Professional Documents
Culture Documents
Ang Rebolusyong Industriyal
Ang Rebolusyong Industriyal
Taong 1700 at 1800 nang nagkaroon ng malaking pagbabago sa aspektong agrikultura at industriyal sa mga bansa sa Europe at sa
United States. Ang transportasyon na ito ay nakilala sa katawagang Rebolusyong Industriyal dahil pinalitan nito ang gawaing manwal
sa mga kabukiran ng mga bagong imbentong makinarya. Nagbigay ito ng malaking produksiyon sa mga bansa, karagdagang kita at
pamilihan ng kanilang mga yaring produkto.
-Ito ay panahon ng pagbabago kung saan ginagamit ang mga makinarya para palitan ang manwal na pagtatrabaho.
- Nagsimula ang Rebolusyong Industriyal noong 1760 sa Great Britain at lumaganap sa Kanlurang Europe at United States
-Naghatid ito ng pag-unlad sa komunikasyon transportasyon, agham at agrikultura.
SIMULA NG INDUSTRIYALISASYON
1. Nagkaroon ng malaking pagbabago kung paano ginagawa ang mga bagay-bagay
2. Ang mga produkto ay nagsimulang gawin sa mga pabrika.
3. Nadagdagan ang mga imbensiyon na nagpabilis sa produksyon.
4. Unang nakinabang mula sap ag-unlad ng produksyon ay ang industriya ng tela.
5. Bunga ito ng pagtaas sa pangangailangan sa balat at iba pang uri ng tela.
Bunga ng mga sumusunod na imbensyon ay tumaas ang produksyon ng cotton noong 1850. Pag-unlad ng industiya ng tela ang
naghatid sa iba pang imbensyon na nagpaunlad sa industriyalisasyon gaya ng “steam engine”
3. URBANISASYON
Ang paglago ng mga pabrika ang naging dahilan upang magtungo ang mga tao sa mga bayan at lungsod. Halos dumoble ang
populasyon ng mga bayan at lungsod sa Europe mula 1800 hanggang 1850.
5. PAGSIBOL NG KOMUNISMO
Nagdulot ng iba’t ibang pagbabago ng industriyalisasyon. Habang ang mga manggagawa ay nagtatrabaho sa loob ng
mahabang oras at may mababang sahod ang mga nagmamay-ari ng mga pabrika ay lalong yumaman.
Nagkaroon ng malaking pagbabago sa pamumuhay ng mga tao sa dahilang naging mabilis ang kanilang produksyon at ito’y lumaki.
Naging daan ito upang sila’y magkaroon ng malaking kita at mapaunlad ang kanilang pamumuhay.