06 03 - Mga Hakbang Sa Pagsulat NG Talumpati

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 22

 

 
Yunit 6:Pagsulat ng Talumpati 
Aralin 3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng 
Talumpati  
 
 
Nilalaman 
Pansinin 1 
Panimula 1 
Mga Layunin 2 

Tuklasin 3 

Alamin 5 
Proseso ng Pagsulat ng Talumpati 6 
Mga Tiyak na Hakbang Pagsulat ng Talumpati 9 
Pangkalahatang Estruktura ng Talumpati 10 

Palawakin 15 
Gawain 1 15 
Gawain 2 16 

Suriin 17 

Paglalahat 19 

Bibliograpiya 20 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 

Pansinin   
 

  Panimula 

 
Lar. 1. Ang pagsulat ng talumpati ay isang proseso. Ang sapat na kaalaman 
tungkol sa kahulugan, layunin, at katangian ng talumpati ay makatutulong sa 
pagsulat ng isang makabuluhang talumpati. 
 
Ang p
​ asalitang komunikasyon​ ang pinakamatanda at pinakagamiting paraan ng 
pakikipagtalastasan. Isa sa mga uri nito ay ang talumpati.  
 
Ang t​ alumpati ​ay isang buod ng kaisipan o opinyon. Ito ay ipinababatid sa pamamagitan ng 
pagsasalita sa harap ng madla. Layunin ng isang nagtatalumpati na ​tumugon​, 
manghikayat​,​ mangatwiran​,​ magbahagi ng kaalaman​,​ ​at​ maglahad ng isang 
paniniwala​. Samakatuwid, ang talumpati ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na 
nagpapaliwanag sa isang tiyak na paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. 

 
  1 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 
 
Nagiging makabuluhan lamang ang isang talumpati kung tinataglay nito ang sumusunod na 
katangian: malinaw, tiyak ang mensahe, maikli subalit malaman, nakahihikayat, may 
pagka-personal at impormal ang pagkakalahad (kahit na ito ay pormal), isinasaalang-alang 
ang mga tagapakinig, marahan at natural ang tono, patas, tugma ang galaw ng katawan sa 
inilalahad, at nakauugnay ang tagapakinig. 
 
Ang kongkretong kaalaman tungkol sa kahulugan, layunin, gamit, katangian, at uri ng 
talumpati ay makatutulong sa pagsulat ng isang de-kalidad na talumpati. 
 
Ano ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati? Bakit kailangang sundin ang mga hakbang 
na ito? Paano epektibong maisasagawa ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati? 
 

  Mga Layunin 
Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang 
● naiisa-isa ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati; 
● naipahahayag ang karanasan kaugnay sa pagsunod sa mga hakbang sa pagsulat ng 
talumpati; at 
● naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati bilang 
paghahanda sa aktuwal na pagsulat nito. 
 
Mga Kasanayang Pampagkatuto ng DepEd 
● nakasusunod sa estilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin 
(CS_FA11/12PU-0d-f-93)​; 
● naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng mga piniling 
akademikong sulatin ​(CS_FA11/12PU-0d-f-92)​; at 
● naisasaalang-alang ang etika sa binubuong akademikong sulatin 
(CS_FA11/12EP-0p-r-40)​. 
 
   
 

 
  2 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 

Tuklasin   
 

       10 minuto 
 

Mga Kagamitan  
● Video clip​ ng talumpati: “Araw Ng Lahi - Vane's Talumpati” 
https://www.youtube.com/watch?v=DaHZBBkr8dw 
● Kuwaderno at panulat 

 
1. Panoorin ang v​ ideo clip.​ Ituon ang pansin sa mga katangian ng talumpati. 
2. Magtala sa kuwaderno ng mga katangiang lumutang o napansin sa talumpati. 
3. Pagkatapos ng panonood, humanap ng tatlo hanggang limang kamag-aaral at 
pag-usapan ang inyong mga naisulat kaugnay sa talumpating pinanood. Gawin ito sa 
loob ng limang minuto. 
4. Gamitin ang mga gabay na tanong. 
 
Mga Gabay na Tanong 
 
1. Batay sa nakaraang aralin, ano ang mga katangian ng isang mahusay na talumpati? 

 
 
 
 
2. Sa  pinanood  na  maikling  talumpati,  ano  ang  mga  katangiang  lumutang  o  nangibabaw 
kaya nakuha ang inyong atensiyon? 

 
 
 
 
 
 

 
  3 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 
3. Ano  sa  palagay  mo  ang  pinakamahalagang  katangian  ng  isang  talumpati  at 
mananalumpati? Ipaliwanag.   

 
 
 
 
 
 
4. Bakit  mahalagang  taglayin  ng  isang  talumpati  ang  mga  katangiang  tinukoy  sa  unang 
bahagi ng aralin? 

 
 
 
 
 
 
 
 
5. Paano  higit  pang  mapauunlad  ang  pinanood  na  talumpati?  Ano  ang  mga  katangiang 
hindi gaanong lumutang o napansin sa talumpati? 

 
 
 
 
 
 
 
 
6. Kung  pasusulatin  ka  ng  isang  talumpati,  paano  mo  ito  gagawing  makabuluhan?  Ano 
ang mga hakbang sa pagsulat ng talumpati? 

 
 
 
 
 
 
Maaaring  ibahagi  sa  buong  klase  ang  mga  sagot upang makapagpalitan ng ideya tungkol sa 
katangian ng talumpati.  

 
  4 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 
 

Alamin   
 
Ang pagsulat ng talumpati ay hindi gaanong naiiba sa pagsulat ng iba pang sulatin. Ilan sa 
mga bagay na dapat alamin sa pagsulat nito ay kung sino ang mga tagapakinig, ang takda o 
kinakailangang haba sa pagtatalumpati, at ang layunin, okasyon, at paksa. Ang mga 
nabanggit ay mga pangunahing pangangailangan o kahingian ​(requirements) ​ng isang 
talumpati anuman ang dahilan ng paglalahad nito at saanman ito ilalahad, kaya toong ito ay 
isang uri ng sining na pinaghahandaan. Kadalasan, ginagamit ang mga talumpati sa ​business 
conference,​ sa pagtatapos, bilang bahagi ng ​performance task s​ a paaralan, o anomang 
okasyon. Subalit sa lahat ng sulatin, may kakaiba sa pagsulat ng talumpati. Sa pagsulat pa 
lamang ng talumpati, tiyak na ang marami ay nakarararamdam ng kaba sapagkat 
inaasahan itong mailahad sa madla. 
 
Sa tuwing tila hindi mabisa ang isinulat at ipinahahayag na talumpati, sa mismong 
panahong inilalahad ito, makatatatanggap ka ng hindi naaayong tugon o ​feedback​ mula sa 
mga tagapakinig. Mawawalan sila ng interes na makinig at magsisimulang, 
magkuwentuhan, maghikab, o gumawa ng mga mas personal na gawain tulad ng paggamit 
ng c​ ell phone​. 
 
Tandaan na ang makabuluhang talumpati ay may kakayahang magbago ng pananaw ng 
isang tao, komunidad, bansa, at maging ng buong mundo. Kaya nitong paunlarin ang 
kaalaman at paganahin ang imahinasyon ng mga tagapakinig.  
 
Tatalakayin sa araling ito ang mga hakbang o proseso sa pagsulat ng makabuluhang 
talumpati. 
 
 
 
 
 

 
  5 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 

Alalahanin  
● Ang talumpati ay isang paraan ng paglalahad ng kaisipan o opinyon 
na ipinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa harap ng madla. 
● Ilan sa posibleng layunin ng talumpati o nagtatalumpati ay 
magbigay-tugon sa isang suliranin, manghikayat, mangatwiran, 
magbahagi ng kaalaman, at maglahad ng isang paniniwala. 
● Ang isang makabuluhang talumpati ay dapat na malinaw, tiyak ang 
mensahe, maikli subalit malaman, nakahihikayat, may pagka-personal 
at impormal ang pagkakalahad, isinasaalang-alang ang mga 
tagapakinig, marahan at natural ang tono, balanse ang pagkakalahad, 
tugma ang galaw ng katawan sa isinasaad, at nakauugnay sa mga 
tagapakinig. 
● Tandaan na ang mabisang talumpati ay may kakayahang magbago 
ng isang tao, komunidad, bansa, at maging ng mundo. 

 
Proseso ng Pagsulat ng Talumpati 
Magsimula tayo sa paglalahad ng isang malaki at pangkalahatang gabay sa pagsulat ng 
talumpati. Ang sumusunod na proseso ay magsisilbing gabay sa pagsulat ng isang 
talumpati.  
 
Layunin sa Pagtatalumpati  
● Ano ang pangunahing layunin ng talumpati? Nais mo bang magmulat, pumukaw o 
magpasigla ng kalooban, manlibang o magpasaya, magpatunay, mangatwiran, o iba 
pa?  
 
● Ang mga tunguhin o layunin mo ang magdidikta ng tono at estruktura ng iyong 
talumpati, kung maiaangkop ang mga ito sa isa’t isa, magreresulta ito sa isang 
natatangi, makabuluhan, at mabisang talumpati. 
 

 
  6 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 
● Halimbawa, kung magsasalita ka sa harap ng mga taong nais bumili ng iyong mga 
produkto o sumali sa inyong organisasyon, ang layunin, tono, at estruktura ng 
talumpati ay nakasentro sa pagpapatunay at panghihikayat. 
 
Kilalanin ang mga Tagapakinig 
● Ang talumpati ay kailangang nakaayon o nakaangkla sa kaisipan at wika ng mga 
tagapakinig. 
 
● Ang mga tagapakinig ay maaaring pangkat ng mag-aaral, kabataang hindi na 
nag-aaral, propesyonal, kababaihan o kalalakihan, relihiyoso, katutubo, LGBTQ+, at 
iba pa. 
 
● Halimbawa, kung magsasalita ka sa mga kasapi ng LGBTQ+, maaari kang gumamit ng 
wika o mga salita kung saan makakaugnay sila. Sa ganitong halimbawa, inaasahang 
gagamit ang magtatalumpati ng ilang g
​ ay lingo​ upang lalong makuha ang kanilang 
interes. Sa kabilang dako, kailangang tugma ang kaisipan at wikang gagamitin mo 
kung ikaw naman ay haharap sa mga propesyonal. 
 
Angkop na Haba o Tagal ng Pagtatalumpati 
● Iwasang mabitin (dahil sa sobrang ikli) o mainip (dahil sa sobrang tagal) ang mga 
tagapakinig.  
 
● Halimbawa, ang 10 minuto ay maaaring napakaikli para sa​ keynote address​ sa isang 
conference, ​subalit maaaring napakahaba naman nito para sa pagtatalumpati sa 
harap ng mga mag-aaral sa mag-aaral na nasa Unang Baitang pa lamang. . 
 
● Iwasang ipagsapalaran ang kahihinatnan ng talumpati. Mahalagang malaman ang 
angkop na haba o tagal ng isang talumpati. Nakadepende ito sa okasyon at maging 
sa mga tagapakinig. 
 
● Samakatwid, ang proseso ng pagsulat ng talumpati ay magiging madali kung 
isasaalang-alang ang uri ng layunin , mga tagakinig, at haba o tagal ng talumpating 
inilaan sa paglalahad nito. 

 
  7 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 

 
Lar. 2. Mga dapat na bigyang-pansin sa pagsulat ng talumpati 
 
Sumulat, Irebisa, Magsanay, Irebisang Muli, at Patuloy na Magsanay 
● Ang  isang  mahusay  na talumpati ay hindi isinulat nang isang araw lamang. Produkto 
ito  ng  paulit-ulit  na  pagpapaunlad  hanggang  maging  makabuluhang  at  mabisang 
talumpati. 
 
● Bigyan  ang  sarili  ng  sapat  na  oras  o panahon sa pagsasanay sa paglalahad nito bago 
humarap sa madla. 
 

 
Lar. 3. Pagpapaunlad ng Talumpati 
 
 

Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga gabay 


  sa pagsulat ng talumpati?  
 
 
  8 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 
 
Mga Tiyak na Hakbang Pagsulat ng Talumpati 
Narito ang mga tiyak na hakbang sa pagsulat ng talumpati mula sa konsepto hanggang sa 
produkto. 
1. Magsaliksik kung kinakailangan. Maghanap ng mga sangguniang makatutulong 
upang mapalawig ang ideya kaugnay sa paksa. 
 
2. Balangkasin ang estruktura ng talumpati. Isipin ang mga pangunahing ideya o 
kaisipan sa bawat bahagi o seksiyon nito. 
 
3. Palawigin ang mga pangunahing ideya sa iyong balangkas. Huwag munang tumuon 
sa pagsulat o pag-isip ng pinakaangkop na mga salita. Hayaang dumaloy ang 
pagkamalikhain.  
 
4. I-​edit​ at paunlarin ang lahat ng naisulat hanggang mabuo ang unang borador (​ draft) 
ng talumpati. 
 
5. Patuloy na magsanay sa pagsusulat. Habang patuloy itong ginagawa, matutuklasan 
kung aling bahagi ang kailangang baguhin, paunlarin, at pinuhin, at aling mga salita 
o pangungusap ang hindi angkop at mahirap sabihin o bigkasin. Habang isinasagawa 
ito, malalaman mo rin kung gaano na kahaba ang talumpati. 
 
6. Patuloy na ayusin at paunlarin o pinuhin kung kinakailangan ang nakasulat na 
talumpati hanggang sa maging malinaw na ang daloy ng ideya at ito ay tumugon sa 
layunin, paksa, tagapakinig, at oras na nakalaan para sa pagtatalumpati. 

 
  9 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 

 
Lar. 3. Mga Tiyak na Hakbang Pagsulat ng Talumpati 
 

Bakit kailangang patuloy na pinuhin ang isinusulat 


  na talumpati? 
 
 
Pangkalahatang Estruktura ng Talumpati 
Inaasahang sa pagsunod sa mga hakbang na tinukoy, mabubuo ang isang mabisang 
talumpati. Upang matugunan nang lubos ang layunin ng talumpati, kinakailangang , sundin 
ang wastong estrukturan nito. Binubuo ang karaniwang estruktura ng talumpati ng 
sumusunod na bahagi: 
 
Panimula 
Kinakailangang matugunan ang sumusunod na katanungan sa bahaging ito:  
● Sino ka? 
● Bakit ka nagsasalita o nagtatalumpati? 
● Ano ang pangunahing ideya o tesis ng iyong talumpati? 
 
Ang “sino” at “bakit” ay maaaring pahabain o paikliin depende sa konteksto. Halimbawa, sa 
pagsasalita sa isang personal na pagtitipon katulad ng kasalan, mabuti kung ilalahad muna 
 
  10 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 
ang relasyon mo bilang tagapagsalita sa mga ikinasal at kung gaano sila kahalaga sa iyo 
bago ilahad ang iyong pangunahing ideya o mensahe. Ngunit sa paglalahad ng talumpati sa 
mga kamag-aral, maaari mo nang simulan kaagad ang paglalahad sa iyong tesis. 
 
Sa pagtatalumpati sa ibang pormal na pagtitipon, halimbawa, pang-akademiko, 
napakahalagang makuha ang atensiyon o interes at gisingin ang pagkamausisa ng mga 
tagapakinig. Naging kalakaran na ang pagpapakilala sa tagapagsalita, kaya dapat ay 
samantalahin ito upang makapaglahad ng mahalagang punto. 
 
Halimbawa: 

 
Kumusta po? Nagagalak akong makasama kayo! Kagaya ng sinabi ni Binibining Cruz, 
mahigit sa isang dekada na akong nasa larangan ng pagtuturo at pagtuklas, at sa mga 
nakaraang taon, may isang bagay o ideya na unti-unting nagpapabago ng aking desisyon 
at tunguhin sa buhay. Ano kaya kung. . . 

 
Pangunahing Mensahe (Diskusyon o Katawan) 
Ano ang unang ideya, ikalawang ideya, at ikatlong ideya? 
 
Ang kalakhan o malaking bahagi ng iyong talumpati ay dapat nakalaan o nakatuon sa 
paglalahad ng iyong tesis at mga sumusuportang ideya sa payak at organisadong paraan. 
 

Paano makatitiyak na mananatili sa mahabang 


panahon sa isip ng tagapakinig ang narinig na 
 
talumpati? 
 
Sa pagbibigay ng​ inspirational talk ​o a
​ cademic presentation, ​iwasang paghalo-haluin ang mga 
ideya dahil magiging dahilan ito ng pagkabagot o pagkalito ng iyong mga tagapakinig. 
Iwasan din ang pagbabahagi o pagbanggit ng lahat ng nalalaman tungkol sa paksa, sa halip 
pumili lamang ng ilang (dalawa hanggang lima) mahahalagang punto o ideyang ibabahagi.  
 

 
  11 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 
Isa-isang talakayin ang bawat pangunahing ideya at tapusin ang tinatalakay na kaisipan 
bago lumipat sa kasunod. Magpanatili ng malinaw at lohikal na transisyon mula sa isang 
ideya patungo sa kasunod. 
 
Maaaring ang iyong talumpati ay tumimo sa kaisipan ng tagapakinig habambuhay. Ayon sa 
pag-aaral, ang utak ay madaling makaalala ng mga kuwento. Kung kinakailangan at naaayon 
sa okasyon at pagkakataon, gawing mas personal angpaglalahad ng iyong talumpati at 
magdagdag ng sariling anekdota at kaisipan upang higit na makaugnay sa mga tagapakinig. 
 
Likas din sa atin ang makaalala ng malalaking ideya kung ang mga ito ay maikli subalit 
malaman at nakahihikayat, inaasahang ito ang paraan ng paglalahad na isasagawa sa 
paglalagom ng iyong tesis. 
 
Halimbawa: 

 
“Anumang mabuting gawain ay hindi magbubunga ng masama.” 
 
“Isipin mo kung ano ang maitutulong mo sa bansa, hindi kung ano ang magagawa ng 
bansa sa iyo.” 
 
Ang karunungan ay ang pangunahing bagay, kaya kunin mo ang karunungan.” 
 

 
Pabaon (Katapusan o Kongklusyon) 
Ano ng kaisipan ang nais mong iwan o maging pabaon sa mga tagapakinig pagkatapos ng 
talumpati? 
 
Lagumin ang talumpati at muling patibayin ang mga pangunahing ideya na inilahad sa iyong 
naging pagtalakay. Maaari itong isagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang (isa 
hanggang tatlo) pabaon, o maikling pagsasalaysay ng isang huling kuwento na 
nagpapaliwanag sa iyong kabuuang ideya. 
 
 
 
  12 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 
Halimbawa ng maaaring maging balangkas o banghay ng talumpati: 

 
Bilang mananaliksik na naglalahad ng iyong mga natuklasan o kapasyahan (​ findings​) 
maaaring sundin ang balangkas na ito: 
 
Panimula: I​ paliwanag ang pangunahing suliranin o tanong na tutugunan ng iyong 
talumpati. . 
 
Pangunahing Mensahe (Diskusyon o Katawan):​ Ilarawan ang proseso ng pananaliksik, 
pagkatapos, ilarawan ang iyong tatlong pasya. 
 
Pabaon (Katapusan o Kongklusyon):​ Ilahad ang iyong mga kongklusyon at ang 
implikasyon ng mga ito, gayundin ilahad ang iyong pinaplanong mga hakbang o 
mungkahi sa pagpapatuloy. 

 
Lar. 4. Pangkalahatang Estruktura ng Talumpati 
 

​ andaan 
T
Ang pagsulat ng talumpati ay katulad din ng paggawa ibang sulatin. 
Kailangang batid makilala kung sino ang mga tagapakinig, ang 
kinakailangang haba o tagal, at ang layunin, okasyon, o paksa.  

 
  13 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 
 

​ ​Tip/Mga Tip  
 
○ Bago sumulat ng talumpati, alamin ang layunin, kilalanin ang 
mga tagapakinig, at alamin ang nararapat na haba o tagal sa 
paglalahad nito. 
○ Makatutulong din ang pananaliksik, pagbabalangkas ng mga 
pangunahing ideya, palawigin ang mga pangunahing ideya, 
paunlarin ito hanggang makabuo ng unang borador, patuloy na 
magsanay sa pagsusulat, at pinuhin hanggang makabuo ng pinal 
na talumpati. 
○ Tandaang kailangan ng mahusay at makabuluhang panimula, 
pangunahing mensahe, at pabaon. 
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
  14 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 

Palawakin   
 
Gawain 1 
Gumawa  ng  isang grapikong pantulong na nagpapakita ng kabuuang gabay o sa pagsulat ng 
talumpati.  Tiyaking  nakapaloob  dito  ang  sumusunod:  (1)  proseso  ng  pagsulat,  (2)  mga tiyak 
na hakbang, at (3) pangkalahatang estruktura ng talumpati. 
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
 
 
 
 
 
 

 
  15 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 

​ abay sa Pagsagot 
G
● Magplano  muna  kung  anong  pinakaangkop  na  grapikong  pantulong  ang  gagamitin 
sa pagpapakita ng mga tinukoy na konsepto. 
● Lagyan ng pamagat o h
​ eading ​ang bubuuing grapikong pantulong. . 
● Ilagay  ang  mga  piling  salita o konsepto sa grapikong pantulong. Gumamit lamang ng 
mga susing salita.  
● Tiyaking  sa  unang  tingin  ay  kaagad  nang  mauunawaan  ang  paksa  at  mga 
konseptong  nakapaloob  dito.  Inaasahang  magiging  gabay ito sa pagsulat ng sariling 
talumpati. 
● Maging malikhain sa paggawa.  

 
Gawain 2 
Sumulat ng p
​ animula​ ng talumpati tungkol sa “Kahalagahan ng​ Online Education​ para sa 
Senior High School.”  
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 
 
  16 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 

​ abay sa Pagsagot 
G
● Gamitin gabay sa pagsulat ang ginawang grapikong pantulong. 
● Malayang magdesisyon kung para kanino ang talumpati - sa administrasyon ng 
paaralan, sa mga magulang o sa mga mag-aaral. 
● Gayundin, malayang magdesisyon kung gaano katagal ang paglalahad ng talumpati 
sa kabuuan. Mula rito ay matutukoy kung gaano kahaba o katagal ang ilalahad na 
panimula ng talumpati. 
 

Suriin   
 

A. Ibigay ang hinihinging sagot sa bawat katanungan.    

 
1. Ano ang tatlong pangunahing hakbang sa pagsulat ng talumpati? 

 
 

 
2. Ano-ano ang dapat gawin kapag naisulat na ang talumpati? 

 
 

 
3. Ano-ano ang mga tiyak na hakbang pagsulat ng talumpati?  

 
 
 

 
  17 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 
 
4. Ano ang pangkalahatang estruktura ng talumpati? 

 
 
 

 
5. Ano-ano ang gabay na tanong sa pagbuo ng panimula ng talumpati? 

 
 
 
 

B.  Sagutin  ang  sumusunod  na  tanong.  Sikaping  maging 


maikli ngunit malinaw ang gagawing pagpapaliwanag.  
 

 
1. Bakit nararapat na simple at organisado ang pagkakasulat o pagkakalahad ng 
pangunahing mensahe ng isang talumpati?  

 
 
 

 
2. Paano mapananatili ang isang malinaw at lohikal na kaisipan sa paglalahad ng 
talumpati? 

 
 
 
 

 
 
  18 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 
3. Bakit mahalagang magkaroon ng isang malinaw na tesis sa simula pa lamang ng 
talumpati? 

 
 
 

 
4. Paano maaaring baguhin ng makabuluhang talumpati ang lipunan?   

 
 
 
 

 
5. Paano masasabing mabisa at makabuluhan o ang isang talumpati? 

 
 
 
 

 
 
 

Paglalahat 
___________________________________________________________________________________________ 
 
● Ang pagsulat ng talumpati ay isang proseso. Ang kongkretong kaalaman tungkol sa 
kahulugan, layunin, at katangian ng talumpati ay makatutulong sa pagsulat ng 
isang makabuluhang talumpati. 
● Alamin ang layunin, kilalanin ang mga tagapakinig, at alamin ang nararapat na 
haba o tagal sa pagtatalumpati. 
● Magsaliksik kaugnay sa paksa, balangkasin ang mga pangunahing ideya, palawigin 
ang mga ito, paunlarin hanggang sa makabuo ng unang borador, patuloy na 
magsanay sa pagsusulat, at pinuhin hanggang makabuo ng pinal na talumpati. 

 
  19 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 
● Kailangan ng mahusay at makabuluhang panimula, pangunahing mensahe, at 
kaisipan o pabaon para sa mga tagapakinig. 
 

 
 
_____________________________________________________________________________________________ 

  Bibliograpiya 
Cruz, Art, ​“Paano gumawa ng Talumpati, ”​ YouTube, 
https://www.youtube.com/watch?v=nIDMtEBiwI0​, last accessed on April 6, 2020. 
 
Dugdale, Susan, “​ How to Write a Speech,”​ write-out-loud.com,  
https://www.write-out-loud.com/howtowritespeech.html​, last accessed on April 6, 
2020. 
 
Spencer, Laura, “​ How to Write a Great Speech for Public Speaking in 7 Steps,”​ envatotuts+, 
https://business.tutsplus.com/tutorials/write-a-speech-for-public-speaking--cms-3083
2​, last accessed on April 6, 2020. 
 
Aquino  III,  benigno S. “Talumpati sa Pambansang Kongreso sa Wika, ika-19 ng Agosto, 2013”. 
Official  Gazette  of  Republic  of  the  Philippines​,  (Official  Gazette.Org,  2013), 
https://www.officialgazette.gov.ph/​, nakuha noong Abril 3, 2020. 
 

 
  20 
 
 
Yunit 6.3: Mga Hakbang sa Pagsulat ng Talumpati  
 
 
Evardone,  Ruth.  “Sulyap  sa  Buhay ng Isang Minorya”. ​The Benildean, Vol. 4, No. 1: Exploitation​, 
(The Benildean, 2018), h
​ ttps://thebenildean.org​, nakuha noong Abril 5, 2020. 
 
Labayne,  Ivan.  “Mula  Teksto  Pabalik  sa  Materyalidad:  Ang Abanao Square bilang Kultural at 
Panlipunang  Pag-usbong”.  ​KATIPUNAN:  Journal  ng  mga  Pag-aaral  sa  Wika,  Panitikan, 
Siing  at  Kulturang  Filipino​,  No.  4,  (Ateneo  de  Manila  Journals  Online,  2017), 
https://www.journals.ateneo.edu​, nakuha noong Abril 4, 2020. 
 
 
 

 
  21 
 

You might also like