Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

San Isidro National High School

San Isidro, Sergio Osmena, Zamboanga del Norte


EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
QUARTER 3(Week 3)

PANGALAN: _______________________________________________________ PETSA: ____________


BAITANG AT SEKSYON: ____________________________________________ ISKOR: ____________

Sa modyul na ito ay matutukoy ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-
aaral.
a. Ang paulit-ulit na pagsasabuhay ng mga mabuting gawi batay sa mga moral na halaga ay patungo sa
paghubog ng mga birtud (acquired virtues). EsP7PBIII-b-9.3

Ang pagpapahalaga o (values) ay nagmula sa salitang latin na valore na nangangahulugang pagiging


malakas o matatag at pagiging makabuluhan opagkakaroon ng saysay o kabuluhan. Mula sa ugat ng salitang ito,
mahihinuha natin na ang isang tao ay kailangang maging malakas o matatag sa pagbibigay halaga sa anumang
bagay na tunay na may saysay o kabuluhan. Halimbawa , mapahalagahan ang pag-aaral kung paglalaanan ito ng
iyong pagsisikap at pagtitiyaga na may kalakip na sakripisyo. Hindi kailanman maangkin ang pagpapahalagang
ito kung hindi tayo magiging matatag o malakas sa aspetong pisikal, pangkaisipan, ispirituwal, sosyal at
emosyonal. Ang bawat tao ay maaring may iba’t ibang pakahulugan sa salitang pagpapahalaga. Nagdedepende
sa katayuan at kagustuhan buhay ng isang tao.
Ayon naman sa mga sikolohista, ang pagpapahalaga ay anumang bagay na kaibig-ibig, kaakit-akit
kapuri-puri, kahanga-hanga at nagbibigay inspirasyon, magaan at kasiya-siya sa pakiramdam, at
kapakipakinabang. Ito ay naghihhikayat at gumagabay para pumili at gawin ang partikular o tiyak na layunin
para sa ikabubuti at ikakaunlad sa indibidwal. Ayon sa tradisyon, ang halaga ay tumutukoy sa saligan o
batayang kilos o gawa at sa ubod ng paniniwala. Ang mabuti ay ang mga bagay na hinahangad at
pinaghihirapang makamit na hindi nakapinsala o nakakasakit sa ating sarili at sa kapwa. Halimbawa nito ay
paggalang sa nakakatanda, pagiging makapamilya, paggalang sa buhay at iba pa.

May apat na katangian ang pagpapahalaga.


1. Immutable at objective. Ibig sabihin, hindi nagbabago ang mga pagpapahalaga dahil ang mga ito, lalo na
ang nasa higit na mataas na antas, ay mga kalidad kung saan nakasalalay ang pagkatao. Halimbawa:
pagpapahalaga sa kalusugan.
2. Sumasaibayo (transcends) sa isa o maraming indibidwal. Halimbawa: pagkuha ng isang kursong pinili.
3. Nagbibigay direksyon sa buhay ng tao. Halimbawa: gawin ang mga paraan upang makamit ang pagkakaroon
ng mabuting kinabukasan.
4. Lumilikha ng kung ano ang nararapat (ought-to-be) at kung ano ang dapat gawin (ought-to-do)

Dalawang uri ng pagpapahalaga:


1. Ganap na pagpapahalagang Moral ( Absolute Moral Values). Ito ay nagmula sa labas ng tao. Ito ay
pangkalahatang katotohanan (Universal Truth) na tinatanggap ng tao bilang mabuti at mahalaga. Ito ay ang mga
prinsipyong etikal (Ethical Principles) na kanyang pinagsisikapang makamit at mailapat sa pang araw-araw na
buhay. Ito ay katanggap tanggap at makabuluhan sa lahat ng tao anuman ang kanyang lahi o relihiyon. Ito ang
nagbubuklod sa lahat ng tao sa Diyos. Halimbawa: paggalang sa dignidad ng tao, pag-ibig, katarungan,
kapayapaan, paggalang sa anumang pag-aari, paggalang sa buhay ng tao, kalayaan at iba pa.
2. Pagpapahalagang Kultural na Panggawi ( Cultural Behavioral Values). Ito ang pagpapahalagng nagmula
sa loob ng tao. Ito ay maaring pansariling pananaw ng tao o kolektibong paniniwala ng isang pangkat kultural.
Ang layunin nito ay makamit ang mga dagliang pansarili o pampangkat na tunguhin (Immediate Goals).
Kasama rito ang pansariling pananaw, opinyon, ugali at damdamin. Halimbawa: bilang pilipino dapat ipapakita
natin ang ating pagkapilipino bilang konserbatibo at katatagan ng kalooban sa panahon ng kahirapan at
pagsubok sa buhay.

Mga katangian ng Ganap na Pagpapahalagang Moral:


1. Obhetibo. Ito ay naayon kung ano ito (What Is), ano ito noon, (has been) at kung ano ito dapat (Must Be). Ito
ay nananatili kahit pa hindi ito nakikita o iginagalang ng ilan.
2. Pangklahatan. Ito ay sumasaklaw sa lahat ng tao kilos at kondisyon o kalagayan. Hinango mula sa batas
Moral. Ito ay katanggap-tanggap sa lahat ng tao sa mundo, sa lahat ngpagkakataon, at sa lahat ngkultura dahil
ito ay nakabatay sa pagkatao ng tao na pangkalahatan.
3. Eternal. Ito ay umiiral at mananatiling umiiral. Hindi ito magbabago kahit limipas man ang mahabang
panahon. Nagbabago ang panahon, ang paniniwala, mithiin, pangangailangan at layon ng tao ngunit hindi parin
magbabago nito ang ganap na halagang moral.

Mga katangian ng pagpapahalagang kultural na panggawi


1. Subhetibo. Ito ay pansarili o personal sa individual. Ito ay ang personal na pananaw ugali o hilig na bunga ng
pag-udyok ng damdamin.
2. Panlipunan (Societal). Ito ay naiimpluwensihan ng pagpapahalaga ng lipunan-ang nakagawiang kilos o asal
na katanggap-tanggap sa lipunan.
3. Sitwasyonal (Situational). Ito ay nakabatay sa sitwasyon, sa panahon at pangyayari. Ito ay madalas na nag-
uugat sa bubhetibong pananaw sa kung ano ang mapakikinabangan o hindi. Ang madalas na pagpili ay
ibinabatay sa kung ano msa kaaya-aya, kapuripuri sa lipunan.
Birtud (Virtue). Ito ay galing sa salitang Latin na virtus (VIR) na nangangahulugang “Pagiging Tao”, pagiging
matatag at malakas. Ito ay dahil tanging tao lamang ang biniyayaan ng Diyos ng isip at kilos-loob. Mahalagang
mauunawaan na ang birtud ay laging nakaugnay sa pagiisip ng tao. Ang birtud ay hindi lamang kinagawiang
kilos kundi kundi kilos na pinagpasyahang gawin ayon sa tamang katuwiran.

Dalawang uri ng Birtud


1. Intelektuwal na Birtud. Ito ay may kinalaman sa isip ng tao. Ito ay tinatawag na gawi ng kaalaman (habit of
knowledge).
2. Moral na Birtud. Ito ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao. Ito ay ang mga gawi na nagpapabuti sa tao. Ito
rin ay ang mga gawi na nagtuturo sa atin na na iayon ang ating ugali sa tamang katuwiran. Ang lahat na moral
na birtud ay may kaugnayan sa kilos-loob.

Mga uri ng Intelektuwal na Birtud


1. Pag-unawa ( Understanding). Ang pag-unawa ang pinakapangunahin sa lahat ng birtud.
2. Agham ( Science ). Ito ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga ng
pagsasaliksik at pagpapatunay.
3. Karunungan (Wisdom). Ito ang pinakawagas na uri ng kaalaman. Ang karunungan ang nagtuturo sa tao
upang humusga ng tama at gawin ang mga bagay na mabuti ayon sa kanyang kaalaman at pag-unawa. Gawin
ang tama at iwasan ang mali.
4. Maingat na paghuhusga (Prudence). Ang maingat na paghuhusga ang nagbibigayliwanag at gumagabay sa
lahat ng ating mabuting asal o ugali. Ito ang pinakamahalaga sa lahat na intelektuwal na birtud kaya’t tinatawag
itong “Praktikal na karunungan” (Practical Wisdom).
5. Sining (Art). Ang sining ay tamang kaalaman tungkol sa mga bagay na dapat gawin. Ito ay nagtuturo sa tao
sa paglikha ng tamang paraan.

Mga uri ng Moral na Birtud


1. Katarungan ( Justice ). Upang magkakaroon ng tunay na kabuluhan ang isang kilos, ito ay nararapat na
nagmula sa Kilos-Loob o may pahintulot nito. Ang kilos-loob ay may pangkalahatang impluwensiya sa moral
na kilos. Ang katarungan ang nagtuturo sa atin upang igalang at hindi kailanman lumabag sa mga karapatan.
May kaugnayan ito sa ating tungkulin sa Diyos, sa ating sarili at sa kapwa.
2. Pagtitimpi o Kontrol sa Sarili (Temperance or Moderation). Nabubuhay ang tao sa mapanuksong mundo.
Maraming inihahain ang mundo sa ating harapan na maaring maging dahilan upang magtalo ang ating
pagnanasa at katuwiran.
3. Katatagan (Fortitude). Ang buhay sa mundo ay puno ng mga suliranin at pagsubok. Kung minsan, sa tindi
ng ating pinagdaanan, nanghihina na ang ating loob at nawalan tayo ng pag-asa. Ito ang birtud na nagpapatatag
at nagpapatibay sa tao na harapin ang anumang pagsubok o panganib sa buhay. Ginamit ito bilang sandata sa
agharap ng mga pagsubok o panganib sa buhay.
4. Maingat na Paghuhusga (Prudence). Ito ang itinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang pagsasabuhay
ng Ibang mga birtud ay dumadaan sa maingat na paghuhusga.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang pinakaangkop na sagot at bilugan ang titik.

SET A
1. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa sa moral na birtud sa loob ng Tahanan.
A. Pagbati ng magandang umaga , tanghali at hapon sa meyembro ng pamilya.
B. Pagpapasalamat sa magulang ang pangunahing gamit ng isip ng tao.
C. kumain ng dahan-dahan at sapat sa mga pagkaing nasa bahay.

2. Ang sumusunod ay mga gawain ng moral na birtud sa loob ng tahanan.


A. Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang.
B. Paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may pantustos ang mga
magulang.
C. maingat na pagpapasya kasama ang mga magulang

3. Ang birtud ay mula salitang latin na “vir” na ang kahulugan ay:


A. Pagiging tao-pagiging matatag at malakas
B. nagbibigay kasiyahan sa iba.
C. Lahat ng nabanggit
4. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pagkilos ayon sa mga taglay na pagpapahalaga ,maliban sa:
A. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga Kabutihang kaloob ng kapwa.
B. naguguluhan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging negatibo ka sa pananaw sa buhay.
C. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila.

5. Ang intelektuwal na birtud ay Gawain ng:


A. Isip B. Damdamin C. Konsiyensiya

6. Alin ang hindi kasama sa apat na katangian ng pagpapahalaga ayon kay Max Scheler?
A. pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
B. pagpapakita sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya.
C. paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbalik ng kabutihang ginawa.

7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ng ganap na pagpapahalaga?
A. Ito ay umiiral at mananatiling umiiral.
B. Ito ay nanahan sa isip ng tao.
C. Magpapasalamat lamang kapag may biyayang natanggap at kinakailangan.

8. Ang sumusunod ay mga pagpapahalaga, alin dito ang maituturing na pinakamataas:


A. Pagbibigay tulong sa mga nangangailangan.
B. Pagpapakita ng kabaitan
C. Pagbubuwis buhay upang maipadama sa iba ang pag-ibig ng Diyos.

9. “Huwag mong gawin sa iba, kung ayaw mong gawin ng iba sa iyo”. Ibig sabihin nito ay:
A. gagawa ka ng mabuti ayon sa iyong kagustuhan.
B. tutulungan mo ang iyong kapwa mag-aaral.
C. gagawin mo sa iba kung ano ang nararapat gawin.

10. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng moral na birtud, maliban sa:
A. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa
B. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay
C. Pagiging masayahin sa mga materyal na pagpapala buhat sa ibang tao
SET B
1. Ang mga sumusunod ay mga paraan sa maingat na paghuhusga Maliban sa isa:
A. Magpasya gamit ang isip at kilos-loob.
B. Magpasya ayon sa kung ano ang nararapat..
C. Magpasya gamit ang mga ritwal na paraan.

2. Ang mga sumusunod ay mga paraan ng Pagpapakita sa katatagan ng loob, Maliban sa isa:
A. Hindi madaling sumusuko sa mga pagsubok.
B. May malaking pananampalataya sa Diyos.
C. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa at maghihintay ng kapalit.

3. Alin dito ang hindi katangian ng pagpapahalaga


A. sumasaibayo B. kumikinang C. lumilikha kung ano ang nararapat

4. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot sa paggawa sa mga utos ng Diyos


A. pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa.
B. gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil sa nagiging positibo ka sa pananaw mo sa buhay.
C. pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila.

5. Ayon sa tradisyon ang halaga ay tumutukoy sa:


A. saligan o batayang kilos o gawa at sa buod ng paniniwala.
B. kung ano ang mahalaga dapat gawin
C. isasagawa ng mabuti ang lahat.

6. Ayon sa mga sikolohista ang pagpapahalaga kapuri-puri at kaakit-akit.?


A. Max Scheler B. Socrates C. Plato

7. Ang mga sumusunod ay hal. sa ganap na pagpapahalagang moral maliban sa:


A. Pag-ibig B. Paggalang C. Pag-iipon ng pera

8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ukol sa halagang Pangkultural/panggawi ang hindi totoo?
A. Ito ay mga mithiin na tumatagal at nanatili.
B. Ito ay halagang nagmula sa loob ng tao.
C. Ito ay nagbabago depende sa panahon

9. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA sa mga antas ng pasasalamat ang
binanggit ni Santo Tomas de Aquino.
A. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
B. pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya.
C. Lahat ng nabanggit

10. Ano ang pinakanatural at pinakamahalagang tagapagpaganap ng pagpapahalaga?


A. Pamilya at pag-aaruga sa anak B. Pamana ng kultura C. Guro o pastor/ pari/ imam

Alang sa mga pangutana mahitungod sa modyol


pede ko ninyo kontakon pinaagi sa;
Cp #: 09074035754
Messenger – Chito Noval Razonado Pacete
Email – chitonovalrazonadopacete@gmail.com

CHITO R. PACETE
Substitute Teacher

You might also like