Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IX - ZAMBOANGA PENINSULA
DIVISION OF ZAMBOANGA CITY
MAMPANG ELEMENTARY SCHOOL
TALON- TALON DISTRICT
Mampang, Zamboanga City

WEEKLY LEARNING PLAN


Quarter 1 Week 5 Grade Level 3
Date September 19-23, 2022 Learning Area FILIPINO
Teacher RETCHELL B. DUTERTE Principal MA.SOCORRO E. LINAO
MELCs NAIPAHAHAYAG ANG SARILING IDEYA/DAMDAMIN O REAKSYON TUNGKOL SA NAPAKINGGANG TUGMA/TULA
Day Objectives Topic/s Classroom-Based Activities Home-Based Activities
1 Naisasakilos ang tulang Pagsasakilos ng Tulang Napakinggan 1. Tukoy-Alam
napakinggan
Ipalagay sa graphic organizer ang mga salitang may kaugnayan sa salitang pangarap.
2. Paglalahad

Pagpapalawak ng Talasalitaan

Ipatukoy ang kahulugan ng salitang may salungguhit mula sa mga salitang nasa loob ng panaklong.

a. Langhapin mo ang bango ng bulaklak.

(titigan, amuyin, hawakan)

b. Ang puno ay hitik sa bunga, lahat ay nais kumuha.

(marami, malaki, kokonti)

c. Ang kaniyang damit ay mamahalin: siguradong ginto ang halaga.

(murang halaga, mataas ang halaga, walang halaga)

d. Masarap maglakad sa baybayin at panoorin ang mga bangkang papalaot.

(tabi ng dagat, malayo sa dagat, ilalim ng dagat)

e. Makakamtan mo ang tagumpay kung ikaw ay magsisikap.

(magagawa, makakamit, malalagpasan)

Ipagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang may salungguhit.

Sabihin ang pamagat ng tula.

Magpagupit sa mga bata ng isang papel na hugis ulap. Ipasulat sa loob nito ang sagot sa tanong
na, “Ano ang pangarap mo sa buhay?”

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Iparinig ang tula.

Pangarap Ko

Ni Elgee Ariniego

Pangarap ko’y magaganda ang mga bulaklak

Langhapin ang bango nito’t halimuyak.


Pangarap kong akyatin bundok na mataas

Sa puno na hitik ay makapamitas.

Pangarap kong sisirin dagat na malalim

Makakita ng mga perlas na mamahalin.

Pangarap kong maglakad sa pinong baybayin

Habang ang alon sa paa ko’y dadamhin.

Pangarap kong ito ay pangarap lamang

Sa pagsisikap an a’y makakamtan.

. Ano ang pamagat ng tula?

. Angkop ba ang pamagat sa nilalaman ng tula?

. Sino ang sumulat ng tula?

. Ano-ano ang pangarap niya?

. Paano niya ito makakamit?

. Tama ba na mangarap ang isang batang tulad ni Elgee? Bakit?

. Paano mo makakamit ang pangarap mo?

4. Pagpapayamang Gawain

Pangkatin ang mga mag-aaral. Bigyan ang bawat pangkat ng sipi ng tula.

Talakayin sa pangkat ang tula at hayaan silang gumawa ng pagsasakilos tungkol ditto.

Hayaang ipakita ng mga pangkat sa lahat ang inihandang pagsasakilos ng tula. Bigyang-halaga
ang ginawa ng bawat pangkat.

5. Paglalahat

Itanong: Ano ang natutuhan mo sa aralin?

6. Karagdagang Pagsasanay

Padugtungan ang napakinggang tula sa pamamagitan ng pagsasakilos ng pangarap ng mga mag-


aaral.

Naibibigay ang tauhan, tagpuan,


at banghay ng kuwento 1. Tukoy-Alam
Ang mga Elemento ng Kuwento

Linangin ang salitang pangarap.

Itanong: Ano ang pangarap mo? Ano ang gagawin mo upang maabot ito?

2. Paglalahad

Itanong: Sino-sino ang kaibigan mo?

Pare-pareho ba kayo ng pangarap?

Ano-ano ang kanilang pangarap?

Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin.

Itanong: Ano ang pangarap ng magkakaibigan?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa sa mga bata ang kuwento na “Pulang Watawat” sa Alamin Natin, p.17.

Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Ipagawa ang sumusunod sa bawat pangkat:

Pangkat 1 - Iguhit kung saan naglalaro ang mga bata.

Pangkat 2 – Igawa ng name tag ang mga batang naglalaro.


2
Pangkat 3 – Isadula ang mga pangyayari sa kuwento.

Itanong:

. Ano ang pamagat ng kuwento?

(Tawagan ang Pangkat 1)


. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?

. Saan naganap ang kuwento?

(Tawagan ang Pangkat II)

. Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?

. Ano ang pangarap ng magkakaibigan?

(Tawagin ang Pangkat III)

. Nakamit ba nila ito? Bakit hindi?

. Tama ba ang ginawa ng magkakaibigan sa kuwento?

. Kung ikaw si Anna, ano ang gagawin mo?

. Gagawin mo rin ba ang ginawa ng magkakaibigan?

. Ano ang dapat nating gawin upang maabot ang pangarap natin sa buhay?

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Gawain sa Linangin Natin, p.18.

5. Paglalahat

Itanong: Ano-ano ang elemento ng kuwento?

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipagawa ang gawain sa Pagyamanin Natin, p.19.

Ipabasa sa mga bata ang “Paglalakbay sa Baguio.” Ibigay ang hinihingi sa organizer na nasa LM.

Nagagamit ang ako, ikaw, at siya sa


usapan o sitwasyon
1. Tukoy-Alam

Ipabasa sa mga bata ang mga salitang nakasulat sa flashcards.


Gamit ng Ako, Ikaw, at Siya
Ako ikaw siya

Ipagamit ang bawat salita sa sariling pangungusap. Isulat sa pisara ang mga pangungusap na
ibibigay ng mga bata.

2. Paglalahad

Itanong: Ano-ano ang pangarap ng magulang mo para sa iyo?

Ipapantomina ito at pahulaan sa mga kaklase.

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Tumawag ng tatlong bata na babasa at gaganap sa bawat tauhan sa usapan. Habang binabasa ito
ng tatlong bata, pasundan naman ang usapan sa Linangin Natin, p.18.

Itanong:

. Ano ang pinagkuwentuhan ng magkakaibigan?

. Ano ang pangarap ng bawat isa?

. Sino ang tinutukoy ni Mark nang sabihin niyang ikaw?

. Sino ang tinutukoy ni Bobby nang sabihin niyang siya?

. Sino ang nagsabi ng ako?

. Ano ang tawag sa mga salitang ito?

. Kailan ginagamit ang ako? Ikaw? Siya?

Balikan ang mga pangungusap na ibinigay ng mga bata sa umpisa ng klase.

Tama ba ang pagkakagamit ng ako? Ikaw? Siya?

4. Pagpapayamang Gawain
3
Ipagawa ang Linangin Natin, p.20.

Pabuuin ang klase ng pangkat na may tatlong miyembro. Hayaang pag-usapan nila ang pangarap
ng bawat isa.

5. Paglalahat

Itanong: Kailan ginagamit ang panghalip na ako? Siya? Ikaw?

Pasagutan ang Tandaan Natin, p.20.

Ginagamit ang panghalip na ako pamalit sa ngalan ng taong nagsasalita.


Ginagamit ang panghalip na ikaw sa ngalan ng taong kinakausap.

Ginagamit ang panghalip na siya pamalit sa ngalan ng taong pinag-uusapan.

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.20. Pasulatin ang mga bata ng isang maikling script na may
gamit na ako, ikaw, at siya. Pag-usapan ang pangarap ng bawat isa.

Nakasusulat nang may


wastong baybay, bantas,
gamit ng malaki at maliit na
letra, damdamin, o reaksiyon 1. Tukoy-Alam
sa isang paksa o isyu upang Itanong: Ano-ano ang paraan ng pag-abot sa pangarap?
maipahayag ang ideya. Pagsulat ng Talata
Ipagawa ang minisurvey tungkol dito. Ipahanda

ang papel at ipakuha ang sagot sa tanong mula sa kanilang limang kaklase. Punan ang tsart.

Mga Paraan Bilang ng Lalaki Bilang ng Babae Kabuuan

Pag-usapan ang natapos na tsart.

2. Paglalahad

Itanong: Ilang beses ka nang nakaliban sa klase? Ano ang mangyayari kung lagi kang liliban sa klase?

3. Pagtalakay at Pagpapahalaga

Ipabasa ang talatang “Pag-abot sa Pangarap” na nasa Alamin Natin, p.21.

Itanong:

. Ano ang pamagat ng talata? Tungkol saan ito?

. Ano-ano ang dahilan ng mga bata sa hindi nila pagpasok sa paaralan?

. Kung lahat ng bata ay ganito, sa palagay mo ba ay maaabot nila ang kanilang pangarap?
Pangatwiranan ang sagot.

. Paano mo mahihikayat ang mga kaklase na huwag lumiban sa klase?


Ipabasang muli ang talata.

. Ano ang pamagat ng talata?

. Paano isinulat ang pamagat? Talata?

. Paano sinimulan ang pangungusap? Talata?

. Ano-anong bantas ang ginamit sa pangungusap? Talata?

. Ano ang ipinapahiwatig nito?

4. Pagpapayamang Gawain

Ipagawa ang Linangin Natin, p.20.

Itanong: Sang-ayon k aba sa mga sinabi sa talata?

Sumulat ng pangungusap tungkol ditto. Ipabasa sa mga bata sa klase ang isinulat na
pangungusap. Isulat ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata sa anyong talata. Ipabasa ang
4 natapos na talata at pasulatin ang mga bata ng pamagat para ditto. Hayaang ipakita ng mga bata ang
kanilang isinulat na pamagat.

Itanong: Tama ba ang pagkakasulat ninyo?

5. Paglalahat

Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang talata?

Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p.21.

Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang talata?

Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p.21.

6. Karagdagang Pagsasanay

Ipabasang muli ang talatang nagawa ng klase. Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.22. Gabayan ang
mga bata sa pagsusuri ng kanilang isinulat sa pamamagitan ng sumusunod na tanong: (Isulat ito sa
isang malinis na papel.)

. Paano isinulat ang pamagat?

. Nakapasok ba ang unang pangungusap sa talata?

. Paano sinisimulan ang mga pangungusap?


. Tama ba ang pagkakasulat ng mga pangngalang pantangi at pambalana?

. Tama ba ang ginamit na mga bantas?

. Tama ba ang pagkakabaybay ng mga salita?


Makagawa ng isang sulating
pinamagatang “ Ang
Pangarap Ko” na binubuo ng
Gagampanan ng bawat mag-aaral
tatlo hanggang sampung
pangungusap Ang bawat mag-aaral ay gagawa ng isang sulating pinamagatang “ Ang Pangarap Ko” na binubuo
Panlingguhang Pagtataya ng tatlo hanggang sampung pangungusap, at ginamitan ng tamang bantas at panghalip gaya ng ako,
Magamit ang tamang bantas ikaw, at siya.
at mga panghalip gaya ng
ako, ikaw, at siya
5

PREPARED BY:
RETCHELL B. DUTERTE
TEACHER I
CHECKED BY:
MADELYN D. ANGELADA
MASTER TEACHER I

NOTED BY:
MA. SOCORRO E. LINAO
ELEMENTARY SCHOOL PRINCIPAL III

You might also like