Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Edukasyon sa

Pagpapakatao 6
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-anim na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 7: Pagpapaunlad ng Ispiritwalidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Sangay ng Lungsod ng Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Joan P. Buguina
Editor: Celia B. Alan
Tagasuri: Marieta M. Limbo EdD, Perlita M. Ignacio, RGC, PhD
Tagaguhit Edison P. Clet
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 6
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 7
Pagpapaunlad ng Ispiritwalidad
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng


Modyul 7 para sa araling Pagpapaunlad ng Ispiritwalidad.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Modyul ukol sa Pagpapaunlad ng
Ispiritwalidad!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong
makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK

Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa
paksa.

BALIK-ARAL

Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

ARALIN

Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY

Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan halaga

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang psmpagkatuto ay naiuugnay


nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral


INAASAHAN

Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang naiisa-isa ang mga kabutihang dulot


ng pagkakaroon ng pag-asa sa pagpapaunlad ng ispiritwalidad.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Pagtambalin ang mga simbolo sa hanay A sa nararapat na relihiyon sa


hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

Hanay A Hany B

_____1.
 a. Taoismo

_____2.
 b. Hinduismo

_____3. c. Kristiyano

_____4. d. Budismo

_____5.
 e. Islam
BALIK-ARAL

Panuto: Bilugan ang mga pagdiriwang sa Pilipinas na nagpapakita ng pananalig sa


Diyos.

Araw ng mga Puso Chinese New Year Ramadan

Mahal na Araw Hari Raya Puasa Pasko

Santakrusan Lingo ng Wika Ati-Atihan

ARALIN

Modyul 7: Pagpapaunlad ng Ispiritwalidad

Basahin ang kuwento tungkol sa pagkakaroon ng pag-asa dulot ng


pagpapaunlad ng ispiritwalidad. Sagutin ang mga katanungan pagkatapos nito.

Madasaling Pamilya

Tuwing sumasapit ang ala-sais ng gabi ay nagtatawag na si Lola ng kanyang


mga apo upang magrosaryo. Si Pepe, panganay na apo ang laging nangunguna sa
pagrorosaryo. Tahimik at taimtim na nagdarasal ang buong pamilya. Pagkatapos ng
rosaryo, “Bakit po lagi tayong nagdarasal sa tuwing ala-sais ng gabi Lola?” tanong ni
Nena. “Apo ang lahat ng natatanggap nating biyaya mula sa Diyos ay dapat natin
ipagpapasalamat sa pamamagitan ng pagdarasal,” sambit ni Lola.

Habang naghahanda ng hapag si Nanay ay sumali sa kanilang usapan. “Mga


anak, noong ipinanganak ko ang inyong bunsong kapatid na si Esteban ay nasa
bingit kami ng kamatayan dahil sa komplikasyon”. Biglang natahimik ang lahat at
nakinig sa kuwento ni Nanay. “Ang Lola at Tatay ninyo ay hindi mapakali at hindi
nila alam ang gagawin sapagkat nanganganib ang buhay namin ni bunso,” patuloy
na kwento ni Nanay. Umupo na ang lahat sa hapag at nagdasal sila bago kumain.
Itinuloy ni nanay ang kanyang kwento, “Taimtim akong nanalangin noon na nawa’y
iligtas kami sa kapahamakan, hindi ako nawalan ng pag-asa sapagkat alam kong
ginagabayan ako ng Diyos noong panahong iyon,” sabi ni Nanay. “Mga anak, ang
Lola ninyo at ako ay taimtim na nanalangin na sana ay maging ligtas ang kapatid
ninyo at si Nanay,” kwento naman ni Tatay. Si bunso naman ay nagtanong, “Bakit
naman po kayo nagdasal, di po ba ang doktor naman po ang bahala sa amin noong
ipinanganak ako?”. “Oo anak, kaya pinanalangin ko rin na sana ay gabayan ng
Panginoon ang kamay ng mga doctor at nars habang isinasagawa nila ang operasyon
sa panganganak ng inyong Nanay,” patuloy ni Tatay. “Dapat po pala lagi tayong
magdasal para lalong lumalim ang pananalig sa Panginoon,” sabi ni Pepe. “Dahil sa
pananalig ko sa Diyos nagkaroon ako ng pag-asa na lalong palakasin ang aking loob
at naging panatag ang aking isipan at kalooban. Kaya nangako ako sa aking sarili
na hindi dapat tayo lumiban sa pagsamba tuwing Linggo upang tayo ay biyayaan ng
Diyos ng kalakasan at maging ligtas sa kapahamakan,” dugtong ni Tatay.

“Kaya mga apo, lahat ng mga nangyayari sa ating buhay ay dapat nating
ipagpasalamat sa Diyos dahil lahat ng ito ay nangyari sapagkat alam Niya na kaya
natin itong lagpasan, lalong-lalo na sa panahon ng kagipitan huwag tayong mawalan
ng pag-asa,” payo ni Lola. “Hindi lamang sa pagdarasal lumalalim ang pananalig
natin sa Diyos, kundi sa simpleng pagtulong at pagiging mabuti sa ating kapwa,”
dugtong na payo ni Nanay. “Huwag tayong mawalan ng pag-asa sa buhay sa tuwing
tayo ay nasasaktan, nalulungkot, at nagdadalamhati sapagkat ang ating pananalig
sa Diyos ang nagbibigay sa atin ng lakas sa anumang aspeto ng ating buhay,” payo
naman ni Tatay.

Masayang nagsalo-salo ang pamilya sa hapag-kainan.

Mga Tanong:

1. Bakit hindi nawalan ng pag-asa si Nanay na maging maayos ang


kalagayan nila sa bingit ng kamatayan?
2. Sino ang maari nating sandalan sa panahon ng kagipitan?
3. Paano mo masasabi na ikaw ay may pag-asa sa panahon na ikaw ay nasa
mahirap na sitwasyon sa buhay?
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
Panuto: Batay sa kwento ano-ano ang mga kabutihang dulot ng pagpapaunlad ng
ispiritwalidad sa buhay ng pamilya na lalong nagpatibay sa kanilang
pananampalataya. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________

Mga kabutihang dulot ng


pagpapaunlad ng ispiritwalidad
upang magkaroon ng pag-asa sa
buhay.

______________________________ _____________________________
______________________________ _____________________________
______________________________ _____________________________
______________________________ _____________________________

Pagsasanay 2
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung tama ang isinasaad sa pangungusap at
MALI kung hindi tama.

_________1. Ang pagtulong sa kapwa ang isang paraan upang lumalim ang ating
pananalig sa Diyos.
_________2. Nagiging mahinahon ako sa oras ng kagipitan dahil naniniwala ako na
ginagabayan ako palagi ng Panginoon.
_________3. Sa tuwing nakakaramdam ako ng kalungkutan dahil sa nararanasan
nating pandemya, nananalangin ako upang maibsan ang aking
pangamba.
_________4. Malakas ang loob kong tanggapin ang hamon ng buhay sapagkat alam
ko na nariyan lagi sa aking tabi ang Panginoon.
_________5. Nanalangin lamang ako sa tuwing ako ay nakakaranas ng problema sa
buhay.
Pagsasanay 3
Panuto: Itala sa ibaba kung paano mo mapapaunlad ang iyong ispiritwalidad sa
iba’t ibang kategorya sa ibaba upang maisabuhay ang iyong kabanalan.

Sa isip:
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Sa damdamin:
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Sa salita:
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

Sa kilos:
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

PAGLALAHAT

• Ano-ano ang mga kabutihang dulot ng pagkakaroon ng pag-asa sa


pagpapaunlad ng ispiritwalidad?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

• Paano mo mapapaunlad lalo ang iyong pananampalataya?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
TANDAAN:

Ang pagdarasal at pananalig sa Diyos ang mabuting sandata sa lahat ng oras.


Ang paniniwala na Siya ay laging nandyan sa anumang pagsubok sa ating buhay ay
patunay na may pag-asa na maging matatag sa lahat ng pagkakataon. Lumalalim
ang ating paniniwala at pananalig sa Diyos sa tuwing tayo ay gumawa ng kabutihan
sa ating kapwa.

PAGPAPAHALAGA
• Bakit mahalaga na mapaunlad ang ating paniniwala at pananalig sa Diyos?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

• Ano-ano ang maidudulot sa ating buhay ng pagpapaunlad ng ating


pananalig sa Diyos?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Lagyan ng ang kahon kung ang isinasaad sa pangungusap ay


nagpapakita ng pagpapaunlad ng ispiritwalidad at hindi.

1. Palaging positibong mag-isp si Ramon tungkol sa mga sitwasyon o


pangyayari sa kanyang buhay.

2. Naniniwala si Bitoy na matatamo niya ang tagumpay sa buhay sa


pamamagitan ng pagsisiskap lamang.

3. Regular na nagninilay-nilay ang mga kapwa frontliners ni Jose


upang maibsan ang pagod at pag-aalala na kanilang nararanasan.

4. Nagtatakda ng panahon si Sean sa pagdarasal at pagkawanggawa.

5. Mahinahong tinatanggap at sinasagot ni Nicole ang mga komento sa


kanyang mga post sa social media.
Pagsasanay 1
1. Lumalakas ang loob at napapanatag ang isipan at kalooban
2. Lumalalim ang pananalig sa Diyos sa pamamagitan ng pagdarasal
3. Nagiging matulungin at nagiging mabuti sa kapwa
*taggapin ang malapit na kasagutan
Pagsasanay 2
1. TAMA 2. TAMA 3. TAMA 4. TAMA 5. MALI
Pagsasanay 3
Maaaring may kanya-kanyang sagot
MGA PAGSASANAY
Mahal na Araw Hari Raya Puasa Pasko
Santakrusan Ramadan Ati-Atihan
BALIK-ARAL
1. D 2. C 3. E 4. A 5. B
PAUNANG PAGSUBOK
SUSI SA PAGWAWASTO
PANAPOS NA PAGSUSULIT

5. 4. 3. 2. 1.

Sanggunian
Ylarde, Z. R., & Peralta, G. A. (2016). Ugaliing Pilipino sa Makabagong Panahon.
Manila: VICARISH Publication and Trading, Inc.

You might also like