Masusing Banghay Aralin Sa Filipono 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO III

I. Layunin

Pagkatapos ng talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang…

 Naihahayag ang kahulugan ng pandiwa


 Nakasusulat ng isang pangungusap na nag sasaad ng salitang
kilos* F3TA-0a-j-4
 Natutukoy o nagagamit ang pandiwa sa pagsasalaysay tungkol sa
mga tao, bagay, hayop o lugar sa paligid* F3WG- Ia-d-2
II. Paksang Aralin
a. Paksa: Pandiwa
b. Sanggunian: Landas sa Filipino III
c. Kagamitan: Laptop, Powerpoint, Projector

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. PAGHAHANDA

B. Pagbati

Magandang umaga mga bata.


(Tatayo)
Magandang umaga rin po.
Kumusta po ang lahat? Nag almusal na
ang lahat?
Okay lang po. Opo!
Mabuti, upang sa ganoon. Ang lahat ay (Uupo ang lahat)
may lakas at makapag pokus sa ating
aaralin ngayong araw.

Bago natin simulan ang ating aralin.


Tumayo muna at tayo ay magdarasal.
(Tatayo muli ang lahat)

Sa ngalan ng Ama, ng Anak… …


(Amen)
Amen! Magandang buhay muli,
Klase.

 Pagsasaayos
Pagtatala ng mga lumiban sa klase.

Sino ang lumiban ngayon sa klase?


Wala po sir.
Mahusay!

B. PAGGAGANYAK

Bago tayo dumako sa bagong aralin,


atin munang balikan ang ating tinalakay
noong nakaarang araw.

Ano nga ba ang ating tinalakay noong


nakaraang araw? (Magtataas ng kamay ang mga mag
aaral)

Ana.
(Tatayo si Ana)
Ang ating tinalakay ay tungkol sa
Pangngalan.
Mahusay!
Maraming salamat.

Ano nga ba ang Pangngalan?


(Magtataas ng kamay ang mga mag
aaral)
Andrei.
(Tatayo si Andrei)
Ang Panggngalan ay tumutukoy sa
ngalan ng tao, bagay, pook, hayop, at
Mahusay! pangyayari.
Salamat Andrei!

Ngayon, sino ang makapagbibigay ng uri


ng Pangngalan at halimbawa nito?
(Magtataas ng kamay ang mga mag
aaral)
Alexandra.
(Tatayo si Alexandra)
Ang isa sa uri ng Pangngalan ay ang
Panggalang Pantangi.
Halimbawa ay Jose P. Rizal.
Mahusay!

Sino pa ang makapag bibigay ng isang uri


ng panggalan?
(Magtataas ng kamay ang mga mag
aaral)
Francis.
(Tatayo si Francis)
Pangngalang pambala na po.
Halimbawa po nito ay Bayani at Guro.
Salamat Francis!
Napahusay ninyong lahat dahil naalala
at alam niyo pa ang ating tinalakay noong
nakaraang araw!!

Ngayon ay maari na nating simulan ang


panibagong tatalakayin ngayong araw na
ito.
Handa na ba ang lahat? (Sabay sabay sasagot )
Opo.
Okay.
Ang tatalakayin natin ngayon ay ang
Pandiwa.

(Mag papakita ng mga larawan sa


projector)
1 2

Ano ang inyong nakikita? (Sabay sabay sasagot )


(Dalawang) bata po.

Ano ang ginagawa ng bata sa unang


larawan? (Sabay sabay sasagot )
Nag wawalis po.

Ano naman ang ginagawa ng bata sa


lawingang larawan? (Sabay sabay sasagot )
Kumakanta po.

Tama!
Ang dalawang larawan ay nag papakita
ng mga halimbawa ng pandiwa.
At ito ay ang; nagwawalis at kumakanta.
(Sabay sabay sasagot )
Nauunawaan po ba ng lahat kung ano ang
Opo Ma’am!
Pandiwa?

Mahusay mga anak!


(Magtataas ng kamay ang mga bata)
Ano nga uli ang pandiwa?
(Tatayo si joy)
Ang pandiwa ay nagsasaad ng salitang
Joy.
kilos.
Mahusay!

C. PAGTALAKAY
 Paglalahad ng aralin

Ang Pandiwa ay mayroong mgs aspeto.
Ang mga aspeto ay nagpapakita kung
kalian nagyari, nangyayari, o
ipagpapatuloy pa ang kilos at

1. Perpektibo o Naganap
-
Pormula: Nag+ Salitang ugat
Halimbawa: Nag+walis =
Nagwalis

2. Imperpektibo o Pangkasalukuyan
Pormula: Nag + Unang Pantig +
Salitang ugat
Halimbawa: Nag+
wa+walis=Nagwawalis

3. Kontemplatibo o Magaganap
Pormula: Nag + Unang Pantig +
Salitang ugat
Halimbawa: Mag+
wa+walis=Magwawalis

(Magtataas ng kamay ang mga bata)


Ano ang inyong napapansin sa bawat
aspeto? (Tatayo si Jelly)
Ito ay nagsasaad na tapos nang gawin
Ano ang isinasaad ng unang aspeto? ang kilos

Jelly.

(Magtataas ng kamay ang mga bata)


Tama. Maraming salamat.
(Tatayo si Roy)
Ano naman kaya ang isinasaad ng Ito ay nagsasaad ng kilos na
lawingang aspeto? laging ginagawa o
kasalukuyang nangyayari.
Roy

Tama. Ito ay nag sasaad ng kasalukuyang (Magtataas ng kamay ang mga bata)
nangyayari. Salamat anak!
(Tatayo si Princess)
At ano naman kaya ang isinasaad ng Ito ay nagsasaad ng kilos na
ikatlong aspeto? laging ginagawa o
kasalukuyang nangyayari.
Princess

(Sabay saabay sasagot)


Opo.

Nauunawaan po ba ng lahat?

Mahusay mga anak!

D. PAGLALAHAT

(Magpapakita ng larawan)

Ang larawan na ito ay nagpapakita ng (Magtataas ng kamay ang mga bata)


ibat ibang kilos.
(Tatayo si aira)
Ano ang salitang kilos ng unang Nagbabasa po.
ipinapakita sa larawan.?Gamitin ito sa Nagbasa- Nagbabasa-Magbabasa
mga aspeto ng pandiwa.

Aira

(Magtataas ng kamay ang mga bata)


Magaling. Salamat!
(Tatayo si Jenny)
Ano naman ang nasa ikalawang bahagi ng Nagsusulat po ma’am.
larawan? Gamitin ito sa mga aspeto ng Nagsulat-Nagsusulat-Magsusulat
pandiwa.

Jenny.

Mahusay Salamat anak! (Magtataas ng kamay ang mga bata)

(Tatayo si Ezekiel)
Sabihin ang salitang kilos ng ikatlong Kumakanta po.
ipinapakita sa larawan. at gamitin ito sa Kumanta-Kumakanta-Kakanta
mga aspeto ng pandiwa.
Ezekiel.

(Magtataas ng kamay ang mga bata)


Magaling! Salamat!
(Tatayo si Mira)
Ano naman ang salitang kilos ng pang Sumasayaw po.
apat na ipinapakita sa larawan. at gamitin Sumayaw-Sumasayaw-Sasayaw
ito sa mga aspeto ng pandiwa. .

Mira.

Mahusay mga bata!

E. PAGLALAPAT
(Ipapakita gamit ang projector)
Panuto:ibigay ang tamang banghay ng
pandiwa sa mga sumusunod na aspekto

( Magtataas ng kamay ang mga bata)

(Tatayo si joana)
Kumain po ma’am.

Ibigay ang perpektibo ng salitanng kilos


na kain.

Joana. ( Magtataas ng kamay ang mga bata)

(Tatayo si Patrick)
Tama! Kumakain

Ano naman kaya ang imperpektibo ng


kaim? ( Magtataas ng kamay ang mga bata)

Patrick (Tatayo si Myka


Kakain po.

Tama!
Ano naman ang kontemplatibo ng kain?

Myka.

Tama!

………………
Magaling mga anak!

F. PAGTATAYA

Ngayon na naiintindihan niyo na ang


pandiwa at mga aspeto nito. Gamit ang
isang malinis na papel, bumuo ng limang
(5) pangungusap na nagsasaad ng salitang
(Sabay sabay sasagot)
kilos. At ibigay ang
Opo.
Perpektibo,Imperpektibo at
Kontemplatibo ng salitang kilos na iyong
ginamit sa pag buo ng pangungusap .Sa
loob ng labinlimang (15) minuto.

(Magtataas ng kamay ang mga bata)


Maliwanag po ba?
(Tatayo si Kayla)
Ma’am, marami po ang gumagalaw o
G. PANGWAKAS kumikilos.

Bago tayo mag wakas, sa ating Tulad po ng electric fan, ito po ay


paligid bukod sa mga tao, ano pa ang umiikot.
inyong napapansin?

Kayla
Yung mga hayop po, sila po ay
malayang tumatakbo at lumilipad.

Tulad ng?
(Papalakpak ng tatlong beses)

Tama.
Ano pa ang iyong nakikita o
napapnsin?

Mahusay!
Bigyan ng tatlong palakpak si Kayla.

Maraming salamat sa partisipasyon


ninyong lahat!

Takdang aralin:
Bumuo ng isang sanaysay tungkol sa mga
hindi mo makakalimutang karanasan
sabuhay at bilugan ang mga pandiwang
ginamit at tukuyin kung anong aspekto ng
pandiwaito. Isulat sa isang buong papel.
H. Pangwakas na Panalangin

Tumayo ang lahat at tayo po ay


magdarasal.
Sa ngalan ng Ama… …Amen.

Paalam, Klas! Maraming salamat.

Inihanda ni:

Bb. Tonie Rose M. Ventura


Guro sa Filipino

You might also like