Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MESSAGE

Taos-pusong pagbati ang aking ipinahahatid sa lahat ng mga batang nagsipagtapos sa Laiya
Integrated National High School taong 2023!
This year’s theme, “K to 12 Graduates: Molded through a Resilient Educational
Foundation” really provided the students sufficient time for mastery of concepts and skills,
developed lifelong learners and prepared graduates for the tertiary education, middle-level skills
development , employment and entrepreneurship.
Ang programang ito ay ipinatupad ng pamahalaan upang tulungan ang mga kabataan at
pantayan ang sistema ng edukasyon na kung saan ginawang mandatory ang kindergarten at may
tinatawag na junior highschool o Grade 7-10. Ang dagdag na dalawang taon ay tinatawag na senior
highschool.
Nanindigan pa rin ang ating pamahalaan sa pagbabago sa edukasyon --- gawin itong sentral
na estratehiya sa pamumuhunan sa pinakamahalaga nating yaman at ito ay ang mga kabataang
Pilipino. Sa K to 12, tiwala tayong mabibigyang lakas si Juan dela Cruz upang mapaunlad hindi
lamang ang kanyang sarili at pamilya--- kundi maging ang buong bansa. Ngayon, masasabi natin na
tagumpay ang K to 12 dahil kayo na nagsipagtapos ngayon ay isang patunay na produkto nito.
Your certificate and diploma readied you for the further search of learning. True to its mission,
this institution responsibly guided and mentored each one of you with compassion beyond their
devotion to excellent service.
Dalangin ko sa ating Panginoong Diyos na sumainyo ang Kanyang dakilang pag-ibig at
pagpapala sa inyong pagharap sa mga susunod na antas ng inyong pag-aaral. Ipagpatuloy ninyo ang
inyong ibayong pagsisikap, sipag at tiyaga upang inyong matamo ang edukasyon na pinanday ng
kurikulum ng K to 12 na naging sandigan ng Kabatan tungo sa matatag na pundasyon sa lipunan.
Higit sa lahat, nais kong magkaroon kayo ng banal na pananampalataya sa Diyos, paggalang at
pagsunod sa mga magulang, pagmamahal at pagmamalasakit sa lahat ng tao.
Hangad ko ang inyong tagumpay sa lahat ng inyong mga hangarin sa buhay upang
mapatunayan ninyo na ang kabataan ay totoong pag-asa ng ating bayan.
My heartfelt congratulations to you graduates, parents ,teachers, mentors , family and friends.
To God be all the glory.

ILDEBRANDO D. SALUD
Municipal Mayor

You might also like