Professional Documents
Culture Documents
EsP 6-Q4-Module 8
EsP 6-Q4-Module 8
EsP 6-Q4-Module 8
Pagpapakatao 6
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-anim na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 8: Pananampalataya at Pag-asa
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong
makumpleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa
paksa.
BALIK-ARAL
ARALIN
MGA PAGSASANAY
PAGLALAHAT
PAGPAPAHALAGA
PANAPOS NA PAGSUSULIT
BALIK-ARAL
• Bakit mahalaga na mapaunlad ang ating paniniwala at pananalig sa Diyos?
PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Buuin ang crossword puzzle. Punan ang mga kahon ng mga letra upang
mabuo ang salitang kaugnay sa aralin.
P
Pahalang
2. paraan ng pakikipag-usap o
pakikipag-ugnayan sa Diyos
3. Siya ang pinaniniwalaan natin K -
na may likha ng lahat
P D L
4. malalim na paniniwala sa Diyos
B
A
Pababa
1. dapat ipakita at ginagawa sa
D
kapwa
Panuto: Basahin ang dayalogo at sagutin ang mga tanong pagkatapos nito.
Nagkasundo ang magkapitbahay na sina Ana at Lin na sabay silang mamili
sa palengke. Habang naglalakad pauwi ang dalawa ay may nadaanan silang isang
lalaki na nagpupulot ng kalakal sa tabi ng kalsada.
Ana: Mama, gusto niyo po ba ng kalakal? Mayroon po ako sa bahay. Kunin na lang
po niyo, kaysa itapon lang.
Edo: Naku, salamat po! Kailangan ko ngayong makapag-uwi ng makakain para sa
aking dalawang anak?
Lin: Ano po pangalan ninyo?
Edo: Ako po si Edo. Huwag po kayong mag-alala, hindi po ako masamang tao.
Lin: Pasensiya na po. Hindi po iyon ang ibig kong sabihin. Gusto ko lamang
kayong makilala.
Edo: Pasensya na rin po kadalasan po kasi ang ibang tao ay lumalayo sa akin at
pinagdududahan ako kapag nakikita nila ang ginagawa ko.
Ana: Mang Edo, bakit po kayo nangangalakal?
Edo: Alam niyo po sa panahon ngayon mahirap na pong kumita. Nawalan po kasi
ako ng hanapbuhay. Dati po akong construction worker. Nang nagka-
pandemya nagsara po ang aming kompanya at wala na po akong mapasukan.
Dahil ayaw ko po na magutom ang aking pamilya, kahit anong uri ng trabaho
basta’t marangal gagawin ko.
Ana: Nakakaawa naman po ang sitwasyon ninyo.
Edo: Naku, okay lang po kami. Sa awa ng Diyos, may mga mabubuting tao na
nagbibigay sa amin ng tulong. Tulad po ninyo na magbibigay ng kalakal sa
akin, malaking tulong na po iyon.
Lin: Mabuti naman po at kahit nahihirapan po kayo sa buhay ay maganda pa rin
ang inyong pananaw.
Edo: Alam niyo po, kahit anuman ang sitwasyon namin, hinding hindi po ako
mawawalan ng pag-asa. Alam ko po na ang lahat ng ito ay pagsubok lamang
Niya na siya pong magpapatibay ng aming pananampalataya.
Lin: Tama po kayo. Sa panahon ngayon tanging magagawa na lamang natin ay
manalig sa Maykapal. Pasasaan ba’t matatapos din ang krisis na ito.
Ana: Salamat Mang Edo dahil lalo ninyong pinalakas ang aking kalooban dahil sa
mga kwento ninyo sa buhay. Natuto tuloy ako sa inyo na kahit anuman ang
mangyari, huwag mawalan ng pag-asa sapagkat nandiyan lagi ang Diyos na
ating masasandalan sa panahon ng kagipitan.
Edo: Naku po, Salamat din po kasi sa dami ng taong dumadaan dito kayo lang po
ang may mabuting kalooban na tulungan ako.
Ana: Alam mo Lin, totoo ang sinasabi ni Mang Edo. Lahat ng ito ay pagsubok
lamang na magpapalakas ng ating pananampalataya.
Lin: Oo nga, basta’t may pananampalataya may pag-asa.
Ana: Nandito na po tayo Mang Edo, samahan na po kitang kunin ang mga kalakal.
Edo: Maraming salamat po. Biyayaan po sana kayo ng Diyos.
Binigay ni Ana ang mga kalakal, muling nagpasalamat si Mang Edo. Nang
paalis na siya, pinigilan siya ni Lin at binigyan siya ng isang supot ng pagkain.
masayang umalis si Mang Edo.
Pagsasanay 1
Panuto: Kulayan ang mga larawang nagpapakita ng gawaing nagpapaunlad ng
pananalig o ispiritwalidad.
1. 2.
3. 4.
5. 6.
Pagsasanay 2
Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Lagyan ng tsek ( ) ang
patlang na nagpapakita ng paraan para mapaunlad ang kabanalan at ekis ( ) kung
hindi.
_____1. Nagbibigay ng libreng pagkain ang pamilyang Cruz sa mga frontliners sa
mga ospital.
_____2. Madalas pumunta sa Bahay Aruga ang magkakaibigang sina Sheryl, Jessa,
at Joan upang mamigay ng mga laruan sa mga bata.
_____3. Tinutulungan ng mag-anak ang pamilya ni Marco ngayong panahon ng
pandemya dahil nawalan ng trabaho ang kanilang magulang.
_____4. Tahimik si Joshua habang taimtim na nananalangin ang mga kapitbahay
niyang Muslim, kahit na siya ay Kristiyano.
_____5. Aktibong nakikilahok sa gawaing simbahan si Maria.
Pagsasanay 3
Sumulat ng pagninilay kung paano mo mapapaunlad ang iyong pagkatao sa
pamamagitan ng iyong pananampalataya sa Diyos?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
PAGLALAHAT
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
TANDAAN:
Naipapakita natin ang pagkakaroon ng pag-asa sa pagpapaunlad ng
ispiritwalidad sa ating simpleng paraan. Ang paggawa ng kabutihan sa ating kapwa
ang isang mabuting paraan upang lalong lumalim ang ating pananalig. Ang
pagpapaunlad ng ating pananampalataya sa panahon ng kagipitan ang siyang
nagbibigay ng pag-asa para bumuti ang ating buhay.
Pinagyayaman natin ang ating pananampalataya sa panahong tayo ay
nahihirapan at nawawalan ng lakas ng loob. Nasusubok ang ating pananampalataya
ngunit laging isaisip na sa anumang panahon at pagkakataon ay laging nariyan ang
Maykapal na gumagabay sa atin. Ang pagmamahal sa Diyos, sa kapwa, at sa sarili
ang pinakamahalagang gawi upang mapaunlad natin ang ating ispiritwalidad.
PAGPAPAHALAGA
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Punan ang patlang ng angkop na kasagutan. Piliin ang sagot mula sa
kahon.
PAUNANG PAGSUBOK
MGA PAGSASANAY
Maaaring may kanya-kanyang sagot
Pagsasanay 3
5. 4. 3. 2. 1.
Pagsasanay 2
5 4 3 1
Pagsasanay 1
PANAPOS NA PAGSUSULIT
5. ispiritwalidad 4. kapwa
2. kanutihan 3. Maykapal 1. pag-asa
Sanggunian
Department of Education (2020). Republic of the Philippines Department of
Education. Accessed. September 1, 2020
https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/299.