Professional Documents
Culture Documents
Banghay-Aralin Mapeh 4 - 4TH Quarter
Banghay-Aralin Mapeh 4 - 4TH Quarter
Banghay-Aralin Mapeh 4 - 4TH Quarter
KAGAWARAN NG EDUKASYON
REHIYON XI
SANGAY NG DAVAO DEL SUR
BANGHAY-ARALIN
IKAAPAT NA KWARTER
MAPEH IV (HEALTH)
I. Layunin:
A. Recognizes disasters or emergency situations.
III. Pamamaraan:
Panimulang Gawain
Pambungad na Panalangin
Pagsaayos ng Silid
Paglista ng Liban sa Klase
Pagtakda ng mga Tuntunin
A. Pagsasanay
Tatayong nakapalakpak ang mga mag-aaral kung naranasan nila ang sumusunod at
uupo kung hindi.
1. Naligo sa ulan
2. Nakasakay ng eroplano
3. Natamaan ng bato
4. Nakainom ng mainit na tubig
5. Nahulog sa bangin
B. Balik-aral
Ano ang magandang maidudulot ng pagtapon ng basura sa tamang lalagyan?
C. Paglinang ng Gawain
1. Pagganyak
Ipasuri ang mga sumusunod na larawan at ipasagot ang mga katanungan ukol sa mga ito.
2. Paglalahad
Ipanood sa mga bata ang isang balitang tungkol sa kalamidad. Pagkatapos, ipasagot ang mga
katanungan ukol dito.
1. Ano ang ipinapakita ng balita?
2. Batay sa napanood na balita, ano ang epekto ng kalamidad sa mga ari-arian at buhay ng
tao?
3. Alam ba ninyo ang kahulugan at ang mga iba’t ibang uri ng kalamidad?
Pagtalakay
Paglahad ng Layunin
Kahulugan ng Kalamidad
Ang kalamidad ay ang pangyayari na sanhi ng mga pagbabago sa kondisyon ng
kalikasan at maaaring magdulot ng pagkawasak o pagkawala ng mga ari-arian at
kapahamakan sa buhay ng tao.
3. Gawain
1. Pangkatin ang klase sa tatlo.
2. Bawat pangkat ay bubunot ng paper strip para sa kanilang gagawin.
o Gumuhit ng pangyayari sa panahon ng baha.
o Isadula ang gagawin kapag may lindol.
o Ilarawan ang gagawin kapag may bagyo.
3. Ilahad ang pamantayan sa gawain.
Pamantayan:
Pangnilalaman – 10 puntos
Pagkamalikhain – 7 puntos
Pagkakaisa – 3 puntos
Kabuuan – 20 puntos
4. Bigyan lamang ng sampung minuto (10) sa pagsagot.
4. Pagsusuri
1. Nasiyahan ba kayo sa inyong ginawa?
2. Ano ang ginawa ng una, pangalawa at pangatlong pangkat?
3. Ano ang maaaring maging epekto ng kalamidad sa ari-arian at buhay ng tao?
4. Paano tayo makaiwas sa mga epekto ng kalamidad?
5. Paglalahat/Paghahalaw
1. Ano ang kahulugan at mga uri ng kalamidad?
6. Paglalapat
1. Anong mga kalamidad ang madalas nararanasan sa ating bansa?
2. Kung ang lindol ay nangyari habang ikaw ay nasa loob ng silid-aralan, ano ang iyong
gagawin?
D. Pagpapahalaga
1. Mahalaga bang pag-aralan ang mga uri ng kalamidad? Bakit?
IV. Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang uri ng kalamidad ayon sa pagsasalarawan. Buuin ang salita sa
pamamagitan ng pagsulat sa patlang ng mga nawawalang titik.
1. May dalang malakas na hangin at ulan __ A__ __O
2. Pagguho ng lupa LA__ __S__I__ __
3. Bunga ng walang tigil o lakas ng pag-ulan B__ __ A
4. Pagyanig ng lupa L__N__O__
5. Pagsabog o pagbuga ng usok __ A__PU__ __K N __ B__ __K__ N
V. Takdang-aralin
Sa inyong kwaderno, sumulat ng tatlong (3) iyong gagawin kapag makaranas ng
kalamidad.
Prepared by: