Cot 1 Filipino 2023

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

BANGHAY ARALIN SA PAKITANG TURO SA FILIPINO VI

MARCH 3, 2023
VI – BONIFACIO; 8:00 – 8:50

I.LAYUNIN
Kasanayan sa Pagkatuto Nagagamit nang wasto ang pang-angkop at pangatnig. (F6WG-IIIj-12)

II.NILALAMAN Pang – angkop at Pangatnig


III. KAGAMITANG PANTURO
A.Sanggunian
1.Mga pahina sa Gabay ng Guro K to 12 Most Essential Learning Competencies, page 167
2.Mga Pahina sa Kagamitang Pang- LAS Filipino, Modyul 3 pahina 2-12
Mag-aaral
3.Mga pahina sa Teksbuk
4. Karagdagang Kagamitan mula sa
portal ng Learning Resource
B.Iba pang Kagamitang Panturo PowerPoint Presentation, laptop, SmartTV, chart o tarpapel, marker
Video lesson: https://www.youtube.com/watch?v=p_IZecJ791s
IV.PAMAMARAAN
A.Balik-Aral sa nakaraang aralin at/o (Managed learner behavior constructively by applying positive and
pagsisimula ng aralin non-violent discipline to ensure learning-focused environments.)
Classroom Rules for New Normal
1. Magsuot ng facemask bago pumasok sa silid – aralan
2. Magpakuha ng body temperature bago pumasok.
3. Maghugas ng kamay at gumamit ng sabon o sanitizer.
4. Panatilihin ang dalawang metrong distansya.
5. Iwasan ang paghawak sa mata, ilong at bibig.
6. Iwasang makibahagi ng mga personal na gamit sa mga kaibigan.
7. Takpan ang bibig at ilong sa tuwing uubo, babahing o mayroong
sipon.
8. Panatilihin ang kalinisan sa loob ng silid- aralan.
9. Itapon ang kalat sa tamang basurahan.
10. Makinig ng mabuti sa iyong guro.

BALIK- ARAL:
Isulat ang TAMA kung wasto ang inilalahad sa pangungusap at MALI
kung hindi. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

1. Ang tekstong impormatibo ay naglalayon na mabigyan ng mga


datos at mahahalagang impormasyon ang mga mambabasa.

2. Hindi ito naglalahad ng malinaw at walang kaisahan.

3. Ang tekstong argumento ay tulad ng paraan ng paglalahad.

4. Hindi kailangan ng patunay para sa pagpapatibay ng isang


argumento.

5. Nakakatulong ang nakalarawang balangkas sa pagbibigay ng


mahahalagang impormasyon sa paksa.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

PAGGANYAK:
Tingan at suriing mabuti ang larawan.

Itanong:
1. Ano ang nakikita ninyo sa larawan?
2. Bakit sila nakasuot ng facemask sa kanilang tahanan?
3. Bakit kailangan nating manatili sa loob ng ating mga bahay?
4. Paano natin mapapanatiling ligtas ang ating mga sarili laban sa
Covid – 19?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin PAGLALAHAD:
Ipabasa ang seleksyong, “Ang Paalala ni Loren at Aaron” na isinulat
ni Jasmin D. De Castro sa klase.

Ang Paalala ni Loren at Aaron


Ni Jasmin D. De Castro
Naatasan ng kanilang guro sina Loren at Aaron na gumawa
ng isang paalala tungkol sa pandemya na nararanasan natin, ang
COVID19. Ginamit ni Loren ang messenger upang makapag-usap sila
ni Aaron. Narito ang kanilang pag-uusap.

Magandang umaga Aaron. Nag-message ang ating


guro upang tayo ay gumawa ng paalala sa ating mga
kamag-aral ukol sa pandemya na kinakaharap natin

Magandang umaga rin sa iyo, Loren. Paano kaya natin


maipararating sa ating mga kamag-aral ang paalala na
gagawin natin, eh hindi naman tayo puwedeng
lumabas at magpaskil sa pader?

O sige, gumawa ka ng paalala at ako naman ang


bahalang mag-layout at mag-post.

Gagawa na ako ng paalala at ise-send ko sa iyo.

Doon sa madaling makita gaya sa Facebook.

Narito ang nabuo nilang paalala:


MAHALAGANG PAALALA PARA MAKAIWAS SA COVID19
1. Manatili sa loob ng bahay, lumabas kung kinakailangan lamang.
2. Kung lalabas ng bahay, magsuot ng face mask at face shield.
3. Ugaliing maghugas ng kamay o mag-disinfect ng alcohol.
Maging Ligtas!

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at PAGTALAKAY:


paglalahad ng bagong kasanayan #1 Pag-unawa sa binasa

1. Ano ang napagkasunduan nilang gagawin?

2. Sino ang naatasang gumawa ng paalala tungkol sa COVID-19?

3. Saan sila magpapaskil ng paalala?

4. Bilang mag-aaral sa Ikaanim na Baitang, ano ang magagawa mo


para makaiwas sa sakit?

5. Pansinin ang mga salitang may salungguhit. Nakatulong ba ito


upang maging malinaw ang ating aralin?

E. Pagtatalakay ng bagong konsepto at Pansinin ang mga salitang may salungghit sa binasa. Ano – ano ang
paglalahad ng bagong kasanayan #2 mga salitang may salungguhit?

(Selected, developed, organized and used appropriate teaching and


learning resources, including ICT, to address learning goals.)

Video Presentation

A. Ibigay ang pamantayan sa panoood ng video.

B. Panonood ng video presentation.

C. Basahin mo ang mga pangungusap. Sabihin kung ang kataga o


salita na nakasalungguhit ay pang-angkop o pangatnig.

1. Magandang umaga Aaron.

2. O sige, gumawa ka ng paalala at ako naman ang bahalang


mag_layout.

3. Doon sa madaling makita gaya ng Facebook.

4. Ugaliing maghugas ng kamay o mag-disinfect ng alcohol.

5. Maging ligtas.

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa


Formative Assesment 3) (Used differentiated, developmentally appropriate learning
Developing Mastery experiences to address learners’ gender, needs, strengths, interests
and experiences.)

Pangkatang Gawain:

Pangkat 1- Paggawa ng tula


Sumulat ng isang maikling tula na gumagamit ng pang-angkop at
pangatnig. Bilugan ang pang – angkop na ginamit at salungguhitan
ang pangatnig.

Pangkat 2 – Pagsulat ng Awit


Gumawa ng maikling awit na gumagamit ng pang-angkop o
pangatnig. Bilugan ang pang – angkop na ginamit at salungguhitan
ang pangatnig.

(Used a range of teaching strategies that enhance learner


achievement in literacy and numeracy skills.)

Pangkat 3 – Paggawa ng Sanaysay


Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa pag- iingat na dapat gawin
upang makaiwas sa Covid – 19. Bilugan ang pang – angkop na
ginamit at salungguhitan ang pangatnig.

Pangkat 4- Editorial Cartoon


Gumuhit ng editorial cartoon na nagtatampok sa mga simbolo na
naglalarawan ng pag –iingat na dapat gawin upang makaiwas sa
Covid – 19.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw- (Applied a range of teaching strategies to develop critical and creative
araw na buhay thinking, as well as other higher-order thinking skills.)

PAGLALAPAT
(Integrasyon sa Science and Health)
Ang Covid 19 ay isang sakit na dulot ng SARS-CoV-2 virus na
madalingmakahawa.
Sa paanong paraan ka makakatulong upang maiwasan ang pagkalat o
paglaganap ng sakit na ito?

(Applied knowledge of content within and across curriculum teaching


areas.)

H. Paglalahat ng Aralin PAGLALAHAT

Paano ginagamit ang pang – angkop? ang pangatnig?

I.Pagtataya ng Aralin (Designed, selected, organized and used diagnostic, formative and
summative assessment strategies consistent with curriculum
requirements.)

PAGTATAYA:
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang angkop
na pangatnig upang mabuo ang diwang isinasaad nito. Bilugan ang
titik ng tamang sagot.

1. Nagtitinda siya ng facemask sa Lumang Gapan sa umaga _____


nag_aaral naman siya sa gabi.
A. dahil C. habang
B. kaya D. upang
2. Magtiyagang nag-aral si Liza _____ makasama siya sa paglibot sa
Lumang Gapan.
A. dahil C. kaya
B. habang D. upang
3. Dinarayo ang Lumang Gapan _____ kakaibang atraksyon dito.
A. dahil sa C. sapagkat
B. habang D. subalit
4. Makikita ko na rin ____ ang Lumang Gapan bukas ng gabi.
A. kaya C. sa wakas
B. lahat ng ito D. upang
5. Ang ama man _____ ina ay hindi naghahangad na mapahamak
ang kanilang anak kaya hindi makasasama si Liza sa Lumang Gapan.
A. ngunit C. palibhasa
B. o D. sapagkat

Para sa bilang 6-10

Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang


diwa ng pangungusap. Isulat ang sagot sa patlang.

6. May vaccine _____ para malabanan ang sakit ng COVID19 Virus.


7. Sundin ang payo_____ pangkalusugan upang makaiwas sa
COVID19 Virus.
8. Nakilala na niya ang butihin_____ maybahay ng matalik niyang
kaibiganna gumaling sa sakit na COVID19 Virus.
9. Umalis patungo_____ Evacuation Center ang magkakaibigan
upang magsilbi sa mga mamamayan doon.
10. Palagi siyang nag-aalcohol upang makaiwas sa sakit _____
COVID19 Virus.

J. Karagdagang gawain para


satakdang-aralin at remediation Panuto: Sumulat ng isang maikling talata na binubuo ng 3-5
pangungusap tungkol sa iyong pamilya na ginagamitan ng pang-
angkop at pangatnig. Gawin ito sa hiwalay na papel.
V.MGA TALA (Remarks)

VI. PAGNINILAY (Reflection)


A.Bilang ng mag-aara lna nakakuha ng
75% sa pagtataya
B. Blgng mag-aaral nanangangailangan
ng iba pang gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang
ng mag-aaral nanakaunawa sa aralin?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istrateheyang pagtuturo
nakatulong ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyonan sa tulong ng
aking punongguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?

Prepared by:

JANET L. RUEDA
Teacher III
Observer:

ELIZABETH J. BLANCAFLOR
Master Teacher I
PANGALAN: __________________________________ PETSA: ____________________

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Piliin ang angkop na pangatnig upang mabuo ang
diwang isinasaad nito. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Nagtitinda siya ng facemask sa Lumang Gapan sa umaga _____ nag_aaral naman siya sa gabi.
A. dahil C. habang
B. kaya D. upang
2. Magtiyagang nag-aral si Liza _____ makasama siya sa paglibot sa Lumang Gapan.
A. dahil C. kaya
B. habang D. upang
3. Dinarayo ang Lumang Gapan _____ kakaibang atraksyon dito.
A. dahil sa C. sapagkat
B. habang D. subalit
4. Makikita ko na rin ____ ang Lumang Gapan bukas ng gabi.
A. kaya C. sa wakas
B. lahat ng ito D. upang
5. Ang ama man _____ ina ay hindi naghahangad na mapahamak ang kanilang anak kaya hindi
makasasama si Liza sa Lumang Gapan.
A. ngunit C. palibhasa
B. o D. sapagkat

Para sa bilang 6-10


Panuto: Piliin sa kahon ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang
sagot sa patlang.

na, -ng, -g

6. May vaccine _____ para malabanan ang sakit ng COVID19 Virus.


7. Sundin ang payo_____ pangkalusugan upang makaiwas sa COVID19 Virus.
8. Nakilala na niya ang butihin_____ maybahay ng matalik niyang kaibiganna gumaling sa sakit na
COVID19 Virus.
9. Umalis patungo_____ Evacuation Center ang magkakaibigan upang magsilbi sa mga mamamayan
doon.
10. Palagi siyang nag-aalcohol upang makaiwas sa sakit _____ COVID19 Virus.

You might also like