Araling Panlipunan 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ARALING PANLIPUNAN 1

Ikalawang Lagumang Pagsusulit


3rd Quarter

Pangalan: ________________________________ Iskor: ___________

I. Ang mga sumusunod ay mga mahahalagang gampanin ng mga bumubuo


sa paaralan maliban sa isa. Alin ang hindi kasali? Piliin ang letra ng tamang
sagot. Isulat ito sa sagutang papel.

1. guro
a. nagtuturo at nililinang ang kakayahan ng mga mag-aaral
b. gumagabay sa tamang paggamit ng silid-aklatan
c. nagmamarka ng mga pagsusulit at takdang aralin
d. nagtsetsek ng mga takdang-aralin ng mga mag-aaral

2. guidance counselor
a. tinutulungan ang mga mag-aaral sa kanilang mga suliranin
b. nagwawasto ng mga takdang aralin ng mga mag-aaral.
c. nakikipag-ugnayan sa mga guro at magulang para sa kabutihan ng mga
mag-aaral
d. nagbibigay ng payo sa mga mag-aaral tungkol sa kanilang pag-aaral

3. punongguro
a. nagtuturo sa klase
b. namamahala sa buong paaralan
c. gumagawa ng mga programa para sa kaayusan ng paaralan
d. pinupulong ang mga bumubuo sa paaralan

4. mag-aaral
a. magbantay sa kantina at gate
b. mag-aral na mabuti
c. gumawa ng takdang-aralin
d. sumunod sa mga alituntunin ng paaralan

5. librarian
a. pumipili ng lathalain o babasahin para sa koleksiyon ng aklatan.
b. binabantayan ang mga pumapasok sa loob ng paaralan
c. itinuturo sa mga mag-aaral ang tamang paraan ng paggamit ng silid-
aklatan
d. namamahala sa silid-aklatan

II. Isulat ang tsek (√) kung wasto ang pahayag tungkol sa kahalagahan ng paaralan at ekis (x)
ang hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

____6. Maraming natututuhan ang mga mag-aaral sa paaralan.

____7. Walang gaanong naitutulong ang paaralan sa matalinong bata.

____8. Tinutulungan tayo ng paaralan para maging mabuting bata.


____9. Nakaaabala ang pagpasok sa paaralan.

____10. Malaki ang nagagawa ng paaralan sa paglinang ng kakayahan ng


mga bata.

III. Lagyan ng masayang mukha kung dapat gawin sa paaralan at malungkot


na mukha kung hindi dapat gawin. Iguhit ang iyong sagot sa patlang.

______11. Pumasok nang maaga.

______12. Tumulong sa mga gawain sa silid-aralan.

______13. Maghabulan sa loob ng silid-aralan.

______14. Bumati sa guro bago pumasok sa silid-aralan.

______15. Ibahagi ang baong pagkain sa kamag-aral.

IV. Gumuhit ng puso kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng pakikiisa sa


gawain ng paaralan at gumuhit ng bilog kung hindi.

______16. Sama-samang nagtungo ang Pamilya Bongco para makiisa sa


bagong programa ng paaralan.

______17. Nagbigay ng telebisyon si Aries upang mayroong magamit ang mga


bata sa unang baitang.

______18. Ang mga bata ay walang magamit na tubig dahil sira ang linya nito.

______19. Ang mga donasyong silya ay tulong-tulong na ipinasok sa silid-aralan.

______20. Natagalan ang paglilinis sa paaralan dahil sa banta ng COVID-19.

You might also like