Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANALANGIN PARA SA PAGTITIPONG SINODAL NG KONTINENTENG

ASYA

Ama naming mapagmahal,


nagpapasalamat kami para sa iyong Anak,
ang aming Panginoong Hesukristo.
Nakipamayan siya sa amin
at inakay kami mula sa dilim ng kasalanan
tungo sa liwanag ng kaligtasan.
Iginupo niya ang naglalayo sa amin sa isa'y-isa.
Pinagkaisa niya kami
sa kanyang pagiging masunurin sa iyo
nang kanyang ialay sa krus
ang kanyang buhay para sa amin.

Nagpapasalamat din kami


para sa kaloob mong Espiritu Santo
na patuloy na gumagabay sa amin
at nagtuturo sa amin ng daan
para maging Simbahan.

At para sa mga bunga ng Sinodo tungkol sa "Sinodality"


na nagbukas sa amin sa tunay na pagbubuklod,
aktibong pakikisangkot at pinasiglang pagmimisyon,
maraming salamat.
Idinadalangin naming gawin mong matagumpay
ang Pagtitipong Sinodal ng Kontinenteng Asya.

Patuloy nawang mapag-alab sa amin ng iyong Espiritu


ang iyong pagmamahal para sa lahat ng tao at lipi.
Manatili nawang bukas ang aming mga puso at mga mata
upang sundan ang daan ng Iyong Anak na si Hesus
na nagturo sa aming maglakbay na makakaakbay
bilang magkakapatid, maging kanyang katawan,
kanyang Simbahan sa pamamagitan din niyang aming Panginoon,
magpasawalang hanggan. Amen.

You might also like