Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kabanata 58 : Ang sinumpa

Narrator : Kahit mainit Ang sikat ng araw, marami pa rin ang gustong makiusyoso sa
kahihinatnan ng mga bilanggo.

kaibigan : Umuwi na kayo Ka Doray! Baka mag kasakit po ang bata sa init ng araw.

Doray : Bakit kailangang mabuhay ang batang ito kung hindi naman makikitabang
kanyang ama pag laki niya.

kaibigan : Wala pong kasalanan si Bise Alkalde. Tiyak po namang pauuwiin siya.

Doray : Magdilang-anghel ka sana, pero may kutob akong hindi na namin siya muling
makikita.

Narrator : Mapapansin naman si Kapitana Tinay na habang umaatungal ay tanong naman


ng tanong kung nasaan ang kanyang nag iisang anak na si Antonio. At si Kapitana
Maria na pilit umaakyat sa pader masilup lamang ang kanyang kambal na anak

Byenan ni Andong : Sobra na talaga! Dapat tayong magkaisa! Wala silang karapatang
hulihin at ikulong si Andong sa salang pag upo sa ilalim ng puno ng saging! ano
sila hilo? huwag ko silang makikitang maupo sa ilalim ng puno ng aming akasya at
maghahalo ang balat sa tinalupan.

1 : Si Don Crisostomo ang dapat sisihin.

2 : Oo nga si Don Crisostomo!

marami : Oo nga, oo nga!

Narrator : Impunto alas dos. Huminto sa harapan ng korte ang isang malaking kariton
na hila hila ng dalawang malalaking baka. Gusto ng balanang yugyugin at wasakin ang
kariton

gwardiya 1 : Huwag niyong sisirain ang karitonm Gusto ba ninyong paglakarin ang mga
bilanggo!

Narrator : Maya maya pa ay isa isa nang nilabas ang mga pinagbibintangang
nagsilusob. Si Don Filipo na nang makita ang asawa ay buong pagmamahal na niyakap.
Sapagkat nag huhumiyaw sa pananaghoy ay inilayo ang dalawang gwardiya sibil si Ka
Doray. Si Antonio ang sumunod kasabay ang kambal na anak ni Kapitana Maria.
Magkasabay din na inilabas si Andong at Albino na dating seminarista at kasintahan
ni Victoria. Kahuli hulihang nilabas si Crisostomo Ibarra.

byenan ni Andong : Yan, yang Ibarrang yan ang dapat sisihin. At tignan naman ninyo!
Siya na nabalitaang nanguna raw sa paglusob ay wala man lamang gapos sa mga kamay!
Ang manugang ko na naupo lang sa ilalim ng puno ng saging ay parang kriminal nilang
itinuturing at tinanggalan ng lahat ng karapatan.

Crisostomo Ibarra : Sige, itali niyo ang mga kamay ko, Hindi makatarungang ako
lamang ang hindi nakagapos. Ang katarungan ay para sa lahat.

gwardiya 2 : Pe....pero wala po kaming tinatanggap na utos na igapos din kayo.

Ibarra : Makabubuting igapos din ninyo ako. Kung hindi, tiyak na tatakas ako.

Narrator : Maya maya pa ay dumating na ang alperes sakay ng isang listo listong
kabayo. Bihis na bihis ang tinyente na kasunod ang labinlimang piling gwardiya
sibil.
Doray : Ano ang ginawang masama sa inyo ng asawa ko Senor Crisostomo? Bakit
kailangang magdusa ang kaisa isa naming anak?

Byenan ni Andong : Isa kang duwag! Habang ang lahat ay nakikipag tunggalibay
nagtatago ka naman! Duwag! Duwag!

lahat : Duwag! Duwag! duwag!

3 : Hindi ka lang duwag, Senor Crisostomo, ang yaman ng ninuno mo ang nagsadlak sa
kalungkutan ng bayang uto? isa kang salot tulad ng nga ninuno mo! Isa kang
mapanganib na salot!

lahat : Salot! salot! salot!

4 : Bitayin ka sana, erehe!

Narrator : Ipinukol kay Ibarra ang malalaking tipak ng bato. duguan ang noo ng
binata. Nakayuko lang ito at buong pagpapakumbabang tinanggap ang lahat ng pang
aalipustang mga nasugatan niya ng damdamin.

Narrator : Mula sa isang talampas, hindi maikakailang isang uugod-ugod na matanda


ang nag mamasid sa pagdaraan ng kariton ng nga bilanggo. Nakatibalbal sa manipis na
katawan nito ang makapal na kumot. Ang nanginginig na tuhof ay sinusuportahan ng
idinidiin nitong tungkod na kawayan. Si Pilosopong Tacio. Nang makitang Sinulyapan
siya ni Ibarra, ikinaway niya ang kanyang nanginginig na kamay, hanggang sa mawala
na ng parang bula ang kariton sa paningin niya. Kinabukasan, natagpuan na lamang si
Pilosopong Tacio na malamig na bangkay na sa harap ng pintuan ng malungkot niyang
tirahan

You might also like