AGRIKULTURA-5 Q3 Mod8 USLeM-RTP

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Department of Education

NATIONAL CAPITAL REGION

Edukasyong Pantahanan
at Pangkabuhayan
Agriculture

Baitang Lima

PAMANTAYAN NG PAGKATUTO:
LO 1. 2 Natutuos ang Puhunan, Gastos at Kita
EPP5AG-0j-18

1
PAANO GAMITIN ANG SLeM
Bago simulan ang SLeM, kailangang isantabi muna ang lahat ng
inyong pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing
pag-aaral gamit ang SLeM na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na
nasa ibaba para makamit ang layunin sa paggamit nito.

Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng SLeM.

Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong


kwaderno. Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali
mong matatandaan ang mga araling nalinang.

Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa SLeM.

Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.

Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang


malaman ang antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung
may kakailanganin ka pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang
ang aralin. Lahat ng iyong natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na
gawain.

Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang SLeM.

NATUTUOS ANG PUHUNAN, GASTOS AT KITA

Inaasahan
Sa SLeM na ito inaasahang:

1. maitatala mo nang wasto ang mga ipagbibiling mga alagang isda o hayop;
2. makapagtutuos ka nang gastos at kikitain; at
3. mapahahalagahan mo ang bawat perang kinita.

2
Unang Pagsubok

Upang masubok kung gaano kalawak ang iyong pag-unawa sa modyul na


ito, sagutan ang mga sumusunod na tanong. Ang mga maling sagot ay
maiwawasto mo habang pinag-aaralan ang modyul na ito.

PANUTO: Basahin ang bawat aytem at tukuyin ang mga salitang bubuo
sa ideya ng bawat pangungusap. Piliin ang iyong sagot mula sa word loop.

1. Ang _____________ ang tumutukoy sa halaga ng pagbebenta sa mga


alagang hayop.
2. Ang _________________ ang paglilista ng mga datos.
3. Ang _____________ ang pera na naidadagdag sa puhunan.
4. Ang ___________________ ang tumutukoy sa mga ginasta bilang panimula
sa isang negosyo.
5. Ang ________________ ang listahan ng mga datos tulad ng uri ng alaga,
dami, puhunan, presyo at kita.

3
Balik-Tanaw

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod. (5 puntos bawat aytem)

1. Bakit kailangang gumawa ng mga stratehiya sa pagsasapamilihan ng


mga alagang hayop o isda?
____________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga istratehiya sa pagsasapamilihan?

MGA ISTRETEHIYA SA PAGSASAPAMILIHAN NG PRODUKTONG


ISDA

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Dahil sa pag-usbong ng mga makabagong teknolohiya at kaalaman, ang


mga tao ay nagiging moderno na sa pamamaraan kung paano kumita at
magnegosyo. Maraming mga Pilipino ngayon ang hitik sa kaalaman o bagong
mga produkto na maaaring ipagbili sa mercado o palengke at ibang online
market place.
Ngunit hindi lahat ay pinapalad na lumaki o magtagal ang negosyong
nasisimulan. Isa sa mga dahilan ay ang hindi tamang paghawak ng pera o kita
kaya ang isang negosyo ay nalulugi o nagsasara.
Ang araling ito ay naglalaman ng mga impormasyon kung papaano natin
mapapalago ang ating negosyo sa pamamagitan ng tamang pagtatala ng ating
gastos, puhunan at kita.

4
Ito ay makakatulong ng higit sa mga nagbabalak magnegosyo upang di
malugi at upang matuto din tayong humawak o gumastos ng pera ng naayon sa
ating kita. Basahin at tandaan ang mga sumusunod na mga saalita.

 Presyo/ Halaga- tumutukoy ito sa halaga ng pagbebenta sa mga alagang


hayop/isda.
 Pagtatala - ang paglilista ng mga datos.
 Kita - ang pera na naidadagdag sa puhunan.
 Puhunan - tumutukoy sa mga ginasta bilang panimula sa isang negosyo.
 Talaan - listahan ng mga datos tulad ng uri ng alaga, dami, puhunan,
presyo at kita.

Gawain

Panuto : Basahin ang maikling kwento.

Ang pamilya Santos ay may malaking palaisdaan o fish pond sa kanilang


bukid. Naisipan nilang ipagbili ang mga alagang tilapia at bangus upang
makadagdag ng kita para sa pamilya. Suriin ang kanilang talaan.

https://bit.ly/3jQjPba

5
500+90

500+75

Php 3360 Php 1165

Php 2195

Halimbawa ng Hakbang sa Pagkukwenta:


A. 1 kilong Tilapya----------------Php 70.00
Plastic--------------------------Php 5.00
Kabuuan----------------------Php 75.00- puhunan

B. Puhunan--------------------- Ph 75.00
Patong na bahagdan-----x Php0.15 (15%-patong na itinakda ng batas)
Php 11.25
C. Halaga ng pagbebenta------Php 70.00
+ Php 11.25
Php 81.25
D. Halaga ng naipagbili = Bilang ng naipagbili x Presyo ng naipagbili

E. Kabuuang kita = Kabuuang naipagbili – Puhunan

Tandaan

Nakakatulong ang pagtatala at wastong pamamahala ng mga produkto


sa mga gustong magsimula ng negosyo upang mabantayan ang kanilang
kita, puhunan at gastos. Malaking tulong ito upang hindi agad malugi o
magsara ang negosyo.

6
Pag-alam sa mga Natutuhan

Panuto: I-kompyut ang mga sumusunod at gawan ng talaan.

Ang pamilya Santos ay may manukan sa kanilang likod bahay.


Nais nilang ipagbili ito sa palengke. Mayroon silang 10 kilong quarter
leg Php 150.00/kilo, 5 kilong pang isaw Php 70.00/kilo, 3 kilong dugo
Php 70.00/kilo at 76 piraso ng itlog Php 5.00/kilo. Magkano ang
kanilang kikitain? (10 puntos)

Uri ng Dami ng Naipagbili Halaga ng Puhunan


Produkto kilo naipagbili
Bilang Presyo
Quarter
Leg
Isaw
Dugo
Itlog
Kabuuan
Kabuuang Kita

Pangwakas na Pagsusulit

A. Panuto: Isulat sa kwaderno ang TAMA kung ang pangungusap ay


nagpapakita ng maayos na pagtatala sa gastos, kita at puhunan. Isulat
naman ang MALI kung ito ay hindi nagpapakita ng maayos na pagtatala
ng gastos, kita at puhunan. Salungguhitan ang maling salita at itama
ito.

__________1. Kung ikaw ay may planong magbenta ng alagang hayop/isda, kailangan


mong gumawa ng talaan iyong gastos at puhunan.

__________2. Ang matagumpay na negosyo ay nagsisimula sa disiplina sa pera.

__________3. Ang paggastos ng labis galing sa kita at puhunan ay isang kawili wiling
gawain sa negosyo.

__________4. Ang pag-iimpok ng kita mula sa negosyo ay dapat matutunan para

7
mapahalagahan ang perang kinita at pinaghirapan.
__________5. Hindi na kailangan ang pagtatala ng datos sa iyong ibebenta para
masubaybayan mo ang iyong kita.

B. Panuto: - Magsulat ng isang talata na naglalaman ng tatlong dahilan o


higit pa kung bakit kailangan nating gumawa ng talaan ng ating puhunan,
gastos, at kita. Ibahagi din ang iyong ideya kung papaano mo
mapapahalagahan ang pera sa iyong kita. Isulat ang iyong sagot sa (10
puntos )
__________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_________________________________________.

https://bit.ly/3hKAZVV

Rubrics:
10 puntos- nakapagbigay ng higit sa tatlong dahilan bakit kailangang
gumawa ng talaan at kahalagahan ng pera mula sa kita.
5 puntos- nakapagbigay ng dalawang dahilan bakit kailangang gumawa
ng talaan at kahalagahan ng pera mula sa kita.
3 puntos- nakapagbigay ng isang dahilan bakit kailangang gumawa ng
talaan at kahalagahan ng pera mula sa kita.

Sanggunian

-K-12 CG p20-EPP5AG-Oj-18
- Gloria A. Peralta, EdD., et.al.2016. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran,
Quezon City, Philippines: Vibal Group, Inc.
pp. 97-98

-Evelyn Deloso-Deliarte, et.al.2016. Makabuluhang Gawaing Pantahanan at


Pangkabuhayan, Quezon City, Philippines: Adriana Publishing Co.,Inc.
pp. 154-155

8
Inihanda ni:
Manunulat ng SLeM:
KAREN ANN V. LIBAN
Guro I
Paaralang Elementarya ng Tandang Sora
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod: Lungsod ng Quezon

Manunulat ng Activity Sheet:


DINDO B. CORCILLES
Dalubguro 1
Paaralang Elementarya ng Masambong
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod: Lungsod ng Quezon

Tagaguhit:
ALLAN E. DE PAZ
Guro I
Paaralang Elementarya ng Marcelo H. Del Pilar
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod: Lungsod ng Caloocan

Tagasuri ng Wika:
MELLANY R. ARANDIA
Dalubguro I
Paaralang Elementarya ng Comembo
Sangay ng mga Paaralang Panlungsod: Lungsod ng Makati

9
10
Unang Pagsubok
1. PRESYO
2. PAGTATALA
3. KITA
4. PUHUNAN
5. TALAAN
BALIK-TANAW
1. DIRECT SELLING
2. ONLINE SELLING
3. GAMIT ANG FLYERS
PANG-ALAM SA MGA NATUTUHAN
Uri ng Dami Naipagbili Halaga ng Puhunan
Produkto ng naipagbili
kilo
Bilang Presyo
Quarter 10 10 150 1500 50
Leg plastic
Isaw 5 5 70 350 50
plastic
Dugo 3 3 70 210 30
plastic
Itlog 76 76 5 380 120 tray
Kabuuan 2440 250
Kabuuang Kita 2190
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT
A
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Mali
B. ( tanggapin ang sagot na akma sa tanong)
SUSI SA PAGWAWASTO:

You might also like