Mukha NG Pag-Ibig Week 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MUKHA NG PAG-IBIG WEEK3

Narration 1:
May mukha ng pag-ibig tayong nilalangit
Ito ay dalisay, nakukuntento at hindi pinipilit

Magmahal tayo nang alam kung saan ito hahangga.


Magmahal na ang lubos ay mayroong pahinga

May wakas na hindi lang pagkapanalo


May piniling simulan subalit walang dulo

May pag-ibig na wagas, maroong mapagparaya


Mayroong ding higit at dalisay sa kaniyang ginagawa…

Scene 1: Walang sukatan ang pag-ibig. Walang batayan… basta lang ito ang hangad ng puso
at ligaya ng kalooban. Ito ang mukha ng pag-ibig na ibabahagi sa atin ng kwento ni teacher
_______________, na di man nakatagpo ng kapares sa habambuhay, ligaya sa paglilingkod
naman ang sa kaniya’y kumalinga.

Interview 1: Teacher

Narration 2: Bakit nga ba hindi? Ang paggmamahal sa ginagawa, dedikasyon para rito at puso
na uunawa sa bata – ito ang pag-ibig sa sumasagisag kay teacher __________, na sa
mahabang panahon ay siyang kinakapitang tatag niya sa araw-araw.

Cont. Interview: Teacher

Scene 2: Maituturing nang haligi ng ___name ng school______ si teacher __________ sa tagal


ng serbisyo niya rito. Ang mga sulok ng paaralan,mga dingding, pisara at espasyo ay mistulang
mga piping saksi sa pusong binubuhos ni teacher ______ sa pagtuturo. Bakas ang sigasig na
ito sa mga kasama at estudyante niya na nakakasama niya araw-araw.

Interview 2: Co-teacher
Interview 3: Estudyante

Narration 3: Doon ka sa kung saan ka masaya – sa gusto mong mangyari. Pag-ibig iyan na
pupuno hindi lang sa iyong ginagawa, kundi para rin sa iyong sarili… Hanga kami sa pag-ibig
na ipinamalas ni teacher _______. Ang kwento niya ay mabigat na aral sa buhay na dapat
balikantin.

Cont. Interview: Teacher (most quotable statement ni teacher)

Outro: Para sa DepEd Dose sa Ere, ako si_____________ Kasali lahat,Kasama lahat at para sa lahat!

Headline: Pagmamahal sa kabataan, sa propesyon ng pagtuturo, at sa bayan – ito naman ang


mukha ng pag-ibig na ibibida mula sa Dibisyon ng lungsod ng Koronadal.
Wrap:
Para saan ka bumabangon?
Sa Koronadal, isang kahanga-hangang kwento ang ibabahagi ng guro na sa kabila ng hindi
matagpuang forever, nakatagpo naman ng kasiyahan at pagmamahal sa pamamagitan ng
kaniyang propesyon bulang guro. Napunan daw ang pagkatao niya ng galak mula sa mga
batang natuturuan niya at serbisyong naibabahagi niya sa iba. Ang dagdag na detalye sa
kwento ni __________, mula sa dibisyon ng Koronadal.

You might also like