Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 14

Edukasyon Sa

Pagpapakatao
Pagbubuod ng Ikatlong Markahan
Mga Miyembro ng Grupo :

Taguiam, Lhiane Joy A,


Binarao, Kathleen L.
Langcay, Ma. Joycerien R.
Pascual, Oryza B.
Baliling, Julian Paolo
Decena, Charlotte Gail
Lasam, Cyrill Anne
Lasam, Marie Stephanie
Layugan, Eidderf
Chua, Rhian Elaine J.

“Ang kaalamang taglay ay isang yamang hindi maiaalis ninuman.”


Talaan ng Nilalaman

1
Module 1 : Katarungang Panlipunan

Katarungang Panlipunan

Ang katarungan ay isang mahalagang pundasyong ng panlipunang pamumuhay.


Umiiral ito kung tinatanggihan ng mamamayan ang pandaraya sa negosyo, pangungurakot sa
pampribado at pampublikong institusyon, hindi makatarungang pasahod sa mga empleyado at
ang iba pang mga katulad na sitwasyon.

Ano ang katarungang panlipunan? Ayon kay Dr Dy, ito ay nauukol hindi lamang sa
ugnayan ng tao sa kaniyang kapuwa kundi sa ugnayan din niya sa kalipunan. lba ang kapuwa sa
kalipunan. Ang kapwa ay personal o interpersonal na ugnayan mo sa ibang tao. Samantala, ang
kalipunan (socius) ay ang ugnayan ng tao sa isang institusyon o sa isang tao dahil sa kaniyang
tungkulin sa isang istitusyon. Magkaiba, ngunit hindi nagkahiwalay ang kapuwa at kalipunan.
Ang kalipunan ay para sa paglilingkod sa kapuwa.

Ang katarungang panlipunan ay isang sistema na kumokontrol kung paano nakikipag-


ugnayan ang mga tao sa isa't isa at sa lipunan, batay sa pagsunod sa batas. Isinasaalang-alang
nito ang mga isyung panlipunan, pampulitika, at pang-ekonomiya na kinakaharap ng mga
indibidwal at lipunan, at naghahanap ng mga solusyon na makikinabang sa lahat.

Mga Kaugnay ng Katarungang Panlipunan

Ang katarungang panlipunan ay konektado sa mga pagpapahalaga tulad ng dignidad ng


tao, katotohanan, pag-ibig, pagkakaisa, at kapayapaan. Kinikilala ng katarungang panlipunan ang
halaga ng bawat tao, anuman ang kanilang kayamanan, katayuan sa lipunan, o mga nagawa,
dahil lahat ng tao ay may taglay na dignidad. Ang mga tao ay natatangi dahil sa kanilang
kakayahang mangatuwiran at gumawa ng mga pagpipilian nang malaya, at samakatuwid ay
nararapat na tratuhin nang patas.

2
Upang makamit ang katarungang panlipunan, mahalagang magkaroon ng malalim na
pag-unawa sa katotohanan. Nangangailangan ito ng pagsusuri sa buong sitwasyon. Kapag ang
katotohanan ay pinahahalagahan, ito ay nagiging isang puwersang nag-uudyok, na nagbibigay-
inspirasyon sa mga indibidwal na ibigay ang kanilang lahat. Hindi lamang ito nag-uutos ng
paggalang, ngunit hinihikayat din ang pagiging patas sa iba.

Ang pagmamahal ay kaugnay ng dignidad ng tao at katotohanan. Walang kinikilingan


ang katarungan dahil gabay nito ang diwa ng pagmamahal. Ito ay hindi lamang pag-iwas sa
pagkasakit sa kapwa, kundi isang positibong paglapit para samahan at suportahan sila sa
kanilang paglaki at pag-unlad. Ang sama-samang pagkilos ng mga institusyon ng lipunan ay
kailangan upang makabuo ng sistemang sumusuporta sa pagpapaunlad ng pagkatao ng bawat isa.
Ang pagkakaisa ay nagbubunga ng kapayapaan.

Ayon kay Santo Papa Juan Pablo II, "Ang bunga ng pagkakaisa ay kapayapaan."
Mahalaga ang pagkakaisa para sa mapayapang bansa. Sa pandaigdigang sitwasyon, naninirahan
tayo sa iisang daigdig, kaya dapat tayong magkaisa. Sa ating ugnayan sa kapwa at lipunan,
kailangan nating tahakin ang landas ng katarungan at pagmamahal, lalo na para sa mga
mahihirap at mahina. Ang pagmamahal ay nagdudulot ng kapayapaan. Ang tunay na kapayapaan
ay nanggagaling sa pagkakaisa ng mga tao at lipunan, dahil ang pagmamahal ang pinakamataas
na antas ng katarungan. Sa kabuuan, ang pagmamahal at katarungan ay nagdudulot ng
kapayapaan. Ito ang pinakamataas na antas ng pag-iral ng katarungan.

Mga Kaugnay na Pagpapahalaga :


1. Dignidad ng Tao
2. Katotohanan
3. Pagmamahal
4. Pagkakaisa
5. Kayapaan

“Ang batas ay para sa tao, hindi ang tao para sa batas.”

“Ang katarungan ay dapat makamtan ng bawat isa dahil tayo ay bukod-tanging nilikha ng Diyos.”

3
Module 2 : Kagalingan sa Paggawa

Kagalingan sa Paggawa

Ang paglikha ng isang gawain o produkto ay nangangailangan ng sapat na kasanayan


at husay. Hindi sapat ang pisikal na lakas at hangarin lamang upang maisagawa ito. Ang
paggawa ay humihiling ng partikular na mga kakayahan at kasanayan. Ang pagkakaroon ng
isang propesyon o natapos na kurso ay mahalagang salik na dapat isaalang-alang, ngunit hindi
lamang ito ang kinakailangan upang makabuo ng isang produkto o gawain na magbibigay sa iyo
ng pag-unlad bilang tao.

Ayon kay Pope John Paul II (1981) sa kanyang sulat na "Laborem Exercens", ang
paggawa ay mahalaga sa tao dahil dito natutupad niya ang kanyang mga responsibilidad sa sarili,
sa kapwa, at sa Diyos. Ito ang nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob na makamit ang "kagalingan
sa paggawa".

Ang mga katangiang ito ay dapat taglayin upang maabot ang kagalingan sa paggawa :

1. Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga

a. Kasipagan
Pagsisikap na gawain o tapusin ang isang gawain na taos pusong ginagawa at walang
pagmamadali.
b. Tiyaga
Pagpapatuloy sa paggawa ng mga hadlang sa paligid. Isinasantabi niya ang mga hadlang
sa paggawa ng isang gawain o produkto gaya ng pagrereklamo, pagkukumpara at pagdadahilan.
Ang taong may kagalingan sa paggawa ay bunga ng inspirasyon, turo at gabay na makukuha sa
ibang tao.

4
c. Masigasig
Pagkakaroon ng kasiyahan at siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain. Ang
atensyon at oras ay nakatuon lamang sa produkto o gawaing kanyang lilikhain.
d. Malikhain
Ang gawaing lilikhain ay hindi bunga ng panggagaya kundi likha ng mayamang pag-
iisip. Madaling nakikilala at natatanggap ang isang produkto kapag bago ito sa panlasa ng tao.
e. Disiplina sa Sarili
Ang taong madisiplina sa sarili ay nalalaman ang hangganan ng ginagawa at may
paggalang sa tao. Maaaring isantabi niya ang pansariling kaligayahan para sa kapakanan ng iba.

2. Nagtataglay ng mga Kakailanganing Kasanayan

a. Pagkatuto bago ang Paggawa


Tumutukoy sa yugto ng paggawa ng plano na gabay para sa pagbuo ng gawin o
produkto. Binubuo ito ng mga kasanayan sa:

• Pagbuo ng mga layunin;


•Paglalarawan ng mga indikasyon ng mga inaasahang kalalabasan (outcomes);
•Pagbuo ng mga angkop na konsepto na magpapaliwanag sa gawain;
•Pagtukoy ng paraan o istratehiya sa paggawa batay sa konseptong binuo;
• Paghahanda ng mga kagamitang gagamitin;
• Pagtukoy sa mga tutulong sa pagsasagawa ng gawain;
•Pagtakda ng kakailanganing panahon upang isagawa ang gawain;

b. Pagkatuto Habang Ginagawa.


Ito ang yugto ng pagkilala sa iba’t ibang estratehiyang maaaring gamitin upang
mapadali ang pagsasakatuparan ng mga tunguhin sa pamamagitan ng pagtatala ng mga
kongkretong hakbang upang maisagawa ang proyektong napili at mga posibleng kahaharaping
problema at solusyon sa mga ito.

c. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang Gawain.


Ito ang yugto ng pagtataya sa naging resulta o kinalabasan ng gawain. Sa puntong ito,
malalaman mo ang mga kilos at pasya na dapat panatilihin at baguhin.

5
Module 3 : Mga Kakayahang Kailangan Upang
Magkaroon ng Matalinong Pag-iisip Upang Maisabuhay ang
Kagalingan sa Paggawa - Michael J. Gelb, 1998

Palaging Palatanong o Mausisa (Curiosita)

Ang taong mausisa ay may likas na inklinasyon na alamin ang mga bagay-bagay sa
kaniyang paligid. Marami siyang tanong na hinahanapan niya ng mga sagot. Hindi siya kontento
sa simpleng sagot o mababaw na kahulugan na kanyang narinig o nabasa. Dahil sa kanyang
masidhing pagkahilig sa pagbabasa, pag-aaral at pageeksperimento, natutuklasan niya ang mga
bagong kaalaman o produkto na magiging isang malaking kontribusyon sa kaalaman o
makapagpapaunlad ng kalidad ng buhay. Ang pagtatanong at pagbubuo ng problema
(questioning and posing problems) ay isa sa labing-anim na Gawi ng Isip (Habits of Mind) na
mahalagang linangin sa mga kabataan (Costa & Kallick, 2000).

1. Pagsubok ng Kaalaman Gamit ang Karanasan, Pagpupunyagi (Persistence) at ang


Pagiging Bukas na Matuto sa mga Pagkakamali Dimostrazione
Ito ang pagkatuto mula sa mga hindi malilimutang karanasan sa buhay upang maging
matagumpay at maiwasang maulit ang anumang pagkakamali. Dahil sa mga karanasang ito,
natututo ang isang tao na tumayo at muling harapin ang hamon na gumawa muli.

2. Patuloy sa Pagkatuto Gamit ang Panlabas na Pandama Bilang Paraan Upang


Mabigyang-buhay ang karanasan (Sansazione)
Tumutukoy ito sa tamang paggamit ng mga pandama sa pamamaraang kapaki-
pakinabang sa tao. Halimbawa, hindi hadlang ang kakulangan ng bahagi ng katawan upang
isakatuparan ang tunguhin.

3. Pagiging Bukas sa Pagdududa, kawalang katiyakan (Sfumato)


Ito ang pagiging bukas sa pagdududa, kawalang katiyakan ng isang bagay na hindi
pamilyar, mahirap alamin o ipaliwanag, o may higit sa isang interpretasyon o kahulugan. Ang
pagiging bukas ng isip sa mga sitwasyong walang katiyakan ay mahalaga sa pagpapalabas ng
pagkamalikhain ng isang tao.

6
4. Paglalapat ng Balanse sa Sining, Siyensya, Lohika at Imahinasyon (Arte/Scienza)
Ito ang pagbibigay-halaga ng may balance paghahanap sa kagandahan(beauty) at
katotohanan (truth) gamit ang sining (art) at (siyensiya) (science). Mahalaga ang paggamit ng
imahinasyon sa mga gawaing ginagamitan ng mapanuring pag-iisip.

5. Ang Pananatili ng Kalusugan at Paglinang ng Grace, Poise (Corporalita)


Ito ang tamang pangangalaga ng katawan ng tao upang maging malusog at maiwasan
ang pagkakaroon ng karamdaman. Kasama dito ang pag-iwas sa anumang bisyo na nakasasama
sa katawan.

6. Ang Pagkilala sa Pagkakaugnay-ugnay ng Lahat ng Bagay (Connessione)


Ito ang pagkilala at pagbibigay halaga na may kaugnayan lahat ng bagay at mga
pangyayari sa isa’t isa. Ayon sa Law of Ecology “Everything is connected to everything else.”
Ang mga halaman ang nagbibigay ng oxygen sa lahat ng uri ng mga hayop kasama ang mga tao.
Sa kabilang banda, tao at hayop naman ang naglalabas ng carbon dioxide na gagamitin ng mga
halaman sa paggawa ng pagkain.
Sa paggawa kailangan mong isaalang-alang ang tamang pamamahala sa paggamit ng oras. Ang
pamamahala sa oras ay tumutukoy sa kakayahan mo sa epektibo at produktibong paggamit nito
sa paggawa. Ito ang tahasang aksyon ng pagkontrol sa dami ng oras na gugulin sa isang
espesipikong gawain.

7
Module 4 : Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at
Wastong Pamamahala sa Naimpok

Kasipagan
Ito ang pagsisikap na gawin at tapusin ang isang gawain na may kalidad. Ang kasipagan
ang tumutulong sa isang tao upang mapaunlad niya ag kaniyang pagkatao.

Palatandaan ng Kasipagan :

1. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa. Ang taong masipag ay hindi nagmamadali sa


kaniyang ginagawa. Sinisiguro niya na magiging maayos ang kakalabasan ng kaniyang gawain.
Hindi siya nagpapabaya, ibinibigay niya ang kaniyang buong kakayahan, lakas at panahon upang
matapos niya ito nang buong husay.

2. Ginagawa ang gawain nang may pagmamahal. Ang isang taong nagtataglay ng kasipagan ay
nagpapakita ng pagmamahal sa kaniyang trabaho. Ibinibigay niya ang kaniyang puso sa
kaniyang ginagawa- ibig sabihin, naroon ang malasakit. Sinisisgurado niyang may kalidad ito.

3. Hindi umiiwas sa anumang gawain. Ito ay ginagawa niya ng maayos at kung minsan ay higit
pa ang kaniyang ginagawa. Hindi na kailangan pang utusan o sabihan bagkus siya ay mayroong
pagkukusa na gawin ang gawain na hindi naghihintay ng anumang kapalit.

Katamaran
Ito ang kabaliktaran ng kasipagan. Ang isang taong tamad ay ayaw tumanggap ng
gawain. Ang katamaran ay ang pumapatay sa isang gawain, hanapbuhay o trabaho. Ito ang
pumipigil sa tao upang siya ay magtagumpay.

8
Pagpupunyagi
Ito an pagtitiyaga na maabot o makuha ang iyong layunin at mithiin sa buhay. Ito ay
ang pagtanggap sa mga hamon o pagsubok nang may kinahunan at hindi nagrereklamo. Ito ay
makatutulong upang magtagumpay ang isang tao. Sa kabila ng mga balakid ay hindi siya dapat
panghinaan ng loob at kinakailangan niyang magpatuloy at maging matatag.

Pagtitipid
Ito ang hindi paggasta ng pera nang walang saysay. Ito a isang birtud na nagtuturo sa
tao na hindi lamang mamuhay nang masagana kundi upang maging higit na makapagbigay sa
iba. Dapat maunawaan na kailangan na maging mapagpakumbaba at matutong makuntento sa
kung ano ang mayroon ka. Ito ang pinakamahalagang paraan ng pagtitipid.

Pag-iimpok
Ito ay paraan upang makapag-ipon ng salapi na siyang magagamit sa ating
pangangailangan sa takdang panahon. Ang pera ay pinagpapaguran upang kitain ito. Kaya
kailangan na gastusin ito sa tama upang huwag itong mawala.

Kahalagahan ng Pag-iimpok :

1. Proteksyon sa buhay
Maraming mga hindi inaasahan na maaaaring mangyari sa buhay ng mga tao. Mahalaga
na may ennergency fund sapagkat kung wala ay mahihirapan siyang makabangonn mula rito.

2. Hangarin sa Buhay
Ang mag-impok para sa hangarin sa buhay ay bahagi ng ating kaganapan sa buhay.

3. Pagreretiro
Mahalagang nag-iipon para sa pagtanda sapagkat hindi sa lahat ng oras ay kakayanin
mo pa ang magtrabaho. Kailangan tratuhin ang pag-iimpok na isang obligasyon at hindi
opsyonal. - Francisco Colayco

9
Module 4 : Pamamahala sa Paggamit ng Oras

Pamamahala sa Paggamit ng Oras

1. Ang oras ay kaloob na ipinagkatiwala sa tao. Tayo ay ginawang katiwala ng Diyos sa


maraming bagay - isa na rito ang oras.
2. Bilang katiwala, may tungkulin tayo na gamitin ang oras na may pananagutan sapagkat ito ay
HINDI na maibabalik kailanman.
3. Ang oras ay hindi tulad ng salapi na pwedeng ipunin.
4. Ang pamamahala sa oras ay ang kakayahan sa epektibo at produktibong paggamit nito sa
paggawa. Ito ang pagkontrol sa dami ng oras na gugugulin sa isang tiyak nna gawain.
5. Sa pamamagitan ng pamamahala sa paggamit ng oras tataas ang pinakamabisa at kagalingan
sa paggawa.

Pagtakda ng Tunguhin sa Paggawa

1. Tiyak (Specific). Tiyak ang iyong tunguhin kung ikaw ay nakasisiguro na ito ang iyong nais
na mangyari sa iyong paggawa.

2. Nasusukat (Measurable). Kailangan na ang isusulat mo sa tunguhin sa iyong paggawa ay


kaya mong gawin at isakatuparan. Dapat mo ring pagnilayan kung ito ba ay tumutugma sa iyong
mga kakayahan sapagkat kung hindi, ay hindi mo rin ito maisakatuparan.

3. Naaabot (Attainable). Ang tunguhin mo ay makatotohanan, maaabot, at mapanghamon.


Nararapat ang masusi mong pagpapasya para rito. Kailangan mo isaalang-alang ang mga
kakaharapin mong hamon sa proseso ng iyong paggawa.

4. Reyalistiko (Realistic). Mahalagang tingnan mo ang kaangkupan ng iyong gawain sa


pagtugon sa pangangailangan ng iyong kapwa at timbangin mo ang mga ito upang makita mo

10
ang higit na makabubuti. Maingat mong suriin ang kaangkupan nito ayon sa prayoridad mo sa
paggawa.
5. Nasusukat (Time Bound). Kailangan na magbigay ka ng takdang panahon o oras kung kailan
mo maisasakatuparan ang iyong tunguhin. Ang haba ng panahong gugulin mo ay may kaugnayan
sa pagtupad nito. Kailangan dito ang pagpapasya nang may katalinuhan.

Pangangasiwa o Pamamahala ng Oras

1. Pagsimula sa Tamang Oras


Ang bawat gawin ay kailangan simulan sa itinakdang oras.

2. Pamamahala sa Pagpapabukas (Mañana Habit)


Ang mañana habit ay ang puwang mula sa oras na binabalak mong gawin ang isang
bagay at sa aktuwal na oras ng paggawa. Makabubuting alamin ang mga sirkumtansiya at mga
dahilan ng iyong pagpapabukas nang sa gayon ay mapamahalaan mo ito.

3. Prayoritasyon
Ito ang pagtatakda kung anong mga gawain ang dapat gawin o tapusin sa takdang oras.
Sa pammamagitan nito, mapamahalaan mo ang paggamit ng iyong oras at matupad ang iyong
mga tunguhin.

Mga Hakbang sa Pangangasiwa ng Oras

1. Pagtukoy sa iyong layunin na magbibigay ng direksyon sa nais mong matupad. Magplano para
sa iyong buhay.
2. Pagtukoy sa kung ano ang iyong pangangailangan sa kinkaharap na gawain.
3. Pagtasa sa mga gawain. Kung ito ay malawak, simulan sa pinakamaliit na gawain. Ang
pagsisimula sa pagkapayak at madaling gawain ay makapagdudulot ng kasiyahan o sens of
achievement.

11
Pamamahinga at Paglilibang sa Pagkakawanggawa
Ang paglalaan ng oras para sa pamamahinga at paglilibang at pagkakawanggawa,
pagkatapos ng iyong paggawa ay magbibigay balanse sa iyong buhay. Magbibigay daan ang mga
ito na magkaroon ka ng panahon para sa iyong sarili, pamilya at kapwa.

12

You might also like