WLP Filipino3 Week6.2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IX - ZAMBOANGA PENINSULA
DIVISION OF ZAMBOANGA CITY
MAMPANG ELEMENTARY SCHOOL
TALON- TALON DISTRICT
Mampang, Zamboanga City

WEEKLY LEARNING PLAN


Quarter 1 Week 6 Grade Level 3
Date September 26-30, 2022 Learning Area FILIPINO
Teacher RETCHELL B. DUTERTE Principal MA.SOCORRO E. LINAO
MELCs NAKASUSUNOD SA NAPAKINGGANG PANUTO (1-2 HAKBANG) F2PN-IIId-1.2
Day Objectives Topic/s Classroom-Based Activities Home-Based Activities
1 Nakasusunod sa panutong may Pagsunod sa Panuto na may Dalawa 1. Tukoy-Alam
dalawa hanggang tatlong hakbang hanggang Tatlong Hakbang Ipagawa sa mga bata:
1. Isulat ang buo mong pangalan sa isang malinis na papel.
2. Gumuhit ng isang malaking bilog na may bituin sa loob.
3. Kulayan ng pula ang bituin.
4. Pumalakpak ng tatlong beses.
5. Maupo nang maayos.
Nasunod mo ba nang maayos ang mga panuto? Pangatwiran ang sagot.
2. Paglalahad
Magpatugtog ng isang awit na maaaring sayawin.
Sabihin sa mga bata na sundan ang mga kilos na ipakikita sa kanila.
Tingnan kung nakasusunod ang lahat.
Itanong: Nakasunod k aba? Bakit? Bakit hindi?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipagawa sa mga bata:
a. Gumuhit ng isang parihaba. Sa loob nito, iguhit ang kakayahan mo.
b. Gumuhit ng isang bilog. Sa loob nito, iguhit ang hindi mo kayang gawin.
c. Gumuhit ng dalawang tatsulok. Sa loob nito, isulat ang isang kakayahang
nais mo sanang mayroon ka.
d. Ipasa ang natapos na gawain sa kaklase sa kaliwa.

Basahing muli ang mga ibinigay na panuto.


Patingnan sa kaklase kung nakasunod nang maayos ang kanilang kapareha.
Palagyan ng tsek (/) kung nasunod at (x) kung hindi nasunod ang bawat
panuto.
Ipabalik sa mga bata ang iniwastong papel ng kaklase.
Itanong:
. Ano ang ginawa mo at nasunod mo ang lahat ng panutong ibinigay?
. Bakit hindi?
. Ano ang kahalagahan ng pagsunod sa mg autos/tuntunin?
. Ano ang dapat gawin upang makasunod nang maayos sa mga
nakasulat na panuto/sinabing panuto?
. Ano ang puwedeng mangyari kung hindi natin susundin ang mga
nabasa o napakinggang panuto?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa sa mga bata:
a. Gumuhit ng tatsulok at isulat sa loob nito ang nais mong maging
paglaki .
b. Iguhit sa loob ng isang bilog ang isang taong iyong hinahangaan.
C. Isulat at guhitan ng dalawang beses ang gagawin mo upang maabot
ang iyong pangarap.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipalaro: “Ang Utos ng Hari”
Tumawag ng isang bata na tatayong “hari” na siyang magpapakita ng mga
kilos na gagayahin ng iba pang bata. Ang batang hindi makasusunod sa mga
ipinagagawa ng hari ang siyang susunod na maging taya.

2 Nasasagot ang mga tanong sa Pagsagot sa mga Tanong 1. Tukoy-Alam


binasang tekstong procedural Ano ang isang proyekto sa Art na natapos na? Paano ito isinagawa?
Hayaang ibahagi ng mga bata ang mga hakbang na kanilang sinunod.
2. Paglalahad
Ipakita ang isang tunay na alkansiya.
Itanong:
. Ano ang gamit ng bagay na ito?
. Paano kaya ito gawin?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang mga hakbang sa paggawa ng alkansiya sa Alamin Natin, p.22.
Itanong:
. Ano-ano ang kagamitang kailangan sa paggawa ng alkansiya?
. Ano ang unang hakbang na ginawa? Pangalawa? Panghuli?
. Ano kaya ang mangyayari kung hindi mo sinunod ang mga nakasulat
na hakbang?
4. Pagpapayamang Gawain
Ipagawa ang Linangin Natin, p.23.
5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.23.
Ipaskil sa pisara ang paraan ng paggawa ng pinwheel. Maghanda rin ng
katanungan tungkol dito. Pasagutan ang mga ito sa mga bata.

3 Nagagamit nang wasto ang kami, Paggamit ng Kami, Tayo at Sila


tayo, at sila sa usapan at sitwasyon 1. Tukoy-Alam
Tumawag ng ilang bata upang magkuwento tungkol sa mga ginagawa
Nagagamit nang wasto ang nilang magkakaibigan upang makatulong sa mga nangangailangan.
magagalang na pananalita sa Itanong:
pakikipag-usap sa nakatatanda at . Ano-ano ang panghalip na ginamit sa pagkukuwento?
mga hindi kakilala . Ano ang pinalitan ng mga ito?
2. Paglalahad
Pag-usapan ang mga nakitang pagtutulungan ng mga Pilipino nang
maranasan ng bansa ang hagupit ng Bagyong Yolanda.
Itanong: Paano mo ipinakita ang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo o ng
iba pang kalamidad na nangyari sa bansa?
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Ipabasa ang usapang “Maliit Man ay Malaki Rin” sa Alamin Natin, p.24.
Itanong:
. Ano ang pamagat ng usapan?
. Tungkol saan ang usapan?
. Sino ang nag-uusap?
. Ano ang ginawa ng bawat isa?
. Tama ba ang ginawa ng magkakaibigan?
. Dapat ba silang tularan?
Ipabasa sa mga bata ang mga pangungusap na may salungguhit na salita.
Itanong: Sino ang tinutukoy ng kami? Tayo? Sila?
4. Pagpapayamang Gawain
Pasagutan ang Linangin Natin, pp.24-25.
Sa tulong ng larawan, piliin ang angkop na pamalit sa ngalan ng tao sa bawat
pangungusap.
5. Paglalahat
Itanong: Kailan ginagamit ang sila? Kami? Tayo?
Ipatapos ang pangungusap sa Tandaan Natin, p.25.
Ang kami at tayo ay ginagamit sa unang panauhan upang tukuyin ang
taong nagsasalita sa pangungusap. Ang kayo ay ginagamit sa ikalawang
panauhan upang tukuyin ang taong kinakausap. Samantalang, ang sila ay
ginagamit sa ikatlong panauhan upang tukuyin ang taong pinag-uusapan.
6. Karagdagang Pagsasanay
Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.25.
Pangkatin ang klase.
Pagawain ng isang usapan gamit ang kami, tayo at sila upang ipakita
ang mga kaya nilang gawin sa pagtulong sa kapwa.

4 Nabibigyang-kahulugan ang Pagbibigay Kahulugan sa Pictograph 1. Tukoy-Alam


pictograph Ano-ano ang ginagawa mo upang makatulong sa mga taong kailangan
tulungan mo?
2. Paglalahad
Itanong: Paano tayo makatutulong sa mga biktima ng kalamidad?
Isulat ang sagot ng mga bata.
Itanong: Ilan ang handang tumulong sa pamamagitan ng (banggitin ang
bawat sagot ng bata sa unang tanong)?
Itala ang bilang ng babae at lalaki na tutulong sa paraang binanggit sa
pamamagitan ng pictograph.
Gamitin ang tsart sa pagpapakita ng sagot ng mga bata.
Gawain sa Pagtulong Bilang ng mga Bata

Bago magsimula ang klase maghanda ng cutouts ng batang babae at lalaki.


Idikit ang mga cut-out ng babae at lalaki sa tapat ng bawat paraan ng pagtulong
na binanggit nila.
3. Pagtalakay at Pagpapahalaga
Itanong:
. Tungkol saan ang graph?
. Ano-ano ang paraan ng pagtulong?
. Aling paraan ang may pinakamaraming gumawa? Pinakakaunti?
. Ano ang kabutihang dulot ng pagtutulungan?
. Ano ang gagawin mo kung hindi mo kayang pumunta sa isang relief
center para tumulong sa pag-iimpake para sa mga biktima ng kalamidad?
. Paano mo maipakikita ang pagtulong sa mga taong nangangailangan
sa iyong paligid?
4. Pagpapayamang Gawain
Hatiin ang klase at ipagawa ang Linangin Natin, p.26.

5. Paglalahat
Ano ang natutuhan mo sa aralin?
Makagawa ng isang liham Panlingguhang Pagtataya 6. Karagdagang Pagsasanay
pangkaibigan na kinapapalooban ng Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.26.
mga pamamaraang o procedure
dapat sundin sa paggawa ng egg Gagampanan ng bawat mag-aaral
sandwich 1. Ang bawat mag-aaral ay susulat ng isang liham na pumapaksa sa
sumusunod na pamamaraan o procedure sa paggawa ng egg sandwich.
Magamit ang tamang bantas at . Balatan ang isang nilagang itlog.
5 mga panghalip gaya ng kami, . Sa isang mangkok, durugin ang itlog gamit ang tinidor.
tayo at sila sa pagbubuo ng . Lagyan ng limang kutsarang mayonnaise.
pangungusap . Lagyan ng sapat na dami ng asin upang magkalasa.
. Haluin nang mabuti.
. Kumuha ng isang tinapay at ilagay ang natapos na palaman.
2. Gagamitin ang tamang bantas at iba-ibang uri ng panghalip sa pagbuo
ng pangungusap.
3. Isagawa ito sa loob ng 45 minuto.

PREPARED BY:
RETCHELL B. DUTERTE
TEACHER I

CHECKED BY:
JOSEPHINE S. KILAT
MASTER TEACHER II

NOTED BY:
MA. SOCORRO E. LINAO
ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPAL III

You might also like