Professional Documents
Culture Documents
Nobena Kay San Expedito
Nobena Kay San Expedito
Ang debosyon kay San Expedito ay inilunsad sa Pilipinas ng mga misyonerong Franciscano. Malamang
nuong ikalawang kalahati ng ika-labing walong siglo ng ang kulto ng nasabing santo ay naging tanyag sa
Europa lalo na sa mga suyudad ng Messina at Acireale sa Sicily.
Si San Expedito ay isang sundalong Romano sa panahon ni Emperador Diocletian. Siya ay kabilang sa
grupo ng mga martir ng Melitene, isang siyudad sa Grecia, at katulad ni San Ermogene, ipinagdiriwang
ang araw ng kanyang kapistahan sa Abril 19. Siya ay nagtaglay ng isan kultong tanyag hindi tulad ni San
Ermogene. Ang Jeronimian Martyrology ay binabanggit lamang ang kayang pangalan, kaya walang
eksaktong impormasyon tungkol sa kapanahunan nuong siya ay nabubuhay at ang kanyang pagkamartir.
Si San Expedito ay iginagalang din bilang isang tagapagtanggol ng mga negosyante at biyaherong
pandagat. Siya rin ay hinihingan ng tulong para sa madaliang pagtatapos ng mga gawaing pangnegosyo.
Si San ‘Expedito ay ipinakikita sa arte ng isang nakadamit na sundalong Romano na tinatapakan ang
isang uwak (simbolo ng kinabukasan) at may hawak na isang relong nagbibigay kahulugang “ngayon”. Sa
mga sumunod na panahon, ang relo ay napalitan ng isang “krus”.
Magmula sa “huwag ipagpaliban para bukas ang isang magagawa ngayon,” si San Expedito ay naging
kalaban ng kinabukasan.
Ang salitang “espedito” ( Expedito) ay nanggaling sa salitang “madalian” kaya ang taong
nangangailangan na tulong sa madaliang kaso ay humiling sa kanya nang malunasan “ngayon” sa araw
na ito ang mga bagay tungkol sa negosyo.
Sa mahabang panahon, ang debosyon kay San Expedito (St. Expeditus) ay lumalawak sa buong Pilipinas
mula Apparri hanggang Jolo. Ang mga imahen ay donasyon ng mga mambabasa ng “puly Personal”
column ni Josephine Darang sa “Philippine Daily Inquirer” at ng Society of St. Expeditus.
Ang mga simbahang mayroong imahen na ng San Espedito ay ang St. Andrew Chuch sa LaHuera,
Paranaque; Our Lady of Fatima Parish sa Philamlife, Las Pinas; Sto Mino de Probidencia Chapel sa Pijuan
St., BF Resort Vilage, Las Pinas; Our Lady of the Assumption Parish sa Leveriza, Malate; Sto Nino de
Violago Chapel sa E. Rodriguez Ave., Q. C.; White Cross Orphanage Chapel sa San Juan, Metro Manila
Immaculate Conception Parish sa Los Banos; St. Francis de Assisi Parish sa Bay, Laguna; The Holy Cross
Parish sa Tanza, Cavite; Basilica de Nuestra Senora de Penafrancia sa Naga; Carmelite Monastery Chapel
sa Nagal St. Peter and Paul Prish sa Polangui, Albay; St. James the Greater Parish sa Libon, Albay; Our
Lady of Penafrancia Paris sa Naga; St. John the Baptist Parish sa Goa, Cam. Sur; Franciscan Sisters
Convent Chapel sa Baybay, Leyte; St. Francis of Assisi Parish sa Nasugbu, Batangas; Immaculate
Xonception Parish sa Bauan, Batangas; The Holy Rosary Church sa Jonos, Isabela at Immaculate
Conception Parish sa Dasmarinas, Cavite.
Paalala:
Si San Expedito ay nagdusa ng labis noong panahon ni Diocletian. May hawak-hawak siyang krus na may
nakasulat na “Hodie” (Ngayon) habang nakatuntong sa isang uwak na umiiyak ng “Cras-Cras” (Bukas)
upang paalala sa atin na huwag mag-alinlangan kaylan man sa dakilang pagmamahal ng Diyos at huwag
ipagpabukas ang taimtim na panalangin bagkus ay tumawag sa kanya lagi bilang ating tagapagtanggol sa
piling ng Mahal na Birhen.
PAGTITIKA
Panginoon kong Hesukristo, Ama ng walang katapusang kabutihan, tunay kong pinagsisisihan ang aking
mga pagkakasala. Ipagkaloob mo ang biyayang hinihiling ko sa iyo sa pamamagitan ng mga
pagdadalamhati ng iyong mapagmahal na Ina at ng mga dakilang katangian ng iyong martir na si San
Expedito.
UNANG ARAW
PANALANGIN
Alalahanin mo o butihing Birhin Maria na walang sinumang dumulog sa iyo upang humiling ng iyong
pagkakandili ang hindi napaunlakan. Puno ng pagtitiwala, narito ako ngayon sa iyong harapan,
makasalanan at ngdadalamhati. O Ina ng Diyos na nagkatawang Tao, huwag mong ipag walang bahala
ang aking mga salita, bagkus ay dinggin mo at ipagkaloob ang aking panalangin. Siya Nawa.
IKALAWANG ARAW
O maluwalhating Martir, San Expedito, sa pamamagitan ng nakaiinggit na pag-asa upang sila man ay
makatangap rin ng mga biyayang walang katapusan. Idalangin mong manaig din sa akin ang tunay na
pag-asa sa Diyos at magpatatag sa akin sa gitna ng mga pagdurusa.
IKATLONG ARAW
IKAAPAT NA ARAW
O maluwalhating Martir, San Expedito, ikaw ang nakababatid sa mga araw ng Dakilang Guro na pasanin
ang Krus at sundan siya, hilingin mo sa kanya ang mga biyayang kinakailangan ko upang mapaglabanan
ko ang aking mga damdamin.
IKALIMANG ARAW
O maluwalhating Martir, San Expedito, sa pamamagitan ng iyong mga pagdurusa at dinaranas mong
panlalait, na tinanggap moa lang-alang sa pag-ibig sa Diyos, ipagkaloob mo sa aking ang biyayang ito na
kinalulugsan ng Diyos, at palayain mo ako sa mga galit at pagmamatigas ng puso na siyang nagiging
malaking balakid sa aking kaluluwa.
IKAPITONG ARAW
O maluwalhating Martir, San Expedito, alam mong ang panalangin ang gintong Susi na magbubukas sa
kaharian ng Langit, turuan mo akong manalangin sa isang pamamaraang kanais-nais sa ating Panginoon
at sa kanyang Puso, upang ako’y mabuhay para sa manalangin sa kanya lamang magpakaylan man. Siya
Nawa.
IKASIYAM NA ARAW
O maluwalhating Martir, San Expedito, ikaw na minamahal ng Reyna ng Langit, wala kang hiniling na
tinanggihan, hilingin mo sa aking tagapagtanggap na sa pamamagitan ng pagdurusa ng kanyang Anak at
ng kanyang pagdadalamhati, ay matanggap ko ngayon ang biyayang hinihiling ko, ngunit higt sa lahat ay
ang biyayang mamatay na muna ako bago ako magkasala. Amen.
Panginoon, Maawa ka
Kristo, Maawa ka
Panginoon, Maawa ka
Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalaan nng mundo, Pakapakinggan mo kami Panginoon