Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

How to print it as

tarpapel?
Ang Kubo
Nakatira si Leni sa
kubo. Ang kubo ay
nasa tabi ng puno.
Marami ang sanga
ng puno. Marami
ang bunga ng
sanga. Ang ama ni
Leni ay nasa kubo.
Ang ina niya ay
nasa kubo.
Masaya sila sa
kubo.
Sa Dagat
“Ano ang bitbit mo,
Lito?” ang tanong ni
Adi.“Bibingka at
puto, suha at
duhat,” ang sagot ni
Lito. “Salamat at
may madadala
tayo sa dagat,” ang
sabi ni Adi. “Tayo na
at mamangka.
Manguha tayo ng
talaba. Tara na sa
bangka. Handa ka
na ba?
Si Lino
Si Lino ay bata.
Siya ay nakatira sa
kubo. May ina sa
Lino. Siya ay si Aling
Lina. May ama si
Lino. Siya ay si
Mang Bino. Ang
pamilya nila ay
maligaya sahil sila
ay sama – sama.
Simple man ang
buhay ay ayos lang
basta ang lahat ay
masaya.
Sa Sapa
“Lito, tayo na sa
sapa, ang sabi ni
Adi. “Oo, tayo na.
Manghuli tayo ng
hito,” ang sabi ni
Lito.
“Sa sapat tao
mananghali,” ang
wika ni Adi.
“Mabuti nga,” ani
ni Lito. Ang
dalawa ay
masaya.
Sa Paaralan
Si Leni ay nasa
paaralan. Siya ay
nasa unang baiting.
Pitong taon ang
kaniyang gulang.
Ang guro niya ay si
Bb. Galang.
Si leni ay marunong
magbasa.
Nagsusulat din siya.
Nag – aaral siyang
Mabuti. Natutuwa
ang magulang niya
sa kanya.
Bakasyon
Nagbakasyon ang
mag – anak.
Nagpunta sila sa
Baguio.
Sumakay sila sa bus.
Limang araw sila
roon.
Malamig sa Baguio.
Masaya ang mag –
anak.
Bahay
Maganda ang
bahay ni Carding.
Dalawang palapag
ito.
Puti ang kulay ng
bahay.
Luntian ang pinta
ng bakod.
Maganda ang
hardin nito.
Lola
Matanda na si Lola.
Puti ang buhok
niya.
Kulubot ang
kaniyang balat
ngunit malakas pa
siya.
Mahal ako ng aking
lola.
Mahal ko rin siya.
Lapis
Ako’y isang
lapis, dulo ko’y
matulis.
Naiguguhit ko ang
bawat maisip.
Nabubura ko
rin ang bawat
sulatin. Ako’y
baliktakin, ulo
ko’y gamitin.
Si Lolo Selo
Siya si Lolo Selo.
Siyah ang lolo ko.
Nakatira siya sa
kubo.
Marami siyang
alangang hayop.
May baboy, baka,
kambing, manok
at marami pang
iba.
Ang Aming
Mag-anak
Ito ang aming
mag – anak.
Lima kaming lahat.
Narito si taty,
nanay, ate, kuya
at ako.
Mahal nila ako.
Mahal ko rin sila.
Kami ay maligaya.
Ang Saging
Maraming tanim
na saging sa
aming bakuran.
Ang hinog na
saging ay kulay
dilaw. Berde
naman ang kulay
kapag hilaw.
Matamis ang mga
bunga ng saging.
Paborito rin ito ng
mga matsing.
Prutas
Sa mga palengke,
marami ang mga
prutas. Ang lahat
ng mga ito ay
nagpapalakas.
May pinya at
papaya. May
langka, manga at
marami pang iba.
Maiibigan mong
talaga.
Gulay
Mahalaga ako sa
inyong kalusugan.
Sa babae at
lalaki, bata at
matanda man.
Ako ay
pampalakas ng
katawan. Kaya’t
magtanim ng
gulay at inyong
alagaan.
Payong
Ako ay may
payong na bago.
Ito ay Maganda.
Mahaba ang
hawakan nito. Iba’t
iba ang kulay ng
payong ko.
Umulan man o
umaraw kasama ko
ito. Dala dalo ko
kahit saan
magpunta.
Saranggola
Gumawa ng laruan
ang kuya.
Gumawa siya ng
saranggola.
Mga kawayan ang
kaniyang ginamit.
Binalutan niya ito
ng manipis na
papel.
Tinalian niya ito ng
may pisi.
Munting Guro
Si Mang Marten ay
may gulang na.
Hindi siya marunong
magbasa.
Hindi rin siya
makasulat.
Tinuturuan siyang
bumasa.
Tinuturuan ito sa
bahay.

You might also like