Kabanata 11 - 15 Quiz

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KABANATA 11-5

A. Panuto: Piliin ang tamang sagot.


1. Ang kasiglahan ng Kapitan Heneral ay naragdagan dahil natatalo niya sa sugal sina Padre Irene at
Padre Sibyla. Lihim silang nagpapatalo sapagkat________________.
a. Ayaw nilang uminit ang ulo ng Kapitan Heneral
b. Pinagkakaisahan nila si Padre Camorra para matalo ito.
c. Nakasalalay sa sugal na iyon ang pagsang-ayon ng Kapitan Heneral sa Akademya ng Wikang
Kastila
d. Gusto nilang malibang ang Kapitan Heneral sa araw na iyon.
2. Sinabi ni Simoun na ang kasamaan ay wala sa pagkakaroon ng tulisan sa mga bundok kundi ang
kasamaan ay _______________________.
a. Nasa loob ng mga bilangguan na dapat maparusahan ng bitay.
b. Nasa tulisan sa loob ng bayan at sa mga lungsod
c. Nasa pinuno na walang malasakit sa bayan.
d. Nasa korporasayon ng mga prayle na naghahari sa Pilipinas.
3. Iminungkahi ni Simoun na pahintulutan ang mga armas de salon na walang anim na milimetro kaya
_______________________.
a. Natuwa ang Kapitan Heneral dahil sa matalinong mungkahi
b. Nainis si Padre Irene dahil naisahan sila ni Simoun.
c. Nalutas nag problema ng mataas na kawani
d. Pinuri ng lahat si Simoun maliban sa mataas na kawani na hindi sang-ayon sa panukala nito.
4. Sinabi ni Padre Sibyl na ang sinumang ibig magturo ay ______________________________
a. Maaaring magturo sa iba’t ibang bansa
b. Maaaring magbigay ng panukala kung ano ang mabisang paraan ng pagtuturo
c. Maaaring magturo saan man kahit walang bubong
5. Sinabi ng Kapitan na marami siyang natatanggap na reklamo sa guro kaya _____________.
a. Ang mabuti pa raw ay alisin na ang guro sa tungkulin.
b. Pagbigyan na raw ang kahilingan ng guro
c. Pagbawalan na ang mga mag-aaral na pumasok sa paaralan
d. Taasan na lang ang suweldo ng guro.
6. Bakit nais ni Placido na umuwi na sa kanilang lalawigan?
a. Naiinip na siya sa Maynila dahil walang nagyayari sa kaniyang buhay.
b. Wala siyang kaibigan sa Maynila,
c. Ibig na niyang magtrabaho sa halip na mag-aral
d. Hindi kasya ang sustento sa kaniya buwan-buwan.
7. Alin sa sumusunod na dahilan ang hindi matanggap ni Placido Penitente na ibinintang ng kaniyang
propesor?
a. Tamad gumawa ng takdang-aralin si Placido
b. Matigas ang ulo ni Placido at hindi nakikinig sa kaniyang propesor
c. Bastos at wala siyang galang sa propesor
d. Hindi matanggap ni Placiso ang maraming bilang ng kaniyang liban sapagkat makakaapekto ito sa
kaniyang pag-aaral.
8. Alin sa mga pahayag ang nagpapakilala na ang mga mag-aaral at taga-Ateneo?
a. Magara ang mga damit at sa halip na aklat ay baston ang dala.
b. Ang mga mag-aaral dito ay hindi mayayabang.
c. Sila ay nakadamit- Europeo at mabilis maglakad
d. Nakasuot-Pilipino at kaunting aklat lamang ang dala ng mga mag-aaral dito.
9. Sinong mag-aaral ang naghihingi ng ambag para sa bantayog ni Padre Baltazar na isang Dominiko?
a. Isagani b Placido Penitente c. Tadeo D. Juanito Pelaez
10. Sinong mag-aarala ng natutuwa kapag walang pasok?
a. Macaraig b. Tadeo c. Placido Penitente d. Juanito Pelaez

11. Si Ginoong Pasta ay isa sa pinakabantog na ____________________________


a. doktor b. manunulat c. abogado d. politiko
12. Ayon kay Ginoong Pasta, ang Pilipinas ay isang bayan ng ______________________
a. panukala b. Indio c. himala d. bayani
13. Bagama’t napansin ni Isagani ang naging reaksiyon ni Ginoong Pasta sa nilalakad nilang usapin ng mga
mag-aaral, sinabi pa rin niya na ang mga kabataan ay ___________ pa rin sa kanya.
a. susunod b. makikiusap c. nagtititwala d. naniniwala
14. Si Ginoong Pasta ay nagpasya na sa kaniyang sarili na hindi _______________ sa usapin ng mga mag-aaral.
a. tutulong b. makikialam c. makikiusap d. makikikpaglaban
15. ___________ ng lihim si Ginoong Pasta sa p ag-aakalang nalito niya si Isagani.
a. Naiinis b. natutuwa c. nagagalit d. nangingiti

B. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang diwa ng pangungusap at ang salitang MALI kung hindi.
______1. May nakikitang larawan ni Sto. Tomas de Aquinas sa silid-aralan ng Pisika.
______2. Nagagamit ng mga mag-aaral ang mga kagamitang panlaboratoryo kaya natututo sila sa paaralan.
______3. Kinikilala at iginagalang ng bawat prayle ang kakayahan sa pagtuturo ni Padre Millon.
______4. Ang laboratoryo ay ginawa upang makaakit ng maraming mag-aaral at maipakita na may kalidad ang
edukasyon sa unibersidad.
______5. Si Padre Millon ay may pag-aalinlangan na ang mundo ay bilog kaya pati ang pagbiyak ng ostiya ay
parisukat.
______6. Nahahalata ng propesor si Juanito Pelaez na nagdidikta ng sagot sa mag-aaral na nahuling inaaantok
kaya siya tuloy ang tinawag.
______7. Nasagot ni Placido ang mga tanong ng propesor tungkol sa salamin kaya tuwang-tuwa siya.
______8. Ayon kay Padre Millon, ang isang liban ay katumbas ng pitong araw kaya nanlumo si Placido dahil may
tatlo na siyang liban sa klase.
______9. Humanga ang klase kay Placido dahil tanging siya lamang ang nakagawang lumaban sa kanilang
propesor.
______10. Natapos ang klase sa Pisika nang may natutuhan ang mga mag-aaral.

A.
1. C 6. A 11. C
2. B 7. D 12. A
3. C 8C 13. C
4. C 9. D 14. B
5. A 10. B 15. B

B. 1. TAMA 6. TAMA
2. MALI 7. MALI
3. TAMA 8. MALI
4. MALI 9. MALI
5.TAMA 10. BMALI

You might also like