Lesson Plan Dipolog

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

Kontemporaryong Isyu

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamamayan at
pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang
maunlad, mapayapa, at may pagkakaisa.

B. Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa mga gawaing
pansibiko at politikal ng mga mamamayan sa kanilang sariling pamayanan.

C. Kasanayang Pampagkatuto
Natatalakay ang mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing
pansibiko sa kabuhayan, politika, at lipunan. (AP10PNP- IVg-7)
● Naipapaliwanag ang mga gawain na naglalayon ng pakikilahok ng
mamayan sa kabuhayan, politika at lipunan.

II. NILALAMAN
A. Paksang Aralin: Politikal na Pakikilahok: Eleksiyon
B. Sanggunian:Araling Panlipunan10, Isyu at Hamong Panlipunan,
pahina 396-402
C. Mga Kagamitan: Cartolina, Marker, Pisara, Powerpoint
presentation, mga larawan
D. Pagpapahalaga:Nabibigyang halaga ang pakikilahok ng mga
mamamayan sa isyung politikal.
III. PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A. Paghahanda

Tumayo ang lahat para sa isang panalangin. Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu
Santo, Amen…
Magandang umaga klas! Magandang umaga din po ma’am.

Bago kayo magsiupo ay nais ko munang ayusin ninyo ang


inyong mga upuan at pulutin ang mga kalat sa sahig.
(inayos ang mga upuan at pinulot ang mga
kalat.)
Kumusta naman kayo sa araw na ito?
Mabuti po ma’am.
Mabuti naman kung ganoon.

Mayroon bang nalumiban sa umagang iyo?


Wala po.
Magaling! Dahil diyan bigyan natin ng “Wow Clap” ang
inyong mga sarili sapagkat walang lumiban. 1,2,3,1,2,3 WOW!

Mga bata, ating alalahanin ang mga iba’t ibang paalala


tuwing tayo ay may aralin. Ano-ano nga ulit ang A. Kapag may nagsasalita sa harap ay dapat
pamantayan natin sa loob ng klase? makinig
B. Kapag gustong sumagot ay itaas ang
kamay.
C. Gumamit ng po at opo kapag sumasagot.
D. Makilahok sa klase nang may
kasiglahan.
B. Balik-aral
Bago tayo magsimula sa ating paksang tatalakayin sa
umagang ito ay nais ko munang malaman kung may mga
natutunan ba kayo sa nakaraang aralin na ating tinalakay
tungkol sa mga “Karapatang Pantao” sa pamamagitan ng
pagtukoy sa mga dokumento na nakapaloob sa bawat
karapatang pantao batay sa kontekstong historikal. Idikit
ang tamang dokumento sa ikalawang kolum na tinutukoy sa
unang kolum. Maliwanag ba? Opo ma’am.

Mga Nakapaloob na Karapatang Pantao Dokumento


1. Pagbawal sa pagkulong nang walang sapat
na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas militar
sa panahon ng kapayapaan.
2. Pag-aalaga sa mga nasugatan at may sakit na
sundalo ang walang anumang diskriminasyon.
3. Deklarasyon ng karapatan ng bawat tao.
4. Proteksiyon sa karapatan ng lahat na
mamamayan at maging ang iba pang tao na
naninirahan sa bansa.
5. Karapatan ng mga mamamayan.

⚫ Declaration of the Rights of Man and of the Citizen


⚫ Bill of Rights
⚫ Petition of Rights
⚫ First Geneva Convention
⚫ Universal Declaration of Human Rights
(Isinagawa ang gawain)
Mahusay! Base sa inyong mga sagot ay lubusan niyong
naunawaan ang nakaraang paksa natin. Wala na ba kayong
mga katanungan?
Wala na po ma’am.
C. PAGGANYAK
Bago tayo magsimula sa ating paksang tatalakayin,
papangkatin ko muna ang klase sa dalawang grupo. Sa
kanang bahagi ang unang grupo at sa kaliwa naman ang
ikalawang grupo. Maglalaro tayo ng “4pics-1word”. May
apat akong larawan na ipapakita sa inyo. Nais kong pag-
aralan ninyo ang mga larawan at bumuo ng isang salita na
inilalarawan nito. Paunahang idikit sa pisara ang nabuong
salita. Ang pangkat na makakuha ng tamang sagot at ang
pinakaunang nakapagdikit ng salita ay tatanggap ng
sampung puntos. Magkakaroon naman ng limang puntos
ang natalong pangkat. Handa na ba kayo? Handa na po kami.

(Isinagawa ang gawain)


(Ang salita na dapat mabuo ay
ELEKSIYON)

(Binigyan ng puntos ang bawat pankat.)


Ano ang iyong nakita sa larawan?
Paano mo naiugnay ang salitang “Eleksiyon” sa mga
larawan? (Iba’t ibang sagot ng mga mag-aaral.)
D. PAGLALAHAD
Ngayong umaga ay tatalakayin natin ang pinakapayak
na paraan ng pakikilahok ng mamamayan, ang Eleksiyon.
Na kung saan ay inaasahan ko na matatalakay ninyo ang
mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa
mga gawaing pansibiko sa kabuhayan, politika, at lipunan,
maipapaliwanag ang mga gawain na naglalayon ng
pakikilahok ng mamayan sa kabuhayan, politika at lipunan
at mapahalagahan ang pakikilahok ng mga mamamayan sa
isyung politikal.

E. PAGTATALAKAY
Noong Mayo 9, 2020, ay nagkaroon ng eleksiyon ang ating
bansa. Base sa iyong nakita sa araw na ito, ano ba ang Ang eleksiyon ay isang prosesong pagpili
eleksiyon? ng isang tao upang manungkulan sa
pamamagitan ng pagboto.

Tama! Sa pamamagitan ng pagboto, nakapipili ang


mamamayan ng mga opisyal ng pamahalaan na sa tingin
nila ay makapaglilingkod nang maayos.

F. PANGKATANG GAWAIN

Upang mas maintindihan ang aralin,papangkatin ko ang


klase. Mayroon ako ditong iba’t ibang uri ng kendi, nais
kong kumuha kayo ng tig-iisa. Ang mga kendi na nakuha
niyo ay ang magiging basehan ng inyong pangkat.
Dito pumuwesto sa harapan ang pangkat asul, doon naman
ang pangkat pula at dito naman ang pangkat dilaw.
Ngayon naman klas, mayroon ako ditong “Bulaklak ng
Karunungan”. Nais kong pumili kayo ng lider sa bawat (pumitas ng bulaklak ang mga lider ng
pangkat upang pumitas ng isang namumukadkad na pangkat)
bulaklak ayon sa kulay ng inyong pangkat.

Ang bulaklak na inyong napitas ay naglalaman ng mga


panuto kung ano ang inyong gagawin. Bibigyan ko lamang
kayo ng pitong minutong paghahanda at tatlong minuto
para sa presentasyon ng inyong gawain.

Pero bago ang lahat, tunghayan niyo muna ang pamantayan


ng inyong gawain.

Umpisahan na ang gawain


Pangkat Asul
Gawain: TALK SHOW (PANAYAM)
Panuto: Gumawa ng isang panayam.
Gawing gabay ang mga sumusunod na
katanungan:
1. Ano ang isinasaad ng Artikulo II,
Seksiyon 1 ng Saligang Batas 1987?
2. Anong uri ng pamamahala o estado ang
Pilipinas?
3. Kanino nakasalalay ang soveranya ng
mga tao?
4. Ano ang isinasaad ng Artikulo V,
Seksiyon 2 ng Saligang Batas?
5. Ano ang mga balakid sa pakikilahok ng
mga tao sa eleksiyon?
6. Ano ang nagtutulak sa mga mamamayan
na makilahok sa eleksiyon?
7. Gaano kahalaga ang isang boto ng isang
tao?

Pangkat Pula
Gawain: PAGSASADULA
Panuto: Isadula ang tungkol sa mga
kwalipikado at hindi kwalipikadong
bumoto.

Pangkat Dilaw
Gawain: PATALASTAS
(ADVERTISEMENT)
Panuto: Gumawa ng isang palatastas na
nagpapakita kung paano bumoto. Ipakita
din sa palatastas ang mga karaniwang
nakikita tuwing kampanya at sa araw
mismo ng eleksiyon.

(pitong minutong preperasyon at tatlong


(Binigyan ng mga puntos ang bawat pangkat) minuto para sa presentasyon)

G. PAGSUSURI
Ngayon klas ating muling balikan ang inyong mga gawain
sa pamamagitan ng “cabbage relay”. Kung sino man ang
may hawak ng cabbage paper kapag huminto na ang kanta
ay kukuha siya ng isang kapirasong papel at sasagutan ang
katanungang nakapaloob dito. Maliwanag ba?
Opo ma’am.
 Paano maipapakita ng isang tao ang kanyang
pakikilahok sa mga gawaing politikal?
 Ano ang isinasaad ng Artikulo II, Seksiyon 1 ng
Saligang Batas 1987?
 Anong uri ng pamamahala o estado ang Pilipinas?
 Kanino nakasalalay ang soveranya ng mga tao?
 Ano ang isinasaad ng Artikulo V, Seksiyon 2 ng
Saligang Batas?
 Ano ang mga balakid sa pakikilahok ng mga tao sa
eleksiyon?
 Ano ang nagtutulak sa mga mamamayan na makilahok
sa eleksiyon?
 Gaano kahalaga ang isang boto ng isang tao?
 Sinu-sino ang mga kwalipikadong bumoto?
 Kung may mga taong kwalipikado para bumoto, sinu-
sino naman ang mga diskwalipikadong bumoto tuwing
eleksiyon?
 Bawal bumuto ang mga nagkasala sa batas, ngunit
maaari pa ba silang makaboto muli?
 Ilang beses ba tayo maaaring bumoto sa araw ng
halalan?
 Ano ang magiging epekto ng aktibong pakikilahok ng
mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa politika? (Isinagawa ang gawain.)
 Ano ang magiging epekto ng hindi pakikilahok ng (Nagkaroon ng iba’t ibang sagot ang mga
mamamayan sa mga gawaing pansibiko sa politika? mag-aaral)

H. PAGLALAPAT

Sinu-sino ba sa inyo ang kwalipikado o maaari ng bumoto (Nagtaasan ng kamay ang mga mag-aaral
dito sa klase? na maaari ng bumuto)

Ano ba ang unang hakbang na ginawa ninyo upang Nagparehistro po kami sa COMELEC
makaboto? ma’am.

Tama. Bilang mga botante sa darating na halalan at bilang


paghahanda na din sa hindi pa maaaring makaboto,
kailangang alam ninyo ang mga impormasyon tungkol sa
eleksiyon lalo na sa mga dapat at hindi dapat gawin.

Ngayon, sa parehong pangkat nais kong itaas ninyo ang


“thumbs up” kung ang pahayag ay tama at itaas naman ang
“thumbs down” kung ito ay mali.
1. Nasa kamay lamang ng pamahalaan ang pagtugon sa
mga isyu at hamong panlipunan na ating kinakaharap. Thumbs down

2. Ang ganap na kapangyarihan ay nasapamahalaan at ang


lahat ng awtoridad ay nagmula sa kanila. Thumbs down

3. Ang pakikilahok sa halalan ay isang obligasyon at


karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating Saligang Thumbs up
Batas.

4. Ang mga dayuhan na nakatira sa Pilipinas nang higit sa Thumbs down


isang taon ay maaring magparehistro at bumuto.

5. Tuwing halalan bawat Pilipino ay may tig-iisang boto. Thumbs up

6. Ipagbili ang boto. Thumbs down

7. Huwag ng bumoto sapagkat aksaya lang ito ng oras. Thumbs down

8. Makipag-away sa kaanak dahil hindi niya bobotohan ang Thumbs down


kandidato mo.
9. May anim na taong panunungkulan ang presidente bago Thumbs up
ulit pipili ng panibagong presidente.
10. Pwedeng makaboto ang isang taong idineklara ng Thumbs down
eksperto bilang baliw.
I. PAGPAPAHALAGA

Mahalaga ba na ang bawat isa ay makilahok sa isyung


politikal at bakit? Opo, dahil bawat tao ay may kanya-
kanyang pipiliing manunungkulan at upang
ipaglaban ang kanilang karapatan.

Kung mahalaga ang pakikilahok ng isa sa isang pamayanan


bakit may mga taong hindi pinapayagang bumoto? May mga taong hindi pinapayagang bumuto
tulad ng mga idineklarang baliw ng mga
eksperto, mga taong nakulong at iyong mga
rebelde dahil maaari silang gamitin ng mga
politiko sa masamang hangarin.
Sa iyong palagay, bakit mahalaga na gamitin ng isang
tao sa karapatan niya sa pagboto?
(Iba’t ibang sagot ng mga estudyante)

J. PAGLALAHAT
Ngayon naman magkakaroon tayo ng gawain na tatawagin
kong “Blacklisted”. Sapagkat bawal niyo ng ulitin ang
sagot ng iyong kaklase.

Ano ang natutunan mo sa araling tinalakay natin?


(Iba’t ibang sagot ng mga estudyante)

IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahin ng maigi ang mga katanungan at intindihin kung ano ang hinihingi nito.
Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa pagpipilian at isulat sa isang- kapat ng papel.
1. Anong artikulo ng Saligang Batas ng 1987 nakatala ang mga qualifications ng
maaaring makaboto?
A. Artikulo IV B. Artikulo V C. Artikulo IX D. Artikulo X
2. Alin sa mga sumusunod ay hindi kwalipikadong bumuto?
A. Mamamayan ng Pilipinas
B. 18 walong taong gulang pataas
C. Mga taong napatunayan na may pagkakasala at makulong nang hindi
bababa sa isang taon
D. Tumira sa Pilipinas kahit isang taon at hindi bababa sa anim na buwan kung
saan siya boboto
3. Ayon sa ating saligang-batas, saan nagmula ang lahat ng awtoridad na pampamahalaan?
A. Batas B. Diyos C. Politico D. Sambayanan
4. Ano ang pinakapayak na paraan na pakikilahok ng mamamayan sa gawaing politikal?
A. Pagtanggol sa bayan B. Pagbabayad ng buwis
C. Pakikilahok sa eleksiyon D. Pagiging masunurin sa batas
5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamahalang dahilan kung bakit mahalaga
para sa atin bilang mamamayan ang pagboto?
A. Dahil ito ay karapatan natin
B. Dahil ito ay katungkulan natin
C. Dahil ito ay isinasaad sa saligang-batas
D. Dahil ito ang nagtatakda ng ating kinabukasan
6. Ang mga sumusunod ay naging tugon ng Commission on Elections sa talamak na
pamimili ng boto maliban sa isa.
A. Automated elections
B. Pagpataw ng parusa sa mga namimili ng boto
C. Pagsagawa ng kampanya tungkol sa tamang pagboto
D. Pagtatalaga ng common poster areas tuwing eleksiyon
7. Sino ang may sabi na ang, “ang layunin ng pagboto ay hindi na ang pagbibigay ng
mandato sa mga opisyal para mamuno bagkus ay ang pagbibigay ng kapangyarihan sa
mga makapagpapaunlad sa estado at malupig ang mga nagpapahirap sa bayan.”
A. Fr. Joaquin Bernas B. Gregorio Lardizabal
C. Horacio Morales D. Saligang Batas ng 1987
8. Batay sa ISSP Citizenship Survey noong 2004, pangunahin ang pagboto bilang
katangian ng isang mabuting mamamayan para sa mga Pilipino. Ano ang mababatid natin
sa sarbey na ito?
A. Takot mabura ang pangalan sa talaan ng mga botante
B. Hindi makakaila na maraming Piliino ang bumoboto dahil sa pera
C. Ito ang katangian ng isang mabuting mamamayan na medaling gawin
D. Malaki ang pagtingin ng mga Pilipino sa kahalagahan ng karapatang
makaboto
9. Ano ang pinakamahalagang elemento ng Estado?
A. Batas B. Lipunan C. Mamamayan D. Pamahalaan
10.Alin sa mga sumusunod ay isang halimbawa ng maling pananaw sa
pamahalaan?
A. Ang kahirapan ay kasalanan ng pamahalaan lamang
B. Katuwang tayo ng pamahalaan sa pag-unlad ng bayan
C. Ang pagbabayad ng buwis ay nakakatulong sa pamahalaan para makapagbigay
ng serbisyo
D. Ang paghalal sa tamang kandidato ay mahalaga para sa ika-uunlad ng buhay
natin

V. KASUNDUAN

Panuto: Sa bahaging ito ikaw ay hinihikayat na dagdagan ang iyong kaalaman sa


pamamagitan ng paghahanap ng mga balita sa diyaryo, telebisyon o internet na may
kinalaman sa paglabag sa mga pamantayan ng nagdaang halalan. Maaari kayong kumuha
ng sipi o kopya ng balita. Matapos ay sagutan ang sumusunod na pamprosesong tanong.
1. Anong pamantayan sa nakaraang halalan na nilabag ng balita?
2. Ano ang naging tugon ng Comelec tungkol sa paglabag na ito?
3. Sa iyong palagay, akma bang pagtugon ng Comelec sa paglabag na ito?
Pangatuwiranan ang iyong sagot.

Inihanda ni:

LORIE JEAN Q. ANTIQUINA


Teacher Applicant

You might also like