F2F SERYE - Revised

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Magdadalawang taon na rin simula nang manalasa ang Covid-19 sa bansa. Nahinto ang Mundo.

Ang
karaniwang araw sa labas ay tila sinakluban ng matagal na ambon at lahat tayo’y naghintay sa walang
katiyakang paghupa nito.

Saglit mang natigil ang mundo, pero patuloy pa rin ang buhay. Isinulong natin ang edukasyon sa kabila
ng mga balakid sa pandemya. Maraming mga modalidad ang ginamit ng DepEd para tumugon sa
pangangailangan at sitwasyon ng mga bata. Sinagisag nito ang hangarin ng kagawaran na walang
pagkatutong mapipigilan, anumang sakuna ang dumating.

Hanggang nito ngang ika-dalawampu ng Setyembre, inaprubahan na sa wakas ng Pangulong Duterte ang
limited face to face classes para sa tinatayang isandaan at dalawampung mga pribado at pampublikong
paaralan sa bansa.

Ang namamalaging tanong natin kung kalian nga ba ang babalik sa dati ang lahat, ay para bang
nagaganap na. Galak, tuwa na may halong kaba. Excited! Ito ang eksaktong pakiramdam ng mga
kaguruan ng Nelmida Elementary School sa posibilidad ng pagkabilang nila sa Pilot Implementation ng
pagbubukas ng klase. Ang nasabing paaralan din ay ang tanging paaralan sa Lungsod ng Koronadal na
sasabak sa face to face.

Mula rito ay naging abala na ang buong paaralan para sa paghahanda. Maraming kaakibat na kondisyon
ang DepEd at iba pang kagawarang sangkot dito para siguruhin ang kaligtasan ng mga batang lalahok sa
limited face to face classes.

Limitado ang nabanggit na implementasyon sa maraming isasaalang-alang na pamantayan tulad ng


pagiging kabilang sa minimal risk areas at pagkapasa sa readiness assessment na isasagawa ng
kagawaran. Nagtakda rin ng partikular na bilang ng mag-aaral na pwedeng lumahok sa face to face
classes sa lahat ng antas mula kindergarten, grades 1-3 hanggang senior high school, maging ang
alternatibong iskedyul bawat lingo upang matiyak ang kaligtasan ng mga batang mag-aaral.

Taos at himpit ang suporta ng Dibisyon ng Lunsod ng Koronadal at ng Region 12 na nakamonitor sa


ginagawang paghahanda. Ikalawa ng Nobyembre nga ay tinungo pa nina Regional Director Carlito D.
Rocafort, CESO V, Schools Division Superintendent Crispin A. Soliven Jr. CESE kasama nina Assistant
Schools Division Superintendent Levi B. Butehin, CID Chief Prima A. Roullo, IPEd Focal Person Senorita
Tony, at mga kinatawan ng Department of Health upang kumustahin at personal na i-tsek ang mga
naitatatag na pasilidad kung talagang angkop nga ba ito sa tunguhin ng DepEd at ng pamantayan IATF sa
ligtas na learning environment ng mga bata.

Noong Martes nga, ika-siyam ng Nobyembre ay napagtagumpayan ng Mababang Paaralan ng Nelmida


ang simulation ng face to face classes na tinunghayan ng mga panauhin mula sa dibisyon ng koronadal at
ng rehiyon dose. Ito ay upang itaas ang kumpyansa ng lahat at sabihing handang-handa na nga tayo na
buksang muli ang paaralan at lubos na ihatid ang edukalidad para sa mga bata.

Mga ngiti, takbuhan ng mga bata sa pasilyo ng paaralan, taas ng kamay ang gustong sumagot,
pagkukuskus sa sahig ng klasrum para kumintab, ang mga alikabok ng chalk sa pisara ni teaher…
Nakakamiss ang ekswela na walang ibang banta lalo na sa kalusugan.

Hindi ito ang wakas ng pakikipagbuno natin sa pandemya ngayong tuluyang nagbukas ang klase, subalit
pahiwatig ito ang nangingibabaw na katatagan sa lahat ng uri ng unos na pwedeng manalasa. Bagaman
natatangi, hindi nag-iisa ang Nelmida Elementary School sa kanilang implementasyon ng face to face
classes. Kasama nila tayo sa seryeng ito. Kasama tayo sa pangangarap, kasama tayo sa paghahanda,
nakasubaybay tayo sa lahat ng naging ganap at ngayon ay kasama tayong tutunghay. Magkasama tayong
hahakbang para sa bayuhay at bagong bukas na pangarap ng lahat.

You might also like