EsP 6-Q4-Module 5

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Edukasyon sa

Pagpapakatao 6
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-anim na Baitang
Ikaapat na Markahan – Modyul 5: Pagpapaunlad ng Ispiritwalidad
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Rona Lee R. Castro
Editor: Celia B. Alan, Maria Theresa O. Cruz
Tagasuri: Marieta M. Limbo Ed.D, Perlita M. Ignacio RGC, Ph.D
Tagaguhit: Edison P. Clet
Tagasuri (teknikal): Vicente F. Gallardo Jr.
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division
Manuel A. Laguerta EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Edukasyon sa
Pagpapakatao 6
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 5
Pagpapaunlad ng Ispiritwalidad
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 6 ng


Modyul 5 pa Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng
mga edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si
Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 6 Modyul ukol sa Pagpapaunlad
ng Ispiritwalidad!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN

Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong
makympleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK

Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa
paksa.

BALIK-ARAL

Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

ARALIN

Tstalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY

Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan halaga

PAGPAPAHALAGA

Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang psmpagkatuto ay naiuugnay


nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral


INAASAHAN
Sa pagtatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang naipakikita ang pagkamabuting
tao na may positibong pananaw sa pagpapaunlad ng ispiritwalidad

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Isulat ang TAMA kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay


nagpapakita ng pagpapaunlad ng ispiritwal na pagkatao at MALI kung
hindi. Salungguhitan ang salitang nagpapamali sa sitwasyon.
_____ 1. Tinuturuan ng libre ni Bb. Suarez ang kanyang mag-aaral na hirap
magbasa pagkatapos ng klase.
_____ 2. Nagluto ang magkakaibigan ng sopas ngunit ayaw itong ipakain sa
mga batang lansangan.
_____ 3. Buwanang nagbibigay tulong ang pamilya ni Efren sa bahay
ampunan.
_____ 4. Nagsagawa ng gamutan na may bayad ang grupo ng mga doctor sa
isang liblib na lugar.
_____ 5. Nanghingi ng lumang uniporme si Marina sa kanilang mga
kapitbahay upang ibigay sa kanyang mga kamag-aral na walang pambili.

BALIK-ARAL

Panuto: Punan ang star graphic organizer ng limang halimbawa na


nagpapakita ng may positibong pananaw sa pag papaunlad ng ispiritwalidad.

1 3

5 4
ARALIN

Panuto: Basahin ang diyalogo at sagutan ang mga tanong sa ibaba.

Bangon! Lahat Tayo’y Aahon


Maagang nagising si Aling Mati upang maghanda ng almusal para sa
kanyang pamilya. Isa- isa niyang kinuha ang mga kakailanganing sangkap
upang makapagluto ng masarap na pagkain.

Aling Mati: Naku! Wala na pala kaming natitirang pagkain, makapunta nga
sa labas ng bahay at makapitas ng gulay.
Nakita ni Aleng Mati si Aleng Jema na nakaupo sa labas ng kanilang bahay
at tila may iniisip.
Aling Mati: Jema! Mukhang malayo ang iyong iniisip may problema ba?
Aling Jema: Hindi ko kasi alam kung paano namin malalampasan ang
kalagayang ito. Halos wala na kaming makain sa susunod na araw.
Aling Mati: Hindi ka nag- iisa, karamihan sa atin ay naghihirap na rin dahil
sa pandemya. Mabuti nalang at mayroon kaming tanim na gulay sa bakuran.
Halika at sabayan mo na akong mamitas ng gulay.
Aling Jema: Naku! Maraming salamat talaga. Sana kung nakapagtanim kami
noon ay mayroon din sana kaming aanihin.
Aling Mati: Okey lang yan! Mabilis lang naman ang pagpapalaki ng mga gulay.
Simulan mong magtanim kahit sa mga paso o sa mga patapong bote ng
softdrinks, at hindi mo mamamalayang makapag- ani kana rin.
Aling Jema: Sige, sisimulan kong magtanim ngayon at maraming salamat sa
binigay mong mga gulay at mga buto.
Aling Mati: Walang anuman iyon, kung lahat tayo ay magtutulungan at
magdadamayan, walang krisis na hindi natin malalampasan. Hikayatin pa
natin ang ibang kapitbahay na magtanim sa bakuran o sa maliit na espasyo
ng bahay.
Aling Jema: Magandang ideya nga iyan Mati. Sana nga malampasan natin
ang krisis na ito ng sabay sabay.
Aling Mati: Sino-sino pa ba ang magdadamayan kundi tayo tayo. Manalig lang
tayo sa Panginoon dahil hindi niya tayo pababayaan.
Aleng Jema: Nawa ay matapos na ang pandemyang ito sa lalong madaling
panahon.
Aling Mati: Iyan din ang dalangin ko para sa buong mundo.

Panuto: Isulat sa portfolio ang inyong mga sagot.

a. Ano ang iba pang paraan upang makatulong sa kapwa sa panahon ng


krisis?
b. Bilang isang mamamayan, handa ka bang tumulong sa iyong kapwa na
walang hinihintay na kapalit?
c. Bakit kailangan nating magtulungan sa panahong may pandemya?
d. Anong aral ang dapat nating matutunan dito?
e. Dapat ba tayong magtanim kahit tapos na ang pandemya?
f. Paano mo mahihikayat ang ibang tao na mapalakas ang kanilang pananalig
sa Diyos?
g. Paano mo mapananatiling positibo ang iyong pananaw sa buhay?

MODYUL 4: Pagpapaunlad ng Ispiritwalidad


Sa panahon ngayon ay laganap na ang kahirapan. Bata ka man o
matanda ay kailangan mong magsumikap upang harapin ang hamon ng
kasalukuyan. Huwag kang mapanghinaan ng loob, sapagkat lahat ng bagay
ay mayroong solusyon. Matuto din tayong tumulong sa ating kapwa upang
mapabuti ang kalagayan ng lahat. Huwag kalimutan na magdasal araw-
araw, kausapin ang Diyos sapagkat siya’y nakikinig at tayo’y
sinusubaybayan.
MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1
Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Tukuyin kung ginagawa mo itong
Palagi, Bihira o Hindi Kailanman.Isulat ang sagot sa portfolio.
________1. Tinutulungan mo ba ang kaklase mong nasunugan?
________2. Nagbabasa kaba ng aklat tungkol sa iyong relihiyon?
________3. Nagdarasal ka ba para sa kaligtasan ng frontliners ngayong may
pandemya?
________4. Iginagalang mo ba ang relihiyon ng ibang tao?
________5. Pinapatawad mo ba ang mga taong sinaktan ang iyong
damdamin?

PAGSASANAY 2
Panuto:Sa loob ng parihaba, isulat ang pangalan ng dalawang tao sa lugar ninyo
na iyong hinahangaan dahil sa kanilang kabutihan at sabihin kung bakit?

PAGSASANAY 3
1. Bumuo ng isang islogan tungkol sa paggawa ng positibong pananaw sa
pagpapaunlad ng ispiritwalidad.
2. Ito ay hindi dapat lumagpas sa sampung salita.
Halimbawa: “Habang may buhay, may pag-asa”
3. Isulat ito sa sangkapat na bahagi ng kartolina na ginupit ng parihaba.
4. Bigyang pansin ang Rubrik bilang pamantayan ng iyong iskor.
PAMANTAYAN 10 7 4 1
Nilalaman Ang mensahe Di gaanong Medyo Walang
ay mabisang naipakita magulo ang mensaheng
naipakita. ang mensahe. naipakita.
mensahe.
Malikhain Napakaganda Maganda at Maganda Di maganda
at malinaw ngunit di at malabo
napakalinaw ang gaanong ang
ng pagkakasul malinaw pagkakasulat
pagkakasulat at ng mga ang ng mga titik.
ng mga titik. titik. pagkakasul
at ng mga
titik.
Kaugnayan May malaking Di gaanong Kaunti lang Walang
kaugnayan sa may ang kaugnayan sa
paksa ang kaugnayan kaugnayan paksa ang
islogan. sa paksa ng islogan islogan.
ang islogan. sa paksa.
Kalinisan Malinis na Malinis ang Di gaanong Marumi ang
malinis ang pagkabuo. malinis ang pagkabuo.
pagkabuo. pagkabuo.

PAGLALAHAT
Bakit mahalagang magkaroon ng positibo pananaw sa buhay?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Tandaan:
Malaking pagbabago sa iyong buhay kapag ikaw ay nananatiling
positibo. Ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay ay
napakahalaga, lalong- lalo na sa ngayong mayroon tayong nararanasang
pagsubok tulad ng pandemya. Marami man ang naghihirap dahil sa kawalan
ng trabaho at walang makakain ang pamilya. Pero kailangan nating maging
matatag, gumawa ng paraan upang malagpasan ang mga ito. Walang
imposible kung sasabayan pa natin ng panalangin at pagtitiwala sa buong
Maykapal.
PAGPAPAHALAGA

Isa ang magulang mo sa nawalan ng trabaho dahil sa pandemya at wala ng


panggastos sa pag- aaral mo. Paano mo sila matutulungan at maipakikita
na ikaw ay may positibong pananaw?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat sa kahon kung ano ang nararapat gawin sa mga sumusunod
na sitwasyon.
1. Isa sa mga nasunugan sa kalapit ninyong barangay ay ang bahay ng
kaklase mo. Bilang isang kaklase,paano mo siya matutulungan?

2. Mahilig magsalita ng masama laban sa kapwa ang matalik mong


kaibigan. Bilang isang kaibigan,paano mo siya pagsasabihan?

3. Nakita mo na biglang namimilipit sa sakit ng tiyan ang batang kalye sa


sobrang gutom. Ano ang gagawin mo?
4. Ang pinsan mo ay nawalan ng tiwala sa Diyos dahil sa pagkamatay ng
kanyang mga magulang. Alam mong mali ito, paano mo ipaliliwanag sa
kanya ang kanyang pagkakamali?

5. Sa iyong paglalakad nakita mo ang isang matandang tinutulak ng


mga kapwa mo bata, ano ang gagawin mo?
Paglalahat
Ipaparamdam ko sa kanila na kahit wala mang panggastos sa pag- aaral
, ang importante ay hindi mawawalan ng pag- asang makabangon sa
kahirapan.Bilang isang bata gagawa ako ng paraan na makatapos at
iisipin kong hindi hadlang ang kahirapan sa pagtupad ng aking mga
pangarap.
Aralin
a.Ang iba pang paraan upang makatulong sa kapwa ay ang pagbibigayan
at pagdadamayan sa panahon ng krisis.
b.Opo, bilang isang mamayan dapat handa sa anumang tulong na
kinakailangan ng ating kapwa na walang inaantay na kapalit.
c.Kailangan nating magtulungan sa panahon kagaya ng pandemya upang
masolusyunan o malutas ang problema .
d.Ang leksyon na dapat nating matutunan dito ay ang pagiging positibo sa
anumang problema na dumadaan sa buhay,ang pagtutulungan at
pagkakaisa.
e.Opo, may pandemya man o wala dapat tayong magtanim upang
mapanatiling malusog at iwas gutom ang pamilya.
f.Tulungan sila na magbalik loob sa Diyos dahil saiya lamang ang
makakatulong sa atin at ipaliwanag ng mabuti na hindi sagabal ang
problema sa anumang nais nilang matagumpayan.
g.Upang mapanatili ang pagiging positibo sa buhay kailangan mong
magdasal at maniwala na lahat na problema ay may solusyon. Harapin
mo ang iyong mga takot na magkamali at dapat maging masayahin at
magrespeto sa kapwa.
Paunang Pagsubok Balik- Aral
1.Pagdarasal
1. TAMA 3. TAMA 2.Pagninilay
2. MALI (ayaw) 4. MALI(may bayad) 3.Pagsisimba
5. TAMA 4.Pagmamahal sa kapwa
5.Pagrerespeto sa kapwa
SUSI SA PAGWAWASTO
filipino-iv
https:wwww.slideshare.net/mobile/ivyjoyfiel9/attchments-para-sa- •
Peralta,EdD
Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon,Zenaida R. Ylarde.Gloria A. •
Lesson Guide in Elementary ESP 6 •
SANGGUNIAN
Panapos na Pagsusulit
*Tanggapin ang opinyon o sagot ng mga bata.
1. Bilang isang kaklase, kailangan gumawa ako ng paraan
kagaya ng pagbibigay ng damit na hindi ko na nagagamit at iba
pang relief goods.
2. Bilang isang kaibigan pagsasabihan ko siya ng mahinahon at
ipaintindi ko sa kanya na mali ang kanyang ginagawa.
3. Tutulungan ko siya upang maibsan ang gutom ayun sa aking
makakaya
4. Bilang pinsan,ipaliwanag ko sa kanya ng mahinahon na
lahat ng bagay mayroong hangganan.Huwag sisihin ang
panginoon kung ano man ang nangyari sa kanyang magulang.
5. Sila ay pagsasabihan na masama ang kanilang ginagawa sa
isang matanda.

You might also like