Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Ikalawang Aralin: The Mark of Being a Good Disciples

- Mga palatandaan o pagkakakilanlan ng pagiging mabuting alagad ni Hesus


- Ano ba ang pagkakakilanlan o palatandaan ng mabuti o tunay na alagad ng Panginoong
Hesus
- Tignan natin kung ano ang sinasabi ni Hesus

A. Siya ay nanatili kay Hesus at ang Salita ni Hesus ay nananatili sa puso niya.
Juan 8:31 & 37

Verse 31: Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya,
Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga
alagad ko;

Verse 37: Talastas ko na kayo'y binhi ni Abraham; gayon ma'y pinagsisikapan ninyong
ako'y patayin, sapagka't ang salita ko'y hindi magkasiya sa inyo.

- We valued the word of Jesus through:


a. Read – binabasa araw-arawc
b. Respect – ginagalang
c. Submit – handing magpasakop
d. Application (kaya tayo may memory verse)

B. May Pag-ibig sa Isa’t-isa


Juan 13:34-35
Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na
kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa. Sa ganito'y
mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may
pagibig sa isa't isa.

- Ano ang ibig sabihin ng may pag-ibig sa isa’t-isa?


a. Hindi nagsi-siraan/ naghahatulan
b. Hindi nagpapaligsahan o nagpapagalingan
c. Nagtutulungan
d. Nagpapatawaran
e. Nagpa-panalanginan

- Sabi ni Hesus – para makilala na tayo ay tunay na alagad ni Hesus, dapat mayroong
pag-ibig sa isa’t-isa

C. Si Hesus ay Hindi lang Panginoon kundi isang Idolo


Pansinin: Gawa 11:12 - Na nangagsabi naman, Kayong mga lalaking taga Galilea, bakit
kayo'y nangakatayong tumitingin sa langit? itong si Jesus, na tinanggap sa langit mula
sa inyo, ay paparitong gaya rin ng inyong nakitang pagparoon niya sa langit. Nang
magkagayon ay nangagbalik sila sa Jerusalem buhat sa tinatawag na bundok ng mga
Olivo, na malapit sa Jerusalem, na isang araw ng sabbath lakarin.

- Ang tinawag na alagad ay Kristiyano


- Kristiyano ang tawag sa alagad ni Hesus
- Bakit Kristiyano?
a. Bukambibig si Hesus
b. Namumuhay ng katulad ni Hesus (kabanalan at kalinisan)
c. Idolo si Hesus
Halimbawa: kung sino ang iniidolo, iyon ang tinatawag sa atin
Sa Artista –
Sa Basketball Player

Ganun din sa Kristiyano – Tayo ay munting Kristiyano

- Malalaman ng tao na tayo ay alagad ni Kristo kung may makikita silang ebidensya.
 Gawa 4:13 - Nang makita nga nila ang katapangan ni Pedro at ni Juan, at
pagkatalastas na sila'y mga taong walang pinagaralan at mga mangmang,
ay nangagtaka sila; at nangapagkilala nila, na sila'y nangakasama ni Jesus.

Ang sabi ni Hesus, sa bunga, may makikilala


Mateo 7:15-21 - Mangagingat kayo sa mga bulaang propeta, na nagsisilapit sa inyo
na may damit tupa, datapuwa't sa loob ay mga lobong maninila. Sa kanilang mga
bunga ay inyong mangakikilala sila. Nakapuputi baga ng mga ubas sa mga tinikan,
o ng mga igos sa mga dawagan? Gayon din naman ang bawa't mabuting punong
kahoy ay nagbubunga ng mabuti; datapuwa't ang masamang punong kahoy ay
nagbubunga ng masama. Hindi maaari na ang mabuting punong kahoy ay
magbunga ng masama, at ang masamang punong kahoy ay magbunga ng mabuti.
Bawa't punong kahoy na hindi nagbubunga ng mabuti ay pinuputol, at inihahagis sa
apoy. Kaya't sa kanilang mga bunga ay mangakikilala ninyo sila. Hindi ang bawa't
nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi
ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit.

Kaya ang pagiging alagad ni Hesus ay mayroong ebidensya

Patunayan natin na tayo ay tunay na alagad ni Hesus.


a. Sumusunod sa kanya at sa salita Niya na nasa atin
b. May pag-ibig sa isa’t-isa
c. Hindi lang siya Panginoon kundi Idolo rin natin siya.

You might also like