naman ay dumako tayo sa ilang tip kung (babasahin ng sabay sabay ng
paano makasusulat ng tamang anekdota. mga mag aaral)
Basahin ng sabay sabay. 1. Isiping ang pagsusulat ay
isang libangan.
2. Pumili ng mga nakakatawang
pangyayari sa buhay.
3. Gumawa ng balangkas.
4. Simulan sa makatawag
pansing simula.
5. Ipahayag ang suliranin sa
pangalawang talata.
6. Ilahad sa nilalaman ang
pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari.
7. Wakasan ang kwento sa
maikling paraan.
8. Pumili ng pamagat na angkop
sa kwento.

Opo.
Maraming salamat.
Naunawaan po ba ng lahat?
Mainam kung ganon.

D. Pagtalakay ng Ngayon ay bibigyan ko kayo ng mga kopya at ito


bagong konsepto ay inyong babasahin.
at paglalahad ng (babasahin ng mga mag aaral
bagong kasanayan ang ibibigay ng guro)

Ang Tsinelas ni Pepe-Anekdota


ni Jose Rizal

Maganda ang dagat at ang ilog


sa aming bayan sa Laguna.
Bughaw na may halong luntian
kapag walang sigwa. Ang tubig
sa wawa ay napapaligiran ng
mga kawayang sumasayaw na
tila umiindak kapag nahihipan
ng hangin.

Ang mga bangkang may layag


ay parang mga paru-parong puti
na naghahabulan.

Ang bangka ay karaniwang


gawa sa kahoy na inukit sa
matibay na kahoy na nakukuha
sa aming gubat. Kung minsan ito
ay may dalawang katig na gawa
sa matitibay at mahabang
kawayan upang ang bangka ay
hindi gumiwang kapag ito ay
nakatigil sa tubig.

Karamihan sa gamit nito ay


pangingisda nguni't sa aming
lalawigan, ang ay ginagamit
namin sa paglalakbay lalo na sa
pagtawid sa ibayo ng dagat. Mas
mabilis ito kaysa gumamit ng
kalabaw o ng karetela.

Naalala ko pa noon
kasalukuyang kaming nakasakay
sa bangka nang humulagpos ang
isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay
ang gamit namin sa pagpasok at
pagpunta sa mga lakaran kung
saan ang bakya na gawa sa
kahoy ay hindi nararapat.

Mabilis itong inanod sa tubig


bago ko nahabol para kunin.
Malungkot ako dahil iniisip ko
ang aking ina na magagalit dahil
sa pagkawala ng aking tsinelas.
Tiningnan ako ng nagsasagwan
nang kinuha ko ang aking isa
pang tsinelas at dali dali kong
itinapon sa dagat, kasama ang
dasal na mahabol nito ang
kapares na tsinelas.

"Bakit mo itinapon ang iyong isa


pang tsinelas?" tanong sa akin
ng kasamahan ko sa bangka.

"Isang tsinelas ang nawala sa


akin at walang silbi sa
makakakita. Ang isang tsinelas
na nasa akin ay wala ring silbi sa
akin. Kung sino man ang
makakuha ng pares ng tsinelas
ay magagamit niya ito sa
kaniyang paglakad.”

Napatingin ulit sa akin ang


mama. Marahil naunawaan niya
ang isang batang katulad ko.

Bb.Jane, ano ang pamagat ng iyong binasang


sanaysay?
Ang Tsinelas Ni Pepe

Sino ang nagmamay ari ng anekdotang ito Betty?


Dr. Jose Rizal

Bb. Annie, Ano ang aral na hatid ng anekdota ni


Jose Rizal? Ang nais ipahiwatig nito ay
hindi lamang ang sarili natin ang
intindihin natin kundi ang mga
tao na sa tingin mo ay mas
mangangailangan ng mga bagay
na mayroon ka.

Mahuhusay!

E. Pagtalakay ng
bagong konsepto
paglalahad ng
bagong
kasanayan # 2
F. Paglinang sa Ngayon ay magkakaroon tayo ng pangkatang
kabihasaan gawain na kung saan pipili kayo ng isang
(Tungo sa karanasan sa inyong buhay na kapupulutan ng
Formative aral ng nakararami. Papangkatin ko kayo sa
Assessment) dalawang grupo. At pumili ng isa hanggang
dalawaa na mag pepresent sa unahan ng inyong
nabuong sanaysay.

Bibigyan ko kayo ng 5 minutoupang maghanda.

Naunawaan ba ang aking instraksyon?


Opo.
Narito ang kraytirya para sa inyong gagawin.

Krayterya Lubhang Kahika-hikayat Hindi gaanong


Kahika-hikayat kahika-hikayat
Tindig Akma ang May ilang Kulang ang
bawat kilos at galaw at kilos kilos na
galaw na hindi ipinapakita
gaanong
angkop
Bigkas Malinaw ang Malinaw ang Hindi gaanong
bigkas. bigkas malinaw ang
Napalutang bagamat may pagbigkas sa
nito ang ilang bahagi mga salita.
namamayani dito ba hindi
nito gaanong
nabigkas

Taglay nito Taglay ang Hindi gaanong


Panghikayat sa ang hikayat sa nahihikayat
Madla panghihikayat madla ngunit ang mga madla
sa madla at katamtaman dahil walang
nakikinig dahil lamang ang gaanong
sa naging reaksyon ng reaskyong
reaksyon ng madla makikita sa
tagapakinig kanila
Kaangkupan Angkop na Angkop sa Hindi angkop
ng paksa angkop sa paksa ang sa paksa ang
paksa ang mga ilang mga mga
pangyayari pangyayari pangyayari

Maaari na kayong magsimula.

(pagtapos ng 5 minuto)

Tapos na ba ang lahat?

Opo.

Kung ganun ay simulant na natin sa unang grupo.


Maaari na kayong pumunta sa unahan.
(pupunta sa unahan ang unang
grupo upang magtanghal)
Mahusay!
Bigyan n gang galing galing clap.

1,2,3
1,2,3
Ang galing galing!

Ngayun ay dumako naman tayo sa pangalawang


grupo. (pupunta sa unahan ang
pangalawang grupo upang
magtanghal)

Magaling!
1,2,3
Bigyan natin sila ng money clap
1,2,3
Clap clap clap

Maraming salamat sa inyong kooperasyon.


Batid kong naunawaan na ninyo an gating
tinalakay.
G. Paglalapat ng Dumako tayo sa halimbawang anekdota na
Aralin sa Pang- tinalakay natin kanina.
araw – araw na
buhay Anelyn, ano ang iyong natutunan sa aral na hatid
ng anekdota ni Jose Rizal? Na huwag sarili lang ang isipin
palagi kundi isipin rin ang
kalagayan ng mga taong
tumulong sayo noon na
nangangailangan din ngayun.

Tama!
Maraming salamat!

Huwag nating husgahan ang


kilos ng bawat tao dahil ang
lahat ng ito ay may dahilan.
Tama!

Ano naman ang iyong pananaw ukol sa


Paguugali na ipinakita ng may akda Jhamaica?
Na hindi parin sapat ang maging
stable ka sa buhay kung
nakikitamo ang ibang tao na
nadurusa at walang wala.
Mas nangangailangan ang mga
ganitong uri ng tao at turuan sila
sa matuwid na landas.

Tama!
Higit na nangangailangan ng paggabay ang mga
taong naliligaw ng landas at ang katuruan ng
Diyos ang magsisilbing direksyon nito. Huwag
din nating husgahan ang ibang tao batay sa kung
ano lamang ang nakikita natin sa kanila.

Naunawaan ba?
Opo.

H. Paglalahat ng Muli nating balikan ang aralin na tinalakay natin


Aralin ngayong araw.

Cedrick, Ano ang kahulugan ng anekdota? Ang anekdota ay isang maikling


salaysay na may katotohanan at
mayroon din mapupulot na aral.
Ito’y maaaring totoo o kaya’y
bunga ng isip na nagwawakas sa
isang katawa- tawang
pangyayari. Ito’y nagbibigay -
buhay sa matamlay na usapan ng
mgatauhan ng kuwento.
Ano ang pitong elemento nito Allan?
Isa isahin

.1. Tauhan
2. Tagpuan
3. Suliranin
4. Banghay
5.Tunggalian
6. Kasukdulan
7. Wakas

Tama!
Lubos na nga ninyong naunawaan ang naging
aralin natin ngayong araw.

Kung gayon ay kumuha ng isang malinis na papel


I. Pagtataya ng aralin at magkakaroon tayo ng maigsing pagsusulit.

Maaari na kayong magsimula sa pagsasagot.

Panuto: Isulat ang T kung tama ang pahayag at M


naman kung mali.

1. Isiping ang pagsusulat ay isang libangan.


2. Pumili ng mga nakakatawang pangyayari sa
buhay.
3. Ipahayag ang suliranin sa pangalawang talata.
4. Ilahad sa nilalaman ang pagkakasunud-sunod
ng mga pangyayari.
5. Wakasan ang kwento sa maikling paraan.
Susi sa mga katanungan:
1.tama
2.tama
3.tama
4.tama
5.tama

Ipasa ang papel pauna.


(ipapasa ang papel pauna)
J. Karagdagang Karagdagang Gawain:
Gawain at Takdang- Gumawa ng anekdota patungkol sa iyong sarili at
Aralin isulat ang aral nito sa hulihang bahagi ng iyong
sanaysay.

May mga katanungan po ba o nais pang linawin? Wala na po.

Kung ganon, Bago tayo magtapos,


Sabay sabay muli nating basahin ang ating
layunin sa oras na ito.

(sabay sabay na babasahin)

Sa pagtatapos ng aralin, ang


mga mag-aaral ay inaasahang:
a) natatalakay ang
kahulugan ng anekdota at
naiisa-isa ang iba’t-
ibang element nito.
b) nabibigyang kahulugan
ang salita batay sa
ginamit na panlapi
(F10PT-IIIB-77)
c) naipaliliwanag ang
tamang pagsulat
anekdota; at
d) nakabubuo ng maikling
senaryo sa sariling
buhay na kapupulutan
ng aral.

Maraming salamat!

Magsitayo ang lahat.

(tatayo ang mga mag-aaral)


Paalam na sa inyong lahat.
Muli, ako si Bb. Prince Lyne Villanueva ang
inyong naging guro sa oras na ito.

Paalam na po.
V. MUNGKAHI

VI. REPLEKSYON: Magnilay sa iyong mga istratehiyang panturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga
mag-aaral sa bawat lingggo. Paano mo naisakatuparan. Ano pang tulong ang maaari mong gawin upang sila’y
matulungan? Tukuyin ang maaari mong itanong/ilahad sa iyong supebisor sa anumang tulong na maaari
nilang ibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng Mag-aaral na
nakakuha ng 80% resulta ng
pagtataya
B. Bilang ng Mag-aaral na
nangangailangan ng
paggabay ng guro (bawat
pangkat)
C. Nakatutulong ba ang
remedyasyo sa pagkatuto ng
mag-aaral?
D. Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa
remedyasyon
E. Alin sa aking mga
estratehiya ang epektibong
gamitin? Bakit nasabing ito
ay epektibo?
F. Anong mga kahinaan ang
aking naranasan?
G. Anong inobasyon o local na
kagamitan sa pagtuturo ang
iyong ginamit o tinuklas na
maaari mong ibahagi sa iba
ang guro?

Inihanda ni:
Bb. Prince Lyne Villanueva
Gurong Nagsasanay

Iniwasto ni: Mga Komento at Mungkahi

G. Lichfield V. Velasquez, LPT


Gurong Tagapagsanay

You might also like