Pagbasa Module 2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF KORONADAL CITY

“GURO TURO SA HIMPAPAWID” Grade level & Subject:


(Script) _______________________________________
Radio Station: ________________________ Radio Teachers: _______________________
Date: ________________________________________ Radio Host/Anchor: ___________________
==========================================================================

III. RBI Proper (Teacher-Broadcaster outline)—Direct Teaching Filipino (25 mins)

(Greetings, Quarter and Module/Week no.)


Magandang hapon mga giniiliw naming mga mag-aaral na nakatutok. Isang panibagong
leksyon na naman ang ating tatalakayin sa asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t ibang
teksto tungo sa pananaliksik. Nasa unang kwarter tayo, modyul 2 ng ikalawang linggo.
Ang paksa natin ngayon ay ang mga uri ng taksto. Muling paalala, gamitin ang modyul 2 ninyo
sa paksang ito. Excited na ako. Tara! Simulant na natin!

(Objectives)
Sa araw na ito, inaasahang
1. Naipaliliwanag ninyo ang iba’t ibang uri ng mga teksto;
2. Natutukoy ang pagkakaiba ng mga uri ng teksto sa isa’t isa batay sa gamit.
3. Nakasusulat ng isang iskrip ng patalastas ayon sa katangian at kabuluhan.

(Discuss the content/lesson here. You may also provide examples to elaborate the
discussion)

Magbasa ng halimbawang balita.

Mahalagang mabatid na ang teksto ay may iba’t ibang uri. Ang lahat
ng babasahin ay mauuri na isang teksto. Ang bawat teksto ay may layunin
at dahilan sa pagkakasulat.

Nabanggit natin kanina ang isang halimbawa,


ang balita. Tingnan natin kung paano isinulat ang balita. Isinulat ito
upang magbigay ng impormasyon at datos. Dahil dito layunin ng
manunulat na ilapit ang kaniyang mambabasa sa isang tiyak na panahon
at pagkakataon sa isang pangyayaring naganap.

Kaugnay nito, maraming nais ilahad at ipakita ang bawat teksto,


kaya naman ang pagkilala sa iba’t ibang uri ng teksto ay mahalaga upang
makuha ang nais ihayag na damdamin ng isang manunulat.

Nilalaman

Ibibigay sa bahaging ito ang iba’t ibang uri ng teksto. Ngunit iisa-isahin
ang bawat tekstong ito sa susunod na mga aralin.

A. Tekstong Impormatibo
Kapag ang teksto ay nagpapakita ng mga datos, impormasyon, bagong
kaalaman at nagpapabatid ng tiyak na kalagayan ng isang lipunan, pangyayari,
pook at maging isang indibidwal, ang teksto ay impormatibo. Sa pagsulat ng
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF KORONADAL CITY

tesktong ito, mahalagang malaman na ang pinakamahalaga ay ang awtentikong


kabatiran o impormasyon. Sinasabing ang tekstong impormatibo ay kritikal na
naglalahad ng mga katotohanan at naglalatag ng mga ebidensya at saliksik.

Halimbawa ng tekstong impormatibo ay balita at encyclopedia


Makikita ang tekstong impormatibo sa mga libro, magazine, dyaryo at mga teksbuk.

B. Tekstong Deskriptibo
Kapag ang isang teksto ay naglalarawan, nagbabanggit ng mga detalye
pagdating itsura, hugis, laki, anyo at porma, nagiging halimbawa ito ng isang
deksriptibong sulatin. Layunin nitong ipakita ang pigura sa pamamagitan ng
salita, masusing pagpapahayag at minsan ay detalyadong paggamit ng mga salita.

Madalas itong gamitin sa mga tekstong naglalarawan (pang-uri) sa mga tao hinggil
sa kultura at pang-araw-araw na pamumuhay. Ang mga saliksik pangkultura tulad
ng etnograpiya kung saan inilalarawan ng mananaliksik ang kaniyang paksa sa
kaniyang lente ay isa sa mga halimbawa.

Halimbawa ng tekstong deskriptibo ay ang pangngusap na : Paskong-pasko na sa


bahay ng mga Alonzo dahil sa makukulay na palamuting nakasabit sa kanilang
malaking gate.

C. Tesktong Persuwesib
Nakaranas ka na bang maengganyo sa isang patalastas dahil pumuti siya
sa ginamit na sabon? Ito ang halimbawa ng tekstong persuweysib kung saan ang
manunulat o teksto ay nangungumbinsi at naglalahad ng mga kapani-paniwalang
bagay upang mahimok ang isang mambabasa. Madalas ang pangungumbinsi sa
ay nagaganap tuwing eleksiyon. Ibig sabihin hinihimok ng mga politiko ang isang
tao sa paglalahad ng kaniyang plataporma. Ganito din ang nais ihayag ng isang
tekstong persuweysib, nang-eengganyo at nagpapalaman ng datos upang
maniwala ang mga mambabasa.

Narinig niyo na ba ang tag line na I’ts more fun in the Philippines? Isang uri rin yun
ng pang-eengganyo ng mga turista para dayuhin ang bansa natin. Iyan ay persweysib!

Halimbawa ng tekstong persuweysib ay mga advertisement na naririnig sa radio,


nababasa sa mga pahayagan at napapanood sa tv. Gusto kong malaman kung ano ang
the best na advertisement na naiisip ninyo. Kaya mamaya ay may activity riyan sa
modyul na tiyak akong kagigiliwan ninyong gawin.

D. Tekstong Naratibo
Isa sa mga pinakaginagamit sa mga uri ng teksto ay ang naratibo. Ito ang
pinakamatandang paraan ng paglalahad ng teksto, ang pagsasalaysay o narasyon.
Ang tekstong naratibo ay may layuning isalaysay ang mga kawil-kawil na
pangyayari. Ibig sabihin ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ang
mahalaga upang maunawaan ng mambabasa ang kaniyang nais ipahiwatig.
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF KORONADAL CITY

Halimbawa ay ang maikling kwento. Nawiwili tayong malaman ang mga magaganap sa
kwento. Nailalahad ito gamit ang tekstong naratibo. Isang magandang halimbawa rin ang
mga drama sa radio.

‘Iya ko siya ginhakus nga daw wala na sang palaabot nga bwas sa amon nga duha.
Akon dayon ginpabutyag ang akong madugay na nga paghigugma ka Marites.

E. Tekstong Argumentatibo

Kung nakakita ka ng isang pelikulang nasa loob ng court room at nagtatalo


marahil hindi na bago sa iyo ang argumentatibo. Madalas sa isang debate
nagaganap ang isang argumento. May dalawang panig na inilalahad ang teksto at
kani-kaniya ang paglalatag ng ebidensiya at pumupukol ng ilang mga salita upang
mahawan ang anumang sigalot. Ang argumento ay batay sa datos na sinasandigan
ng maayos na pagtatala ng mga ebidensiya.

Halimbawa nito ang ay ang paglilitis, posisyong papel at editorial sa pahayagan. Lahat
iyan ay nalalatag ng ebidensyang sumusuporta sa kanilang pahayag.

F. Tekstong Prosidyural
Ang pagluluto ng cake, paggawa ng isang compost pit, paglikha ng
isang saranggola at paggawa ng isang youtube video hinggil sa pagtatanim
ng gulay ay nangangailangan ng mga hakbang. Ang mga hakbang na ito
ay prosidyural na ang ibig sabihin ay sunod-sunod na hakbang. Mayroong
prosesong sinusunod ang tekstong prosidyural upang makamit ang
pinakalayunin nito. Kailangang masunod ang mga hakbang upang
makamit ang nais ihatid sa mga mambabasa.

Saan kadalasang nagagamit ang prosedyural na teksto?


Sa mga cook book, DIY videos, pagkakaroon ng bagong appliances. Maging sa mga
ahensya ng gobyerno nagdidikta ng proseso sa transaksyon.

Nauunawaan niyo na ba ang iba’t ibang uri ng mga teksto?

Tandaan!
May anim na uri ng isang teksto: ang anim na uring ito ay may kanikaniyang gamit o
layunin. Madalas ang mga teksto ay inuuri sa kaniyang gamit o layon ng pagpapahayag
kaya mahalagang unawaain at suriing mabuti ang gamit ng teksto

Sa pananaliksik mahalagang malaman ng may-akda kung


paano niya ihahayag ang isang sulatin upang makuha ang
interes ng mga mananaliksik. Tulad ng pormal na pagsulat
mahalagang mabatid ang layunin at paraan ng
pagpapahayag ng isang manunulat.

(Explain the procedure/s on how TO DO the activities included in the modules. You may
give a sample answer IF NEEDED for students to be guided)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII SOCCSKSARGEN
SCHOOLS DIVISION OF KORONADAL CITY

Ngayon makikita sa inyong pahina 7 ng module ang GAWAING PANTAHANAN na may


pamagat na Magsulat Ka! Ang gawaing ito ay susukat sa inyong kaalaman sa pamamagitan ng
paggawa ng isang iskrip sa patalastas. Gawing impormatibo ang patalastas sa pammagitan ng
mga datos at ebidensiya. Kailangang mahimok mo ang iyong guro sa iyong iskrip ng patalastas.
Gawin mo ito sa loob ng iyong tahanan. Sagutin ito bago ang pasahan sa susunod na Linggo.

Sa susunod na linggo ay abangan ninyo ang pagpapalawak pa ng talakayan tungkol sa


mga uri ng teksto at marami pang mga halimbawa sa Turo-Guro sa Radyo.

Ako ang inyong guro sa kahanginan, Teacher Doren na nagsasabing makinig, matuto at
lumikha. TANDAAN NA ANG KARUNUNGAN AY KAPANGYARIHAN! KAY SIKAPING MATUTO, KAHIT SA
RADYO. Hanggang sa muli, paalam!

IV. OUTRO

At dito nagtatapos ang ating talakayang pang edukasyon, sa muli kami po ay lubos na
nagpapasalamat sa inyong pagtutok at pakikinig sa ating segment. Patuloy parin kayong
mag-abang sa mga susunod na araw para sa mga diskusyong pang-edukasyon! Mula dito
sa _____________(radio station), ako po si _______________(radio host) na nagsasabing “Sa
Koronadal, bawat gradweyt angat sa kaalaman, kakayahan at kabuhayan.” Dahil sa
DepEd, “Una sa lahat, ay bata!” Hanggang sa muli!

You might also like