Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

IKAPITONG LINGGO – Ikalawang Araw

I. Mga Layunin

A. Nagagamit ang iba’t ibang uri ng panghalip sa usapan at pagsasabi


tungkol sa sariling karanasan F5WG-If-j-3

B. Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagsasabi ng hinaing


o reklamo F5PS-Ig-12.18

II.Paksang-Aralin

Paksa: Panghalip na Paari

Magagalang na Pananalita

Sanggunian: Curriculum Guide p.68

Kagamitan: DLP,tsart,metacards

Pagsasapuso: Paggamit ng magagalang na pananalita.

III. Yugto ng Pagkatuto

A. Balik-aral

Ano-ano ang mga halimbawa ng panghalip?

B. Pagganyak

Ipakita ang larawan ng isang department store.

1. Ano-ano ang ginagawa ng mga tao rito?

2. Ano ang nararamdaman mo kapag ikaw ay narito?

C. Gawin Natin

Basahin ang usapan sa isang department store.

Nais na mamili ng damit ni Irish kaya pumunta siya sa SM department

store.

Saleslady: Magandang araw po at tuloy po kayo sa Department Store

ng SM Batangas.

Irish: Magandang araw din naman.

Saleslady: Diretso lamang po.

Irish: Saan ko ga po matatagpuan ang section ng mga damit?


Saleslady: Ano-ano ga po ang nais ninyong bilhin?

Irish: Ibig ko sanang bumili ng damit na pambahay.

Saleslady: Para kanino ga po ang bibilhin ninyo?

Irish: Para sa aking pamilya.

Saleslady: Ano ga pong size ang nais ninyong bilhin?

Irish: Medium,mga tatlong pares lamang.

Saleslady: Narine po ang ilang damit pambahay para sa lalaki. Sumama

po kayo sa akin.

Saleslady: Alin po ang nais ninyo?

Irish: Magaganda ang mga iyan kaya lamang mukhang maliit ang

pagkasukat at mainit sa katawan. Malamang na hindi

magkakasya iyan sa kanila. Maaari gang patingin ako ng iba

pa? Mas gusto ko ang pagkakatahi nare. Mukhang

maginhawa sa katawan. Ito na lamang ang kukunin ko.

Saleslady: Maraming salamat po. Balik po kayo.


Likhang usapan:dggulle_becs

Itanong

1. Saan nagpunta si Irish?

2. Ano-ano ang kanyang pinamili?

3. Nagustuhan ba niya ang lahat ng damit na ipinakita ng


saleslady?

4. Paano niya sinabi sa saleslady ang kanyang hinaing?

Talakayin

1. Ano-ano ang mga panghalip na nabasa sa usapan?

(Isusulat ng guro ang mga sagot ng bata)

2. Ano-ano sa mga panghalip na ito ang nagpapakita ng


pagmamay-ari?
3. Ano ang tawag sa panghalip na nagpapahayag ng
pagmamay-ari?

4. Kailan ginagamit ang panghalip na paari?

D. Gawin Ninyo

Pangkatin ang klase. Hayaang pumunta sa nakatakda nilang lugar

sa paggawa. Ipaulat sa bawat pangkat ang resulta ng kanilang ginawa


matapos ang inilaang oras.

Pangkat I- Sumulat ng isang maikling tula gamit ang magagalang


na salita na ginagamit kung may hinaing o reklamo.

Pangkat II- Lumikha ng isang maikling dula-dulaan na nagpapakita


paggamit ng magagalang na pananalita sa pagsasabi ng
reklamo o hinaing.

Pangkat III- Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na

panghalip paari.

1.akin

2. natin

3.kanila

4.namin

5.amin

Pangkat IV- Isulat ang talata sa papel at punan ang bawat

patlang ng angkop na panghalip na paari.

Ang pagbabasa ay isang mabuting libangan. Ito ay


nakatutulong upang higit na lumawak ang___________kaisipan.
Nalilibang tayo sa pamamagitan ng pagbabasa ng pahayagan araw-
araw upang maragdagan ating ang kaalaman. Sa pahayagan
nababasa ____ang mga pangunahing pangyayaring nagaganap sa
paligid. Nararating_________ang malalayong pook at nababatid ang
mahahalagang kaganapan at iba pang kabatiran tungko
sa___________bansa at sa iba pang paksang kinagigiliwan.
E. Gawin Mo

A. Gamitin ang panghalip na paari sa pangungusap.Isulat ang

tamang panghalip sa patlang.

1. Ang _________paaralan ay malinis.

2. Ang __________aking kapatid ay matalino at mabait.

3. Ang kotseng ito ay_________.

4. Ang _______iyong aklat ay hihiramin ni Mira.

5. Ang _______bahay ay napakalinis.

F. Paglalahat

1. Ano ang panghalip paari? Kailan ito ginagamit?

2. Paano mo masasabi ang iyong hinaing o reklamo?

G. Pagsasapuso

Paano mo ipapakita ang paggalang sa iyong kapwa kung

mayroon kang reklamo/hinaing sa kanya?

IV. Subukan Natin

Salungguhitan ang tamang panghalip sa loob ng panaklong.

1. Si Marilyn Del Rosario ay kamag-aaral (akin,ko).

2. Halina kayo at panoorin (atin,natin) ang palatuntunan sa paaralan.

3. Iwan na (ninyo,inyo) ang mga gawain dito.

4. Minamahal (namin,amin) ang Tatay at Nanay.

5. Bing, paliguan (mo,ninyo)ang ating aso.

V. Gawaing Pantahanan

Tandaan at palaging gamitin ang magagalang na pananalita kung may

reklamo o hinaing.

You might also like