Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

COLLEGE ST.

CATHERINE QUEZON CITY


SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Pagsusuri ng Iba’t-ibang Nobelang Pampanitikan

Iniharap kina:

G. Carl Rey Treste

Bb. Carissa Nadonga

Bb. Miraflor Sango

G.

Iniharap nina:

Tien Mari Cabreros


Angelica May J. De Gracia
Benedict R. Fusin
Adrian Keil L. Manzano
Charlene Faith F. Ponce
A. Kahulugan ng Pamagat

Ang kwentong “Desaparesidos” na ang may akda ay si Lualhati Bautista ay tinutukoy ng pamagat
na ito ang mga tao na “desaparecidos” o mga taong nadukot o mga taong nawala sa panahon ng Batas
Militar o Martial Law at ang kanilang katawan ay hindi na natagpuan. Ang salitang “desaparesidos” ay
hinango sa salitang Espanyol na “desaparecido”, na ang kahulugan ay o “nawawala”. Ito’y tinawag na
desaparesidos dahil ang unang bahagi nito ay ang paghahanap ng magulang sa nawawalang anak at sa
ikalawang bahagi, ang paghahanap ng anak sa “nawawalang magulang”. Isa pang dahilan ng pamagat nito
ay, ang “pagkawala” ng isang tao ay siyang isang paraan upang pigilan silang tumayo at gamitin ang
kanilang mga karapatan at para patahimikin sila sa kanilang mga pulitikal na opinion na
makakapagpagising sa kamalayan ng taumbayan.

Sa unang bahagi ng nobela, ang katagang “desaparesidos” ay tumutukoy sa nawawalang anak. Sa


ikalawang bahagi, nagbago ang pakahulugan sa pamagat ng nobela pagkat itinuon ng may akda ang
banghay sa paghahanap ng anak ng rebolusyonaryong magulang sa “nawawalang” ama at ina.

B. May Akda

Si Lualhati Bautista ay isang maka’t manunulat na nagmula sa Pilipinas.Siya ay pinakatanyag na


babaeng manunulat sa historya ng kontemporaryong literatura ng Pilipinas. Ipinanganak siya noong
Disyembe 2, 1945 sa bayan ng Tondo, Maynila at namatay nito lamang pebrero 12, 2023 sa edad na 77.
Ang kanyang Ama ay si Esteban Bautista at ang kaniyang Ina ay si Gloria Torres. Nakilala si Bautista sa
kaniyang makabuluhan na pag-aakda na ang nilalaman ay ang mga isyu sa lipunan at sa pagiging babae.
Sa mga naisulat ni Lualhati Bautista na nobela, ang kaniyang akda na “Dekada ‘70” ay ang pinaka-
kinikilala at pinakasikat. Ang “Dekada ‘70” ay isang nobela na may makabuluhan na mga salita at
pangyayari dahil tinalakay at pinakita dito ang mga naging suliranin ng ating lipunan, pamilya, pulitikal,
at mga Pilipinong indibidwal sa panahon ng Batas Militar sa Pilipinas. Ang nobela niyang
“Desaparesidos” ay naisulat niya noong 2003 at muli ay ipinakita niya ang mga nangyaring karahasan sa
isyu ng pangkababaihan at lipunan.

Ilan sa kaniyang nobela ay ang Gapo, Dekada ‘70, at Bata, Bata, Pa’no Ka Ginawa. Ang mga ito
ang dahilan kung kaya’t nakamit niya ang Palanca Award ng tatlong beses: taong 1980, 1983, 1984.

C. Buod

Ang kwentong “Desaparesidos” ay umikot sa babaeng si Anna, na tinatawag ding Ka-Leila sa


kilusan na kaniyang kinabibilangan, na ang asawa ay namatay sa kadahilanang pinatay siya ng mga
sundalo sa panahon ng Batas ng Militar o Martial Law. Sila ay may anak na babae na nagngangalang
Malaya, na sa kalaunan ay ibinilin kay Karla, ang asawa ng kasapi o kasamahan ng NPA na si Jinky. Nang
iniwan si Malaya kay Karla, sila ay pansamantalang nanirahan sa tahanan ng pamilya ni Roy at namuo
ang samahan. Ngunit sa kasamaang palad, ang kanilang bayan ay nilusob ng mga sundalo at nang sila ay
matagpuan, nirapido nang mga sundalo ng armalite ang buong bahay, pinasabog at walang itinira. Nang
ito ay mapag-alaman ni Anna, humingi siya ng tulong kay Jinky na hanapin at hagilapin kung nasaan na
si Karla at ang anak niyang si Malaya, dahil nalaman din nila na nakatakas daw ang dalawa sa tulong ni
Mang Manuel.

Hindi na nagtagal pa at natuklasan na ng mga sundalo kung saan sila nagtatago at kung saan ang
kanilang kuta dahil itinuro sila ng kasama na si Jinky, at agad-agad na sila ay hinuli, ikinulong, at
pinahirapan si Roy at Anna. Ang matalinong si Roy ay kinaya na makatakas mula sa kanilang kulungan
dahil naging malapit siya kay Sgt. Reyes, isang matandang pulis na naka-assign sa bilangguan ni Roy.
Utos sa kanya ni Sgt. Reyes na maglabas ng basura sa labas ng kulungan at dito ay nagkaroon siya ng
pagkakataon na magplano kung paano makalabas, at nagawa niya naman ito. Nakalabas si Roy at
hinanap si Anna. Nang matagpuan niya ito, magkasama silang nagbalik sa dating bahay ng kanilang
pamilya, at binabalikan nila ang masalimuot na pangyayaring naganap sa kanilang nasunog na tahanan.
Matapos makalabas ni Anna at Roy ng kulungan, hindi na sila nagpatagal pa at mabilis na nagpatuloy si
ang dalawa sa kilusan na kanilang kinapapartehan. At dahil sa mga panahong sila ay magkasama, hindi
na nakakapagtaka na hindi nagtagal ay umibig sila sa isa’t isa. Sa kanilang pagiibigan ay nagbunga ang
isang anak na ang pangalan ay Lorena.

Si Lorena ay lumaki nang may sama ng loob sa kaniyang magulang dahil sila ay palipat-lipat ng
tinitirahan at iba-iba ang sinasamahan nilang pamilya dahil sa responsibilidad nang magulang sa
rebolusyon na kanilang isinusulong. Dahil hindi siya masyadong napagtuunan ng pansin, si Lorena ay
unti-unti nang nagrebelde; Sinasagot niya ang magulang sa lahat ng pagkakataon, at mas madalas pa sa
minsang pumupunta ng mga party. Si Emmanuel o Eman, ang tanging matalik na kaibigan ni Lorena, ay
dumarananas ng sitwasyon na pareho sa kaibigan, pero ang pinagkaiba nilang dalawa, iba ang kaniyang
paraan kung paano niya iintindihin ito. Hindi niya pinili na magtanim ng sama ng loob sa mga
aktibistang magulang, sa halip ay tinitingala niya ang mga ito at sinubukan ding sumali sa aktibismo.

Makalipas ang ilang panahon ay nagtrabaho si Anna sa isang NGO o non-government organization
na ang layunin ay tumulong sa mga naging biktima sa ilalim ni Marcos. Habang si Anna ay magtrabaho
na sa isang opisina, dito, nakita na niya si Malaya, ang “anak” nina Karla at Jinky. Pero bago iyon ay
pinakita na nalaman na ni Malaya ang katotohanan. Nagpakilala na si Malaya kay Anna bilang anak niya
at hiningi ang tawad ni Anna para sa nagawa ni Karla, at nakiusap siya rito na patawarin na lamang dahil
naalagaan naman siya nito nang mabuti. Sa kanilang pagkikita ay inamin ni Malaya na hindi niya
nabantayan si Malaya nang siya ay manganak sa gitna ng kaguluhan. Sinagip daw iyon ng isang sundalo,
at mula noon ay hindi na niya nakita si Malaya, ang kanyang anak. Sa pag-amin ni Karla kay Malaya,
lumabas ang katotohanan na buhay pa si Malaya, ang tunay na anak ni Anna, at ang pumanaw ay ang anak
nina Karla at Jinky na may pangalan ding Malaya. Nalaman na rin na si Jinky ay pinatay ng mismong mga
kasamahan niya sa NPA dahil sa kanyang pagtataksil sa kanila. Nang malaman ni Anna na ang anak na
matagal niya nang hinahanap ay nasa harap niya na, agad niya itong niyakap.

Dahil sa pagkikita ni Anna at Malaya, nakilala na rin ni Lorie ang kanyang matagal nang nawawala
na kapatid. Sinabi ni Lorie kay Malaya na gusto niya itong makilala. Bagamat mayroong pagkainggit si
Lorie sa kaniyang kapatid dahil sa sobrang haba nang panahon na nangulila si Anna sa anak, nais niya pa
ring makilala ang kapatid. Na-impress si Malaya nang ipakita ni Lorie sa kanya ang isang album na luma
at walang larawan na nakalagay kahit isa. Nai-kwento ni Lorie na binili niya ang album na iyon nang siya
ay sampung taong gulang pa lamang noong naalis sa puwesto si Marcos. Sinabi niya na nais niyang makita
ni Malaya ang album dahil wala na si Marcos at baka mahanap niya roon ang larawan ng ina ni Malaya.
Dagdag pa ni Lorie, ninais niyang makilala si Malaya dahil sila ay magkapatid. Ngunit ngayon, nais niya
itong makilala upang maunawaan ang mga karanasan ng kanilang mga magulang. Sumagot si Malaya at
sinabi niyang ikinararangal niya na makilala silang dalawa. Ikinagagalak din niya na maalala ang kanilang
mga pinagmulan at ang dugong naglalagas sa kanilang mga ugat. Sa umaga ay ang kasal na ni Malaya.
Ibinigay ni Malaya ang buong puso sa sarili sa nakaraan at kinabukasan ng kanyang bayan. Sa
kasalukuyan, pinag-uugnay niya ang dalawang panahon na ito. Ipinapalaganap niya ang mga pangarap na
walang tigil na itinatanim sa lupa na may kulay katulad ng kanyang balat. At sa bawat kasukob sa
kasaysayan, itinatanghal ang mahalagang papel ng bawat tauhan sa paghahanap ng kanilang
pagkakakilanlan at pag-unawa sa mga karanasan ng mga magulang.

I: Simula

• Tauhan at Gampanin

• Anna (Ka Leila)


- Isa sa mga pangunahing tauhan sa nobela.
- Nakaranas ng pang-aabuso mula sa mga sundalo.
- Nagbigay ng pahayag sa abogado patungkol sa mga karanasan nila ng mga kasama niya sa kamay ng
mga sundalo.

• Nonong
- Unang asawa ni Anna
- Pinatay ng mga sundalo at pinalabas na NPA na napatay sa engkwentro
- Isa sa mga kasamahan nina Anna.

• Tatay Dencio
- Ama ni Nonong
- Pinagtakpan ang kaniyang manugang na naging sanhi para patayin siya ng mga sundalo.

• Jinky
- Kaalyado nina Anna
- Fernando Magdangal ang tunay na pangalan
- Naging dahilan ng kapahamakan nina Roy at ng iba pa nilang kasamahan dahil sa pagturo niya ng
lokasyon nila.
- Hinatulan ng kamatayan ng kaniyang mga kasamahan dahil sa ginawa niyang pagturo

• Karla
- Asawa ni Jinky
- Nawalan ng balita tungkol sa kaniya at nawala na parang bula
- Makalipas ang 21 taon ay napagalaman nila Anna at Roy na pumunta ng Canada kasama si Malaya

• Mang Manuel at Aling Anchay


-Mga magulang ni Ka-Roy
-Mag asawa na tumulong kay Karla upang makatakas sa nag aantay sa kanyang panganib

• Lito
- Kilala rin bilang Ka-Lito
- Kasamahan nina Roy
- Pinatay rin ng mga sundalo ang kaniyang ama
- Binugbog ni Roy dahil wala siyang magawa hawak ng sundalo buhay nilang dalawa

• Ronildo Ibanag
- Isa sa mga pangunahing tauhan
- Pangalawang naging asawa ni Anna
- Gumamit ng Roy na pangalan para sa kanilang kilusan
- Kasama sa mga tauhan na nagbigay ng kanyang pahayag at karanasan kay Attorney Lagrason
• Sister Lourdes
- Kasama ng mga pangunahing tauhan na naglarawan ng mga pangyayari ng karahasan ng mga sundalo
at ng martial law

• Attorney Lagrason
- Attorney na padala ng Law Office galing sa Amerika.
- Magsusumite ng mga patunay ng mga karahasan noong martial law sa korte ng Amerika

• Tinyente Balmaceda
- Isa sa mga marahas na sundalo

• Sgt. Reyes
- Matanda at malapit na sa retirement age, na kadalasang naka-duty sa gabi.
- Naging kaibigan ni Roy habang siya ay nasa bilangguang politikal.
- Kalaunan ay nabilanggo siya kasama ang 'boy' na tinatawag nila, sa kadahilanang nakatakas si Roy sa
bilangguan

• Lorena
- Anak nina Roy at Anna
- Kilala rin sa pangalang Lorie
- Nakaranas ng pangungulila sa magulang sa kadahilanang lagi silang wala sa tabi niya noong siya ay
bata pa lamang, binabalik-balikan siya sa kanilang lola ngunit habang tumagal ay nasanay na siyang wala
sila

• Pogpog, Bobit, at Nini


- Mga batang nakasama ni Lorena sa bahay ng kanilang lola nung siya ay walong taong gulang pa
lamang

• Eman
- Naging kaibigan ni Lorena noong kinupkop sila ng kanilang Tita Chona

• Tita Chona
- Kumupkop kay Lorena at Eman noong sila ay bata pa lamang
- Hindi nila kaano-ano ngunit tinatawag nilang tito o tita ang mga kumukupkop sakanila

• Malaya
- Unang anak ni Anna at Roy na iniwan nila kay Karla
- Nawawalang anak ni Anna
- Kasama ni Karla sa Canada para roon manatili

• Paolo
- Kaibigan ni Malaya mula haiskul
- Ikinasal kay Malaya

• Mang Kardo at Aling Julia


- Mag asawang tumulong kina Karla makatakas at kaibigan nina Mang Manuel at Aling Anchay
SPECIAL CHAPTER (Once Upon a Fairy Tale o Ang Pag-iibigang MARCOS-US)

• Dating Pangulong Ferdinand Marcos


- Nagpatupad at nagbaba ng Martial Law
- Nagkaroon ng hindi maayos na pakikisama sa Amerika dahil sa mga utang
- Nakipag kasundo sa China, Russia, at Japan para hindi na kailangan makipag kalakalan sa Amerika

• Juan Ponce Enrile


- Martial law administrator
- Nagtangkang pabagsakin si Marcos bago ang kaniyang ikatlong termino

• Diosdado Macapagal
- Naging presidente ng Pilipinas bago si dating Pangulong Ferdinand Marcos
- Nagtanggal ng restriction sa paglalabas ng pera ng mga dayuhang nangangapital sa bansa

• Benigno Aquino
-Dating Senador at nagpagamot sa Amerika at kailangan maoperahan sa puso
-Binaril sa Manila International Airport

• Eugenio Lopez Jr.


- Anak ng may-ari ng negosyong tulad ng MERALCO at tv network na ABS-CBN

• William Sullivian
- Dating US Ambassador sa Pilipinas
- Ayon sa kanya ang interes daw ng Pilipinas ay hindi para sa Asya kundi para sa sarili lamang

• General Fabian Ver


- Kababayan, kababata, at closest aides ni Marcos

• Kilalanin at Tema

Sa pamamagitan ng mga pananaw ng iba't ibang tauhan sa nobela, ipinakikita ni Bautista ang mga
konsekwensya ng mga desaparesidos sa kanilang mga mahal sa buhay. Isinasalaysay din ng nobela ang
mga pagsubok at pagsisikap ng mga pamilya na hanapin at hingin ang katarungan para sa kanilang mga
nawawalang mahal sa buhay.

Ang tema ng nobelang "Desaparesidos" ay matatagpuan sa paglaban sa kawalang katarungan at


pagtatanggol sa mga karapatang pantao. Binibigyang diin ng nobela ang mga isyu ng pagsupil sa malayang
pamamahayag, kawalangkatarungan, at pagabuso ng kapangyarihan. Ipinapakita rin nito ang matinding
epekto ng mga paglabag na ito sa mga indibidwal at komunidad. Ito ay may kinalaman sa kawalan ng
katarungan, paglabag sa karapatang pantao, at kawalan ng kapangyarihan ng mga biktima at kanilang mga
pamilya. Ito ay isang isyu na naglalantad sa mga paglabag sa mga karapatang pantao, kawalan ng
demokrasya, at pangaabuso ng kapangyarihan ng mga awtoridad. Ang mga desaparesidos ay karaniwang
mga aktibista, kritiko ng pamahalaan, o mga indibidwal na pinaniniwalaang pumipigil sa mga hangarin
ng mga nasa kapangyarihan. Ang pagkilala at pagbibigaytuon sa tema ng desaparesidos ay may layunin
na ipakita ang kahalagahan ng pagtupad sa mga karapatang pantao, paglutas sa mga kaso ng
kawalangkatarungan, at pagtataguyod ng katarungang panlipunan. Ito ay nagbibigaydiin sa
pangangailangan na tiyakin ang kaligtasan at proteksyon ng mga mamamayan laban sa paglabag sa
kanilang mga karapatan. Ang nobelang ito ay naglalayong magbigay ng boses at pagkilala sa mga biktima
ng paglabag sa karapatang pantao, lalo na ang mga desaparesidos. Ipinapakita ng nobela ang kanilang
pagkamit ng hustisya at pagasa sa harap ng kahirapan at kalupitan. Sa pamamagitan ng pagkukuwento ng
mga karanasan ng mga desaparesidos at kanilang mga pamilya, nagbibigaydiin ang nobela sa importansya
ng pagpapanagot sa mga lumalabag sa karapatang pantao at pagtataguyod ng hustisya at pagbabago sa
lipunan

• Damdamin

➢ Bago magbasa

Ang mga emosyon na maaari nating maramdaman bago tayo magbasa ay pananabik, intriga, o
pagpukaw ng iyong interes. Kung gusto mo ang mga nobela na may temang pampulitika, katarungan, o
mga isyung panlipunan, maaaring makaramdam ka ng pananabik. Ito ay dahil sa iyong interes sa kuwento
o sa mga positibong review na nabasa mo na. Ang mga taong may malawak na interes sa mga nobela na
may temang aksyon, totoong buhay na mga kaganapan, mga kuwento ng pakikipaglaban para sa hustisya,
at iba pa ay maaaring makadama ng interes o intriga bago basahin ang nobela. Ito ay maaaring dahil sa
kaalaman ng may-akda, mga pagsusuri, o pagbabasa ng mga pagsusuri ng ibang tao, o impormasyong
nauugnay sa kasalukuyan o makasaysayang mga kaganapan.

➢ Habang nagbabasa

Ang nobelang "Desaparesidos" ay isang seryosong akda na tumatalakay sa mga mapang-abusong


kaganapan at pagkawala ng mga tao sa panahon ng diktadura o mga mapang-aping pamahalaan. Sa
pagbabasa ng nobela na ito, maaaring maranasan ang iba't ibang damdamin at emosyon. Makararamdam
ka ng galit at pagkamuhi dahil makikita mo sa nobela ang sobrang pag abuso ng pamahalaan sa hawak
nilang kapangyarihan at ang mga pangyayaring inilalahad sa nobela na nagpapakita ng kawalang-
katarungan at paglabag sa karapatang pantao. Makikita din dito ang maling sistema ng pamamahala noon
na nag resulta sa pagkawala ng mga tao. Bukod dito ay maaawa ka at malulungkot, dahil ang mga karakter
sa nobela ay nakaranas ng pang aabuso, torture, at ang pagpatay sa kanilang mga mahal sa buhay. May
mga karakter din sa nobela na nagdusa dahil sa mga pangyayaring ito. Tulad ng isang karakter na lumaking
naghahanap ng kalinga ng isang ina at ama, samantalang hinahanap ng kanyang magulang sa loob ng
dalawampung taon ang kanyang kapatid na ipinaubaya nila sa isang kasamahan.

➢ Pagtapos magbasa

Pagkatapos mo basahin ang nobelang "Desaparesidos" ay maaari kang makaramdam ng takot o


pangamba dahil ang mga pangyayaring isinalaysay ay nakaugnay sa mga tunay na pangyayari sa
kasaysayan. Isa din sa mga dahilan kung bakit maaaring makaramdam ng takot at pangamba ang
mambabasa ay dahil sa iba pang pangyayari sa nobela tulad ng pagkawala ng mga tao ay nangyayari din
sa kasalukuyan. Ngunit maaaring makaramdam ka din ng pagkamangha dahil sa sobrang galing na
pagkakagawa ng nobela ay nakakalap ako ng impormasyon sa kasaysayan ng nangyari sa Martial Law.
Maaaring mabasa din ito ng iba pang mga katulad ko na may interes sa ganitong nobela kaya naman ay
nakakamangha na mayroong mga ganitong nobela na magbibigay sa atin ng kaalaman.

• Simbolismo

Ang nobelang “Desaparesidos” ay sumisimbolo sa mga mapupuot na pangyayari rito sa Pilipinas


noong nasa pamumuno ni Marcos at habang nakasailalim sa Batas Militar ang Pilipinas. Sinisimbolo ni
Anna ang pagka-matatag dahil sa ilang taong pagkawala ng kaniyang anak na si Malaya, nanatili pa rin
siyang matatag. Gayundin sa kabila ng kaniyang masasamuot na karanasan sa panahong ito ay hindi siya
nagpadaig at patuloy pa rin siyang lumalaban upang mabuhay. Mga sundalo, sinisimbolo nila ang
kasakiman dahil kahit kapwa Pilipino ay siya mismong kalaban mo. Ang “Desaparesidos” ay
sinisimbolo ang malalim at sumasalamin sa mga pagsalungat na tema tulad ng korupsiyon, paglabag sa
karapatang pantao, at ang pagsisikap ng mga indibidwal na lumaban sa sistemang mapaniil. Ang mga
"desaparesidos" ay nagpapakita ng kawalan ng katarungan, di-pantay na pagtrato, at paglapastangan sa
mga karapatan ng mga aktibistang bumabangga sa mga mapang-abusong patakaran ng gobyerno.

II: Gitna

• Banghay

a) Panimulang pangyayari
Sa nobelang "Desaparesidos" ni Lualhati Bautista, ang panimulang pangyayari ay naglalahad ng
pagkikita ng mga aktibista na nagpapakilala sa kanilang adbokasiya at layunin. Nagsimula ang kuwento
sa paglalarawan ni Sis. Lourdes, isang madre, sa mga taong patuloy na naghahanap ng katarungan sa
mapanupil na pangyayari noong nakaraan. Kasama dito si Anna, na tinatawag na Ka Leila sa kilusan, na
nakikinig sa mga salaysay ng madre. Sa puntong ito, unti-unti niyang binabalikan ang masalimuot na
karanasang kanyang pinagdaanan. Ipinapakita ang kanilang pagtitipon at ang pagtalakay sa mga isyung
panlipunan na kanilang pinag-uusapan. Ito ang simula ng kwento kung saan ipinapakilala ang mga
pangunahing tauhan na si Anna at Roy, at kung ano ang nagtulak sa kanilang paglalaban at pakikibaka
para sa mga nawalan ng karapatan at hustisya.

b) Pataas na Aksyon
Ang pataas na aksyon sa nobelang "Desaparesidos" ay ang mga pangyayari na unti-unti nang
nagpapakomplika at nagpapalala sa sitwasyon ng mga tauhan. Nang mawala si Malaya at Karla, at nang
marinig ito ni Anna ay sinama niya si Jinky upang hanapin sila. Sa kasamaang palad ay nahuli si Anna at
matapos siyang mahuli, siya ay ginahasa at pinagpasa-pasahan ng mga sundalo. Ilang taon ang lumipas at
ang akala nilang kaligtasan sa kuta ay nawala. Agad natuklasan ng mga sundalo ang kinaroroonan at kuta
ng mga itinatagong rebelde dahil sa tulong ni Jinky. Agad nahuli si Roy at Anna, ikinulong, at ginamitan
ng karahasan. Pero dahil sa katalinuhan ni Roy, nakagawa siya ng paraan para makatakas mula sa
kulungan. Kinaibigan niya si Sgt. Reyes, isang matandang pulis na naka-assign sa bilangguan niya, sinabi
ni Sgt. Reyes sa kanya na maglabas ng basura sa labas ng kulungan. Sa pagkakataong ito, nagawa ni Roy
na magplano para makatakas, at nagtagumpay siya. Nakalabas si Roy at hinanap si Anna.

c) Kasukdulan
Ang kasukdulan sa nobelang ito ay ang pinakamataas na punto ng tensyon sa kwento.Nang
matagpuan ni Roy si Anna, nagbalik sila sa dating bahay ng kanilang pamilya at pinag-uusapan ang mga
naganap na trahedya sa kanilang nasunog na tahanan. Matapos makatakas si Anna at Roy mula sa
kulungan, hindi na sila nag-atubiling magpatuloy sa kilusan na kanilang isinusulong. At dahil sa mahabang
panahon na magkasama sila, hindi na nakapagtataka na sila ay nagmahalan. Nagbunga ang pag-iibigan
nila ng isang anak na pinangalanan nilang Lorena. Pagkalipas ng ilang panahon, sumali si Anna sa isang
non-government organization na naglalayong tumulong sa mga biktima ng panahon ni Marcos. Si Anna
ay magtrabaho na sa isang opisina. Dito, nakita na niya si Malaya, ang “anak” nina Karla at Jinky. Pero
bago iyon ay pinakita na nalaman na ni Malaya ang katotohanan.

d) Pababang Aksyon

Matapos ang kasukdulan, ang kwento ay unti-unti nang bumababa ang tensyon at nagpapaliwanag.
Ito ang bahagi kung saan inilalarawan ang mga pangyayari na nagpapababa ng mga suliranin at nagbibigay
ng mga kasagutan sa mga tanong na umiiral. Nagpakilala si Malaya kay Anna bilang anak niya at
humihingi ng tawad sa nagawa ni Karla, ngunit nakiusap siya rito na patawarin na alamng dahil naalagaan
naman siya nito nang mabuti. Inamin ni Malaya na hindi niya nabantayan si Malaya nang siya ay
manganak sa gitna ng kaguluhan. Sinagip daw iyon ng isang sundalo, at mula noon ay hindi na niya nakita
si Malaya, ang kanyang anak. Sa pag-amin ni Karla kay Malaya, lumabas ang katotohanan na buhay pa si
Malaya, ang tunay na anak ni Anna, at ang pumanaw ay ang anak nina Karla at Jinky na may pangalan
ding Malaya. Nabunyag na din na si Jinky ay pinatay ng mga kasamahan niya sa NPA dahil sa kanyang
pagkakasala sa kanila. Ang mga karakter ay maaaring simulan ang pagkilos upang malutas ang mga
suliranin o maabot ang mga personal na resolusyon sa kanilang mga karanasan.

Nang malaman ni Anna na ang anak na matagal niya nang hinahanap ay nasa harap niya na, agad
niya itong niyakap.

e) Wakas
Ang wakas sa nobelang "Desaparesidos" ay nagbigay ng pagtatapos sa kwento. Dito ipinapakita
ang mga huling pangyayari at ang resolusyon ng mga suliranin ng mga karakter. Ang nobela ay nagtapos
sa pgpapakita ng buhay ng mga taong nakapag-file na ng kanya-kanyang testimonya ang haos sampung
lubong biktima ng Martial Law. At dahil sa pagkikita ni Anna at Malaya, nakilala na rin ni Lorie ang
kanyang matagal nang nawawala na kapatid. Sinabi ni Lorie kay Malaya na gusto niya itong makilala.
Bagamat mayroong pagkainggit si Lorie sa kaniyang kapatid dahil sa sobrang haba nang panahon na
nangulila si Anna sa anak, nais niya pa ring makilala ang kapatid. Na-impress si Malaya nang ipakita ni
Lorie sa kanya ang isang album na luma at walang larawan na nakalagay kahit isa. Nai-kwento ni Lorie
na binili niya ang album na iyon nang siya ay sampung taong gulang pa lamang noong naalis sa puwesto
si Marcos. Sinabi niya na nais niyang makita ni Malaya ang album dahil wala na si Marcos at baka
mahanap niya roon ang larawan ng ina ni Malaya. Dagdag pa ni Lorie, ninais niyang makilala si Malaya
dahil sila ay magkapatid. Ngunit ngayon, nais niya itong makilala upang maunawaan ang mga karanasan
ng kanilang mga magulang. Sumagot si Malaya at sinabi niyang ikinararangal niya na makilala silang
dalawa. Ikinararangal din niya na maalala ang kanilang mga pinagmulan at ang dugong naglalagas sa
kanilang mga ugat.

Sa umaga ng kanyang kasal, ibinibigay ni Malaya nang buong puso ang sarili sa nakaraan at
kinabukasan ng kanyang bayan. Sa bawat kasukob sa kasaysayan, itinatanghal ang mahalagang papel ng
bawat karakter sa paghahanap ng kanilang pagkakakilanlan at pag-unawa sa mga karanasan ng mga
magulang.

• Tagpuan

• Pilipinas
- Bansa kung saan ginanap ang mga pangyayari sa nobela
• Law office sa Amerika
- Nagpadala ng abogado para pakinggan ang mga testimonya ng mga biktima ng karahasan ng
Martial Law.
• Madilim na silid sa kampo
- Lugar na pinagdadalhan ng mga nahuli ng mga sundalo.
• Bahay ng magulang ni Roy
- Isang karaniwang bahay-probinsiya na yari sa kahoy at kawayan.
- Pinuntahan ni Roy at Anna matapos mapag alaman na na-raid ang bahay ng kaalyado nila na
inaakala nilang pinaka ligtas na lugar.
• Armory ng mga military
- Pinasok ito ng mga NPA at nakakuha ng mga armas at nakapatay ng dalawang guwardiya na
ikinagalit ng mga military.
• Bilanggong Politikal
- Bilangguan na pinatayo ni Marcos na dapat ay para sa mga politikong napatunayang may kaso,
ngunit ginamit ito bilang bilangguan ng unit nina Roy nang sila ni Lito at ng iba pang kasama nila
sa unit, ginamit ito dahil sa dami nila.
• Maynila
- Lugar kung saan nakulong si Anna.
- Lugar kung saan sinubukan hanapin ni Anna si Malaya at Karla.
- Pansamantalang pinag-pahingahan ni Anna matapos makalaya.
• Hawaii
- Bansa o lugar kung saan pormal na manunumpa sa korte ang mga claimant ng kaso.
• Canada
- Bansa kung saan nanatili si Karla matapos ang ilang linggo pagkamatay ni Jinky.

SPECIAL CHAPTER (Once Upon a Fairy Tale o Ang Pag-iibigang MARCOS-US

• Amerika
- Hawak ng Amerika sa leeg ang mga world lending institution na tulad ng World Bank at
International Monetary Fund. Sila ang may pinakamalaking pondo sa mga institusyong ito kaya pagdating
sa mahahalagang desisyon, sila rin ang may hawak ng pinakamalaking voting at veto power.
• Maynila
- Ginulo ng noise barrage noong April 6, kinagabihan habang eleksiyon.
• New York
- Dito binisita ni Imelda Marcos si Ninoy Aquino noong Disyembre 1980.
• Mindanao
- Gustong ihiwalay ng MNLF (Moro National Liberation Front) ang Mindanao sa gobyerno ng
Pilipinas
• Philippine National Convention Center
- Binomba ito ilang minuto matapos ang speech ni Marcos sa harap ng apat na libong delgado ng
American Society of Travel Agents.

• Tauhan
o Anna (Ka Leila)
o Ronildo Ibanag (Ka Roy)
o Karla (Sonia Lindsay)
o Ka Jinky (Fernando Magdangal)
o Nonong
o Tatay Dencio & Aling Maring
o Tatay Manuel & Aling Anchay
o Rissa, Joshua & Nene
o Lorie (Lorena)
o Eman (Emmanuel)
o Malaya
o Paolo
o Sister Lourdes
o Tiniente Balmaceda
o Aling Julia
o Lito
o Sgt. Reyes
o Atty. Lagrason

• Pananaw/Point of View

Inihahambing ni Bautista ang kanyang pagiging ina sa iba pang ina na nasa loobng kilusan. Sino
ang mas mabuting ina, ang inang nagmamahal sa bayan o ang inanggumaganap sa tungkulin ng isang
magulang? Kaya bang isakripisyo ang pagmamahal samga anak para patunayan ang pagmamahal sa
bayan?

III: Tunggalian sa Kuwento

• Tao laban sa Tao


Ang pangunahing tunggalian sa nobela ay ang laban ng mga aktibista at tagapagtanggol ng
karapatang pantao laban sa mapaniil na pamahalaan, mga sundalo. Ipinakikita ng mga aktibista ang
kanilang pagtutol sa mga pang-aabuso ng gobyerno at ang kanilang hangarin na ipagtanggol ang mga
nawawalang mahal sa buhay. Sa kabilang banda, ang gobyerno ay nagtatangkang patayin at patahimikin
ang mga aktibista sa pamamagitan ng pagkulong, at pagsasagawa ng mga hindi kanais-nais na
pagpapahirap

• Tao laban sa Sarili

Ang ilang mga karakter sa nobela ay nakararanas ng mga tunggalian sa kanilang sarili.
Halimbawa nito ay si Anna, ang bida ng nobela, na sumusubok na manatiling matatag at patuloy na
lumalaban sa kabila ng personal na paghihirap, pang-aabuso at paghihinagpis sa pagkawala ng anak.
Ang mga personal na laban at hamon na kinakaharap ng mga indibidwal ay naglalarawan ng kanilang
kalakasan at pagkabigo habang sila'y lumalaban.njm
• Tao laban sa Lipunan

Ang mga aktibista sa nobelang ito ay nagsusulong ng pagbabago at pagtatanggol sa mga


nawawala, laban sa isang lipunang kinakitaan ng pang-aabuso, kawalang-katarungan, at korupsiyon.
Ang kanilang pakikibaka ay humahantong sa mga tunggalian sa pagitan nila at ng mga awtoridad at
kawalang-katarungang sistema ng lipunan. Bukod dito, ang paghahanap ni Anna ng hustiya para sa
kaniyang unang asawa na si Nonong na pinatay at ipinalabas na isang NPA.

• Tao laban sa Kapaligiran

IV: Wakas

• Pagsusuri sa Layunin ng May-Akda

a. Humanismo

Naipakita ang teoryang humanismo sa nobela dahil ang teoryang ito ay nagbibigay halaga sa tao at
ang dignidad nito. Ang humanismo ay ninanais na isulong ang paggalang sa karapatan at kalayaan ng
bawat tao. Sa nobelang "Desaparesidos" ni Lualhati Bautista, naipapakita niya ang humanismo sa
pamamagitan ng paglalarawan sa mga karakter at ang kanilang mga dinanas. Nilahad niya sa kwento ang
mga taong nawawala (desaparesidos) noong panahon ng diktaduryang Marcos sa Pilipinas. Pinakita niya
sa nobela ang mga pumupuna at aktibista laban sa mga nakatataas na biglaang nawawala at hindi na nakita
muli. Sa paglalarawan niya ng mga tauhan na nawawala at ang kanilang pamilya, naipakita niya nang
maganda ang mga naging epekto nito sa mga sapilitang nawala.
Ipinapakita niya sa nobela ang mga epekto nito sa bawat pamilya ng mga nawalan ng miyembro.
Nilarawan niya ang matinding hinagpis, takot, at pangungulila ng mga taong nawala at mga taong
naiwanan. Ipinapakita rin niya ang kanilang pinaglaban sa paghahanap sa mga nawawalang mahal sa
buhay, pati na rin ang mga hakbang na kanilang ginawa para makamit ang katarungan nawala sa kanila.
Sa pamamagitan ng paglalahad ng may akda ng mga emosyon at mga pagsubok na pinagdaanan ng mga
tauhan sa nobela, naipapakita niya ang pagkakaisa at determinasyon na ipaglaban ang karapatan at
kaligtasan ng mga nawawala. Ang nobelang "Desaparesidos" ni Lualhati Bautista ay nagpapakita ng
humanismo dahil nailahad nito ang mga naging laban, emosyon na naramdaman, at ang hirap ng
paghahanap ng katarungan ng mga tao na naapektuhan nang matindi sa mga sapilitang pagkawala.
Ipinakita ni Bautista sa nobela ang mga naging paglabag sa mga karapatang pantao at ang pangangailangan
ng pagkakaisa at pagkilos, makamit lamang ang hustisya para sa lipunan.

b. Imahismo

Ang teoryang imahismo ay naglalayong magbigay ng buhay sa mga naging pangyayari at ang mga
tauhan sa pamamagitan ng pagbibigay ng makulay na detalye at malalalim na paglalarawan. Sa nobelang
ito, naipakita ni Bautista ang imahismo sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga detalyadong paglalarawan
ng mga karakter, tagpuan, pangyayari, at tunggalian nito. Sa nobelang “Desaparesidos”, ang mga naging
tagpuan at pangyayari ay malinaw at malalim na inilarawan ng may akda, at ito’y nakatulong sa mga
nagbabasa ng nobela na maisip at buhayin ang mga nakasulat na eksena. Isang halimbawa ay ang
paglalarawan ng mga pangyayari sa mga aktibidad ng mga desaparesidos, maaring ipakita ang mga
malalim na emosyon at ang kanilang determinasyon upang ipaglaban ang mga karapatan nila.

Ang mga tauhan na nasa nobela ay nabigyang buhay ng may akda sa pamamagitan ng mga
paglalarawan ng kanilang anyo, kung ano ang kanilang ugali, paano sila kumilos, at kung ano ang kanilang
emosyon na dinaramdam. Sa kadahilanang ito, ang mga tauhan ay nagiging totoo sa isipan ng mga
nagbabasa at nabigyan sila ng buhay. Ipinakita niya ang kanilang mga naging paglalakbay at kung ano
ang pinaglalaban ng bawat tauhan. At dahil dito, nagbuo ito ng koneksyon mula sa tauhan hanggang sa
mambabasa. Halimbawa nito sa kung paano naipakita ni Bautista ang imahismo ay ang mga dinanas nilang
pag-aabuso, ang kanilang paghahanap ng hustisya’t katarungan, at paglaban ng mga karakter ay
inilalarawan nang ganap at malalim, na nagbibigay ng malakas na emosyonal na epekto sa mga
mambabasa.

c. Realismo

Ang layunin ng may akda para ipakita ang realidad sa pamamagitan ng pagsusulat ng mga
pangyayari sa nobelang desaparesidos. Ang mga pangyayari rito ay batay sa tunay na mga pangyayari at
karanasan ng mga naging biktima at pamilya ng mga naging biktima ng karahasan ng mga sundalo noong
panahon ng Martial Law ng rehimeng militar noong dekada 1970. Ang paggamit ng mga sundalo o ang
pag abuso ng ilang mga sundalo sa kanilang kapangyarihan para mang abuso ng mga tao na hanggang sa
kasalukuyang panahon ay may mga awtoridad pa ring umaabuso ng kanilang kapangyarihan. At hindi
lang sundalo, maging ang mga may posisyon sa gobyerno, tulad ng mga may posisyon na kasama sa
korupsyon. Bagaman ang mga karakter sa nobelang ito ay imahinasyon lamang ng may akda, ang mga
pangyayari rito ay nagpapakita ng mga isyung panlipunan at pulitikal na umiiral sa totoong buhay. Ang
koneksyon ng nobela sa realidad ipinakita ng nobelang ito ang kahalagahan ng pagtindig at pakikibaka
para sa katarungan at kapayapaan ng bawat isa.
d. Romantisismo

Maraming daan para ipakita ang romantisismo sa nobela. Isa na sa romantisismo ay ang
pagmamahal ng mga pangunahing tauhan para sa kanilang bayan. Sila ay tumindig at nakibaka para sa
katarungan ng mga naging biktima ng karahasan at para sa kapayapaan. Naipakita rin dito ang
pagmamahal ni Anna at Roy para sa kanilang anak, ilang beses nilang tinitignan sa kwarto si Lorena kung
siya ay ayos lang ba siya. Pati na rin ng kanilang naunang naging anak na si Malaya, 21-taon nilang
hinanap ang kanilang anak na si Malaya na isang pagpapakita ng pagmamahal ng isang magulang sa
kaniyang anak, kahit pa na sa sobrang tagal ay hindi sumuko sina Anna at Roy para hanapin ang kanilang
anak na si Malaya. Lahat ng iyon ay pagmamahal ni Anna at Roy sa kanilang mga anak at pagmamahal
nila sa kanilang bayan.

e. Eksistensyalismo

Sa pamamagitan ng paglalahad ng mga karanasan ng mga karakter sa nobela, ipinapakita ng may-


akda ang mga temang eksistensyalista. Isa sa mga konsepto ng eksistensyalismo ay ang malayang
pagpapasiya, kung saan ang tao ang nagpapasiya at humaharap sa kanyang mga kilos at responsibilidad.
Sa nobelang ito, makikita ang mga karakter na kahit na nahaharap sa panganib, sila'y patuloy na
naghahanap ng paraan upang makamit ang kanilang adhikain at manindigan para sa kanilang mga
prinsipyo.

f. Naturalismo

Sa konteksto ng naturalismo ipinakita ng mga karakter at pangyayari nang may tuwirang


pagpapakita ng realidad at brutal na katotohanan ng buhay. Isinulong ng naturalismo ang ideya na ang tao
ay likas na napapailalim sa impluwensiya ng kanyang kapaligiran at mga pangyayari, at na ang kanyang
pag-uugali at kapalaran ay nakasalalay sa mga salik na ito.Sa kaso ng nobelang "Desaparesidos," ang may-
akda ay maaaring may layunin na maipakita ang mga karakter bilang mga biktima ng isang korap at
mapang-abusong sistemang pulitikal, na humantong sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay at
pagkakasangkot sa mga karahasan at kawalang-katarungan.

g. Sosyolohikal/Kamalayang Pilipino

Ang layunin ni Lualhati Bautista sa librong Desaparesidos ay ipamalas sa mga tao ang mga
katotohanan noong panahon ng Martial Law. At layunin nito na magsalaysay ng pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan. Isa din sa layunin ni Lualhati Bautista kaya niya isunulat ang Desaparesidos ay upang
magbigay ng kaalaman at ipaliwanag kung bakit at para saan ang kanyang isinulat sa mga mambabasa.
Layunin din niyang ipahayag sa mga kabataan at sa mga magulang ang relasyon sa isa't isa ay dapat
pinapahalagahan habang nabubuhay ka pa at hanggang kaya mong ipakita kung gaano ninyo kamahal ang
isa't isa.
Ang paliwanag na ito ni Bautista ay tumutumbok sa tungkulin ng magulang na nakalublob sa mga
gawaing iniatang sa kanya ng kilusan at ang responsibilidad ng magulang sa pagpapalaki sa kanyang mga
anak. Kitang-kita ito sa naratibo ng nobela. Si Lorena, ang anak ni Roy at Anna ay lumaki na nasanay na
wala sila! Kimkim ni Lorie ang hinanakit sa kanyang mga magulang. Ipinamumukha ni Bautista sa isip
ng mambabasa ang nandidilat na sumbat ng konsensya sa isang magulang na hindi nagampanan ng buong-
buong ang pagiging ama atina dahil minahal nila ang kilusan at minahal nila ang bayan. Isisisi ba sa bayan
angkanilang naging mga kakulangan?

h. Feminismo

Ang feminismo sa "Desaparesidos" ay naglalayong ipakita ang kapangyarihan at kakayahan ng


mga kababaihan na maging palaban at matapang. Ipinapakita rin nito ang pangangailangan na labanan
ang ibat ibang anyo ng pang-aabuso na nakakaapekto sa kababaihan. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng
mga babaeng karakter na may kakayahang lumaban at maging boses ng katarungan, ipinapakita ng
nobelang “Desaparesidos” ang diwa ng feminismo, na kaya ng mga kababaihan na ipagtatanggol ang
kanilang mga karapatan at maghahanap ng pantay na pagtrato para sa lahat ng kasarian. Ang
pagtatangka sa paghahanap at pagbibigay-katarungan sa mga nawawalang mahal sa buhay gaya ng anak
ni Anna ay nagpapakita ng paglalagay ng pangangalaga at pagpapahalaga sa mga babae bilang mga tao
at mga indibidwal na may kahalagahan. Ipinapakita rin sa nobelang ito ang mga hamon at
diskriminasyon na kinakaharap ng mga kababaihan sa pakikibaka o pakikipaglaban tulad ng seksuwal na
pang-aabuso at pagkakait ng kanilang mga karapatang pantao. Ipinapakita na ang mga kababaihan ay
mayroon ding kakayahan na lumaban at tumayo para sa kanilang sarili. Na hindi mahihina at lalong
hindi “babae lamang” ang mga babae.

i. Dekonstruksyon

Sa konteksto ng dekonstruksyon, ang nobela ay maaaring sumasangayon sa ilang prinsipyo nito sa


pamamagitan ng paguudyok ng mga mambabasa na magbasa sa pagitan ng mga linya at mga implikasyon
ng mga pangyayari. Ipinapakita ng nobela ang mga kontradiksyon at ambigwedad sa lipunan,
kapangyarihan, at mga pananaw ng mga tauhan.

j. Simbolismo

Sinisimbolo ng nobelang "Desaparesidos" ang mga pangyayari sa Pilipinas noong dekada '70
habang nasa ilalim ng batas militar, dahil ang salitang 'Desaparesidos' ay nangangahulugan na nawawala
o biglang nawala, sinisimbolo nito ang mga biktima ng karahasan ng sundalo at biglang dinukot at hindi
na muling nakita pa. Sinisimbolo rin ng nobelang ito ang kahalagahan ng pakikibaka para maisakatuparan
ang pagbabago sa lipunan. Sa kabuuan, ang nobelang 'Desaparesidos' ni Lualhati Bautista ay sinisimbolo
ang paglaban para sa katarungan at paglaban para sa kanilang karapatang pantao pati na rin ang magsalita
o ihayag ang katotohanan sa likod ng pang-aapi sa kanila.

You might also like