Untitled Document

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pagsusuri sa El Filibusterismo

I.) PAMAGAT
Kabanata 5: Ang noche buena ng isang kutsero
II.) BUOD
Umabot ng gabi nung nakarating na si basilio sa kanilang bayan. Nang
makarating siya naabutan niya ang prusisyon pang noche buena. Habang sila ay
nakatayo nakita niyang binugbog ang isang kutserong si sinong dahil nakalimutan daw
niya ang kanyang sedula. Pagkatapos pinag usapan nila ang pag rebulto ni matusalem.
Matapos ang pag uusap nila naitanong ng kutsero si basilio kung maayos na ba ang
kanang paa ni bernardo carpio dahil siya lamang daw ang makakapag palaya sakanila.
Muli nahuli si sinong at naglakad muli si basilio habang nagtataka siya dahil wala man
lang katao tao sa paligid niya kahit na pasko.

III.) TEORYANG PAMPANITIKAN


TEORYANG REALISMO - Kaya ko na sabi na teoryang realismo ito dahil ang
mga naganap sa kabanatang ito ay totoong nangyari sa totoong buhay. Kadalasan
maraming tao sa paligid natin tuwing pasko at madalas may ganap na pambubugbog sa
gilid gilid ng bayan natin.

IV.) BISANG PAMPANITIKAN


a.) BISA SA ISIP - Ang kabanatang ito ay nag pamukha sakin na dapat ang
pasko ay buwan lamang ng kasiyahan at pakikisama sa kapwa natin.

b.) BISA SA DAMDAMIN - Ang naramdaman ko habang binabasa ko ang


kabanatang ito ay medyo na patulala dahil hindi ko masyado maintindihan kung saan o
ano ang dahilan kung bakit nawalan ng tao sa paligid ni basilio nung siya ay naglalakad
sa bayan. Subalit nagulat ako dahil may nabugbog sa kabanatang ito.

c.) BISA SA LIPUNAN - Sa kabanatang ito na ipakita nito na mayroong parusa


ang lahat ng pagkakamali ng isang tao sa lipunan. Kahit sobrang gaan lamang ng
pagkakamali na nagawa mo o kahit hindi mo sinasadyang magawa ito lagi mayroong
parusang na ibibigay sayo tulad ng pangbubugbog kay sinong.
V.) KONKLUSYON/REKOMENDASYON
Ang kabanatang ito ay ipinakita kung ang mga katangian at ugali ng mga tauhan
ay ginagamit nila sa paggawa ng kanilang sariling alamat. Sana makita pa natin ang
mga kagustuhan ng mga pilipino ang pag gagawa ng mga alamat.

You might also like