EsP 1-Q4-Module 6

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Edukasyon sa

Pagpapakatao 1
Edukasyon sa Pagpapakatao – Unang Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Paggalang sa Paniniwala ng Kapwa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Genalyn D. Censon
Editor: Rebecca B. Alan, Ma. Carmina B. Villones
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC PhD, Marieta M. Limbo EdD
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagalapat: Jhonaly M. Lindio
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera , CESE
Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeňa EdD
Chief, School Governance and Operation Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD


(EPP/TLE/TVL/TVE) Liza A. Alvarez
(Science/STEM/SSP) Bernard R. Balitao
(AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio RGC, PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 1
Ikaapat na Markahan
Modyul 6 para sa Sariling Pagkatuto
Paggalang sa Paniniwala ng Kapwa
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 1 ng Modyul


6 para sa araling Paggalang sa Paniniwala ng Kapwa !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou Concepcion A.
Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag ugnayan sa Lokal na
Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si Hon. Victor Ma. Regis
N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication, Collaboration,
Creativity, Critical Thinking and Character) habang isinasaalang-alang ang kanilang
mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 1 modyul ukol sa
Paggalang sa Paniniwala ng Kapwa !

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makympleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat
mo pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL

Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga


na unang paksa.
ARALIN

Tstalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY

Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan


ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyan halaga
PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang


psmpagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dto masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
INAASAHAN

Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang ang mag-aaral


ay napapahalagahan ang paggalang sa paniniwala ng
kapwa.

PAUNANG PAGSUBOK

Isulat kung Tama o Mali ang ipinapakitang paggalang sa


paniniwala ng kapwa.
1. Hindi bumubusina ang mga sasakyan kapag
dadaan sa mga simbahan.
2. Makikipagkaibigan kahit magkaiba
ng paniniwala o relihiyon.
3. Tinatanggihan ang kaibigan sa paanyaya
dahil magkaiba kayo ng paniniwala.
4. Pakikisalamuha sa kapitbahay kahit magkaiba
kayo ng paniniwala.
5. Pagtatapon ng basura sa harap ng simbahan

1
BALIK-ARAL

Base sa nagdaan nating aralin, magbigay ng


tatlong halimbawa ng paraan ng paggalang sa
paniniwala ng kapwa.
1.
2.
3.

ARALIN

Pagbasa ng maikling kwento.

Si Nida, Verna at Marga


Sa panulat ni: Genalyn D. Censon

May tatlong magkakaibigan na magkakaiba ang


kanilang paniniwala o relihiyon. Si Nida, Verna at Marga.
Si Nida ay Muslim, si Verna na isang Iglesia Ni Kristo at si
Marga na isang Katoliko. Bagamat si Nida ay may
kasuotang hijab na kakaiba sa suot ni Verna at Marga ito
ay hindi nila pinagtatawanan. Tuwing Linggo ay aktibo
naman sa gawaing pagsamba si Verna. Minsan ay

2
ibinabahagi niya sa kanyang mga kaibigan ang kanyang
paniniwala. Tuwing hapon ay masaya silang naglalaro.
Naiintindihan nila na bago sumapit ang dilim ay uuwi si
Marga upang sila ay mag-orasyon o magrosaryo ng
kanyang pamilya. Iginagalang nila ang paniniwala ng
bawat isa sa kanila.
1. Sino- sino ang tatlong magkakaibigan?
2. Sino sa kanila ang may ibang damit na
pangkasuotan?
3. Sino naman ang aktibo sa gawaing pagsamba?
4. Sino ang umuuwi para mag-orasyon o magrosaryo
kasama ang kanyang pamilya?
5. May paggalang ba sila sa paniniwala ng kapwa?
6. Ano ang nabanggit sa kwento na nagpapakita ng
paggalang sa paniniwala ng bawat isa?
7. Dapat bang pahalagahan ang paniniwala ng ating
kapwa? Bakit?

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1:
Kulayan ng dilaw ang kahon na nagsasaad ng pagpapadama
ng paggalang sa paniniwala sa kapwa, asul naman kung hindi.

1.Hindi nakikipagtalo sa usaping panrelihiyon.


2.Paninira sa paniniwalang panrelihiyon ng kapwa.
3. Paggalang sa mga okasyon ng ibang gawaing
pangrelihiyon.

3
4. Pagbibigay respeto sa mga dalanginan ng hindi
mo kapareho ng paniniwala

5. Hindi namimilit sa kapwa kapag nag-iimbita.

Pagsasanay 2:
Ano kaya ang madarama mo sa mga sitwasyong ito?
Iguhit sa patlang ang masaya o malungkot na mukha sa
bawat sitwasyon.

masaya malungkot

1. Magkakasama ang mag-anak na nagsisimba.

2. Nag-aaway sa loob ng simbahan.

3. Pinagbubulungan ang magkaibigan na


lalahok sa prusisyon.
4. Dumudura sa harap ng simbahan.

5. Panunukso sa kapwa.

4
Pagsasanay 3:
Iguhit mo ang iyong sarili kasama ang iyong matalik na
kaibigan habang kayo ay nagdarasal.

PAGLALAHAT

Matapos ang iyong aralin, ano - ano ang iyong


natutuhan?
Natutuhan ko ang __
__
__

5
PAGPAPAHALAGA

Ano - ano ang mga dapat mong gawin upang


mapahalagahan ang paggalang sa paniniwala ng
kapwa? Pumili ng sagot sa loob ng kahon na nasa ibaba
at isulat ito sa nakalaan na kahon.

Paggalang sa Paniniwala ng Kapwa

huwag makipagtalo sa kausap


maging magalang
pagtapon ng kalat sa
simabahan tuksuhin ang mga
relihiyoso ipahiram ang bibliya sa
kaibigan
6
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng


kahalagahan ng paggalang sa paniniwala ng kapwa?
Lagyan ng tsek (🗸) ang iyong sagot.
1. Hindi nag-iingay sa loob ng simbahan.
2. Iginagalang ang paniniwala ng iba.
3. Nakikipagkaibigan anuman ang paniniwala.
4. Hindi ipinipilit ang paniniwala sa kapwa.
5. Pinipili lang ang kakaibiganin.

7
SUSI SA PAGWAWASTO

8
Sanggunian

Edukasyon sa Pagpapakatao- Unang Baitang


Kagamitan ng mga Mag-aaral sa Tagalog, Binagong
Edisyon 2015

You might also like