Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 11

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto

Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 10: Mga Disenyo ng Pananaliksik

ARALIN 10.3
Kuwantitatibong Disenyo ng Pananaliksik
Talaan ng Nilalaman

Introduksiyon 1

Layunin sa Pagkatuto 2

Kasanayan sa Pagkatuto 2

Simulan 3

Pag-aralan Natin 4
Kuwantitatibong Disenyo 4
Mga Katangian ng Kuwantitatibong Pananaliksik 5
Datos o Resulta 5

Sagutin Natin 6

Subukan Natin 6

Isaisip Natin 7

Pag-isipan Natin 7

Dapat Tandaan 9

Pinagkunan ng Larawan 10

Mga Sanggunian 10
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 10: Mga Disenyo ng Pananaliksik

Aralin 10.3
Kuwantitatibong Disenyo ng
Pananaliksik

Lar. 1. Makatutulong ang akmang disenyo sa pagbuo ng pananaliksik.

Introduksiyon
Kung ang kuwalitatibong disenyo ay paglalarawan ng asal, pananaw, at karanasan ng tao
tungkol sa mga pangyayari sa kaniyang lipunan gamit ang mga salita sa pagbuo ng
interpretasyon, ang kuwantitatibong disenyo naman ay ginagamitan ng mga estadistika
bago mabigyan ng interpretasyon ang mga paksang sinasaliksik.

1
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 10: Mga Disenyo ng Pananaliksik

Layunin sa Pagkatuto
Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang katangian at kabuluhan ng
kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik.

Kasanayan sa Pagkatuto
Sa araling ito, ikaw ay inaasahang makapag-iisa-isa ng mga paraan at tamang
proseso ng pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa layunin, metodo,
at etika ng pananaliksik.

2
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 10: Mga Disenyo ng Pananaliksik

Simulan

Pamagat ng Gawain

Materyales
● papel
● panulat

Mga Panuto
1. Piliin sa mga salitang nasa kahon ang sa inyong palagay ay may kaugnayan sa
kuwantitatibong pananaliksik.
2. Isulat sa kuwaderno ang sagot.

close-ended survey
questionnaire
group conference
open-ended survey
focused group discussion

Mga Gabay na Tanong


1. Ano-ano ang mga salitang may kaugnayan sa kuwantitatibong pananaliksik?
2. Sa inyong palagay, paano maiuugnay ang mga salitang ito sa kuwantitatibong
pananaliksik?
3. Bakit kailangang pag-aralan ang kuwantitatibong pananaliksik?

3
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 10: Mga Disenyo ng Pananaliksik

Pag-aralan Natin

Mahahalagang Tanong
Ano ang tuon o pokus ng kuwantitatibong disenyo? Ano ang kabuluhan ng
kuwantitatibong disenyo? Ano ang mahihinuha mula sa datos sa
pananaliksik?

Gumagamit ng instrumento sa pagkuha ng datos sa kuwantitatibong disenyo ng


pananaliksik. Ang talatanungan ay pinasasagutan sa mga kalahok sa pag-aaral. Kadalasang
ginagamit ang ganitong disenyo kung ang bilang ng kalahok ay malaki o marami. Mayroong
ring eskala para sa pagmamarka ng bawat tugon. Bawat eskala ay may sakop na antas at
may katapat itong berbal na interpretasyon. Sa pagtatapos ng pangangalap ng mga datos,
gagamitan ito ng estadistika upang maanalisa at maipaliwanag ang datos.

Alamin Natin
instrumento kasangkapan upang magawa ang tungkulin

kalahok kasali o kabilang

makalap makuha o makolektang bagay

Kuwantitatibong Disenyo

Ang kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik ay nakatuon sa pag-unawa at


pagpapaliwanag ng mga pangyayari sa paligid sa pamamagitan ng sistematikong pagsusuri
ng mga empirikal na datos. Ang mga datos ay sinusuri gamit ang iba't ibang teknik
pang-estadistika at pangmatematika.

4
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 10: Mga Disenyo ng Pananaliksik

Ang datos nito ay mula sa direktang tugon ng mga respondent o kalahok na kinuhanan ng
sampling. Ito ay maaaring makalap sa iba’t ibang angkop na paraan gaya ng sinagutang
close-ended survey o questionnaire kung saan ang frequency o pattern ng kanilang sagot ang
kinakalap at sinusuri.

Ang resulta ay binibigyan ng interpretasyon gamit ang estadistika na mailalahad gamit ang
graph, talahanayan, o iba pang grapikong pantulong.

Ang teknik sa paggamit ng estadistika ay nakatutulong upang malaman ang kabuoang


pattern na may kaugnayan sa proseso ng pananaliksik.

Mga Katangian ng Kuwantitatibong Pananaliksik

Narito ang ilang katangian ng kuwantitatibong pananaliksik.


● Isinasagawa sa isang kontroladong kalagayan sa tiyak na bilang at kondisyon.
● Naghahanap ng pattern o formula para ipaliwanag ang isang pangyayari.
● Mula sa natuklasan sa mga pattern o formula ay nakabubuo ng isang prinsipyo o
teorya.

Datos o Resulta
Hindi nagtatapos sa pangangalap ng datos ang pananaliksik. Gaya ng nabanggit sa mga
unang bahagi, ito ay kailangan pa ring pag-aralan, sapagkat ang datos ang:
● Nagbibigay ng interpretasyon batay sa estadistika mula sa nakalap na impormasyon.
● Tinitingnan ang isang aspekto ng pinag-aaralan.
● Nagbibigay ng interpretasyon at paliwanag batay sa ugnayan ng mga nakalap na
estadistika.
Sa araling ito, tinukoy natin ang ambag, gamit, at mga katangian ng kuwantitatibong disenyo
ng pananaliksik.Tandaan na ang kuwantitatibo o quantitative ay tumutukoy sa dami o
bilang. Ibig sabihin, ang kuwantitatibong disenyo ay nakatuon sa dami ng nakalap na datos
at sa ipinapakita nitong pattern tungkol sa asal, pananaw, at karanasan ng mga tao sa
kaniyang lipunan.

5
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 10: Mga Disenyo ng Pananaliksik

Huwag malito sa pagkakaiba ng kuwalitatibo at kuwantitatibong disenyo. Laging tandaan na


maaaring magkapareho ng paksa o suliraning tatalakayin ngunit magkaiba ang nais nitong
makuhang resulta. inagamit ang kuwantitatibong disenyo sa pangangalap at pagsusuri ng
mga numerikal o estadistikal na datos. Nag-aambag ito ng pag-unawa at pagpapaliwanag ng
mga pangyayari sa paligid sa pamamagitan ng sistematikong pagsusuri ng datos, gamit ang
iba't ibang teknik. Mula sa datos ay nahihinuha ang pangkalahatang asal o behavior ng
sinusuring paksa at nakabubuo ng prinsipyo o teorya.

Sagutin Natin
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik?
2. Ano kinakalap ng mananaliksik sa pagsasagawa ng pananaliksik sa kuwantitatibong
disenyo?
3. Sa anong aspekto maaaring maging pareho ng tuon ang kuwalitatibo at
kuwantitabong disenyo ng pananaliksik?

Subukan Natin
Pagtutukoy. Lagyan ng tsek (/) ang patlang bago ang bilang kung ang pangungusap ay
tumutukoy sa kuwantitatibong pananaliksik at ekis (X) naman kung hindi.

________________ 1. Naghahanap ng pattern o formula para ipaliwanag ang isaang


pangyayari.

________________ 2. Ang mga datos ay mula sa palagay at obserbasyon ng mga


kalahok na kinuhanan ng sampling.

________________ 3. Gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan kung saan may

6
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 10: Mga Disenyo ng Pananaliksik

interaksiyon ang tao at madaling naoobserbahan ang kaniyang


asal o gawi.

________________ 4. Ang resulta ay binibigyan ng interpretasyon gamit ang


estadistika, na mailalahad gamit ang grap, talahanayan, o iba
pang grapikong pantulong.

________________ 5. Ipinapaliwanag ang mga pangyayari batay sa naibahaging


karanasan ng mga kalahok ayon sa isang batayang konsepto o
teorya.

Isaisip Natin
Bilang isang mag-aaral na nagsisimulang magsagawa ng mga pag-aaral o pananaliksik, aling
disenyo ng pananaliksik ang ninanais mong gamitin? Bakit?

Pag-isipan Natin
1. Sa Aralin 1, nakabuo kayo ng graphic organizer na nagpapakita ng pagkakaiba at
kani-kaniyang katangian ng kuwalitatibo at kuwantitatibong pananaliksik.
2. Sa Aralin 2, nagsaliksik kayo ng karagdagan pang impormasyon tungkol sa
kuwalitatibong pananaliksik at naghanda kayo ng isang powerpoint presentation
tungkol dito.
3. Para sa araling ito, patuloy na magsagawa ng pananaliksik. Sa puntong ito, ang tuon
ng inyong hahanaping karagdagang impormasyon ay ang kuwantitatibong
pananaliksik. Maghanda ng isang powerpoint presentation tungkol dito upang maayos
na mailahad sa klase.

7
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 10: Mga Disenyo ng Pananaliksik

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Mas Mababa Kailangan pa


kaysa ng Nakatugon sa Lumagpas sa
Inaasahan Pagsasanay Inaasahan Inaasahan Marka
Pamantayan
1 2 3 4

Nilalaman Hindi halos Nagsikap na Mahusay na Lubos na


(70%) nakapagsaliksi magsaliksik at nakapagsaliksi makapagsalik
Nakapagsaliksik k at makapaglaha k at sik at
ng wastong nakapaglahad d ng mga nakapaglahad napakahusay
impormasyon. ng mga impormasyon ng mga ng
impormasyon tungkol sa impormasyon pagkalahad
tungkol sa kuwantitatibo tungkol sa ng mga
kuwantitatibon ng disenyo ng kuwantitatibo impormasyon
g disenyo ng pananaliksik. ng disenyo ng tungkol sa
pananaliksik. May ilang pananaliksik. kuwantitatibo
Hindi wasto hindi wastong Wastong mga ng disenyo ng
ang impormasyon impormasyon pananaliksik.
karamihan ng na inilagay sa ang inilagay Wasto ang
inilagay sa powerpoint sa powerpoint lahat ng mga
powerpoint presentation. presentation. impormasyon
presentation. na inilagay sa
powerpoint
presentation.

Kaayusan at Walang Kailangang Maayos at Napakaayos


kalinisan kaayusan at matutong malinis ang at napakalinis
(15%) napakadumi maging output; may ng ipinasang
Malinis at maayos ng output; maayos at ilang nakitang output;
ang kabuoan ng napakaraming malinis sa bura, dumi, o walang
gawain. nakitang bura, paggawa; pagkakamali. nakitang
dumi, o maraming bura, dumi, o
pagkakamali. nakitang pagkakamali.

8
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 10: Mga Disenyo ng Pananaliksik

bura, dumi, o
pagkakamali.

Panahon ng Nakapagpasa Nakapagpa Nakapagpasa Nakapagpasa


Paggawa (15%) ng output sa sa ng output ng output sa ng output
Natapos at loob ng ilang sa loob ng itinakdang bago pa ang
naipasa ang panahon ilang panahon panahon ng itinakdang
gawain sa matapos ang matapos ang pagpapasa. panahon ng
itinakdang
itinakdang itinakdang pagpapasa.
panahon.
pasahan dahil pasahan.
ipinaalala ng
guro.

Kabuoang Marka =

Dapat Tandaan

● Ang kuwantitatibong disenyo ng pananaliksik ay nakatuon sa pag-unawa at


pagpapaliwanag ng mga pangyayari sa paligid sa pamamagitan ng sistematikong
pagsusuri ng mga empirikal na datos. Ang mga datos ay sinusuri gamit ang iba't
ibang teknik pang-estadistika at pangmatematika.
● Ang ilang katangian ng kuwantitatibong pananaliksik ay isinasagawa sa isang
kontroladong kalagayan sa tiyak na bilang at kondisyon, naghahanap ng pattern o
formula para ipaliwanag ang isang pangyayari, nakabubuo ng isang prinsipyo o
teorya mula sa natuklasan sa mga pattern o formula.

9
Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Baitang 11 • Yunit 10: Mga Disenyo ng Pananaliksik

Pinagkunan ng Larawan
Lar. 1. https://pixabay.com/illustrations/data-analysis-accountant-document-3938447/ ay
may pahintulot batay sa Public Domain Certification sa pamamagitan ng pixabay.com.

Mga Sanggunian
“How to Choose From Different Research Method.” ComSwiki. Accessed from
https://home.cc.gatech.edu/cmgardne/uploads/58/Research%20Methods%20and%20
Designs.docx.pdf

“Leading the Conversation in Qualitative”. Qualitative Research Consultants Association.


Accessed from http://www.qrca.org/?page=whatisqualresearch

Mutch, Carol. “Selecting a Research Design”. New ZealandCouncil for Educational Research.
Accessed from
http://www.nzcer.org.nz/system/files/press/abstracts/Doing%20Ed_2ndEd_ch%202.pd
f

Nuncio, Rhoderick V., et. al. 2013. Makabuluhang Filipino sa Iba’t Ibang Pagkakataon.
Lungsod Quezon: C&E Publishing Inc.

Rhodes, Jean. “On Methods: What is the difference between qualitative and quantitative
approach?” The Chronicle of Evidence-based Mentoring. Accessed from
http://chronicle.umbmentoring.org/on-methods-whats-the-difference-between-qualit
ative-and-quantitative-approaches/

10

You might also like