Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

MAPEH (HEALTH) 5

Quarter 4 Week 2

Pangalan: _______________________________________ Grade & Section: __________________

Gawain 1
Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat sitwasyon at sagutin ang ibinigay na mga tanong.
1. Habang masayang naghahabulan ang magkaibigang sina Mario at Jose, nakakita sila ng isang malaking
puno ng mangga na punong-puno ng bunga. Umakyat sila dito ngunit biglang nadulas si Jose at nahulog.
Dali-daling bumaba si Mario at nakita niya na nabali ang kaliwang kamay ni Jose at nangangailang ito ng
agarang lunas at pagbabalot o bandaging. Ano ang dapat niyang gawin?

_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

2. Bilang pagdiriwang sa ika sampung kaarawan ni Nelia ay napagkasunduan ng buong pamilya na maligo
sa dagat. Habang nakatampisaw si Nelia sa tubig, nakaramdam siya ng paninigas at pananakit ng kanyang
biti. Siya pala ay pinupulikat o may cramps. Ano ang dapat niyang gawin?

_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Gawain 2

Panuto: Ayusin ang mga hakbang sa pagsasagawa ng paunang lunas bago dalhin ang pasyente sa ospital.
Isulat ang mga numerong 1, 2, 3, 4 at 5 sa mga patlang ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng
mga gawain.

A. Sa oras ng Balinguyngoy o Pagdurugo ng Ilong.


____ Kailangang paupuin ang pasyente.
____ Linisin ang ilong ng maligamgam na tubig.
____ Idikit ang likod ng pasyente sa sandalan ng upuan.
____ Gumamit ng nasal sprayer at dalhin sa doctor kung patuloy ang pagdurugo.
____ Pisilin ang ilong ng pasyente ng 10 minuto habang humihinga gamit ang bibig.

B. Kapag ang isang tao ay nahimatay.

___ Pahigain ng maayos ang pasyente.


___ Paluwagin ang sinturon o collar ng kanyang damit.
___ Itaas ang kanyang mga binti ng mas mataas kaysa sa ulo.
___ Buhatin ang pasyente at dalhin sa ligtas na lugar nang dahan-dahan.
___ Tingnan at gamutin ang mga pinsala na nangyari nung siya’y nahimatay.

Gawain 3

Panuto: Piliin ang nararapat at agarang gagawin sa mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa patlang.
____ 1. Natapunan ng mainit na sabaw ang kamay ng iyong nakababatang kapatid.
A. Ibabad agad ang kanyang kamay sa maligamgam na tubig.
B. Balutin ng malinis na bimpo o tela ang bahaging may paso.
C. Ilagay agad ang kamay ng iyong kapatid sa malamig na tubig.
D. Lagyan ng toothpaste ang bahaging natapunan ng mainit na sabaw.
____ 2. Ang iyong kapitbahay ay natumba sa bisikleta at nasugatan ang kanyang siko.
A. Takpan ang sugat ng mga dahon ng bayabas.
B. Punasan ang kanyang sugat gamit ang iyong hinubad na damit.
C. Hugasan nang mabuti ang sugat gamit ang sabon at malinis na tubig.
D. Hawakan ang sugat gamit ang iyong kamay para masuri kung malalim ito.
____ 3. Nagka-sprain ang iyong teammate sa basketball.
A. Hilutin ng dahan-dahan ang bahaging may sprain.
B. Lagyan agad ng bandage ang bahaging may sprain at saka ipahinga.
C. Itaas ng bahagya ang bahaging may sprain at hilain ito ng dahan-dahan.
D. Ipahinga muna ang bahaging may sprain at saka lapatan ng yelo o cold compress para hindi
mamaga.

____ 4. Ang iyong pinsan ay may mga sintomas ng pagkalason.


A. Bigyan mo siya ng maraming tubig na iinumin.
B. Hilutin ang kanyang tiyan at lagyan ng efficascent.
C. Pakainin mo siya ng maraming matatamis na pagkain.
D. Painumin siya ng isang basong suka hanggang sa siya ay sumuka.
____ 5. Kinagat ng aso ang iyong kapatid at nagkaroon siya ng konting galos.
A. Maglagay ng dinikdik na bawang sa sugat tsaka lagyan ito ng bandage.
B. Hugasan agad ng alcohol ang bahaging may sugat at lagyan ng bandage.
C. Takpan o talian ng malinis na tela o bandage ang may sugat na bahagi at dalhin kaagad sa
ospital.
D. Hugasan agad ng malinis na tubig at sabon ang may sugat na bahagi at lagyan ng antibiotic
bago takpan ang sugat.

Gawain 4

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang T kung tama o sumasang-ayon ka sa
pahayag at M naman kung mali o hindi ka sumasang-ayon.

_____ 1. Ang parte ng katawan na may bali o fracture ay kailangang lagyan ng bandage upang
masigurong hindi ito maigalaw at maiwasan ang matinding pinsala.
_____ 2. Mainam na takpan ang sugat ng bandage upang makaiwas sa mikrobyo at sa matinding
impeksyon.
_____ 3. Masahiin o hilutin kaagad ng dahan-dahan ang bahaging may bali o fracture upang ito ay
gumaling at bumalik sa tamang posisyon.
_____ 4. Sa mga kagat ng insekto, kailangang maglapat dito ng cold compress o kaya ay isang tela na
puno ng yelo pagkatapus itong hugasan gamit ang sabon at maligamgam na tubig.
_____ 5. Suriin ng mabuti ang sugat at palaging obserbahan ang mga sintomas o palatandaan ng
impeksiyon. Kung may impeksyon, paturukan ng anti-tetanus ang pasyente.
_____ 6. Lapatan ng hot compress ang bahaging may sprain sa loob ng 15 – 20 minuto upang maiwasan
ang pamamaga.
_____ 7. Upang maiwasan ang muling pagdurugo ng ilong, iwasan ang pagsinga at pagyuko.
_____ 8. Maaring gumamit ng gamot na ammonia na ipapaamoy sa taong hinimatay.
_____ 9. Kapag nakagat ng aso o kaya’y ng ahas, dalhin kaagad ang pasyente sa albularyo upang
magamot ang sugat at malagyan ng dinikdik na bawang.
_____ 10. Kung mayroong mga Iintos ang paso, kailangan itong tusukin pagkatapus ay takpan ang may
pinsalang bahagi ng malinis na tela.

You might also like