Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Rosales, Marl Carlo

CA4-B1

Final Peoject in Filipino

A. Epiko

Biag ni Lam-ang (Epikong Ilokano)

Sinasabing pinakapopular na epikong-bayan, ang Biag ni Lam-ang ay nagmula sa Hilagang Luzon, partikular na sa mga lalawigan
ng Ilocos at La Union. Nag-iisa itong Kristiyanisadong epikong-bayan at pruweba nitó ang paggamit ng mga pangalang
naimpluwensiyahan ng Katolisismo. Sinasabing ang paring si Gerardo Blanco ang nagtalâ ng epikong-bayan noong 1889 at si
Canuto Medina na nagtalâ noong 1906. Sinundan ito ng bersiyon na nailathala sa La Lucha, ang bersiyon ni Parayno noong 1927
at pinagsáma niya ang unang dalawang bersiyon at ang bersiyon ni Leopoldo Yabes noong 1935.

Umiikot ang epikong-bayan sa buhay ng pangunahing tauhan na si Lam-ang. Bago siyá ipanganak ni Namongan, inutusan ng
kaniyang ina ang kaniyang ama na si Don Juan Panganiban na manguha ng mga kahoy. Ngunit hindi na bumalik si Don Juan
hanggang ipinanganak niya si Lam-ang. Pambihirang batà si Lam-ang dahil káya na niyang magsalita at may taglay siyáng
kakaibang lakas. Itinanong ni Lam-ang kung nasaan ang kaniyang ama. Nang sinabi ng kaniyang ina na umalis ang kaniyang ama
upang labanan ang mga Igorot, nag-ayos si Lam-ang at pumunta sa lugar ng mga Igorot kahit hindi pumayag ang kaniyang ina.
Nakita niya na nagsasagawa ng sagang ang mga Igorot. Nang lumapit siyá, nakita niya ang ulo ng kaniyang ama. Pinagpapatay
niya ang mga Igorot.

Nang bumalik siyá sa bayan, may mga dalagang naghihintay sa kaniya upang paliguan siyá. Nang maligo siyá sa Ilog Amburayan,
namatay ang mga isda sa baho ng kaniyang libag. Hinanap niya ang dalagang nagnangangalang Ines Kannoyan, anak ng
pinakamayamang tao sa Kalanutian. Pumunta siyá sa nasabing lugar, kasáma ang tandang at aso niya. Nakarating siyá matapos
ang pakikipaglaban kay Sumarang at pang-aakit ni Sarindang. Nasindak sa kaniya ang mga lumiligaw kay Ines Kannoyan. Naibigay
din niya ang lahat ng mga hiling ng magulang nitó kayâ ikinasal ang dalawa. Minsan, nangisda si Lam-ang at nakain siyá ng
berkakan, isang malaking isda. Isang maninisid ang nakakuha ng kaniyang labí at sa tulong ng kaniyang tandang, muli siyáng
nabuhay at namuhay nang matiwasay.

Hudhud (Epiko ng Ifugao)

Sa lipunang Ifugaw, ang Hudhúd ay isang mahabang salaysay na patula na karaniwang inaawit sa panahon ng tag-ani, o kapag
inaayos ang mga payyo o dinadamuhan ang mga palayan Inaawit din ito kapag may lamay sa patay at ang yumao ay isang táong
tinitingala dahil sa kaniyang yaman o prestihiyo. Kinakanta ang Hudhud sa mga naturang okasyon bilang paglilibang o pampalipas-
oras lamang. Hindi nakaugnay sa anumang ritwal ang pagkanta ng Hudhud.

Karaniwang umiikot ang kuwento nito sa mga karanasan ng isang pambihirang nilaláng, kadalasan ay si Aliguyon, na kabilang sa
uring mariwasa o kadangyan. Ang diin ay nasa pagsuyo at pakikipag-isang-dibdib niya sa isang babaeng mula rin sa uring
kadangyan. Ang tema ng pag-ibig at kariwasaan ang nangingibabaw sa Hudhud.

Tumatagal nang ilang oras o isang araw ang pag-awit ng Hudhud. Kinakanta ito ng isang grupo o koro, ang mun-abbuy, na
pinangungunahan ng isang punòng mang-aawit, ang munhaw-e. Ang mga linyang kinakanta ng munhaw-e ang nagdadala ng
salaysay. Mga babae ang umaawit ng Hudhud. Kung minsan, panandaliang sumasali sa pagkanta ang ilang kalalakihan, ngunit
ayon sa matatanda, hindi ito sumasang-ayon sa tradisyon.

Sinasalamin ng Hudhud ang mga paniniwala’t kaugalian ng sinaunang lipunan ng mga Ifugaw, at binibigyang-paliwanag ang mga
bagay na kanilang pinahahalagahan. Matatagpuan sa Hudhud ang paglalarawan sa mga konsepto na kinababatayan ng mga
ugnayang pampamilya, at ng mga ugnayan ng iba’t ibang grupo sa loob at labas ng ili o nayon. Makikita rito ang paniniwala ng mga
Ifugaw tungkol sa mga diyos at espiritu, at kung paano sila dapat makipag-ugnayan sa mga ito. Mangyari pa, matatagpuan din sa
Hudhud ang pagtukoy sa iba’t ibang ritwal na mahigpit na bahagi ng pang-araw-araw na buhay ng mga Ifugaw.
Noong 2001, kinilala ng UNESCO ang Hudhud bilang isa sa mga Masterpiece of the Oral and Intangible Heritage of Humanity.

Ibalon (Epiko ng Bicol)

Ang epikong Ibalon ay isang salaysay ng pakikipagsapalaran ng mga bayaning sina Baltog, Handiong, at Bantong. Pinaniniwalaang
isang sinauna’t mitolohikong salaysay ito ng mga Bikolano. Gayunman, pinagdududahang epikong-bayan ito dahil sa kasalukuyang
napakaikling anyo nitó (240 taludtod) at nakasulat sa wikang Espanyol. Bahagi ang naturang teksto ng libro ni Padre Jose Castaño,
isang paring nadestino sa Bikol. May makatang nagsalin ng teksto sa Bikol ngunit walang nakatutuklas hanggang ngayon ng kahit
isang orihinal na saknong nitó sa wika ng mga Bikolano. May tumatawag ding Ibalon sa Kabikulan.

Nagsisimula ang salaysay sa isang kahilingan ng ibong si Yling kay Cadugnung na kantahin ang kuwento ni Handiong.
Isinasalaysay muna ni Cadugnung ang kagitingan ni Baltog na pumatay sa Tandayag, isang dambuhalang baboy. Sumunod ang
kuwento ni Handiong. Bago siya dumating ay punô ng mababangis at malalaking hayop ang Kabikulan. Madalî niyang pinatay ang
mga ito maliban kay Oriol, ang mailap na ahas na nagbabalatkayo bilang isang napakagandang babae. Pagkatapos mapatay si
Oriol ay nagkaroon ng mga pag-unlad sa sining at industriya sa ilalim ng pamumunò ni Handiong. Ang hulíng bayani, si Bantong,
ang pumatay sa dambuhalang si Rabot, isang nilaláng na kalahating tao at kalahating hayop at nagiging bato ang matingnan.
Pinatay ni Bantong si Rabot hábang natutulog. Dito huminto sa pag-awit si Cadugnung.

Si Baltog ay nakarating sa lupain ng Ibalon dahil sa pagtugis niya sa isang malaking baboy-ramo. Siya’y nanggaling pa sa lupain ng
Batawara. Mayaman ang lupain ng Ibalon at doon na siya nanirahan. Siya ang kinilalang hari ng Ibalon. Naging maunlad ang
pamumuhay ng mga tao. Subalit may muling kinatakutan ang mga tao, isang malaki at mapaminsalang baboy-ramo na tuwing
sumasapit ang gabi ay namiminsala ng mga pananim. Si Baltog ay matanda na upang makilaban. Tinulungan siya ng kanyang
kaibigang si Handiong.

Pinamunuan ni Handiong ang mga lalaki ng Ibalon upang kanilang lipulin ang mga dambuhalang buwaya, mababangis na tamaraw
at lumilipad na mga pating at mga halimaw na kumakain ng tao. Napatay nila ang mga ito maliban sa isang engkantadang nakapag-
aanyong magandang dalaga na may matamis na tinig. Ito ay si Oriol. Tumulong si Oriol sa paglipol ng iba pang mga masasamang
hayop sa Ibalon.

Naging payapa ang Ibalon. Ang mga tao ay umunlad. Tinuruan niya ang mga tao ng maayos na pagsasaka. Ang mga piling tauhan
ni Handiong ay tumulong sa kanyang pamamahala at pagtuturo sa mga tao ng maraming bagay.

Ang sistema ng pagsulat ay itinuro ni Sural. Itinuro ni Dinahong Pandak ang paggawa ng palayok na Iluad at ng iba pang kagamitan
sa pagluluto.

Si Hablon naman ay nagturo sa mga tao ng paghabi ng tela. Si Ginantong ay gumawa ng kauna-unahang bangka, ng araro, itak at
iba pang kasangkapan sa bahay.

Naging lalong maunlad at masagana ang Ibalon. Subalit may isang halimaw na namang sumipot. Ito ay kalahating tao at kalahating
hayop. Siya si Rabut. Nagagawa niyang bato ang mga tao o hayop na kanyang maengkanto. May nagtangkang pumatay sa kanya
subalit sinamang palad na naging bato. Nabalitaan ito ni Bantong at inihandog niya ang sarili kay Handiong upang siyang pumatay
kay Rabut.

Nalaman ni Bantong na sa araw ay tulog na tulog si Rabut. Kaniya itong pinatay habang natutulog.

Nagalit ang Diyos sa ginawang pataksil na pagpatay kay Rabut. Diumano, masama man si Rabut, dapat ay binigyan ng
pagkakataong magtanggol sa sarili nito. Pinarusahan ng Diyos ang Ibalon sa pamamagitan ng isang napakalaking baha.

Nasira ang mga bahay at pananim. Nalunod ang maraming tao. Nakaligtas lamang ang ilang nakaakyat sa taluktok ng matataas na
bundok. Nang kumati ang tubig, iba na ang anyo ng Ibalon. Nagpanibagong buhay ang mga tao ngayon ay sa pamumuno ni
Bantong
Kudaman (Epiko ng Palawan)

Isa ang Kudaman sa umaabot sa 60 tultul o epikong-bayan ng pangkating Palawan na nakolekta ni Nicole Revel-Macdonald
pagkatapos ng 20 taóng saliksik mulang 1970. Ang saliksik ni Revel-Macdonald ay patunay sa napakayamang panitikang-bayan ng
Filipinas. Ang bayaning si Kudaman ay datu ng Kapatagan, may putong na kalapati at may tahanang naliligid ng liwanag. May
sasakyan siyáng malaki’t mahiwagang ibon, si Linggisan, na isang kulay lilang bakaw, na nagdadalá sa kaniya sa iba’t ibang lupain
at pakikipagsapalaran. Tuwing aalis siyá, iniiwan niya sa mga asawa ang isang bulaklak ng balanoy na kapag nalanta ay sagisag ng
kaniyang kasawian.

Ang kasalukuyang Kudaman ay inawit ni Usuy, isang babaylang Palawan, at ilang gabi niya itong inawit. Isinalin sa Filipino ni Edgar
B. Maranan ang tultul nang ilathala noong 1991.

Nagsisimula ito sa istorya kung paano napangasawa ni Kudaman si Tuwan Putli, at pagkaraan, ang tatlo pang asawa na
nagturingang magkakapatid at nagsáma-sáma sa isang tahanan. Sinundan ito ng pagdalo sa isang pagdiriwang ng mga Ilanun
upang manggulo. Ilang taóng naglaban si Kudaman at ang pinunòng Ilanun at sa ganitong labanan ay nagwawagi sa dulo ang
bayani upang kaibiganin ang nakalaban. Anupa’t malimit magtapos ang mga bahagi ng tultul sa malaking inuman ng tabad, ang
alak ng Palawan, at pagkonsumo ng mahigit sandaang tapayan ng alak. Dili kayâ’y nagsisimula ito sa malaking inuman na nauuwi
sa labanan kapag nalasing ang mga panauhin. Sa dulo ng mga nairekord na tultul, sampu na ang asawa ni Kudaman na nakatagpo
sa iba’t ibang abentura.

Gayunman, mapapansin diumano ang taglay na hinahon at paghahangad ng kapayapaan ni Kudaman. Maraming tagpo ng sigalot
na tinatapos sa kasunduang pangkapayapaan at pagpapasiya alinsunod sa tradisyong Palawan. Nakapalaman din sa tultul ang
mga kapaniwalaan ng Palawan at ang konsepto nilá ng sandaigdigan.

Ullalim (Epiko ng Kalinga)

Ang Ullalim ang epikong-bayan ng mga Kalinga sa Cordillera. Isang bantog na bayani sa naturang epikong-bayan si Banna ng
Dulawon. Noong 1974, inilathala nina Francisco Billiet at Francis H. Lambrecht ang ilan sa kaniyang mga pakikipagsapalaran.

Buod ng Ullalim

Sa Nibalya da Kalinga (Kasal ng Magkaaway), sinalakay nina Banna ang isang nayon para mamugot. Nagkaroon ng madugong
labanan at napahiwalay siyá sa mga kasáma. Dahil tinutugis ng mga kaaway, naisip niyang tumalon sa ilog at magpatangay sa
agos. Nakarating siyá sa isang kaaway na nayon at nakita ni Onnawa, na dagling umibig sa kaniya. Nag-iisa noon si Onnawa dahil
nása pamumugot din ang ama at mga kanayon. Nagsáma sina Banna at Onnawa bago umuwi ang mandirigma. Nabuntis si
Onnawa, at para mailihim ang nangyari ay ipinaanod sa ilog ang sanggol na si Gassingga, kasáma ang mga handog sa kaniya ni
Banna. Mabuti’t nasagip ang sanggol ni Mangom-ombaliyon at pinalaking isang mahusay na mandirigma.

Si Banna naman ay nanligaw sa magandang si Laggunawa. Ngunit ang gusto ng ama ng babae ay ipakasal ito sa sinumang
makapapatay sa higanteng si Liddawa. Marami nang mandirigmang nabigo na mapugot ang ulo ni Liddawa. Nabalitaan din ni
Gassingga ang kondisyon ni Laggunawa at nagpasiyang lumahok. Nagdalá siyá ng alak sa nayon ni Liddawa at hinámon ang lahat
ng inuman. Nang malasing si Liddawa, pinugot ni Gassingga ang ulo nitó at dinalá sa bahay ni Laggunawa. Ipinabalita ang kasal
nina Gassingga at Laggunawa.

Nagalit si Banna sa nangyari at nagsadya sa bahay ni Laggunawa. Hinámon niya ang hindi nakikilalang anak. Nag-isip ng paraan si
Laggunawa para mapigil ang labanan. Binigyan niya ng pagsubok ang dalawa. Nagwagi sa pagsubok si Banna. Ngunit kinain ng
malaking sawá si Gassingga. Ipinasiyang iligtas si Gassingga. Pati si Mangom-ombaliyon ay dumating. Nailigtas ni Banna si
Gassingga at nakilala ang anak. Sa dulo, nagkaroon ng dalawang kasalan. Binalikan ni Banna si Onnawa para pakasalan. Ikinasal
din sina Gassingga at Laggunawa.

Anekdota

TSINELAS NI JOSE-RIZAL

Maganda ang dagat at ang ilog sa aming bayan sa Laguna. Bughaw na may halong luntian kapag walang sigwa. Ang tubig sa wawa
ay napapaligiran ng mga kawayang sumasayaw na tila umiindak kapag nahihipan ng hangin.

Ang mga bangkang may layag ay parang mga paru-parong puti na naghahabulan.

Ang bangka ay karaniwang gawa sa kahoy na inukit sa matibay na kahoy na nakukuha sa aming gubat. Kung minsan ito ay may
dalawang katig na gawa sa matitibay at mahabang kawayan upang ang bangka ay hindi gumiwang kapag ito ay nakatigil sa tubig.

Karamihan sa gamit nito ay pangingisda nguni’t sa aming lalawigan, ang ay ginagamit namin sa paglalakbay lalo na sa pagtawid sa
ibayo ng dagat. Mas mabilis ito kaysa gumamit ng kalabaw o ng karetela.

Naalala ko pa noon kasalukuyang kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit
namin sa pagpasok at pagpunta sa mga lakaran kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat.

Mabilis itong inanod sa tubig bago ko nahabol para kunin. Malungkot ako dahil iniisip ko ang aking ina na magagalit dahil sa
pagkawala ng aking tsinelas.

NAGREREKLAMO NA TAKOT

Isang babae ang pumunta sa polce upang mag reklamo. Siya raw ay pinagsamantalahan ng kanyang manliligaw matapos niya
itong biguin.

“Kailan pa ito nangyari” tanong ng pulis. Sumagot ang babae “Noon pa hong 1977”.

“Bakit ngayon lang kayo nag report? Dapat sana’y noon pa!”, sabi ng Police.

“Tinakot niya po ako na papatauin niya kapa ako’y nag sumbong”, kinikilabutan na pasagot ng bababe.

“Ganoon ba?”, tanong ng police. “E bakit ngayon ay nag report na ho kayo?, dagdag niya.

Sagot ng babae, ” Dahil patay na po siya at wala nang papatay saakin kapag ako’y nagsumbong sa mga awtoridad.

BUHAY NI RIZAL
Isang umaga, kaming mag-anak ay nag-aagahan. Si Pepe noon ay may gulang na dalawang taon lamang. Sinabi niya sa aming ina
na nais niyang matutong bumasa ng abakada.

Datapuwa’t ang tugon ni Ina’y hindi pa sapat ang taglay niyang gulang upang matupad ang gayong hangarin. Si Pepe’y nagpumilit
kaya’t sandal munang ipinakilala sa kaniya ni Ina ang bawa’titik.

Hindi siya tumigil sa pagkilala sa mga titik at manaka-naka ay angangailangan siyang magtanong. Pagkatapos ng mga dalawang
oras, ang lahat ng titik ng abakada ay natutuhan niyang basahin.

Kaming magkakapatid, pati ng aming mga magulang, ay labis na namangha sa gayong katalinuhan ni Pepe.

Maawaing Saleslady
Isang mukhang disenteng babae ang nakiusap sa saleslady ng isang Department Store na kung maaari raw ay singkuwenta pisos
muna ang ibabayad niya sa kanyang napiling sapatos dahil sa kulang ang dala niyang pera.

“Kailangang-kailangan ko lang ng*yong gabi ang sapatos na ito dahil may party akong dadaluhan,” pakiusap ng babae .  “Bukas na
bukas din ay ibabalik ko ang kulang kong apatnapu’t limang piso.”

Pumayag naman ang maawaing saleslady. Kinagabihan, nang magsasara na ang tindahan, nalaman ng manager niya ang
nangyari kaya kinagalitan siya nito.

“Bakit ka pumayag na paloko? Ni hindi mo kilala ‘ang babaeng iyon. ‘Buti kung humalik pa iyon!” ang pagalit na sahi ng manager .

Ang sago! ng saleslady, “Boss, huwag kayong mag-alala. Tiyak na babalik ‘yon! Parehong kanang paa ang i*inig*y kong sapatos!”

"Bulaklak"
by: Chosha no Heikin
Araw ng Sabado, pumunta ang kanyang pamangkin upang bisitahin ang hardin ng tiyuhin. Madaming uring bulaklak doon na
napakaganda sa paningin. Napansin ng kanyang pamangkin na ilan sa mga ito ay nasa labas at nasisinagan ng araw, ang ilan
naman ay nasa lilim. Gayunpaman, maganda pa rin ito. Kapansin-pansin din ang isang paso na may kakaibang tanim na bulaklak
ngunit ito'y lanta.
"Tiyo, bakit ilan po sa mga bulaklak niyo ay nasa loob?
Maganda naman po ito kaya marapat lang na ilabas" tanong ng kanyang pamangkin.
Lumapit ang tiyo sa lantang bulaklak na nasa paso at unti-unting ipinasok sa may lilim. Unti-unting bumuka ang bulaklak na parang
bagong dilig lamang. Humarap ang tiyo sa kanyang pamangkin.
"Hindi lahat ay kailangan makita mula sa labas, minsan ito'y na sa loob"

Buod ng Hinilawod

Ang salaysay na Labaw Donggon ay nagsimula sa kaniyang pamilya. Isa siyá sa tatlong mala-bathalang anak nina Abyang
Alunsina, isang diwata, at ni Buyung Paubari, isang mortal. Mga kapatid niya sina Humadapnon at Dumalapdap. Pagkapanganak sa
kaniya ay naghanap si Labaw Donggon ng mapapangasawa. Una niyang nakuha si Abyang Ginbitinan, ikalawa si Anggoy
Doronoon. Ikatlo at pinakamahirap ang pakikipagsapalaran niya ay si Malitong Yawa Sinagmaling na asawa ni Saragnayan,
tagapag-alaga ng araw. Dahil may agimat din si Saragnayan, natalo niya si Labaw Donggon sa labanan na tumagal ng maraming
taon. Ibinilanggo ni Saragnayan si Labaw Donggon sa kulungan ng baboy sa silong ng bahay niya. Samantala, nanganak ng
dalawang lalaki ang dalawang asawa ni Labaw Donggon, sina Asu Mangga at Buyung Baranugan. Hiananap ng magkapatid ang
ama, nakaharap si Saragnayan, ngunit ngayo’y natuklasan ni Baranugan ang lihim ng kapangyarihan ni Saragnayan kayâ napatay
ang asawa ni Malitong Yawa Sinagmaling. Pinawalan ng magkapatid si Donggon at pinaliguan. Ngunit nagtago ito sa loob ng isang
lambat. Sina Humadapnon at Dumalapdap naman ang humanap kay Labaw Donggon at nakita nilá ito sa loob ng lambat ngunit
halos bingi at lubhang matatakutin. Gayunman, pinagtulungan siyáng gamutin nina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon
pagkatapos mangako na pantay-pantay siláng ituturing na asawa kasama ni Malitung Yawa Sinagmaling. Sinundan pa ito ng mga
pakikipagsapalaran nina Humadapnon at Dumalapdap na nakuha din ng kani-kanilang asawa.

Buod ng Bantugan

Si Bantugan ay isang magiting na mandirigma sa epikong-bayang Darangan ng mga Maranaw. Siya ay kilala sa kaniyang kahariang
Bumbaran dahil sa mga naipanalo niyang mga digma at labanan.
Sagisag ng tapang at kakisigan, si Prinsipe Bantugan ay sikat na sikat sa kanilang kahariang Bumbaran lalo na sa mga dalaga.
Sinasabing naligawan na niya ang 50 na pinakamagandang prinsesa sa mundo. Dahil dito, lubhang naiinggit sa kaniya ang mas
nakatatandang kapatid na si Haring Madali. Ipinagbawal ni Madali na kausapin ng kahit sino ang kaniyang kapatid.

Sa labis na kalungkutan, umalis ng kanilang kaharian si Bantugën hanggang nagkasakit at namatay malapit sa Kaharian ng Lupaing
nása Pagitan ng Dalawang Dagat. Nakita ng hari at ni Prinsesa Datimbang ang katawan ni Bantugan at agad inilapit ang kanilang
balita sa pulong ng mga tagapayo. Isang loro ang pumasok at sinabi kung sino at kung saan gáling ang patay na manlalakbay.

Buod ng Agyu

Ang mga bayaning sina Banlak, Agyu, at Kuyasu ay nakatira sa bayan ng Ayuman. Sa tradisyong Ilianon sila’y magkakapatid na
anak ni Pamulaw. Si Agyu ay may apat na kapatid na babae, ngunit sina Yambungon at Ikawangon lamang ang binanggit sa epiko.
Isang araw nagpadala si Agyu sa datung Moro ng siyam na komu-buu-buong pagkit sa pamamagitan nina Kuyasu at Banlak.
Nagalit ang datung Moro dahil kakaunti ang pagkit pambayad, kaya’t kanyang ibinalibag ang pagkit kay Kuyasu na tumama sa may
ulser. Gumanti si Kuyasu at kanyang sinibat ang datu na tinamaan sa dibdib. Nahulaan ni Agyu na magkakagiyera dahil napatay
ang datu. Nagtungo sila sa Ilian at ipinasiya ni Agyu na magtayo ng kuta sa bundok ng Ilian. Ang mga mandirigmang Morong
nagdaan sa Ilog Palangi ay dumating at nakita ang kutang ginawa ng mga Ilianon. Nakipaglaban sina Agyu sa mga Moro at halos
naubos ang mga kaaway.

Buod ng Bidasari

Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at
maging sa buhay ng tao. Ang ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga
tao upang magtago sa mg yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka’t ito’y kumkain ng tao.

Sa pagtatakbuhan ng mga tao, nagkahiwalay sa pagtakbo ang sultan at sultana ng Kembayat. Ang sultana ng Kembayat ay
nagdadalantao noon. Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at
pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog.

Buod ng Indarapatra at Sulayman

Si Indarapatra ay ang matapang na hari ng Mantapuli. Nabalitaan niya ang malimit na pananalakay ng mga dambuhalang ibon at
mababangis na hayop sa ibang panig ng Mindanao. Labis niyang ikinalungkot ang mga nangyayaring ito sa mga naninirahan sa
labas ng kaharian ng Mantapuli.

Ipinatawag ni Indarapatra ang kanyang kapatid na si Sulayman, isang matapang na kawal. Inutusan ni Indarapatra si Sulayman
upang puksain ang mga ibon at hayop na namiminsala sa mga tao. Agad na sumunod si Sulayman. Bago umalis si Sulayman,
nagtanim si Indarapatra ng halawan sa may durungawan. Aniya kay Sulayman, “Sa pamamagitan ng halamang ito ay malalaman ko
ang nangyayari sa iyo. Kapag namatay ang halamang ito, nanganaghulugang ikaw ay namatay.”

Buod ng Darangan

Mayroong isang hari sa isang malayong kaharian sa Mindanao ang may dalawang anak na lalaki. Ang nakatatanda ay si Prinsipe
Madali at ang nakababata ay si Prinsipe Bantugan. Sa murang edad ay nagpakita si Prinsipe Bantugan ng magagandang katangian
na higit sa kanyang nakatatandang kapatid na si Prinsipe Madali. Laging sinasabi ng kanilang guro sa kanilang ama na si Prinsipe
Bantugan ay napakatalino. Mabilis siyang matuto, kahit sa paggamit ng espada at palaso. Taglay niya ang lakas na kayang
makipaglaban sa tatlo o limang tao sa mano-manong labanan.

Buod ng Bantugan

Si Bantugan ay isang magiting na mandirigma sa epikong-bayang Darangan ng mga Maranaw. Siya ay kilala sa kaniyang kahariang
Bumbaran dahil sa mga naipanalo niyang mga digma at labanan.

Sagisag ng tapang at kakisigan, si Prinsipe Bantugan ay sikat na sikat sa kanilang kahariang Bumbaran lalo na sa mga dalaga.
Sinasabing naligawan na niya ang 50 na pinakamagandang prinsesa sa mundo. Dahil dito, lubhang naiinggit sa kaniya ang mas
nakatatandang kapatid na si Haring Madali. Ipinagbawal ni Madali na kausapin ng kahit sino ang kaniyang kapatid.
Buod ng Maragtas

Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si Sultan Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng
yaman ng nasasakupan. Kanya ring pinupugayan ng dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng mga datu
na nasa ilalim niya.

Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at angkinin ng masamang sultan. Nalaman ni Datu
Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao. Nagbalak ang magigiting na datu na manlaban kay Sultan Makatunao. Nag-usap-usap
silang palihim. Naisipan sin nilang humingi ng tulong kay Datu Sumakwel.

Buod ng Labaw Donggon

Si Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya ay napakakisig na lalaki na umibig kay Abyang Ginbitinan.
Binigyan niya ng maraming regalo ang ina ni Abyang Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon upang pumayag lamang na makasal
ang dalawa. Inimbita niya ang buong bayan sa kanilang kasal. At hindi nagtagal ay umibig siyang muli sa isang magandang babae
na nagngangalang Anggoy Doronoon. Niligawan niya ito at hindi nagtagal ay nagpakasal.

At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata. Ngunit ang babae ay
nakasal na kay Buyung Saragnayan na katulad niya na may kapangyarihan din.

Buod ng Humadapnon

Ang mag-asawang Musod Burubalaw at Anggoy Ginbitinan ay may mga anak na lalaki. Isa sa kanilang mga anak ay itinuturing na
bayani ng mga Sulod Pagandra ng Panay Sentral. Ito ay ang kanilang panganay na si Humadapnon.

Nang siya’y magbinata, iginayak niya ang kanyang sarili sa paglalakbay. Nais niya’y matagpuan ang babaeng kanyang
pakakasalan. Ang babaeng nagngangalang Nagmalitong Yawa, nag-iisang anak nina Labaw at Viva Matanayon ng Ilog Hulanod
ang siyang nagpatibok sa puso ni Humadapnon. Kumuha muna siya ng maliit na patalim at sinugatan nito ang maliit na daliri.
Matapos iyon, siya ay naglakbay at nangyaring si Buyung Dumalaplap ang naging kapatid niya sa dugo.

PAG-IBIG

Isang aklat na maputi, ang isinusulat: luha! Kaya’t wala kang mabasa kahit isa mang talata. Kinabisa at inisip mulang ating
pagkabata, tumanda ka’t nagkauban, hindi mo pa maunawa.

Ang pag-ibig, isipin mo, pag inisip, nasa puso;

pag pinuso nasa isip, kaya’t hindi mo makuro. Lapitan mo nang matagal ang pagsuyo. . . naglalaho, layuan mo at kay lungkot,
nananaghoy ang pagsuyo.

Ang pag-ibig na dakila’y aayaw ng matagalan, parang lintik kung gumuhit sa pisngi ng kadiliman. Ang halik na ubos-tindi, minsan
lamang sa halikan,

at ang ilog kung bumaha, tandaan mo’t minsan lamang.

Ang pag-ibig kapag duwag ay payapa’t walang agos, walang talon, walang baha, walang luha, walang lunos. Ang pag-ibig na
matapang ay puso ang inaanod pati dangal, yama’t dunong nalulunod sa pag-irog.

Ang pag-ibig na buko pa’y nakikinig pa sa aral, tandang di pa umiibig, nakikita pa ang ilaw, ngunit kapag nag-alab na’t pati mundo’y
nalimutan iyan, ganyan ang pag-ibig, damdamin at puso lamang!
Kapag ikaw’y umuurong sa sakuna’t sa panganib ay talagang maliwanag at buo ang iyong isip. Takot pa ang pag-ibig mo, hindi ka
pa umiibig, pag umibig, pati hukay ay aariin mong langit.

Iyang mga taong duwag na ang puso’y mahihina, umibig man ay ano pa, di pag-ibig, kundi awa.

Kailangan sa pag-ibig ay hirap at mga luha

at ang duwag ay malayong sa pag-ibig dumakila.

Ang pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay di bulag, ang marunong na umibig, bawat sugat ay bulaklak. Ang pag-ibig ay masakim
at aayaw sa kakabyak,

o wala na kahit ano, o ibigay mo nang lahat!

“Ako’y hindi makasulat at ang nanay, nakabantay.” Asahan mo, katoto ko, hindi ka pa minamahal. Ngunit kapag sumulat na sa
ibabaw man ng hukay minamahal ka na niya nang higit pa kaysa buhay.

Kayo mga kabataang pag-ibig ang ninanais, kayo’y mga paruparong sa ilawan lumiligid. Kapag kayo’y umibig na, hahamakin ang
panganib, at ang mga pakpak ninyo’y masusunog sa pag-ibig!

Jose Corazon De Jesus

Bayan Ko

Ang bayan kong Pilipinas Lupain ng ginto’t bulaklak Pag-ibig na sa kanyang palad Nag-alay ng ganda’t dilag.

At sa kanyang yumi at ganda Dayuhan ay nahalina Bayan ko, binihag ka Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad kulungin mo at umiiyak

Bayan pa kayang sakdal dilag Ang di magnasang makaalpas!

Pilipinas kong minumutya Pugad ng luha ko’t dalita Aking adhika, Makita kang sakdal laya.

Jose Corazon De Jesus

MARUPOK

Kalapating puti sa gitna ng hardin, Iginawa kita ng bahay na siím; May dalawang latang palay at inumin, Saka walong pinto sa apat
na dingding.

Minsan kang nagutom at ako’y nalingat, Oh, kalapati ko, bigla kang lumipad. Sa nagdaang kawan sumama ka agad, Ayaw mong
mabasa ng luha ang pakpak.

Ikaw naman rosas, na mahal kong mahal, Dinilig kita kung hapong malamlam; Sa bawat umaga’y pinaaasuhan,
At inaalsan ko ng kusim sa tangkay.

Minsan lang, Nobyembre, nang di ka mamasid, Nakaligtaan kong diligin kang saglit;

Aba, nang Disyembre, sa gitna ng lamig,

Sa mga tangkay mo’y nag-usli ang tinik.

Ang hardin ko ngayo’y ligid ng dalita, Walang kalapati’t rosas man ay wala; May basag na paso’t may bahay na sira, At ang
hardinero’y ang puso kong luksa.

Babae, hindi ka marapat lumiyag, Napakarupok mo, maselan at duwag.

Sa Tabor ay walang tuhod na di gasgas, Sa Glorya, anghel ma’y may sira ring pakpak.

Jose Corazon De Jesus

KABAYANIHAN

Ang kahulugan mo’y isang paglilingkod na walang paupa sa hirap at pagod; minsang sa anyaya, minsang kusang-loob, pag-ibig sa
kapwa ang lagi mong diyos.

Natatalastas mong sa iyong pananim iba ang aani’t iba ang kakain; datapwa’t sa iyo’y ligaya na’t aliw ang magpakasakit nang sa iba
dahil.

Pawis, yaman, dunong, lakas, dugo, buhay... pinupuhunan mo at iniaalay, kapagka ibig mong sa kaalipinan

ay makatubos ka ng aliping bayan.

Sa tulong mo’y naging maalwan ang dukha, sa turo mo’y naging mulat ang mulala, tapang mo’y sa duwag naging halimbawa’t ang
kamatayan mo ay buhay ng madla.

Tikis na nga lamang na ang mga tao’y mapagwalang-turing sa mga tulong mo;

ang kadalasan pang iganti sa iyo ay ang pagkalimot, kung di paglililo.

Lope K. Santos

Makabuhay

Lubid kang luntiang sa gubat nanggaling, Sa bakod ng dampa’y naging salang baging... Dahil sa dagta mong may pait na lihim,
Hayop man o tao’y takot kang sagiin.

May dala kang ditang kapait-paitan


Na kung lalasahi’y “kadalamhatian”... Ngunit ang pait mo ay gamot kung minsan, Sa maling akala’y diwang Makabuhay.

Sa maraming sakit, ikaw ay panlunas,

At sa tagabukid ay gamot sa sugat;

Sa bibig ng bata na sakim sa gatas, Madalas kang gawing mabisang pang-awat.

Ang ingat mong dagtang simpait ng mira, Pagsayad sa labi’y nangangaral tila: “Sa tamis, ang bata kapag namihasa, Munting
kapaita’y mamalakhing dusa.”

Si Kristo sa Kurus, isang halimbawa, Nang kanyang lagukin ang apdo at suka... Ang taong masanay uminom ng luha, Sa
sangmundong dusa’y hindi nalulula.

Tula ni Nemesio E. Caravana

ANG BUTO NG ATIS

Minsa’y nakapulot ng buto ng atis ang isang dalaga. Pagdating sa bahay sinabi sa ina ang kanyang naisip — buto’y itatanim at
aalagaan.

“At ang punong-atis paglaki’t namunga, bunga’y sa palengke agad kong dadalhin; ang mapagbibilhan” anyang nakatawa “ay ibibili
ko ng hikaw at singsing.”

Pagalit ang inang sinugod ang anak, kasabay ang bantang kinurot sa singit: “Ipagpahiraman ang iyong alahas at nang putukan ka
sa akin ng lintik!”

Amado. V. Hernadez

Aking Ulap

Lunday ka ng aking sanlibong pangarap, Sa dagat na langit ay lalayag-layag;

Sa lundo ng iyong dibdib na busilak, May buhay ang aking nalantang bulaklak.

Kung nagduruyan ka sa rurok ng langit, Kalaro ng aking mga panaginip, Ang lupang tuntunga’y di na naiisip, Nalilipat ako sa ibang
daigdig.

Isakay mo ako, oh Ulap kong giliw,

Ibig kong mahagkan ang mga bituin; Ang lihim ng araw at buwang maningning, Ibig ko rin sanang malama’t malining.

R. Alejandro

Dugo at Laya
Tanging lalaki kang nagmahal sa bayan Na ang sinandata’y panitik na tangan... Nang ikaw’y barilin ng mga kaaway Dugo mo ang
siyang sa laya’y umilaw!

Sa dalawang mahal na laman ng isip, Na Irog at Bayang kapwa mo inibig... Bayan ang piniling mabigyan ng langit Kahit ang puso
mo ay sakdal ng hapis.

Namatay ka upang mabigyan ng laya Ang sinilangan mo na lahi at lupa... Sa tulog na isip ng liping mahina Dugo mo ang siyang
nagbigay ng diwa.

Nabubo sa lupa ang mahal mong dugo – Ang galit ng bayan naman ay kumulo... Kaya’t nang mabutas ang mahal mong bungo, Ay
laya ng lahi naman ang nabuo!

Nemesio E. Caravana

Inang Wika

DAYUHAN:

Kunin mo ang ibig kunin sa dampa ko, Palay, bigas, lusong, at halong pambayó, Kung inaakalang ililigaya mo, Laban man sa
puso’y handog ko sa iyo...

Anak ko ma’y hubdan ng suot na damit, Sampun ng baro kong lampot at gulanit,

Ibibigay ko rin maluwag sa dibdib, Kami ma’y lamunin ng init at lamig...

Datapwa’t huwag mong biruin si Ina! Huwag mong isiping sapagka’t api na, Ang Ina ko’y iyong masasamantala...

Si Ina ang aking mutyang minamahal, Si Ina ang tanging buhay ko’t katawan; Siya, pag kinuha, ikaw’t ako’y... patay!

Teodoro E. Gener

Maliit na Bato

Isang munting bato ang aking nadampot!... Nang ako’y mapuno ng duming alabok, Ay ipinukol ko agad na padabog

Na taglay sa puso ang sama ng loob...

Nang aking ipukol ay tumama naman Sa lalong malaking bato sa may pampang; Sa lakas ng tama’y dagling umilandang, Nagbalik
sa aki’t ako ang nasaktan

Di ko akalaing yaong munting bato Na tinatapakan ng sino mang tao, Sa di sinasadyang pagmamalikot ko’y Batuhin ang biglang
naghagis na ako...

Mandin ay totoong ang lahat sa lupa

Ay may katutura’t kagamitang pawa;Ang bato, kung batong sinlambot ng luha,

Sa palad ng tao’y tatalsik, tatama.


Teodoro E. Gener

You might also like