Ariel Olimba

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

TRADITIONAL LESSON PLAN

MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN -7

(Detailed Lesson Plan)

I. LAYUNIN (Objectives)

A. PAMANTAYANG PANGNILILIMAN (Content Standard)


Napapahalagahan ang pagtugon ng mga Asyano sa mga hamon ng pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy
ng Silangan at Timog-Silangang Asya sa Transisyonal at Makabagong Panahon (ika-16 hanggang ika-20
siglo)
B. PAMANTAYANG PAGGANAP (Performance Standard)
Nakapagsasagawa nang kritikal na pagsusuri sa pagbabago, pag-unlad at pagpapatuloy ng Silangan at
Timog Silangang Asya sa Transisyonal at Panahon (ika-16 hanggang ika-20 siglo)
C. PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA PAGKATUTO (Most Essential Learning Competency)
Balangkas ng pamahalaan ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya
D. TIYAK NA LAYUNIN (Learning Objectives)
 Nasusuri ng mga balangkas ng pamahalaan ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangangn Asya;
 Natutukoy ang mga balangkas ng pamahalaan ng mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya;
 Nakagagawa ng limang saknong na tula tungkol sa mga balangkas ng pamahalaan ng mga bansa sa
Silangan at Timo-Silangang Asya.

II. NILALAMAN (Content)

Paksa: “Ang mga Pagbabago sa Timog At Kanlurang Asya “

. Balangkas ng pamahalaan ng mga bansa sa Silangan at Timog silangang asya

Sanggunian: Kayaman Araling Asyano. Sinaunang Pamumuhay. Pahina 158-165

Akda: Abulencia, et. al (2020)

Kagamitan: Cartolina, larawan, chalk.

III. PAMAMARAAN (Procedure)

Gawain ng Guro Gawain ng mga Mag-aaral


 Panimulang Gawain (Preliminary Activites)
 Pambungad na Panalangin  Opo Sir, (sa ngalan ng Ama, ng Anak, at
Rolando, pangunahan mo ang panimulang Espiritu Santo, Amen….)
panalangin sa araw na ito.
 Pagbati (Greetings)
Magandang umaga mga bata!  Maganda umaga rin po Sir!
 Pagtala ng Liban (Attendance)
May lumiban ba sa araw na ito?  Wala po Sir.
 Pagbabalik tanaw sa nakaraang aralin
(Review of the previous lesson)
 Noong nakaraang lingo inyong natapos ang
mga Gawain at aralin sa Aralin 13. Bilang
pagbabalik tanaw kung kayo talaga ay
nagbasa o nag-aral sa Aralin na iyon, aking
subukin ang inyong kaalaman.
 Kailan lumakas ang damdaming  “Ako po Sir”. Pagkatapos ng Unang Digmaang
Nasyonalismo ng India? Pandaigdig.

 Demokrasya at komunismo, Sir.

 Tama!
 Ano-ano ang naging salik sa pag-usbong ng
Nasyonalismo?
 Tama!

 Panlinang na Gawain (Enrichment Acivity)


 Pagganyak (Motivation)
 Sa puntong ito, sa panimula ng ating aralin
ako ay may inihandang laro na may  Opo Sir! Handa na.
kaugnayan sa ating talakayan ngayong araw.
Handa na ba kayo?

SCRAMBLED WORDS!
Panuto: Tukuyin ang mga scrambled na salita sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng mga ito. Piliin sa
ibaba ang mga sagot.

o DNIAI
 Tama, Ito ay India.
o APIKSNTA
 Tama, Ito ay ang Pakistan.  1: INDIA
o PENAL  Ako po Sir.
 Tama, Nepal.  2: PAKISTA
 3: NEPAL

 Pakistan
 Nepal
 India

 Mahusay, lahat ng mga nasambit natin na


salita kanina ay may kaugnayan sa paksa na
ating tatalakayin sa araw na ito.

 Paglalahad ng aralin (Presentation of the


lesson)
 Bago natin talakayin ang ating paksa atin
munang alamin ang kahulugan ng
Kolonyalismo at Imperyalismo.

 Sa inyong pagkakaintindi, Ano nga ba ang


inyong pananaw sa salitang “Balangkas ”?
(ang mga mag-aaral ay magbibigay ng kanilang sariling
ideya sa salitang “Balangkas”)
 “Tama”. Ang Balangkas ay plano o mga
pamamaraan na ginagawa upang makamit
ang isang layunin.
 Ano sa inyong palagay ang kahulugan ng
“pamahalaan”? (ang mga mag-aaral ay
magbibigay ng kaniyang sagot)
 “Tama”. Ang pamahalaan ay organisadong
Sistema ng pamumuno sa isang estado.
 Pagtatalakay ng aralin (Discussion Proper)  Ako po Sir!

” Ang mga Pagbabago sa Timog At Kanlurang Asya”

 Sino ang nais na magbasa?


INDIA
 Ang pamahalaan ng India ay isang malaya,
parlamentaryo at demokratikong pamahalaan
na binubuo ng 29 estado at7 teritoryo.
 Ang sangay ng ehekutibo ay laging
mananagot sa legislatibo.
 Presidente – pinuno ng estado o head of the
state.
 Punong Ministro -chief executive.
 New Delhi – kapitolyo ng India
 Bicameral - ang lehislatura ng India na
nahahati sa dalawang kapulungan: ang
Council of States at House of People (Lok
Sabha)
 Hudikatura – nagrerepaso ng mga batas na
ipinasa ng lehislatibo; binubuo ng Korte
Suprema ng India at ng High Courts.
 Mahistrado – hinihirang ng presidente mula
sa rekomendasyon ng chief justice.
 Indian National Congress (INC) –
pinakadominanteng partidong politikal sa
India na itinatag noong 1885.

PAKISTAN
 Pamahalaang federal na parlamentaryo,
demokratiko at Islamic ayon sa Islamic
Republic of Pakistan.
 Punong Ministro – pinuno ng Gobyerno at
chief executive ng republika; ulo ng Council of
the Common Interests at lider ng Federal
Cabinet.
 Parliament – bicameral na binubuo ng
senador at National Assembly
 Senado – permanenteng lehislatura kung
saan may pantay na representasyon ang
bawat apat na probinsya
 National Assembly – nabigyan ng
representasyon ang mga kababaihan at iba
pang minoridad.
 Presidente – ceremonial head of the state at
figure head na siyang civilian commander-in-
chief ng hukbong sandatahan; isang Muslim
na pinili ng electoral college at may limang
taong na termino.
 Supreme Court – final court of appeal

SRI LANKA
 Isang demokratikong republika na
pinamumunuan ng isang pangulo bilang
pinuno ng estado o head of state
 Minister – hinirang ng pangulo
 Parlamentaryo ng Sri Lanka– taga-gawa ng
batas

NEPAL
 Isang federal and demokratikong pamahalaan
simula noong 2008
 Presidente – head of state, inihalal ng
electoral college at nagpapatupad at
gumagawa ng ceremonial duty.
 Council of Ministers – binubuo ng prime
minister, deputy prime minister, minister at
state ministers.
 Prime Minister – pinipili ng parlamento;
hinihirang ang mga mahistrado ng Supreme
Court sa tulong ng Constitutional Council.

IRAN

 Napalitan ang kaharian ng Iran ng Islamic


Republic of Iran noong 1979.
 Supreme Leader – pinakamataas na opisyal sa
Iran; commander-in-chief; pinipili ng
Assembly of experts at pwedeng matanggal
 Council of Representatives – naghahalal n
lehislatura
 Council – nagrerepresenta ng iba’ ibang sekto
sa lipunan.

TURKEY
 Isang secular, parlamentaryo at republika
kung saan ang Punong Ministro ang pinuno
ng gobyerno at ang presidente ang pinuno ng
estado.
 Presidente – tuwirang inihalal ng mga
mamamayan, nagtatatag ng saligang batas at
nagrerepresenta ng pagkakaisa ng mga
mamamayan sa Turko.
 Punong Ministro – hinirang ng presidente;
nagpapatupad ng mga patakaran at programa
ng pamahaalan.
 Grand National Assembly – tawag sa
lehislatura ng Turkey. Ito ay tagagawa,
tagapagabago (amend) at tagapagwalangbisa
(repeal) ng batas. Ito rin ay nagsusuri sa mga
gawain ng Council of Ministers.
 Check balance – hgalimbawa ng pagsusuring
ginagawa ng Council of Ministers

 Paglalapat ng Aralin (Application of the


Lesson)
AKO AY TUTULA!
Panuto: Gumawa ng limang saknong na tula na
naglalarawan sa mga balangkas ng pamahalaan ng nga
bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Ito ay
bibigkasin sa harap ng klase.

Ito ang markahan ng inyong ginawa batay sa kasunod


na KRAYTERYA.
Mensahe - - - - - - - - - - - - - - - - 5%
Kaugnayan sa Aralin - - - - - - - - 3 %
Presentasyon -------------- - - - - - - 2%
10

 Paglalahat ng Aralin (Generalization)


Sa paglalahat ng ating aralin tandaan lamang ang mga
sumunod:
Ang mga balangkas ng pamahalaan sa Silangan at
Timog-Silangang Asya.
 Ang pamahalaan ng India ay isang malaya,
parlamentaryo at demokratikong pamahalaan
na binubuo ng 29 estado at7 teritoryo.
 Pamahalaang federal na parlamentaryo,
demokratiko at Islamic ayon sa Islamic
Republic of Pakistan.
 Isang demokratikong republika ang Sri Lanka
na pinamumunuan ng isang pangulo bilang
pinuno ng estado o head of state.
 Ang Nepal ay isang federal and
demokratikong pamahalaan simula noong
2008.
 Napalitan ang kaharian ng Iran ng Islamic
Republic of Iran noong 1979.
 Ang Turkey ay isang secular, parlamentaryo
at republika kung saan ang Punong Ministro
ang pinuno ng gobyerno at ang presidente
ang pinuno ng estado.
Naintindihan nyo na ba mga bata? At kung hindi,
ay maaari kayung magtanong upang aking
masagot ang inyong mga katanungan.

 Opo sir, naintindihan po namin!


IV. PAGTATAYA NG ARALIN (Evaluation)

Sa puntong ito, dahil inyo nang naintindihan ang ating aralin kumuha lamang ng ¼ na papel
at sagutan ang sumusunod na katanungan.

Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung tama ang isinasaad na pangungusap. Isulat naman
ang salitang MALI kung mali ang isinasaad ng pangungusap.

1. Ang Supreme Leader ang pinakamataas na opisyal sa Iran.


2. Ang pamahalaan ng India ay isang malaya, parlamentaryo at demokratikong
pamahalaan na binubuo ng 30 estado at 7 teritoryo.
3. Ang Parlamentaryo ng Sri Lanka ang tagagawa ng kanilang batas.
4. Napalitan ang kaharian ng Iran ng Islamic Republic of Iran noong 1979.
5. Bicameral ay ang lehislatura ng Nepal na nahahati sa dalawang kapulungan: ang Council
of States at House of People (Lok Sabha)
6. Ang India ay binubuo ng 29 estado.
7. Ang hudikatura ng India ang nagrerepaso ng mga batas na ipinasa ng lehislatibo.
8. Noong 1979 napalitan ang kaharian ng Iran ng Islamic Republic of Iran.
9. Grand Nation Assembly ang tawag sa lehislatura ng Turkey.
10. Isang demokratikong republika ang Sri Lanka na pinamumunuan ng isang pangulo bilang
pinuno ng estado o head of state.

SUSI NG PAGWAWASTO:

1. TAMA
2. MALI
3. TAMA
4. TAMA
5. MALI
6. TAMA
7. TAMA
8. TAMA
9. TAMA
10. TAMA
 Kung tapos na ang lahat, ay maaari nang ipasa ang inyong mga papel sa unahan.

V. TAKDANG ARALIN (Assignment)

Para sa ating karagdagang gawain, kayo ay sumulat kayo ng isang repleksyon.


Panuto: Sumulat ng isang maikling repleksyon sa papel tungkol sa pagkakaiba at pagkakatulad ng mga
balangkas ng pamahalaan sa Silangan at Timog-Silangang Asya.

Krayterya:
Organisasyon ng mga ideya --------------- 5 puntos
Kaangkupan sa paksa ----------------------- 5 puntos
Presentasyon --------------------------------- 5 puntos
___________
15 puntos lahat.
Maraming salamat mga bata sa inyong partisipasyon at presensya.
Paalam! Hanggang sa muli.

You might also like