Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Ang terorismo ay isang suliraning pandaigdig.

Masasabing ang lahat ng mga bansa at mga tao sa mundo


ay talagang hindi ligtas sa karahasang maaaring dulot ng mga tero-

rista. Nitong mga huling dekada, ang terorismo ay isa sa mga pinakakontrobersiyal na isyung pandaigdig.
Simula 1970s at

1980s, naging bahagi na ng pambansa at pandaigdigang mga

polisiya ang pagsugpo o pakikibaka laban sa terorismo.

Ayon kay Hoffman (1998), ang terorismo ay tumutukoy sa sadyang paglikha at pagpapalaganap ng takot
sa pamamagitan ng karahasan o ang pagbabanta ng karahasan sa kagustuhang magkaroon ng
pagbabagong politikal. Layunin ng terorismo ang magtanim ng sikolohikal na takot sa publiko,
pamahalaan, o sa mga grupong kalaban ng lahi o relihiyon. Sa pamamagitan

ng paglaganap ng balita ng karahasang

kanilang idinudulot, umaasa ang mga tero

ristang magkakaroon sila ng impluwensiya

at kapangyarihan upang matamo ang mga

pagbabagong kanilang minimithi.

Ang terorismo ay kadalasang may

kinalaman sa paniniwala ng isang pangkat

na sila ay pinagkakaitan ng kanilang mga

karapatan o biktima ng diskriminasyon

o hindi pantay na pagtrato. Halimbawa,

sinasabi ng grupong Moro National

Liberation Front (MNLF) sa Mindanao na ang

pamahalaang pambansa ng Pilipinas ay

maka-Kristiyano at hindi tumutugon sa mga

pangangailangan ng mga Muslim.

Mga Anyo ng Terorismo

Ayon sa ilang pag-aaral, may tatlong

anyo ang terorismo. Alamin ang pagkakatu-

lad at pagkakaiba ng mga ito.


1. Ayon kay Byman (2002),

terorismong etniko (ethnic terrorism)

ay naiiba sa terorismong isinasagawa

sa ngalan ng ideolohiya, relihiyon, o kaunlarang pang-ekonomiya.

Naniniwala siya na malaki ang

impluwensiya ng relihiyon sa terorismo

ngunit naiiba rito ang terorismong

etniko. Sinasabi niyang ang mga

etnikong terorista ay kadalasang mas

makabayan at madaling makabuo

ng pambansang pagkakakilanlan

(national identity) kaysa sa mga

teroristang maka-relihiyon. Marahil,

ang ilan sa mga maituturing na

etnikong terorista ay ang Liberation Tigers of Tamil Eelam (LITE), ang

Kurdish Workers Party (PKK), ang Irish

Republican Army (RA), at ang Basque

Fatherland and Liberty (ETA).

2. Ayon kay Manalo (2004), ang terorismong pang-ideolohilya ay batay sa mga

hinaing at layunin ng isang pangkat na

kanilang tinutugunan sa pamamagitan ng karahasan. Maaaring ang kanilang

ideolohiya ay may kinalaman sa relihi-

yon o sa politika. Layunin ng mga

pangkat na ito na pagkaisahin ang

kanilang mga kasapi at makipag-

ugnayan sa mga komunidad na susuporta sa kanilang laban,

3. Sinabi naman ni Ranstorp (2000) na

ang religious fanaticism ay isa sa mga

pinakamatinding motibasyon ng tero-


rismo, tulad ng kaso ng maraming

kultong Muslim, Hudyo, at Hapon. Sabi

niya, ang maka-relihiyong terorismo

ay isang uri ng karahasang politikal

na itinutulak ng krisis-espiritwal o

kaya'y reaksiyon sa mga pagbabago sa

lipunan at politika.

Ang Estruktura ng mga Pangkat Terorista

Ang pinuno ng karaniwang organi.

sasyon ay kadalasang nasa tuktok nito.

Liderato

Kaiba sa posisyon ng mga pinuno

ng ibang mga grupo, ang pinuno ng mga

terorista ay nasa gitna. Bukod sa pagbibigay

ng mga utos sa kanilang mga kasapi, direkta

rin silang kasali sa mga gawain ng kanilang

pangkat. Ayon sa pag-aaral nina Cragin

at Daly (2004), sinasabing ang karisma ng

pinuno ng grupong terorista ay susi sa

pagkakaisa ng mga kasapi nito.

Mga Kasapi

Isa sa mga pinakamahalagang gawain

ng mga pangkat terorista ay ang pagganyak

sa mga bagong kasapi na kailangan upang

palakasin ang kanilang organisasyon at

upang mapalitan ang mga miyembrong


nadadakip, napapatay, o lumilisan. Napag-

alaman sa mga pag-aaral na sa Pilipinas,

Japan, at iba pang demokratikong bansa

sa Asya, ginamit ng mga terorista ang

kalayaang bigay ng pamahalaan sa mga

mamamayan sa pagtatag ng mga NGO (non

governmental organizations). Ang mga ito ay ginagamit o tumatayong front companies

lamang Para sa mga ilegal na gawain ng

mga terorista, tulad ng pangungurakot ng

pera, pagbill ng mga armas, pag-anyaya,

pakikipag-ugnayan, at pagsasanay sa mga

kasapi. Isang halimbawa nito ang Islamic

International Relief Organization (1RO) na

itinatag sa Pilipinas ng bayaw ni Osama bin

Laden na si Mohammed Jamal Khalifa noong

1988. Itinatag umano ang lIRO para sa mga

gawaing pangkawanggawa at panrelihiyon

ngunit ang totooy nangalap at namahagi ito

ng pondo para sa mga pangkat na extremist

na tulad ng Saudi Medical Emergency Relief

Charity (MERC) International, Islamic Wisdom

Worldwide Mission (IwWM), Daw'l Imman al

Shafec Center, at International Relations and

Information Center (RIC). Bagaman totoong

may bahagi ng pondo ang napupunta

para sa lehitimong kawanggawa, tulad

ng pagpapatayo ng mga moske at mga

sentrong pangkultura, malaking bahagi

naman ng pondo ang inilalaan para sa mga


gawaing panterorismo at pangmilitar

Ang Sentro ng Grupong Terorista

Gumagamit ang mga pangkat terorista

ng tinatawag na command and control net-

work. Dito sila nagpaplano at nag-0organisa

para sa mga isinasagawang pag-atake. Labis

nilang binibigyan ng proteksiyon ang kani-

lang pugad at mga galamay. Hindi nila pina-

hihintulutang basta-basta mapasok ang

mga ito, Ang isang halimbawa ng kampong

pinangalagaan nang husto ay ang Camp

Abdurajak ng Abu Sayyaf. Matagal bago ito

nalusob at nasakop ng mga sundalo

Pondo

May mga nagsasabing hindi lubusang

natitigil ang terorismo hanggat may ma-

Pagkukunan ng pondo ang mga teroristang

9rupo. Higit na lumalakas ang mga pangkat

g terorista dahil nagagawa nilang magka

roo ng mga pandaigdigang koneksiyon na

d pagkukunan nila ng mga kasapi, armas, at iba pang kagamitan. Halimbawa, ang Abu

Sayyaf ay may matatag na koneksiyon sa AF

Qaeda sa Afghanistan. Ito ang tumulong sa

kanila upang makapagtayo ng mga training

camp sa Mindanao batay sa modelo ng mga

kampo sa Afghanistan. Bukod pa rito, malaki

rin ang kinita ng Abu Sayyaf mula sa pandu-


rukot ng mga tao (kidnapping), tulad na lang

ng 20 milyong dolyar na ibinayad sa kanila

ng Libya para sa pagpapalaya ng mga bihag

noong taong 2000. Ginamit ng Abu Sayyaf

ang kanilang pondo upang makabili ng

makabagong kagamitan para sa transpor-

tasyon at komunikasyon.

You might also like