Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF MASBATE PROVINCE

10

FILIPINO
Kuwarter 4
Aralin 2 (Kabanata 4,7,8,10,30)

El Filibusterismo
(Akda ni Jose P. Rizal)
I.Panimulang Konsepto
Mababasa sa Kabanata 4,7,8,10,30 ng nobela ang iba’t ibang prinsipyo na ipinaglalaban
ng mga pangunahing tauhan katulad nina, Kabesang Tales, Simoun, Juli at marami pang iba.
Makikita rin dito ang mga desisyon ng mga nabanggit na pangunahing tauhan na siyang
magiging batayan ng kanilang kapalaran.
Tara na at ating tuklasin ang nilalaman ng mga nabanggit na kabanata.

II. Kasanayang Pampagkatuto

Inaasahan na matatamo ang mga sumusunod na layunin:


➢ F10PB-IVd-e-88 Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa akda (Diyos, bayan,
kapwa-tao, magulang)
➢ F10PB-IVd-e-89 Natatalakay ang mga kaisipang ito:
- Kabuluhan ng edukasyon
- Pamamalakad sa pamahalaan
- Pagmamahal sa:
- Diyos
- Bayan
- Pamilya
- Kapwa-tao
- Kabayanihan
- Karuwagan
- Paggamit ng kapangyarihan ng salapi
- Kalupitan at pagsasaman-tala sa kapwa
- Kahirapan
- Karapatang pantao
- Paglilibang
- Kawanggawa
- Paninindigan sa sariling prinsipyo
- At iba pa
➢ F10PN-IVf-90 Naipapaliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang lutang sa
akda kaugnay ng:
- Karanasang pansarili
- Gawaing pangkomunidad
- Isyung pambansa
- Pangyayaring pandaigdig

1
III. Mga Gawain

Basahin at unawain ang nilalaman ng bawat kabanata.


k
Bago magsimula sa pagbasa kilalanin muna ang kasingkahulugan ng ilang mahihirap na mga
salita na ginamit sa akda.

Talasalitaan:

Kabesa– barangay Tumutol – di-pagsang-ayon


Nangangasiwa – nangangalaga, nagpapatakbo Tulisan – hindi sumusonod sa batas
Gulok – itak Agnos – kwintas
Yabag – tunog ng lakad Nagulintang – nagulat, nabigla
Pagpawi – pagalis Naniniil – nang-aapi
Hahantong – darating Taliwas – kabaliktaran, hindi pagsunod
Paghihimagsik – pagsuway, pagrerebelde Pinaunlakan – pinayagan
Imahen – larawan Tampipi – lalagyang gawa sa dahon ng niyog
Natitigmak – lubhang basa, babad Kataga – salita
Humanga – nagalingan Isangguni – komunsulta
Takipsilim – panahong pagkatapos lumubog ang araw Rebolber – maliit na uri ng baril
Panunulisan – pamimirata, pandarambong Pagkakatubos – pagkalaya
Paghihimagsik – pagrerebelde sa awtoridad Tulisan – rebelde
Tagatangkilik – tagapangalaga Magpatiwakal – magpakamatay
Sumangguni – pagkonsulta
Kukutya – aasar

Halinat’t alamin ang nilalaman ng Araling ito

Kabanata 4: Si Kabesang Tales (Buod)


Si Telesforo o mas kilala sa tawag na Tales ay anak ni Tandang Selo. Inalagaan niya ang
isang bahagi ng kagubatan dahil sa palagay niya ay walang nagmamay-ari nito. Kasama niya
roon ang kanyang ama, asawa, at mga anak.
Pinamuhunan niya ito kahit walang kasiguraduhan ang pag-unlad niya dito. Subalit malapit
na sana nilang anihin ang mga unang tanim nang biglang inangkin ito ng korporasyon ng mga
pari. Hinihingian ng nasabing korporasyon si Tales ng dalawampu o tatlumpung piso kada
taon.
Tinanggap ni Tales ang utos na ito dala narin ng kanyang natural na kabaitan. Habang
lumalaki ang kanyang ani ay lumalaki din ang hinihinging buwis ng korporasyon.

2
Nagkaisa ang kanyang mga kanayon na gawin itong Kabesa ng barangay dahil kita naman ang
naging pag-unlad nito. Plano sana niyang pag-aralin ang kaniyang dalaga sa Maynila ngunit
ito ay di nangyari dahil sa taas ng buwis.

Nang umabot sa dalawang daang piso ang buwis na hinihingi ng korporasyon ay


napilitan na itong tumutol. Ngunit tinakot siya ng nangangasiwa na kung hindi ito
makakapagbayad ng buwis ay sa iba nalang ipapatanim ang lupa.
Naubos na ang kanyang salapi sa pakikipaglaban sa hukuman subalit nanatili parin
itong bigo. Madalas siyang may dala-dalang baril sa tuwing pupunta sa bukid upang
ipagtanggol ang sarili kung sakaling may tulisan.
Pagkaraa’y ipinagbawal ang baril kaya gulok naman ang dinala nito. Sinamsam ang dala
nitong gulok kaya palakol naman ang sunod na dinala. Nabihag si Tales ng mga tulisan at
ipinapatubos ito sa halagang limang daang piso.
Napilitang ipagbenta ni Huli ang lahat ng kaniyang alahas maliban sa agnos na bigay ni
Basilio. Ngunit hindi parin ito sapat upang matubos si Tales kaya namasukan ito bilang utusan.
Nalaman ni Tandang Selo ang ginawang iyon ni Huli kaya hindi ito nakakain at nakatulog nang
gabing iyon. Sa halip ay umiyak lang ng umiyak ang matanda.

Kabanata 7: Si Simoun (Buod)


Pabalik na si Basilio ng bayan nang may nabanaag na liwanag sa gubat at may narinig
na mga yabag. Pumunta ang anino sa kanyang kinaroroonan. Nagtago ito at nakitang
nandoon si Simoun na mag-aalahas. Inalis nito ang kanyang salamin at nag-umpisa sa
paghuhukay.
Habang pinapanood ni Basilio si Simoun ay may nagbalik na ala-ala sa kanya labing
tatlong taon na ang nakalipas. Siya ang tumulong sa paglilibing sa kaniyang ina na si Sisa at
kay Elias.
Nagulintang si Basilio sa kanyang natuklasan ngunit ito ay lumapit upang tumulong
nang makita niyang pagod at patigil-tigil na si Simoun sa paghuhukay. Nagpakikila si Basilio
at sinabing tinulungan siya nito na ilibing ang bangkay ng kanyang ina at ni Elias kaya’t siya
naman ang nagbigay ng tulong kay Simoun.
Binalak ni Simoun na patayin si Basilio upang manatili ang kanyang lihim ngunit alam
niyang parehas lang sila ni Basilio na nais makapaghiganti. Ipinagtapat ni Simoun kay Basilio
ang kaniyang ginawa sa loob ng paaralan ng wikang Kastila.
Hiningi niyang gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas at bigyan ng pantay na pantay
na karapatan ang mga Pilipino at Kastila. Ayon kay Simoun ang mga hiling na ito ay ang
pagpawi sa kanilang pagkamamamayan at pagkapanalo ng mga naniniil.
Dagdag pa niya, ang pagdadagdag ng isa pang wika ay hahantong sa di
pagkakaunawaan. Taliwas naman ang paniniwala ni Basilio. Aniya ang Kastila ang siyang
magbubuklod sa mga pulo at makakapagpalapit sa mga Pilipino sa pamahalaan.

3
Hindi sinang-ayunan ni Simoun ang sinabing ito ni Basilio. Ani Simoun ang wikang
Kastila ay kailanma’y hindi magiging wika ng pangkalahatan dahil bawat bayan ay may sariling
wika na kaugnay sa damdamin at kaugalian nito.
Sa huli ay hinikayat ni Simoun si Basilio na makisali sa kanyang planong paghihimagsik
laban sa pamahalaan ng Kastila. Ngunit hindi pinaunlakan ni Basilio ang panghihikayat ni
Simoun dahil naniniwala ito na walang katapusan ang karunungan. Ang galing ng tao ang
siyang magiging paraan upang maging malaya ang lahat ng tao.

Kabanata 8: Masayang Pasko (Buod)


Madilim pa ay gising na si Huli. Naisip niya na baka gumawa ng himala ang Birhen kaya
hindi sumisikat ang araw. Ngunit mali siya dahil sumikat ang araw.
Sunod naman niyang tinignan ang ilalim ng imahen ng Birhen upang silipin kung may salapi
ngunit nanatili itong bigo. Dahil sa magkasunod na pagkabigo ay inaliw nalang ni Huli ang
kanyang sarili.
Malapit lang ang kanyang paglilingkuran na tahanan at balak nitong umuwi tuwing
makalawa upang dalawin ang kaniyang lolo. Iniayos ni Huli ang kanyang tampipi at agad na
lumapit sa kanyang lolo na si Tandang Selo upang halikan ang kamay nito.
Ibinilin ni Huli kay Selo na sabihin sa kanyang ama na siya ay napasok sa pinakamurang
kolehiyo. Dali-daling umalis si Huli ang makita nitong natitigmak na sa luha ang kaniyang lolo.
Araw ng Pasko, marami ang dumalaw na kamag-anak ni Selo. Ngunit marami ang
nagtaka dahil hindi makapagsalita si Selo kahit isang kataga. Ito’y napipi.

Kabanata 10: Kayamanan at Karalitaan (Buod)


Si Simoun ay nagtungo sa bahay ni Kabesang Tales upang magbili at makipagpalitan ng
alahas. Kabilang sa mga mamimili sina Kapitan Basilio, ang kanyang asawa at anak na si
Sinang, at si Hermana Penchang.
Marami ang humanga nang ilabas ni Simoun ang mamahaling hiyas. Marami ang
nagsibili.
Inalok ni Simoun na bilihin ang agnos ni Maria Clara na napunta kay Huli, ngunit kailangan
munang puntahan ni Kabesang Tales si Huli upang isangguni ang tungkol dito.
Nangakong babalik ito bago mag takipsilim ngunit hating gabi na ay di parin bumabalik
si Tales. Nakatulog si Simoun sa kakaintay.
Nang magising kinaumagahan ay wala na ang dala niyang rebolber ngunit may isang
liham na mula kay Tales.
Ayon sa sulat, kinuha ni Tales ang rebolber dahil kailangan niya ito sa panunulisan sa
halip iniwang kapalit ni Tales ang agnos ni Maria Clara.

4
Kabanata 30: Si Huli (Buod)
Marami ang hindi naniniwala sa mga paskin at paghihimagsik. Sa palagay ng ilan ito ay
paghihiganti ng mga prayle dahil sa pagkakatubos kay Huli na anak ng tulisang mahigpit na
kalaban ng isang korporasyon.
Ayon kay Hermana Penchang ay mabuti’t pinaalis na nito si Huli dahil ayaw niyang
magalit ang mga prayle sa kanya; gayong dinamdam naman talaga niya ang pagkakatubos sa
dalaga.
Sa simula’y di makapaniwala si Huli sa balita ni Hermana Bali na patay na si Kapitan
Tiago. Ngunit nang malaman ang totoo ay nahimatay ang dalaga.
Dahil wala na si Kapitan Tiago ay wala nang tagatangkilik ang binata. Naging
malungkutin si Huli simula noon. Binalak nitong magpatiwakal ngunit hindi natuloy dahil sa
takot na sa impyerno ito mapunta.
Nagbigay ng abuloy ang mga kamag-anak ni Basilio ngunit kulang parin ito upang
mailigtas ang binata. Kung kaya’t umisip si Hermana Bali ng mas mabuting paraan.
Sumangguni sila sa tagasulat ng bayan ngunit wala itong nagawa kundi ituro sila sa
Hukom. Ang Hukom naman ay ipinayong sadyain si Padre Camorra.
Habang nasa daan ay tumanggi si Huli na dumaan sa kumbento. Minsan na itong
tumanggi sa mga prayle nung nangangailanagn ang kaniyang magulang. Kung ngayon ay
lalapit sya sa prayle dahil kay Basilio ay tiyak na marami ang kukutya sa kaniya.
Tiniis pa rin ni Huli ang mga sisi ng kamag-anak na hindi nakakabatid ng mga nangyari
sa kanila ni Padre Camorra. Nang gabing iyon ay bahagyang nakatulog si Huli. Ngunit ito ay
pagising gising dahil sa masasamang panaginip.
Kung hindi lang sana gabi at madilim sa labas ay tumakbo na ito sa kumbento. Dumaan
ang maraming araw ay hindi parin nagtungo si Huli sa prayle.
Isang araw ay dumating ang balitang si Basilio nalang ang nabibilanggo. Doon ay hindi
na ito nag-atubiling hanapin si Hermana Bali upang magpasama sa kumbento.
Nang sumapit na sa pinto ng kumbento ay ayaw nang pumasok ni Huli. Kailangan pa
itong batakin at itulak papasok.
Kinagabihan ay may balitang isang dalaga ang tumalon mula sa bintana ng kumbento.
Kasabay noon, isang matandang babae ang lumabas na nagsisisigaw na parang isang baliw.
Sa kabilang dako, si Tandang Selo ay galit na pumunta sa kumbento, ngunit ito ay pinaalis
doon sa pamamagitan ng mga palo at tulak.
Bumalik ang matanda sa nayon na umiiyak na parang isang bata. Kinabukasan ay
nawala si Tandang Selo dala ang kaniyang gamit sa pangangaso.

Binabati kita at natapos mo nang basahin ang Aralin 2 ng EL FILI. Laban


lang! Gawin mo ang pinakamabuti mong makakaya. Ang itinanim mo
ngayon, aanihin mo pagdating ng panahon. Handa ka na ba sa iyong
Gawain?

5
Gawain 1

Maglista ng mga mahalagang kaisipan sa bawat kabanata gamit ang talahanayan.

PANINIWALA PAGMAMAHAL PAKIKITUNGO SA PAGMAMAHAL


TAUHAN
SA DIYOS SA BAYAN KAPWA SA
MAGULANG

KABESANG
TALES

TANDANG
SELO

SIMOUN

JULI

TANO

6
Gawain 2

Suriin kung anong ugaling Pilipino ang masasalamin sa mga sumusunod na


kaisipan. Ang unang bilang ay ginawa para sa iyo bilang gabay.

KAISIPANG LUTANG SA UGALING PILIPINONG


KABANATANG BINASA
MASASALAMIN DITO
Ang Kapitan Heneral ay may Napakatindi ng pagpapahalaga ng mga
kasama pang banda ng musiko, Pilipino sa mga taong kilala o nasa
mga kawani, matataas na posisyon. Gagawin nila ang lahat upang
tao, at mga prayle sa simpleng masiyahan ang mga nakatataas kahit pa
pangangaso wala na ito sa lugar.
lamang

Iminungkahing gamiting
paaralan ang sabungan tuwing
Lunes hanggang Biyernes at
kung may
pagkakataong kailangang
magbukas ng sabungan sa araw
ng pasukan ay ipasasara ang
paaralan.

7
Gawain 3

Pumili ng isa sa mga tauhang nabanggit sa kabanata at gumawa ng STAR


PROFILE sa pamamagitan ng mga sumusunod na paksa:

A. Katapatan sa bayan
B. Pagmamahal sa Pamilya
C. Pag-ibig at pagmamahal
D. Matatag na Desisyon.
E. Paghambingin ang kababaihan noon at ngayon.

SITWASYON TASK
(Pangyayari na sangkot ang (Ano ang gagawin ng tauhan?)
tauhan)

TAUHAN
APPLICATION RESULTA
(Ano ang ginawa ng tauhan (Magandang kinalabasan ng
upang mabigyan ng naging desisyon ng tauhan)
magandang pamamaraan
ang suliraning kinakaharap
nito?)

8
Gawain 4:

ISAPUSO MO. Si Kabesang Tales ay isang magsasaka. Isulat sa dayagram ang


mga suliranin ng mga magsasakang katulad ni Kabesang Tales at lapatan ito ng
angkop na solusyon.

SEKTOR NG
PAGSASAKA

SOLUSYON

SOLUSYON

SOLUSYON

9
IV. Rubriks

PAMANTAYAN LAANG PUNTOS

Malinaw ang pagkakalahad ng 40%


detalye
Nasunod ng wasto ang panuto 30%
Angkop ang nilalaman ng paksa 30%

KABUOANG PUNTOS 100%

V. Mga Sanggunian

➢ Pinagyamang Pluma 10 (Aklat 2)


Awtor: Emily V. Marasigan
Koordineytor: Alma M. Dayag
➢ Kontekstuwalisadong Banghay-Aralin sa Filipino Baitang 10 (Kwarter 4
➢ Hinirang (Wika at Panitikang Filipino sa Makabagong Panahon)
➢ El Filibusterismo ni Jose Rizal – Sinuri at Isinaayos nina Virzon L. Sarao at
Rodrigo G. Langit Jr.
➢ Gabay sa Pagtuturo ng El Filibusterismo
➢ El Filibusterismo Buod ng Bawat Kabanata 1-39 w/ Talasalitaan (noypi.com.ph)
➢ https://www.youtube.com/watch?v=qzqySR1Zc0E

10
VI. Susi sa Pagwawasto

Gawain 4
Suliranin Solusyon
• Magsasakang walang sariling lupang • Ang lupaing nakatiwangwang ay
sakahan dapat na ipamahagi ng pamahalaan
sa mga magsasakang walang sariling
• Magsasakang walang ponding lupang sakahan
magagamit sa kanyang pagsasaka • Magpautang ang bangko o
pamahalaan ng ponding magagamit
• Mababang ani ng mga magsasaka para sa kanilang
pagsasaka
• Turuan ng makabagong teknolohiya
• Mababang presyo sa pananim na na kaugnay ng pagsasaka ang mga
inaani magsasaka

Para sa Gawain 1-3 Ang guro na ang bahalang magpasiya sa kawastuhan ng mga sagot at
katumbas na paliwanag.

Inihanda nina:

CATHERINE O. RAMILO JANICE B. RAMIREZ CHARLOTTE R. LIM


Guro Guro Guro

RUDYARD BALACANO
EPS, Filipino

11

You might also like