Juala - Ang Pagtatagpo NG Anarcomy at Postmodernismo

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Reporter: Maria Danica P.

Juala
Ang Pagtatagpo ng Anarcomy at Postmodernismo:

Dahil sa sharing virtual reality/cyber space, pamamahagi nang libre ang kaalaman, ang
entertainment ay kaalaman at ang kaalaman ay entertainment, samantalang ang
postmodernismo ay pagkwestyon sa mga doktrina ng mga institusyong pilit hinahanapan ng
kabuluhan ng mga mamamayan.

Ang mga ito ay nararapat na pag-aralan kung paano maghahalo ang dalawang sangkap na ito
para may bagong luma at lumang bagong putaheng maihahain sa mga istratehiya ng
pagtuturo.

1. Paggamit ng Social Networking Sites


para lumikha ang mga mag-aaral ng kanilang sub-group para sa nobela. Sa dami ng mga tauhan
at kawing-kawing na mga pangyayari, maaaring bigyan ang bawat estudyante ng kani-kaniyang
tauhan.
Halimbawa, sa planong pagtatayo ng akademya ng Wika, ano kaya ang magiging comment ni
Padre Damaso, ni Padre Salvi, ni Pilosopong Tasyo, ni Maria Clara at iba pa. Sino ang mag-like?
Sino ang magta-tag. Kung sakaling mag-invite si Maria Clara ng ‘friend’ kay Padre Damaso,
ano kaya ang gagawin ni Padre Salvi para mapansin?

2. Ang pick-up lines


ay mabuting istratehiya sa mga kwento o seleksyong may kinalaman ang pag-iibigan,
pagkakaibigan at iba pa.
Hal.
Crisostomo Ibarra: Nalulungkot ba?
Maria Clara: Bakit?
Crisostomo Ibarra: Nag-iisa ka kasi sa puso ko!
Maria Clara: Prayle ka ba?
Crisostomo Ibarra: Bakit?
Maria Clara: Hindi halatang nagsisinungaling ka!

3. Fliptop
Ito ang pinaka-Balagtasan ng mga estudyante sa ngayon. Sa Fliptop kayang kaya nilang
pagtalunan ang isang paksa kaugnay ng aralin sa paraang tugmaan na masaya, mabilis at
Insightful. Tiyakin nga lang na magbigay ng guide para malaman ng mga mag-aaral ang
kanilang hangganan.
4. Blogwriting
mainam na estratehiya ito para makapagsulat ang mga mag-aaral sa pinakakomportableng
paraan na alam nila ngunit maikakarga ng blog ang aralin sa wika man at panitikan. Kung sa
Wika, mainam na mag-pokus lamang sa isang aralin. Kung pang-uri, ipakwento sa kanila kung
ano ang paborito nilang computer online game shops dati, ngayon at ano kaya ang magiging
itsura ng mga ito sa hinaharap.

5. Video Upload
gamit ang kanilang cellphone, pwedeng mag video ng 2-3 minutes na skit o dula-dulaan na
highlight ng kwentong tinatalakay o pagsasadula ng tula o sanaysayay ay mai-record at maipa-
upload. Pwedeng magkaroon muna ng rehearsal, practice ng linya bago ang aktwal na
pagkuha gamit ang mga cellphone.
Sanggunian:

Anarconomy ng Cyber World.docx. (n.d.). Scribd.

https://www.scribd.com/document/392391765/Anarconomy-ng-Cyber-World-

docx?fbclid=IwAR3ejac0nZX4RzsURIoM3T0_2COwOUNDek6VvlRpH1LHy3fgAmp

mZfNjvWg

You might also like