Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

BATAAN MONTESORRI SCHOOL INC.

Central, Balanga City

Ikalawang Mahabang Pagsusulit sa Filipino 4


ACHIEVEMENT/FULFILLMENT

Pangalan: Iskor:
Ika- ng Oktubre,2019

I. Uri ng Sugnay
A. Salungguhitan ang suganay na makapag-iisa sa bawat
pangungusap.
1. Ang mga mag-aaral ay abala dahil sila ay may darating na
pagsusulit.
2. Upang makapasa sila, lubos ang kanilang pagrerebyu.
3. Kung ako ang tatanungin, lahat sila ay makakapasa sa pagsusulit.
4. Ang mga guro ay matutuwa kapag sila ay makapasa.
5. Lalong matutuwa ang gobernador ng bayan kapag pumasa ang
kanyang mga iskolar.

B. Bilugan ang sugnay na di-makakapag-iisa sa bawat pangungusap.


1. Upang matuloy ang pagdiriwang, kailangan nilang makapasa sa
pagsusulit.
2. May gaganaping Halloween Celebration ang BMSI kung matapos
ang lahat ng kanilang pagsusulit.
3. Nagpagpasyahan na maging isang buong araw na ang
pagdiriwang dahil natuwa ang mga guro ng paaralan.
4. Masayang masaya ang mga mag-aaral kaya nagpasalamat sila.
5. Kung ikaw ay isang mag-aaral ng ng BMSI, masaya ka rin ba?

C. Dugtungan ng angkop na sugnay ang bawat bilang. Isulat sa linya ang


SNM kapag ang iyong isinulat ay isang sugnay na makapag-iisa at
SNDM naman kung ito’y sugnay na di-makapag-iisa.

1. Upang guminhawa an gating buhay,___________________

___________________________________________________.

2. Lahat ng tao ay nagtatagumpay ,______________________

___________________________________________________.
3. Magiging masaya ang magulang,_____________________
___________________________________________________.

4. Kapag pumasa ka,__________________________________

___________________________________________________.

5. Mag-aral ka nang mabuti,____________________________

___________________________________________________.

D. Gamitin sa pangungusap ang mga pangatnig sa ibaba.

1. kapag-________________________________________________

_______________________________________________________.

2. Upang-________________________________________________

_______________________________________________________.

3.Kaya-________________________________________________

_______________________________________________________.

4. dahil-________________________________________________

_______________________________________________________.

5. kung-________________________________________________

_______________________________________________________.

II. Bahagi ng Liham Pangkaibigan

A.Isulat ang T sa linya kung tama ang isinasaad ng bawat pahayag at


kung mali, salungguhitan ang salitang nagpamali rito at isulatr sa
linya ang tamang sagot.

1. Makikita sa bating panimula ang numero ng


bahay, kalye, lalawigan, at petsa kung kailan
isinulat ang liham.

2. Ang bating pangwakas ay ang huling


pamamaalam ng taong sumulat ng liham.

3. Makikita sa lagda ang pangalan ng taong


sinusulatan.

4. Ang pamuhatan ay naglalaman ng mga nais


sabihin ng sumulat.

5. Ang katawan ng liham ay naglalaman ng


mensahe para sa taong nais niyang sulatan.

B. Tukuyin ang bahagi ng liham sa tinutukoy sa bawat bilang. Isulat sa


linya ang iyong sagot.

1. Dennis

2. Ang iyong Kaibigan,

3. 175-E Imelda Veteranos St.


Barangay Masagana
Negros Occidental
4. Mahal kong Kaibigan,

5. Kumusta ka na? Sana ay masaya ka sa


iyong tinahak na landas ngayon. Nais ko
sanang makita ka sa darating na bakasyon.
Sana ay magkita tayong muli. Aasahan ko ang
iyong presensya.

C. Isulat nang wasto ang liham pangkaibigan na nasa titiki B.


__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________,

___________________________________,
__________________________

III. Pagsasaling Wika


Isulat sa Wikang Filipino ang mga salitang nakasulat sa wikang
Ingles.
1. January-
2.February- _____
3. March- _________
4.April- _________
5.May- _________
6.June- _________
7.July- _________
8. August- _________
9.September- _____
10.October- _____
11.November- _____
12.December- _____

VI.Pagbasa
A. Talasalitaan: Piliin sa kahon ang kahulugan ng mga salitang
nakasalungguhit. Isulat sa linya ang titik ng sagot.

a. nanalo d. umalis

b.sumagot e. nasabi

c. natigil f.umiyak nang malakas

1. Walang nasambit ang bata kundi pasasalamat sa

mga taong tumulong sa kanila.

2. Ang ina ay napahagulhol nang makita ang anak


na halos hindi humuhinga.

3. Siya ay nagwagi ng unang gantimpala sa

patimpalak pag-awit sa kanilang barangay.

4.Bakit hindi ka umiimik nang tanungin ka ni

Brenda?

5. Ang aming pagtatalo ay nauntol nang dumating

sina tatay at nanay.

Basahin

“Sa Oras ng Kagipitan”

Hindi na nagisnan ni Benjo ang kaniyang ina at dalawang kapatid.


Tinanghali siya ng gising. Paano kasi napuyat siya sa kaiisip sa usapang
hindi niya naman sinasadyang napakinggan nang nagdaang gabi.

“Mga anak,” wika ni Aling Sita,”naipagpasya ko nang patigilin muna


kayo sa pag-aaral sa taong ito.”

“Ho?” Pagulat na nasambit ni Alona na panganay sa tatlong magkakapatid


at nasa huling taon na sa kolehiyo sa darating na pasukan. “Bakit po aki
ninyo pahihintuinsa pag-aaral gayong malapit na akong makatulong sa inyo
at sa aking mga kapatid?”

“Siyanga naman po, Inay. Kung kami po’y titigil sa pag-aaral, lalong
matatagalan bago kami makatapos,” salo ni Reynard.

“Mga anak,” umiiyak nang sagot ng ina, “maaaring hindi ninyo ako
naiintindihan. Masakit sa akin na kayo’y aking patigilin. Pero hindi na natin
kaya ang malaking bayarin sa paaralan. Napakatumal ngayon ng benta ko
sa palengke kaya maliit ang aking kinikita. Sa pakiramdam ko’y hindi ko na
kayang ipunin ang paunang-bayad ninyo sa enrolment. Kung buhay lang
sana ang inyong ama.” At napahagulhol aang ina dala ng awa sa dalawang
anak.

Nauntol ang pagdidilidili ni Benjo nang marinig ang putak ng mga


alagang manok. Dali-dali siyang bumaba at tinungo ang kanyang
manukan.Pinatuka niya ang mga alagang manok, nilinis ang lalagyan ng
inumin at nilagyan ng malinis na tubig. Nanguha siya ng dahon ng ipil-ipil
at inilagay sa patukaan Nagwawalis na siya sa paligid ng manukan nang
may narinig siyang tumatawag sa geyt.

“Kayo pop ala, Kapitan.Magandang umaga po. Tuloy po Kayo.”

“Magandang araw rin . E, nariyan ba ang nanay mo?”

“Wala po nasa palrngkr po.”

“Kumusta naman ang iyong manukan?”

“Mabuti naman po. Halos lahat po’y nangingitlog na.”

“Siyanga? Magandang balita iyan. Pero meron din akong magandang


balita para sa iyo, Benjo,” usal ng kapitan habang tiunatapik-tapik ang bata
sa balikay.” Natatandaan mo pa ba iyong mga taong dumalaw noon sa
iyong manukan? Di ba’t punuri pa nila ang malinis mong mga manok pati
na ang kulunga’t paligid nito?”

“Opo, matagal nap o iyon.”

“Alam mo ang iyong manukan ang naging kalahok n gating barangay


sa patimpalak-panlalawigan. At nanalo ka!”

“Ho? Totoo po?” wari’y hindi makapanilawang usal si Benjo.

“Oo nagwagi ka ng sampung libong piso at ganoon ding halaga ang


ibibigay sa ating barangay,”wika ng kapitan.

Nanatiling nakatayo at hindi umiimik si Benjo. Nasa isip niya ang dalawang
kapatid na kapwa nalulumbay sanhi ng balitang pagtigil nila sa pag—aaral.

“Benjo, bakit wala ka nang kibo?”

Tumingala si Benjo sa kapitan at sa labis na kagalakan, napayakap siya sa


matanda.

“Salamat po, Diyos ko! Makakapag-aral din ang mga kapatid ko.”

B. Pagtukoy sa Katangian ng Tauhan


Tukuyin ang katangiang isinasaad sa bawat bilang. Isulat sa linya ang
titik ng tamang sagot.
1. Iniisip ni Benjo ang narinig niya noong isang gabi na pahihintuin sa
pag-aaral ang kanyang mga kapatid. Si Benjo
ay____________________.
a. maalalahanin b.masiyahin c.maalagain
2. Dali-dali siyang bumaba at tinungo ang kanyang manukan.
Pinatuka niya ang mga alagang manok, nilinis ang lalagyan
ng inumin at nilagyan ng malinis na tubig. Si Benjo
ay isang __________________.
a. iresponsable b.responsable c. matulungin
3. Tumingala si Benjo sa kapitan at sa labis na kagalakan, napayakap
siya sa matanda. Si Benjo ay isang _____________________.
a. masama b.tamad c.masiyahin

C. Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Paano ipinakita ni Benjo ang kanyang pagmamahal at
pagmamalasakit sa mga kapatid?
a. Hinayaan niyang huminto sa pag-aaral ang kanyang mga
kapatid.
b. Naging masaya siyang hihinto ang kanyang mga kapatid.
c. Inialay niya ang perang napanalunan niya sa kanyang mga
kapatid.

2. Paano inalagaan ang kanyang manukan?


a. Pinapakain niya ito araw-araw an nililinisan.
b. Hindi niya ito binibisita at pinababayaan lamang.
c. Kinakantahan niya ito buong araw at nilalaro.
3. Ano ang magandang balita ng kanilang kapitan kay Benjo?
a. Ibinalita niya na nagwagi ang manukan ni Benjo ng sampung
libo.
b. Ibinalita niya na hindi na makakahinto sa pag-aaral ang
kanyang mga kapatid.
c. Sinabi nitong isasali niya ang kanyang mga alagang manok
sa isang kompetisyon.
C. Sagutin ang mga tanong.
1. Kung ikaw si Benjo, ano ang iyong mararamdaman kapag nalaman
mong hihinto kayo ng iyong mgs kapatid sa pag-aaral? Ipaliwang
ang iyong sagot.

_______________________________________

2. Sa iyong palagay bakit pinamagatan itong “Sa Oras ng Kagipitan”?

___________________________________________

-------mas magandang itama ang mga sagot na walang kasiguraduhan----

“Isang malaking pagkakamali sa buhay ay ang


magtagumpay ka sa isang pagsubok na hindi mo naman
pinaghirapan...”
Pagpalain Nawa Kayo ng Poong Maykapal!
Inihanda ni: Teacher Jossel

You might also like