Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Division of City Schools
BULIHAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Bulihan, City of Malolos, Bulacan

BANGHAY-ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 7


ARALING ASYANO

Petsa: Oktubre 18, 2016


PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard):
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pang-unawa sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan
sa paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakakilanlang Asyano.

PAMANTAYAN SA PAGGANAP (Performance Standard):


 Ang mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga kaisipang Asyano, pilosopiya at relihiyon na nagbigay-daan sa
paghubog ng sinaunang kabihasnan sa Asya at sa pagbuo ng pagkakilanlang Asyano.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO (Learning Competencies):


 Nabibigyang-kahulugan ang mga konsepto ng tradisyon, pilosopiya at relihiyon. (AP7KSA-IIe-1.6)

I. MGA LAYUNIN:
Pagkatapos ng aralin/gawain, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. nailalahad ang pansariling kaisipan patungkol sa relihiyon;


2. naipaliliwanag ang kahalagahan ng relihiyon sa buhay ng tao at sa kultural na
pagkakakilanlan;
3. nasusuri ang mga paniniwala at doktrina ng mga pangunahing relihiyon sa Asya;
4. nakikibahagi sa mga talakayan at gawaing pansilid-aralan; at
5. nasasabi ang napulot na katuruan na maaaring maging gabay sa buhay.

II. PAKSA: MGA RELIHIYON SA ASYA (Hinduismo at Buddhismo)


III. MGA KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
Mga pahina sa Gabay ng Guro: pp.138-139
Mga pahina sa Kagamitang Pang mag-aaral: pp. 155-156
Mga Pahina sa Teksbuk: Asya Pag-usbong sa Kabihasnan, pp.

B. Iba pang Kagamitang Panturo: LCD projector, laptop, mga gabay-panturo (visual aids)

IV. PAMAMARAAN
A. Pang araw-araw na Gawain:
1. Panalangin
2. Pagtala ng mga liban sa klase
3. Pagbabalik-aral

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


B. Pagganyak:

--Pagpapakita ng guro ng Video presentation


-susuriin ng mga mag-aaral ang video at bubuo ng
kaisipan patungkol sa Relihiyon
(CONCEPT MAPPING)
C. Paghahabi sa Layunin ng Aralin:

--Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng


bagong kasanayan Gawain: ALAM MO BA?
--Pagtugon ng mga mag-aaral sa Gawain
(Board work)

--Malayang Talakayan
(Presentasyon ng mga aralin) Gawain: SURI-TEKSTO
 Hinduismo --Malayang pakikibahagi ng mga mag-aaral sa
 Buddhismo talakayan

D. Pagpapalalim:

--Presentasyon ng Mahalagang Tanong:


Gawain: MUNTING DEBATE
 Kailangan bang mamuhay na katulad
--Papangkatin ang mga mag-aaral sa tatlo
ng mga Asetiko upang maging banal
Unang Pangkat: Naninindigan na kailangang maging
sa pananampalataya?
asetiko upang maging banal

Ikalawang Pangkat: Naninindigan na HINDI na


kailangang maging asetiko
upang
maging banal

Ikatlong Pangkat: Tagapagsuri ng mga kaisipan


V. Paglalahat

--Ipahahambing sa mga mag-aaral ang pagkakaiba at


pagkakatulad ng Hinduismo at Buddhismo
Gawain : VENN DIAGRAM
VI. Pagtataya

--Pangkatang Ebalwasyon
(Ipapaliwanag ng guro ang panuntunan ng gawain)
Gawain: MAG-QUIZ BEE TAYO!

VII. Halagang Pangkatauhan: (VIDEO CLIPS)


TANDAAN: “Ang pagbibigay ng mataas na pagpapahalaga sa buhay ay pundasyon ng bawa’t
pananampalataya”

VIII. Karagdagang Pagsasaliksik:

1. Balangkasin ang mga paniniwala at pagsasabuhay ng iba pang mga relihiyon sa Asya:
a. Jainismo
b. Sikhismo
c. Judaismo
d. Islam
e. Kristiyanismo
f. Zoroastrianismo

MINERVA C. FABIAN
Teacher I

You might also like