Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Tanza National Comprehensive High School

Daang Amaya, Tanza, Cavite

TNCHS Field Trip


June 11, 2023

SECURITY AND SAFETY MEASURES

1. Ang lahat ng estudyante na kasama sa TNCHS Field Trip ay kailangang sumunod


sa mga alituntuning ipatutupad ng SPTA at mga guro/kawani na namamahala sa
aktibidad na nabanggit.
2. Ang lahat ng estudyante ay mgkakaroon ng permanenteng seat plan sa bus na
nakatalaga sa kanilang section at nakalagay ang kanilang contact # dito. Gayundin ay
may Emergency Card sila upang malaman ang mahahalagang impormasyon tungkol
sa kanila na magagamit sa oras na kailangan.
3.Ang lahat ng estudyante ay nakasuot ng P.E.uniform/maong na pantalon at suot
ang school ID habang sila ay nasa field trip. Ang mga estudyante ay kinakailangan
ding mgdala ng extra shirts/pants dahil may mga rides sa tubig at sila ay pwedeng
mabasa.
4. Ang mga estudyante ay buddy-buddy system or in group kahit saan magpunta
upang masiguro ang kaligtasan ng bawat estudyante.
5. Ang mga estudyanteng may pangangailangang espesyal o medikal na kondisyon ay
sisiguraduhing mabibigyan ng tamang pagkalinga at pansin. Kasama ang ating 2
school nurses sa lakbay-aral ng ating paaralan.
6. Ang bawat bus ay may nakatalagang 2 guro o guro/isang kawani ng paaralan
upang mangalaga at tumingin sa mga mag-aaral sa panahon ng kanilang paglalakbay.
Hindi aalis ang bus kung may kulang pang estudyante at sisiguraduhin ang
kaligtasan ng bawat mag-aaral.
7. May mga kasamang nurses sa araw ng field trip at may dala silang medical kit at
gamot. Gayunpaman, ang mga estudyante ay pwedeng magdala ng gamot tulad ng
Bonamin, vicks kung mahiluhin sa sasakyan at gamot sa dagliang pagsakit ng tiyan.
8. Ang mga estudyante pati na din mga guro at kawani ay magdadala ng mga
pagkaing masustansya sa araw ng field trip.
9. Mahigpit na ipinag-uutos na susundin ng bawat isa ang oras ng pag-alis sa
paaralan (5:00 ng umaga) at estimated time of arrival sa paaralan.(8:00 -9:00 ng gabi).
10. Ang mga estudyante na sasama sa field trip ay inaabisuhang magbayad hanggang
June 9, 2023 upang sila ay sakop ng insurance. Paglampas ng petsang ito, sila ay
mawawalan na ng insurance coverage.
11. Ang lahat ng estudyanteng kasama ay may pirmadong lagda ng magulang
(Consent Form) bilang pagsang-ayon na pinahihintulutan nila ang kanilang anak na
sumama sa field trip.
12. Mga dapat dalhin ng mga mag-aaral:
a. pagkain (lunch, mirienda and dinner)
b. pocket money
c. cellphone at maliit na bag para sa cellphone at wallet
d. alcohol
e. plastic labo para sa mga mahiluhin sa byahe
f. bonamin, gamot sa hilo at tiyan
g. fruits (optional)
h. personal na gamit and hygiene kit
i. payong etc.
13. Ipagbigay-alam ng magulang sa MAPEH teacher kung ang kaniyang anak na
kasama ay may pangangailangang medical upang mabigyan ng tamang pangangalaga
ng mga nurses at mga guro.

You might also like