Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Solusyon Tungkol sa Suliranin na Kinakaharap ng Sistema ng

Edukasyon na nakikita sa ating Paaralan


Vianne Raigne G. Manaog

Hindi naiiwasan ng tao ang nararamdamang pagod dahil ito ay natural na pagresponde
ng katawan. Dahil dito, ang mga estudyante ay madalas na nakararanas ng pagkabalisa at
depresyon sa akademiko. Hindi lahat ng mag-aaral sa East Visayan Adventist Academy o
kahit sa ibang paaralan sa iba’t ibang parte ng mundo ay mapapangasiwaan sa kanilang
kalusugan, kaya naman marami ang maantala. Samakatuwid, ang kondisyon ng pag-iisip ng
mga estudyante o “Children’s well-being” ay malaking bahagi ng kanilang edukasyon.
Karamihan sa mga tao ay nagdadalawang isip kung dapat bang seryosohin ang maigi
na pagsusuri sa kalusugan ng mga mag-aaral. Isa ito sa mga dahilan kung bakit itong
suliranin ay nananatili sa mga paaralan at sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas. Itong
pananaliksik ay isinulat upang magsuri at magbigay solusyon sa kahalagahan ng relasyon sa
pagitan ng isang estudyante, ang kanilang kalusugan, at kung paano makatutulong ang mga
paaaralan sa pagbigay gabay sa kaunlaran ng mga mag-aaral.
Paano nga ba nakaaapekto ang kalagayan ng isang tao sa kanilang gawa? May mga
elemento na nakakaimpluwensya sa ugali tungo sa mga gawain na kinakaharap ng mga mag-
aaral sa East Visayan Adventist Academy. Ang sumusunod na impormasyon ay posibleng
magamit sa pagtatasa sa nangangailangang siyasatin sa mga mag-aaral ng East Visayan
Adventist Academy:
 Pagkukulang sa mga “health facilities” at “human resources” sa Pilipinas para sa
kalusugang pang-isipan (Estrada et al., 2020).
 Ang problema sa kalusugang pang-isipan ay nakaaapekto sa antas ng enerhiya,
konsentrasyon, pagkamaaasahan, kakayahang pang-isip, at “optimism” ng estudyante
na nakakaabala sa kanilang gawain (Suicide Prevention Resource Center, 2020).
 Ang pagkabalisa at depresyon ay nagdudulot ng masasamang epekto sa relasyon at
pagiging produktibo sa trabaho (Suicide Prevention Resource Center, 2020).
Ayon kay Ghaffari (2022), ang mga paaralan ay dapat na maging lugar kung saan
makakakuha ng matatag na kaisipan at pagtiwala sa kanilang kakayahan upang mapalawak
ang karunungan. Ang mga guro ay dapat na handang makitungo sa pagkakaroon ng problema
sa pag-iisip sa mga estudyante. Sa pagbabahagi ng mga estratehiya at teorya sa silid-aralan,
makatutulong ito sa pagsubok na maaaring maranasan ng mga estudyante hinggil sa pag-aaral
(VanderLind, n.d.). Gayunman, kailangan ang mainam na pagsuri sa mga “demands” ukol sa
epekto ng sistema ng edukasyon sa kalusugan ng mga mag-aaral. Maaaring gumawa ng
programa o mga aktibidad ang paaralan na magtataguyod sa kahalagahan ng sarili.
Ang mga mag-aaral sa East Visayan Adventist Academy ay nagmula sa iba’t ibang
socioeconomic na posisyon, relihiyon, pook, at kapaligirang panlipunan. Kinakailangan na
isaisip na lahat ng tao ay magkakaiba ang karanasan. Kahit man na maliit ito sa paningin, ito
ay dapat na pahalagahan.
References

VanderLind, R. V. (n.d.). Effects of mental health on student learning. Texas State


University.
Suicide Prevention Resource Center. (2020). Consequences of student mental health issues.
Retrieved May 14, 2023, from
https://sprc.org/settings/colleges-and-universities/consequences-of-student-mental-
health-issues/
Ghaffari, N. & American Addiction Centers National Rehabs Directory. (2022, October 5). 5
ways schools can support student mental health. Drug Rehab Options. Retrieved May
14, 2023, from https://rehabs.com/pro-talk/5-ways-schools-support-student-mental-
health/
Estrada, C. a. M., Usami, M., Satake, N., Gregorio, E. R., Leynes, C. R., Balderrama, N., De
Leon, J. F., Concepcion, R. A., Timbalopez, C. T., Tsujii, N., Harada, I., Masuya, J.,
Kihara, H., Kawahara, K., Yoshimura, Y., Hakoshima, Y., Kobayashi, J., & BMC
Part of Springer Nature. (2020). Current situation and challenges for mental health
focused on treatment and care in japan and the philippines - highlights of the training
program by the national center for global health and medicine. BMC Proceedings,
14(S11). https://doi.org/10.1186/s12919-020-00194-0
Pangalan ________________________________________ Puntos _______________

Bilugan ang angkop na bilang sa bawat kategorya.

10 Napakahusay 5 Katamtaman

8 Mahusay 2 Nangangailangan pa ng pagsasanay

.KATEGORYA PUNTOS

Organisado at may kaisahan ang mga pangungusap sa bawat talata. 10 8 5 2


Magkakaugnay- ugnay ang mga talata. 10 8 5 2
Nakatugon sa tema ng research ang kabuuan ng talata. 10 8 5 2
May sapat na impormasyon o detalye ang kabuuan. 10 8 5 2
Sumunod sa format. 10 8 5 2
Naipasa ang research sa tamang oras. 10 8 5 2
Kabuuang puntos

Interpretasyon

60 – 48 Napakagaling

47 – 35 Magaling

34 – 12 Katamtaman

12 – 0 Nangangailangan pa ng pagsasanay

You might also like