Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ANG KAHON NI PANDORA

Pamagat ng Mito

I. TAGPUAN
Lupa ng mga Griyego

II. MGA TAUHAN

PANGALAN NG TAUHAN KATANGIAN


1. Pandora Magandang babae ngunit mapanlinlang at
mausisa.
2. Prometheus Napaka-talino, matapang, at mapamaraan ngunit
isang tuso.
3. Epimetheus Kabaligtaran sa kanyang kapatid. Hindi gaanong
matalino o tanga.
4. Zeus Pinakamakapangyarihan at pinakamataas na
Diyos sa sinaunang mga Greyigo. Kilala siya
bilang tagapakulog dahil ginagamit niyang
kapangyarihan niyang kidlat na may kasamang
malakas na kulog
5. Limang masasamang Espirito Panlilinlang, pagka-inggit, pagkamuhi, digmaan,
at kawalan ng pag-asa.
6. Pag-asa Nagpasilay ng pag-asa sa mga puso ng tao,
gayundin sa puso ni Prpometheus.

III. BANGHAY

SIMULA
Noong unang panahon, sa lupa ng mga Griyego ay may nakatirang dalawang magkapatid
na sina Prometheus at Epimetheus. Pareho nilang ginalit si Zeut dahil binigyan nila ang
mga mortal na tao ng apoy nang hindi ipina-alam sa kaniya. Bilang kaparusahan, ipinadala
niya si Promethous sa isang bundok at ikinulong doon. Samantalang balak naman niyang
bigyan ng ‘regalo’ si Epimetheus sa katauhan ng isang maganda ngunit mapalinlang na
babae na si Pandora. Binigyan siya ni Zeus ng isang tungkulin. Ibinigay niya ang isang
kahon, kasama na rin ang susi, at sinabing kahit anong mangyari ay huwag na huwag na
itong bubuksan.

KASUKDULAN
Dala ng matinding pagod, antok at pagka-irita ay hindi na nakatiis si Pandora. Hinukay
niya ito at binuksan ang kahong ipinagbilin sa kanyang huwag na huwag bubuksan. Sa
pagbukas niya ng kahon ay limang masasamang espirto ang lumabas: ang panlinlang
(deceit), pagka-inggit (jealousy), pagkamuhi (hate), digmaan (war), at kawalan ng pag-asa
(despair). Sa paglabas ng mga ito ay naghasik sila ng lagim sa mga tao.

WAKAS
Ngunit may kumausap nanaman sa kaniya sa loob ng kahon. Binuksan niya ito at lumabas
si pag-asa (hope); sa kaniyang paglabas ay muling nabuhayan ng loob si Pandora. Sa
pagdaan niya sa buong lungsod ay sumilay si pag-asa sa mga puso ng tao. Gayundin sa
puso ni Prometheus. Di naglaon ay nakabangon muli ang mga tao na siyang
ikinatuwa ni Zeus.

You might also like