Professional Documents
Culture Documents
Mga Teoryang Pampanitikan
Mga Teoryang Pampanitikan
Kabanata 4
Panimula
Iba’t ibang teorya na maaring makita sa mga akda,ito ay tumutukoy sa layuninng iparating ng
awtor kanyang saloobin at maging kanyang mga imahinasyon.Sa iba’t ibang akda,maari tayong magkalap
ng inpormasyon at mamulat ang ating isip sa mga kaganapan sa ating paligid.
Katotohanan kaysa kagandahan ang mababakas sa teoryang ito.Kahit sino,ano man bagay at
lipunan ay dapat makatotohanan ang paglalarawan o paglalahad.Nagpapahayag din ito ng pagtanggap
sa katotohanan o realidad.Tulad sa akda,totoong ang tao ay nasisilaw sa ginhawang maibibigay ng
kayamanan.Natanggap ng isang tauhan ang nangyari subalit tinakasan ng isang tauhan ang katotohanan
at siya ay nawala sa sarili.Ang sobrang paghahangad ng materyal na bagay ay totoong makasisira rin sa
tao.
Talakayan:
Kinilala,hinangaan at ipinagmamalaki ng mga makata at manunulat na Pilpino sina Alejandro G.
Abadilla at Clodualdo del Mundo noong 1972,si Clodualdo del Mundo ay nagsimula ng pamimili ng mga
palagay niya’y pinakamahusay na katha ng mga buwan at taon.Ang panunuri at pamimiling ito ay
tumagal nang walang patlang hanggang noong 1935.
Samantala,kung papaano sa pamamagitan ng kanyang “Parolang Ginto” ay pinasok ni del Mundo
ang larangan ng pamumuna o panunuri.Si Alejandro G,.Abadilla naman ay pumagitna sa larangan sa
pamamagitan ng kanyang”Talaang Bughaw”noong 1932 na sagisag mula noon hanggang ngayon,sa
buwanan at taunang pamimili ng pinakamahuhusay na akda maging tula o akda man.
Sa “Hindi na Uso ang Hindi pa Uso:Ang Kritika sa Panahon pa ng Iraq”,isang sanaysay ni Isagani R.
Cruz ay sunod-sunod na tanong ang kanyang ipinukol sa mga mambabasa bilang paglalarawan sa mga
nangyayari ngayon sa larangan ng panunuri na itinutumbas niya sa salitang kritika.Ano ba ang tayo ng
kritika sa kasalukuyan?Ano ba ang uso ay hindi uso?Anu-ano ang mga isyu na nalutas na at ano pa ang
hindi nalulutas? Sa madaling salita’y nasaan na ba tayo nagyon sa kritika?
Ito ay isang malalim na paghihimay sa mga akdang pampanitikan sa pamamagitan ng paglalapat ng
iba’t ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa malikhaing manunulat at katha.
Ang pagsusuring pampanitikan ay isang pag-aaral,pagtalakay,pagsusuri at pagpapaliwanag ng
panitikan.Ito ay may dalawang sangay.
A.Sangay ay ang Pagdulog:
1.Pormalistiko/Pang-anyo
2.Moralistiko
3.Sikolohikal
4.Sosyolohikal- Panlipunan
B.Sangay ng Pananalig
1.Klasisismo
2.Romantisismo
3.Realismo
4.Naturalismo
5.Imperyunalismo
6.Simbolismo
7.Eksistensiyalismo
8.Feminismo
Teorya = Pormulsyon ng paglilinawing ng mga simulain ng mga tiyak na kaisipan upang makalikha ng
malinaw at sistematikong paraan ng paglalarawan o pagpapaliwanag ukol dito.
Panitikan = Ito’y pagpapahayag na kinapapalooban ng katotohanan at pagpapahayag sa paraang
nagpaparanas sa bumabasa ng kaisipan at damdamin ng manunulat at paraang abot-
kaya ng mangangatha o manunulat.
MGA TEORYANG PAMPANITIKAN
Sistematikong pag-aaral ng panitikan at mga paraan sa pag-aaral ng panitikan.
Isang sistema ng kaisipan at kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng
panitikan na may layunin ang may –akda sa pagsulat at sa akdang pamapanitikan na
ating binabasa.
Uri:
Katangian:
1.Malinaw
2.Marangal
3.Payak
4.Matimpi
5.Obhetibo
6.May pagkakasunod-sunod
7.Pagkakaroon ng hangganan
2. Teoryang Humanismo. Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo;
ay binibigyang-tuon ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino,
talento,katangian, atbp. Ang tao ang pokus/sentro ng akda na binibigyang pansin ang
kanyang kakayahan/katangian sa maraming bagay bilang tao.Ang tao ang sukatan kaya
mahalagang
maipagkaloob sa kanya ang kalayaan sa pagpapahayag ng saloobin at pagpapasya.
Binibigyan-pansin ng tao:
1.Iniisip
2.saloobin
3.katangian
4.Panginoon ng kanyang kapalaran
Hal: Si Kapitan [Noli Me Tangere]
Sino siya?,asawa,anak,negosyo at kalagayan sa lipunan.
4. Teoryang Realismo. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng
may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa realidad o totoong
buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at
pagka-epektibo ng kanyang sinulat.Mahalaga ang katotohanan kaysa kagandahan.
Binibigyang-diin at may layunin na ilahad ang tunay na buhay.Ang
pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng korapsyon/katiwalian,kahirapan at
diskriminasyon na nakapokus sa lipunan at pamahalaan.Maging makatotohanan sa
isasagawang paglalarawan o paglalahad.
1. Binibigyang pokus ang realidad ng buhay.
2. Ang totoong buhay ang binibigyang-diin.
6. Teoryang Arkitaypal/Arketipo
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng
akda sa pamamagitan ng mga simbolo[modelo/huwaran]. Ngunit hindi basta-basta masusuri
ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam na alamin muna ang kabuuang konsepto at
tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong napapaloob sa akda ay magkaugnay sa
isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema at konseptong ipinapakilala ng may-
akda sa mga mambabasa.Napapaloob dito ang mitolohikal/ritwalistiko.
7. Teoryang Pormalismo/Pormalistiko.
Binibigyang pansin ang istruktura o pagkakabuo at posibleng katangian ng akda.Sa
pagkakabuo ng nilalaman,kaanyuan/kayarian at pagkasulat ng akda.Masusuri ang
tema/paksa,sensebilidad at pag-uugnay ng mga salita o instruktura ng wika,imahe at iba pang
elemento ng akda
Hal. Sa Tabi ng Dagat ni Ildefonso Santos
9. Teoryang Eksistensyalismo.
Ang tao ay may kakayahang pumili ng sariling kinabukasan ngunit kailangan niyang
tanggapin ang hamon,panganib at responsibilidad sa kanyang direksiyon.Ito’y interpretasyon ng
buhay ng tao sa mundong kanyang kinabibilangan.Ang tao ay humuhubog sa kanyang sariling
kapalaran.
Katangian:
1.Mayroon pagbuo ng desisyon ng tauhan.
2.May lakas sa paninindigan ang tauhan.
Bumalikwas sa kanyang kalagayan
3.Ang tao ay malaya,may responsibilidad sa kanyang kalagayan at bilang indibidwal.
Hal.Pagiging Mahirap
10. Teoryang Romantisismo. Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng
tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong
kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang
maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
Katangian:
1. Pamamayani ng emosyon
2.Semtimentalismo
Mahalaga ang damdamin kaysa ang ideya ng siyentipiko.
3.Pag-ibig
Pag-ibig sa tao,bayan,hayop,atbp.
Uri:
1.Romantisismong Tradisyunal
Pagpapahalagang pantao [Romeo at juliet]
2.Romantisismong Rebolusyunaryo
Pagkamasariling karakter ng tao.
Hal. Maikling kuwento at nobela ni Faustino Galauran; Pag-ibig ni Jose Corazon de Jesus
11. Teoryang Markismo/Marxismo. Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o
sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng
pang-ekonomiyang kahirapan at suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng
pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
Pinakikita ang pagtutunggalian o paglalaban ng dalawang magkasalungat ng
puwersa na malakas at mahina,mayaman at mahirap o kapangyarihan at naapi.Ang tao ay
may kakayahan umangat sa ganitong sitwasyon.
Ginagamit na oryentasyon ito upang mabuksan ang mga isipan at ang mata ng
tao sa pang-aapi at pananamantalang nagaganap sa lipunan.Nagagamit na pananaw sa
pagsusuri sa kalagayang panlipunan.
Naalala ni Marcos kung paanong naging mahirap ang buhay nila sa pamamahala
ni Don Teong at sa pagkamkam nito sa kanilang natitirang kabuhayan gayundin ang pag-
iibigan nila ni Anita na anak ni Don Teong at kung paanong ito naging sanhin ng pagkamatay
ng dalaga. Ang lahat ng ito ay naging gatong sa poot na nararamdaman ni Marcos na nag-
udyok na upang mabuo ang plano ng binata na patayin ang Don.
12. Teoryang Sosyolohikal. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning
panlipunan ng lipunang kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga
tauhan sa pagsugpo sa suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga
mambabasa sa magpuksa sa mga katulad na suliranin.
1.Salamim ng nangyayari sa lipunan.
2.Tiyak ang panahon kung kailan naganap.
3.Mahihinuha ang kalagayan panlipunan kung kailan kinatha ang panitikan.
Hal: Dekada 70 [Martial Law]
Kuwento ng isang pamilya sa panahon ng Batas Militar.
13. Teoryang Moralistiko. Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang n
sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito
ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali
ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay
napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito. Pagpapahalaga sa moralidad,disiplina at
kaayusang pagkatao.
1.Gabay sa kabutihan
2.Katwiran at wasto na batay sa Diyos
3.Pamantayan ang batas ng Diyos
4.Ang akda kasangkapan tungo kabutihan
Hal. Ibig kong Makita ni Benigno Ramos; Urbana at Felisa ni:Modesto de Castro
14. Teoryang Bayograpikal. Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa
buhay ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng
may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga
“pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa
mundo.
Hal. Mga Gunita ni Genoveva Edroza Matute;Sa mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo Reyes
15. Teoryang Queer. Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa
mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay
queer.
16. Teoryang Historikal. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na
siyang masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita
na ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.
18. Teoryang Dekonstruksyon. Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na
bumubuo sa tao at mundo. Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na
walang iisang pananaw ang nag-udyok sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalu-halong
pananaw na ang nais iparating ay ang kabuuan ng pagkatao at mundo.
Sanggunian:
https://www.youtube.com/watch?v=pAtD0rWH3FM
Webliyograpiya
https://danrogayan.wordpress.com/2012/10/07/mga-genre-ng-pelikula-filipino-iii/
https://www.slideshare.net/delcriz/pelikula https://tl.wikipedia.org/wiki/Pelikula