SPECIAL EXAM 1st-Midterm-Exam-Grade-9-July

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Quezon City Academy Foundation Inc.

Unang Gitnang Pagsusulit sa Filipino


ng Ika-9 Baitang Iskor

Pangalan:_____________________ Petsa: _______________________


Seksyon:_____________________ Itinama ni:___________________

Panitikan at Wika
I. Sikat-Panitik : Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Piliin sa loob ng kahon ang numero na uri at
halimbawang Akdang Pampanitikan, isulat ang mga sagot sapatlang bago ang numero.

1. Ang Babae sa Nam-Xuong 2. Ang Ama 3. Ang Buwan na Hugis Suklay

____1. Ang Pagiging mapanghinala ay walang maidudulot na maganda sa kapwa.


____2. Sa tuwing nakaririnig ng sigaw at dabog mayayamot ang ama at magagalit.
____3. Ang balita sa malungkot niyang kinahinatnan ay nakarating sa kaniyang amo, may matigas na loob
pero mabait na tao at dahil sa kagandahang loob ay pinabalik siya sa trabaho at nagbigay ng tulong
sa salapi.
____4. Tingnan ko nga ang masamang taong ito, hinablot ng lolo ang salamin mula sa bata at inismiran
ang saliring mukha.
____4.Kumulo ang kaniyang dugo nang maisip niya may ibang nagmamahal sa kaniyang anak at
nagpanggap ito.
____5. Hindi na siya nag-asawang muli at inukol na lamang niya ang nalalabing panahon ng kaniyang
buhay sa pagmamahal at pangangalaga sa anak.
____6. Mahaba at matinis ng boses na tumagal ng isang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang
sulok ng bahay.
____7. Tingnan mo nga ang masamang taong ito, hinablot ng lalaki ang bagay at sinabing iniismiran pa
ako ng kontrabidang ito.
____8. Naalala na ng lalaki at sabay tingala sa itaas na bahagi, upang maalala ang bagay na kukunin ay
kailangan ito ay may katunog na salita.
____9. Pagtitiis dahil sa pagmamahal ay sumisimbolo sa pagiging matatag ng isang babae para lamang sa
pamilya.
____10. Ang pagiging responsible sa pamilya ay tungkulin ng isang tao upang maihatid ang
pangangailangan ng pamilya.
____11. Pahalagahan ang kultura ng ibang tao upang maunawaan ang ibang paniniwala at pananaw ng
bawat isa.
____12. Mga mayayaman ay lalaong umuunlad at ang mga mahihirap ay lalong naghihirap
____13. Ang pagdadala ng salamin sa maybahay ay sumisimbolo na nais mong palitan ng mas bata ang
iyong asawa.
____14. Ang pagkasiphayo ng isang ina ay hindi na nakakayanan sa kadahilanang wala ng umaagapay na
tao upang bigyan pa siya ng lakas sa lahat ng pagsubok.
____15. Kapag nagbitaw ng pangako kailangang tuparin.

II.Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag, isulat ang titik ng tamang sagot.

___1. Nakalahad dito ang iba-ibang interaktibong Gawain at pagsasanay na lilinang sa kasanayan sa pakikinig,
pagsasalita, panonood, pagsulat at pananaliksik ng mga mag-aaral.
a. Silahis b. Pamumukadkad c. Sinag-Panitik d. Pagbabanuhay
___2. Dito matatagpuan ang mga tanong na susubok sa pag-unawa ng mga mag-aaral kaugnay sa akdang binasa na
lilinang sa kanilang kasanayan sa pagbasa at kasanayang pampanitikan.
a. Sinag-Panitik b. Tanglaw-isip c. Pamumukadkad d. Silahis
___3. Sa bahaging ito itinatampok ang tekstong babasahin ng mga mag-aaral.
a. Sinag-Panitik b. Silahis c. Sikat-Panitik d. Pagbabanyuhay
___4. Ipatatanaw sa bahaging ito ang lunsarang panitikan na magsisilbing pagganyak sa pagtuklas ng kaalaman sa
bawat aralin.
a. Sipatin b. Sikat-Panitik c. Tanglaw-Isip ` d. Paglilinang
___5. Sa Bahaging ito ay palalawakin ang bokabolaryo at dadagdagan ang kaalaman ng mga mag-aaral upang maging
pamilyar sa mga bagong salita na magagamit nila sa pakikipagkomunikasyon.
a. Paghahasik b. Sipatin c. Silahis d. Pamumukadkad
___6. Dito ay komprehensibong tataglayin ang mga kaalamang pangwika at panggramatika upang malinang ang
kanilang komunikatibong kaaalaman.
a. Paglilinang b. Tang-Isip c. Paghahasik d. Pagbabanyuhay
___7. Sa bahaging ito ay ihahanda ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng iba-ibang gawaing gaganyak para sa pag-
aaral ng wika at gramatika.
a. Tanglaw_isip b. Paghahasik c. Paglilinang d. Pagbabanyuhay
___8. Ang bahaging ito ang pinakapuso ng bawat aralin. Dito makikita ang mga pagsasanay na lilinang sa mabubuting
pagpapahalaga o pagpapahalagang pagpapakatao na magsisilbing liwanag ng mga mag-aaral upang lagi nilang
tahalin ang tamang landas, mayroon mang nakakakita o wala.
a. Pagbabanyuhay b. Tanglaw-Isip c. Paghahasik d. Silahis
___9. Dito masisilayan ang mahahalagang karagdagang impormasyon tungkol sa aralin na may kasunod na Gawain
tungkol sa mga impormasyong nailahad.
a. Paghahasik b. Paglilinag c. Sipatin d. Tanglaw-Isip
___10. Dito magkakaroon ng mga intelektwal at akademikong pananaliksik kaugnay ng araling tinalakay.
a. Paghahawan b. Pagsusuhay c. Pag-aani d. Pagtatahip
___11. Ang bahaging ito ay kinapapalooban ng interaktibong Gawain na suusbok sa natutuhan ng mga mag-aaral
buhat sa aralin.
a. Pagsusuhay b. Pagtatahip c. Paghahawan d. Pag-aani
___12. Sa bahaging ito ay makikita ang mga pagsubok pangwika at panggramatika na lilinang sa kanilang kakayahang
pasalita at pasulat.
a. Pagsusuhay b. Pagtatahip c. Paghahawan d. Pag-aani
___13. Matatagpuan ang mga pagsasanay hinggil sa paksang tinalakay sa wika at gramatika.
a. Pagsusuhay b. Pagtatahip c. Paghahawan d. Pag-aani
___14. Ito ay ang makapukaw-damdaming umpisa, kailangan itong ito upang mawili kaagad ang mambabasa na
siyang magsisilbing susi upang ipagpatuloy na basahin ang akda.
a. Panimula b. umiigting na galaw c. krisis d. Kasukdulan
___15. Pinakatampok dito ang aksyon ng kuwento. Sa bahaging tio ay malalagay sa kahabag-habag na sitwasyon ang
pangunahing tauhan.
a. Krisis b. Panimula c. Kasukdulan d. Umiigting na galaw
___16. Ang kung ay ginagamit na _____ na nangangahulugan ng pasubali o alinlangan.
a. Pangatnig b. Paglalarawan c. Pang-ugnay d. Pandiwa
___17. Mahalagang maipahayag natin nang malinaw at maayos angating damdamin o saloobin upang maunawaan tayo
ng ating kapwa.
a. Pandiwang nagpapahayag ng paglalarawan sa emosyon.
b. Pandiwang nagpapahayag ng paglalarawan sa emosyon
c. Pandiwang nagpapahayag ng emosyon o pananaw
d. pandiwang nagpapahayag ng emosyon at paglalarawan
___18. Kinakailangang ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalagag ito ito rin ay napapanahon at may dalang
pakinabang o kabutihan sa mga babasa.
a. Katangiang dapat taglayin ng isang Salaysay c. Pagkilala sa bahagi ng Salaysay
b. Pagpili ng Paksa d. Sining ng Pagsasalaysay
___19. Ito ay mga pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamn o emosyon.
a. Maikling Sambitla c. Tiyak na Damdamin
b. Paraan sa pagpapahayag d. Pangungusap na padamdam
___20. Ang seryeng sinamar ay binubuo ng apat nay unit na kumakatawan sa bawat markahan sa buong akademikong
panuruan. Ano ang pokus ng panitikan sa Ika-9 na Baitang?

a. Noli Me Tangere sa Puso ng mga Asyano


b. Mga Akdang Pampanitikan ng Timog-Silangang Asya
c. Mga Akdang Pampanitikan ng kanlurang Asya
d. Mga Akdang pampanitikan ng Silangang Asya
____21. Inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng
kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
a. Kuwento ng Tauhan c . Katutubong kulay
b. Madulang pangyayari d. Sikolohiko
____22. Binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng
mga tao sa nasabing pook.
a. Kuwento ng Tauhan c . Katutubong kulay
b. Madulang pangyayari d. Sikolohiko
____23. Inilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.

a. Kuwento ng Tauhan c . Katutubong kulay


b. Kuwentong bayan d. Sikolohiko
____24.Kuwentong sadyang sinulat para sa natatanging okasyon gaya ng kuwentong minsan lang sa
buhay dumating.
a. Pang-okasyon b. Tauhan c. Kababalaghan d. Puno ng drama
____25. Nagwawakas na malulungkot ang ganitong uri ng Maikling kuwento.
a. Kababalaghan b. Puno ng Drama c. Sikolohiko d. Trahedya
-------26.Nagbibigay- aliw at nagpapasaya sa mga mambabasa.
a. Pang=okasyon b. Trahedya c. Puno ng Drama d. katatawanan
____27. Pangunahing paksa ng ganitong uri ng maikling kuwento ang hirap, pagpapakasakit at pagtitiis ng bida na
maglulundo sa kaniyang pananagumpay.
a. Tagumpay b. Okasyon c. Puno ng drama d. kababalaghan
____28. Ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari o kalagayan.
a. Trahedya b. Sikolohika c. Tauhan d. katutubong kulay
____29. Kuwentong tumatalakay sa mga makabagbag- damdaming pangayyari sa buhay.
a. Puno ng drama b. Tauhan c. Karanasan d. Makabanghay
____30. Mga pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin o emosyon.
a. Pangungusap na padamdam c. Nagsasaad ng Tiyak
b. Maikling sambitla d. Nagsasaad ng emosyon
III. Panuto: Lagyan ng Tsek ( T ) ang mga kahong nagpapahayag ng pangyayari sa Tekstong
Tinalakay . at ( X ) kung hindi ito nangyari sa Teksto. Lagyan ng Guhit ang nagpamali sa
pahayag.
1. “Binalot niya ng blanket ang sarili at tinanong ang ina “Darating ba si Ama”?
2. May pagkakataon naman na ilalayo nila si Mui-Mui dahil bukod sa ito ay sakitin, ito rin ay magulo na
madalas kinaiinisan ng kanilang ama.
3. Maghalo lagi ang takot at saya kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama.
4. Ang ina ay nasisiyahan na sa mga ganoong pangyayari, tuwing gabi mga iang sandal kapag tulog na
ang anak ay nananatili siya sa tabi ng anak.
5. Tumingala ang tagapangalaga at nakita ang bilog na bilog na suklay, na siya ring nakita ng
mangingisda sa kaniyang pagdating sa kabayanan mula sa mahabang paglalakbay.
6. Nagpabili ang asawa ng pangingisda ng kendi para sa kaniyang anak na lalaki, at isang suklay na
hugis bilog.
7. Pinunit ng asawa ang supot at nakita ang sarili sa salamin kasabay ng panghahamak.
8. Nang Makita ito ng lolo, siya’y galit nag alit na sinaksak ang salamin at tuluyang nabasag.
9. Natatandaan pa ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng
kaluwagang-palad nito.
10. Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa trabaho at si
Mui-Mui naman ay nasa gitna ng mahabang halinghing at di mapatahan ng kaniyang mga kapatid

IV. Gramatika Wastong gamit ng mga salita


Panuto: Piliin sa kahong nasa ibaba ang pinakaangkop na salita o kataga na gagamitin sa bawat patlang ng
talata. Bilugan din ang mga salitang naglalarawan at pandiwa.

rin daw susubukin ng

mayroon din pahirin susubukan

nang may raw pahiran kong

Magkakapangkat sina Amiel, Rina at Cecil sa klase. 1. ________ proyekto silang binubuo para kina G.
Maglaya, mga tagapagtaguyod 2. _____ kanilang kalse sa Agham. Nangako sila sa kanilang guro na
3. _____ nilang magsasaliksik ______ magsasakiksik ukol sa gagawin nilang pinabagong modelo ng
lamparang yari sa niyog. Naisip pa nilang 4. ____ ito ng barnis upang tumingkad ang kulay nito. 5. _____
papayagan 6. _____ sila ng paaralan ay lalahok sila sa isang kompetisyon ng Science Fair. 7. _____ nila ang
kanilang kahusayan sa iba pang katunggaling paaralan.

V. Uri ng Maikling kuwento


Panuto: Isulat M kung tama ang pahayag at T kung mali ang pahayag.

____1. Ang kuwento ng Tauhan ay inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa ng kuwento.
____2. Binibigyan diin ang kapaligiran, pananamit ng mga tauhan, uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng
mga tao sa pook/ tagpuan ng kuwento sa Kuwentong Puno ng Drama.
____3. Sa Kuwentong madulang pangyayari o makabanghay binibigyang-diin ang kapanapanabik at
mahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagpapabago sa tuahan.
____4. Kuwentong tungkol sa mga hindi karaniwang nilalang, pangyayari o iba pang bagay na ang layunin
ay antigin ang agam-agam, kung hindi man takot ang babasa ay ang kuwentong kababalaghan.
____5. Kuwentong Sikolohiko ang tumatalakay sa mga makabagbag-damdaming pangyayari sa buhay.
____6. Ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang tao sa harap ng
isang pangyayari o kalagayan. Mayroon itong kahirapan sa paglalarawan ng kaisipan ito ang
kuwentong Puno ng Drama.
____7. Ang kuwentong tungkol sa tagumpay ay pumapaksa sa uri ng kuwentong hirap, pagpapakasakit at
pagtitiis ng bida na maglulundo sa kaniyang pananagumpay.
____8. Ang kuwentong katatawanan ay nagbibigay-aliw sa mga mambabasa at nagpapasaya.
____9. Kuwentong sadyang sinulat para sa natatanging okasyon gaya ng kuwentong pang-Pasko,
Kuwneotng Pang-Araw ng mga Puso ay tinatawag na kuwentong Pang-Okasyon.
____10. Kuwentong tungkol sa Trahedya ay nagwawakas na malulungkot ang uri ng kuwento.
VI. Sining ng Pagsasalaysay
Panuto: Basahin at unawaing mabuti, piliin ang numero na nagpapahayag ng mga Hakbang sa
Pagsulat ng Salaysay.
1. Pagpili ng Paksa 2. Dapat taglayin 3. Bahagi ng Salaysay
_____1. Isang kawili-wiling introduksyon sa pamamagitan ng iba’t ibang estratehiya.
_____2. Labanang nagaganap sa salaysay.
_____3. Kinakailangang maganda at kawili-wili, bukod dito mahalagang ito rin ay napapanahon.
_____4. Maikli, orihinal, kapanapanabik at napapanahon.
_____5. Maayos at di maligoy ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari.
_____6. Kinahinatnan ng mga tunggalian at dito ipinapahayag ang mahalagang kaisipan o mensahe sa
salaysay.
_____7. May kaakit-akit na simula at kasiya-siyang wakas.
_____8. Kapanapanabik na bahagi ng isang salaysay at nagbibigay linaw sa kasukdulan.
_____9. May dalang pakinabang o kabutihan sa mga babasa.
_____10. Kinahinatnan ng mga tunggalian at dito ipinapahayag ang mahalagang kaisipan o mensahe sa
salaysay.

VII. Pandiwang nagpapahayag ng emosyon o pananaw


Panuto: Basahin at unawain ang pangungusap, bilugan ang pandiwa lagyan ng kahon ang pang-uri.

1. Ang mga mag-aaral ay nagsusulat ng maganda.


2. Si Jaycel ay kumakanta ng malakas.
3. Mahinahong nagsusuri ang pangkat ng Sikat.
4. Ang lalaki ay nag-iisip ng proyektong mahirap.
5. Makikitang naglalaro nang masaya ang mga kabataan.
6. Sina Jo at Ja ay lumalangoy ng mabilis.
7. Sumasayaw si Ace ng sobrang Husay.
8. Maririnig natin ang malakas na paghalakhak nila sa bayan.
9. Kanina ay sinabi nilang kumakain sila nang mabagal.
10. Ang mga senador sa pamahalaan ay bumibili habang nag-iingay.

VIII. Mga paraan sa pagpapahayag ng emosyon o damdamin


Panuto: Punan ng maikling sambitla ang bawat pangungusap upang mapalitaw ang emosyon o damdaming
nais palitawin. Sa linya bago ng bilang ay isulat ang damdaming nangingibabaw sa pangungusap. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon na makikita sa ibaba.

Sambitla Damdamin
Awww Ngek Nasaktan Pagkainis
Grabe Aray Paghanga Pagkatuwa
Ayy Yehey Pagkadismaya Pagkatakot

______________________1. ____________________! Siya ang nagwagi


______________________2. ____________________! Napakahusay ng kaniyang ginawa
______________________3. ____________________! Mali, hindi iyan ang ibinilin ko.
______________________4. ____________________! Nasasagi mo na ang paa ko, ah.
______________________5. ____________________! Naiinis na ako sa iyo.

“Mga minamahal, huwag na kayong magtaka sa mabibigat na pagsubok na inyong


dinaranas na para bang ito'y di pangkaraniwan”
1 Pedro 4:12

Inihanda nila:

Bb. Vhenalyn Julian Teppang Gng. Julieta SD. Dimaano G. Alvin B. Llaneta
Mga Guro sa Filipino sa Ika- 9 na Baitang

Siniyasat nina:
G. Alvin B. Llaneta - Puno ng Lawak Bb. Merlyn M. Eligio - Pangalawang Punongguro

Kinilala ni
Gng. Vivien R. Riano - Punongguro

You might also like