General Presentation

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 23

Tungkulin at

Responsibilidad
ng Mananaliksik
Introduksyon

Tulad ng anumang gawain, ang pananaliksik


ay isang malaki at mabigat na
responsibilidad.May mga katangian,
pagpapahalaga at konsiderasyong dapat
malaman at mabigyang halaga ng
mananaliksik.
Ang Mananaliksik sa Larangan ng Pananaliksik

Malaki ang papel mo bilang mananaliksik


sa paggawa ng pananaliksik.Nakasalalay sa
iyo ang kredibilidad ng iyong
gagawin/ginagawa.
Kailangan mong maging:
● Matiyaga sa paghahanap ng mga datos mula sa iba’t ibang
mapagkukunan maging ito’y sa aklatan, upisina, institusyon, tao,
media, komunidad at maging sa Internet;
● Maparaan sa pagkuha ng datos na hindi mdaling kunin at
nag-iisip ng sariling paraan para makuha ang mga ito;
● Sistematiko sa paghahanap ng materyales, sa pagdodokumento
dito at sa pag-iiskedyul ng mga gawain tungo sa pagbubuo ng
pananaliksik.
● Maingat sa pagpili ng mga datos batay sas katotohanan at sa
kredibilidad ng pinagkunan sa pagsiguro na lahat ng panig ay
sinisiyasat; at sa pagbibigay ng mga konklusyon, interpretasyon,
komento at rekomendasyon.
● Analitikal sa mga datos at interpretasyon ng iba ukol sa paksa at mga kaugnay
na paksa. Halimbawa, analitikal ka kung malinaw mong nakita na ang isyu ng
rape ay may iba’t ibang 2 dimensyon – pisikal, emosyonal, moral, ekonomiko,
sosyal at politikal.
● Kritikal sa pagbibigay ng interpretasyon, konklusyon, at rekomendasyon sa
paksa.
● Matapat sa pagsasabing may nagawa nang pag-aaral ukol sa paksang
pinag-aaralan mo; sa pagkuha ng mga datos nang walang
itinatago/iniiwasan/ipinagkakaila nang walang pagkilala at permiso sa kinunan;
at sa pagtanggap sa limitasyon ng pananaliksik.
● Responsable sa paggamit ng mga nakuhang datos, sa mga tao/institusyong
pinakunan mo ng mga ito, at sa pagsisigurong maayos at mahusay ang
mabubuong pananaliksik mula pormat hanggang sa nilalaman at sa prosesong
pagdadaanan.
Etika at Responsibilidad ng Mananaliksik
Sa pananaliksik, mayroon ding mga ganito. Anu-ano ang mga etikang ito?

1. Kilalanin mo ang ginamit mong ideya


2. Huwag kang kumuha ng datos kung hindi ka pinapayagan o walang permiso.
3. Iwasan mong gumawa ng mga personal na obserbasyon, lalo na kung negatibo ang
mga ito o makakasirang-puri sa taong iniinterbyu.
4. Huwag kang mag-shortcut.
Anumang pag-shortcut ay masasabing bunga ng katamaran.Ayaw nang magpagod
pa.Tinatamad na.Gusto na agad matapos.Pero anumang pag-shortcut ay magbubunga rin
ng di-kasapatan ng datos na magreresulta sa di rin sapat na pagsusuri.
● Kulang/hindi tapos ang paghahanap ng materyales.
● Hindi na sinusuri nang malalim ang materyales.
● Mabilisang nagbibigay ng konklusyon/rekomendasyon para matapos lang.
5. Huwag kang mandaya. Isang “krimen” ang pandaraya sa pananaliksik.
Plagiarism at ang Responsibilidad ng Mananaliksik

Ang pangongopya ay pandaraya at


di-katanggap-tanggap sa pananaliksik. Maaari din itong
humantong sa mga problemang lega. Iwasan ito para
huwag mapasok sa gulo at gusot Plagiarism ang
teknikal na salitang ginagamit sa wikang Ingles kaugnay
ng pangongopya ng gawa ng ibang nang walang
pagkilala.
Narito ang ibang anyo o uri ng Plagiarism:

1. Tahasang pag-angkin sa gawa ng iba. 5 Siguro, sasabihin mong hindi


ito kapani-paniwala. Pero totoong nangyayari ang ganito
2. Pagkopya sa ilang bahagi ng akda nang may kaunting pagbabago sa
ayos ng pangungusap at hindi kinilala ang awtor. Kung minsan,
posibleng nakakaligtaan mo ang pagkilala sa awtor.
3. Pag-aangkin at/o paggaya sa pamagat ng iba Ang pamagat ng
anumang akda ay isang patent o copyright na maaaring angkinin ng
nakaisip nito.
Ang Panghihiram ng mga
Salita
Introduksyon
Isang realidad ang pangangailangan ng wikang Filipino
na manghiram sa Ingles, Espanyol at iba pang wika para
matugunan ang malawakang pagpasok ng mga bagong
kultural na aytem at mga bagong konsepto na dala ng
modernisasyon at teknolohiya. Idagdag pa na ang
kanariwang Pilipino ay nagpapalit-wika at malayang
nanghihiram ng mga salita anumang varayti ang
ginagamit, pasalita man o pasulat.
Mga Tuntunin sa Panghihiram
1. Sundin ang mga sumusunod na lapit sa paghanap ng panumbas sa mga hiram na salita:

a. Gamitin ang kasalukuyang leksikon ng Filipino bilang panumbas sa mga


salitang banyaga.
Halimbawa:

Hiram na Salita Filipino

Attitude Saloobin
Rule Tuntunin
Ability Kakayahan
Wholesale Pakyawan
West Kanluran
b. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t
ibang katutubong wika ng bansa.
Halimbawa:

Hiram na Salita Katutubong Wika

Hegemony Gahum (Cebuano)


Imagery Haraya (Tagalog)
Husband Bana (Hiligaynon)
Muslim priest Imam (Tausug)
c. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiram na
salita mula sa Espanyol, Ingles at iba pang
wikang banyaga at saka baybayin sa Filipino.
Halimbawa:
Ingles Filipino
Espanyol Filipino
Centripetal Sentripetal
Cheque Tseke
Commercial Komersyal
Advertising Advertayzing Litro Litro
Radical Radikal Liquid Likido
Iba pang Wika Filipino Gayunpaman, sa pagpili ng salitang gagamitin,
Coup d’etat isaalang-alang din ang mga sumusunod:
Chinelas (Espanyol) Tsinelas
Kimono (Japanese) Kimono A. kaangkupan ng salita;
B. katiyakan sa kahulugan ng salita; at
Glasnost (Russian) Glasnost C. prestihiyo ng salita
Blitzkrieg (German) Blitzkrieg
2. Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X, F, J, V,
Z kapag ang salita ay hiniram nang buo ayon
sa mga sumusunod na kondisyon.
a. Pantanging ngalan
Halimbawa:

TAO LUGAR GUSALI


Quirino Canada Ceñeza Bldg.
Julia Valenzuela City State Condominium
Sasakyan Pangyayari

Qantas Airlines First Quarter Storm

Dona Monserat El Niño


b. Salitang teknikal o siyentipiko

Halimbawa: Cortex x-ray


Enzyme Zoom
Quartz Joules
Filament Vertigo
Marxism Infrared
c. Salitang may natatanging kahulugang: kultural Halimbawa
Cañao (Ifugao) — pagdiriwang Senora (Espanyol)
Hadji (Maranao) — lalaking Muslim na nakapunta sa Mecca
Masjid (Maguindanao) — pook dalanginan, moske
Vakul (Ivatan) — panakip sa ulo bilang panang-galang sa ulan at init, yari sa palmera o
dahon ng saging
Ifun (Ibanag) — pinakamaliit na banak
Azan (Tausog) — unang panawagan sa pagdarasal ng mga Muslim
d. Salitang may irregular na ispeling o
gumagamit ng dalawang letra o higit pa na
hindi binibigkas o ang mga letra ay hindi
katumbas ng tunog
Halimbawa:
Bouquet Plateau
Champagne Laissez faire
Rendezvous Monsieur

e. Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamit

Halimbawa:
Taxi Exit Fax
3.Gamitin ang mga letrang F. J, V. Z para
katawanin ang mag tunog, /f/, /j/, /v/, /z/ kapag
binabaybay sa Filipino ang mga salitang hiram
Halimbawa:
➢ Fixer fikser
➢ Subject sabjek
➢ Vertical vertical
➢ Zipper ziper

4. Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X sa mga salitang hiniram nang buo.

Halimbawa:
Cniceor Xenophobia
Cell Cataluña
Reflex Requiem
Iba’t Ibang Uri ng Pagsulat
1. Pormal. Ito ay mga sulating may malinaw na daloy at ugnayan ng
pangunahing paksa at detalyadong pagtalakay ng balangkas ng paksa.
2. Di-Pormal. Ito ay mga sulatin na malaya ang pagtalakay sa paksa,
magaan ang pananalita, masaya at may pagkapersonal na parang
nakikipag-usap lamang sa mga mambabasa.
3. Kumbinasyon. Malayo na rin ang narating ng malikhain at akademikong
pagsulat sa bansa lalo na sa hanay ng mga kabataang manunulat na
nagsasagawa ng eksperimento ng estilo, nilalaman at pormat ng
pagsulat.
Anyo ng pagsulat ayon sa layunin
1.Paglalahad.
Halimbawa:
Batihing mabuti ang isang itlog at ihalo rito ang karneng dinurog.Timplahan ng
asin, budburan ng kaunting paminta at ihalo ang harina.Gumawa ng
katamtamang laki ng bola-bola at kapag nabilog na ay iprito sa mahina-hinang
apoy hanggang sa pumula ito.Ilagay sa mantika ang pinitpit na bawang at kapag
mamula-mula na ito ay igisa rin dito ang sibuyas at kamatis.Sabawan ng mga
anim na kutsarang tubig ang kawali hanggang sa maging parang sarsa ang
sabaw.Ihalo ang mga ginawang bola-bola at pabayaang kumulo.Pagkaraan ng
limang minuto, hanguin ang nilutong bola-bola at ihain ito nang mainit.
2.Pagsasalaysay.
Halimbawa:
Sang-ayon kay Giovanni Careri, isang manlalakbay na Italyano na nakasapit sa ating bansa noong
1696, ang mga unang Tagalog na naninirahan sa baybayin ng dagat at mga ilog ay sumasamba sa
mga puno ng Balite.Siya ay naglibot sa mga paligid sa Lawa ng Bai na ngayon ay tinatawag na Lawa
ng Laguna at mataman niyang pinag-aralan ang mga naninirahan dito.
3.Pangangatwiran.
Halimbawa:
Masyadong maikli ang panahon para sa preparasyon ng mga guro. Kaya ba ng llimang araw na
pagsasanay na ibigay ang karampatang kaalaman sa pagtuturo sa mga klaseng remedial para sa
buong taunang na karanasan ang mga gurong magtuturo ng tatlong nabanggit na asignatura, iba
pa rin ang katangian at oryentasyon ng klaseng remedial. Ang mga estudyanteng nakapaloob dito
ay malamang na mabagal umintindi kaya kailangang maging mapanlikha sa paraan ng pagtuturo at
makgaroon ng maraming gawain. Hindi kasya ang limang araw para makapagtakda ng pamantayan
sa pagtuturo ng tatlong asignatura
.
Paglalarawan.
Halimbawa:
“Dumating ang may-ari ng litsunan, sa ayos niya’y mukhang siya pa
ang dapat tuhugin ng kawayan at ihawin sa nagbabagang uling.Bilog
na bilog ang kanyang katawan. Wala na siyang leeg. Nakasaklay na ang
kanyang balikat sa magkabilang tainga. Makipot ang nagma-mantika
niyang labi na ibinaon naman ng pumuputok niyang pisngi. Biik
lamang ang kanyang tangkad.Kung maglakad siya’s parang 15
nakawalang bulog. Sumenyas siya.Pinapupunta kami sa loob ng
kanyang kural, este opisina.
Proseso ng Pagsulat
Pagtatanong at Pag-uusisa. Ang mga sulating papel sa kolehiyo’y nagmumula sa isa o
maraming tanong.
Pala-palagay. Kung ang mausisang isipan ang binhi para sa simula ng pananaliksik, sa
isang banda, unti-unting nabubuo ang pala-palagayng manunulat sa paksang susulatin.
Inisyal na pagtatangka. Sa bahaging ito, kailangang maipokus ng manunulat ang saklaw
ng pananaliksik na gagawin.
Pagsulat ng unang borador. Kung handa na ang lahat ng sanggunian at maayos na ang
daloy ng paksa at detalye ng paksa ayon sa balangkas nito, maaring sulatin na ang unang
borador
Pagpapakinis ng papel. Kung tapos na ang unang borador, muli’t mulingbabasahin ito
para makita ang pagkakamali sa ispeling, paggamit ng salita, gramatika at ang daloy ng
pagpapahayag, impormasyon at katwirang nakapaloob sa komposisyon.
Pinal na papel. Kapag nasuyod nang mabuti ang teknikal na bahagi at nilalaman ng
papel, pwede nang ipasa at ipabasa ito sa guro o sa iba pang babasa’t susuri nito.
.
Organisasyon ng Teksto
Titulo o Pamagat. Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng papel; pangalan ng
sumulat, petsa ng pagkasulat o pagpasa, at iba pang impormasyon na maaaring
tukuyin ng guro.
Introduksyon o Panimula. Karaniwang isinasaad dito ang paksa, kahalagahan ng
paksa, dahilan ng pagsulat ng paksa at pambungad na talakay sa daloy ng papel.
Katawan. Dito matatagpuan ang mga pangunahing pagtalakay sa paksa. Ang
pangangatwiran, pagpapaliwanag, pagsasalaysay, paglalarawan at paglalahad ay
matatagpuan sa bahaging ito.
Kongklusyon. Dito nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng papel.Isinasaad
din sa bahaging ito ang napatunayan o napagalaman batay sa paglalahad at
pagsusuri ng mga impormasyong ginamit sa papel o sa pananaliksik.

You might also like