Professional Documents
Culture Documents
AP8 LAS Q3 wk4
AP8 LAS Q3 wk4
AP8 LAS Q3 wk4
Layunin: Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo (Imperyalismo)
VectorStock.com
Nagsimula ang pananakop ng mga Kanluraning
bansa sa ibang lupain nang pumalaot ang mga barkong
Europeo. Isa- isang nanakop ng lupain ang Portugal ,
Spain, Netherlands, France, at Britain at ngtayo ng mga
kolonya sa Asya at America. Ngunit lahat ng mga
imperyong ito ay bumagsak bago nagsimula ang ika-19 na
siglo. Nawalan ng kolonya sa North America ang
Netherlands at France. Matagumpay na nakapag- alsa
laban sa pamahalaan ang 13 kolonya ng Britain sa
America, ang Timog Canada, at ang pinakamagandang
kolonya ng Spain at Portugal.
1
KONSEPTO:
Dahilan:
Mga rebolusyon at pagbabago at ang pagtatag ng mga bansang may malakas na pamahalaang sentrlisado.
Pagbabagong pampulitika, panlipunan at pang- ekonomiya dulot ng industriyalisayon at urbanisasyon.
Malaking pangangailangan sa pagkain, hilaw na sangkap para sa mga bagong industriya ng tela, makinarya at
iba pa at biglang paglaki ng populasyon.
Teknolohiya tulad ng nga bagong imbensyon sa transportasyon, komunikasyon, armas, pagsasaka, at paggawa
ng produkto.
Naganap noong ika- 18 at ika- 19 na siglo
Napasailalim din sa imperyalismo ang iba’t- ibang bahagi ng Asya.
Industriyalisasyon
Uri:
Manifest Destiny – ayon sa doktrinang ito may karapatang ibinigay ang Diyos sa United States na
magpalawak at angkinin ang buong kontinente ng Hilagang America.
Protectorate – ay pagbibigay sa kolonya ng proteksiyon laban sa paglusob ng ibang bansa.
Concession – ay ang pagbibigay ng espesyal na karapatang pangnegosyo.
Sphere of Influence- ay isang lugar o maliit na bahagi ng bansa kung saan kontrolado ang pamahalaan at
politika ng makapangyarihang bansa.
Lawak:
Sa pagsisimula ng ika-20 siglo, halos lahat ng Africa, Asia at South America ay nasakop ng mga Europeo.
Pinakamalawak ang kolonya ng Britain sa lahat ng mga mananakop.
Sa paglakas ng ekonomiya ng United States sinuportahan ng mga pinuno nito ang patakarang pagpapalaganap
ng bansa. Sa tagumpay ng United States sa Spanish-American War noong 1898 nakuha nito ang Pilipinas,
Guam, Puerto Rico at Cuba.
2
kumpanyang multinasyunal.
Ang bagong layang mga estado ay nagsasagawa ng mga pananalakay at nagdaragdag ng teritoryong pag- aari
ng ibang bansa.
Sa pag-aaral ng Agham-Pampulitika, ang neo-kolonyalismo ay patungkol sa pananatili ng kontrol ng isang
dating kolonyalista. Ito ay sa pamamagitan ng mas malumanay at patagong (subtle) pamamaraan at
pagmamanipula sa isang bansa. Layunin nitong patatagin ang pamumuhunan , pigilin ang pagkamit ng tunay
na kalayaan , at kunin ang mas malaking kita mula sa negosyo. Palakasin pa nito ang imperyalismo sa usaping
pang-ekonomiya, pulitika, ideolohiya, at military na paninindigan ng isang bansa.
Over Dependence o Labis na Pagdepende sa Iba- na ang ibig sabihin na umaasa ng labis ang mga tao sa
mga mayayamang bansa.
Loss of Pride o Kawalan ng Karangalan- sanhi ng impluwensya ng mga dayuhan, nabuo sa isipan ng mga
tao na lahat ng galing sa kanluran ay mabuti at magaling.
Continued Enslavement o Patuloy na Pang-aalipin- ang mga umuunlad na bansa ay malaya sa prinsipyo,
ngunit sa tunay na kahulugan ay nakatali pa rin sa mala-kolonyal na interes ng kanluranin.
KOLONtrolado! ARAW: 1
Panuto: Ibigay ang hinihinging impormasyon sa ibaba at isulat ang tamang sagot sa patlang.
Manifest
Destiny Protectorate
Manipestasyon
ng Neo-
Kolonyalismo
Concession Sphere of
Influence
Gabay na Tanong:
KONSEPTO:
Kolonisasyon- ay ang pananakop ng mga bansa sa Europa sa malalayong lupain na di- kristiyano upang
gawing teritoryo na pagkukunan ng hilaw na sangkap upang manguna sa industriya ng kalakalan at
upang mapalaganap ang relihiyong Kristiyanismo at magkaroon ng malawak na kapangyarihan sa
buong mundo.
Maraming aspekto ng buhay ang naapektuhan ng pananakop. Ang mga gawaing pampolitika, pang –
ekonomiya, panlipuan, espirituwal, at pangkultura ay ginamit ng mga mananakop upang ganyakin
ang mga bansang nasakop na sumunod sa kanilang ipinagagawa tulad ng pagtatrabaho at pagsisilbi
sa pataniman, sa pagawaan ng barko sa hukbong sandatahan.
Maraming pagbabago ang ibinunga ng kolonisasyon sa lupang sakop. May pagbabagong pampolitika, pang-
ekonomiya, panlipunan, at pangkultura.
Epekto ng Imperyalismo
Ang Imperyalismo sa Africa at Asya ay naging daan upang makaranas ng pagsasamantala ang mga
katutubong populasyon mula sa mapaniil na patakaran ng mga dayuhan. Pinagsamantalahan ng
mga Kanluranin ang kanilang likas na yaman at lakas-paggawa. Naging sanhi rin ito ng pagkasira
4
ng kulturang katutubo sa ilang bahagi ng kolonya dahil sa pananaig ng impluwensiyang kanluranin.
Gabay na Tanong:
1. Alin sa mananakop ang pinakamahusay mamahala? Patunayan. Ang pinuno ng Mongol na si Genghis Khan
(1162-1227) ay bumangon mula sa mapagpakumbabang simula upang maitaguyod ang pinakamalaking
imperyo sa lupa sa kasaysayan. Matapos pagsamahin ang mga nomadic na tribo ng talampas ng
Mongolian, sinakop niya ang malalaking tipak ng gitnang Asya at Tsina.
2.
Bakit madali sa mga kanluranin na manakop ng mga bansa? Mabilis na nasakop ng mga bansang Europa
ang mga bansang Africa dahil may mga tunggalian sa pagitan ng mga pinuno ng Africa. Humantong ito
sa higit pang pagkamatay ng mga hayop at tao, at dahil sa kanilang kahinaan sa pisikal at kaisipan,
hindi nila nagawang labanan laban sa mga kapangyarihan ng Europa.
3. Dahilan ba ang pananakop ng mga kanluranin sa mabagal na pag- unlad ng mga dating kolonya?
Gumamit ang mga Europeo ng mga kasunduan sa Land-contract upang masakop ang mga lupa at
iangkin ang lupa na iyon bilang mga kolonya. Gumagamit ang mga Europeo ng mga pribadong
kumpanya upang sakupin ang mga lupain at iangkin ang lupa na iyon bilang mga kolonya. Ang sagot na
ito ay nakumpirma na tama at kapaki-pakinabang.
5
Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin
Panuto: Matapos ang pagtatalakay sa mga pangyayari sa ikalawang yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo
tatalakayin ng gawaing ito kung naunawaan mo ang mahahalagang konseptong tinalakay . lagyan ng
tsek ang kolum na iyong sagot.
EPEKTO NG
IKALAWANG YUGTO NAKABUTI NAKASAMA DAHILAN
NG IMPERYALISMO
AT KOLONYALISMO
1. Paglaganap ng
sibilisasyong
Kanluranin.
✓
2. Pagbabago sa
paraan
pangangalakal sa
ng ✓
mga bansang
nasakop
3. Paglinang ng mga
kanluranin sa likas
na yaman ng
✓
bansang nasakop.
4. Interes sa
makabagong
teknolohiya sa
✓
heograpiya at
paglalayag.
5. Paglaganap ng
relihiyon
pananampalatayang
at ✓
Kanluranin.
6
Tinimbang Ka Ngunit Kulang!
Panuto: Sa gawaing ito ay titingnan mo kung alin ang mas maraming epekto ng pangyayaring ito:
masama o mabuti? Itala ang mga naging epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at
kolonisasyon. Pagkatapos ay ilagay ito sa nakahandang eskala. Suriin kung saan kumiling ang
eskala.
Gabay na Tanong:
1. Alin ang mas maraming epekto sa pananakop: Mabuti o masama? Bakit kaya?
Masama, dahil mas maraming nahirapan at nawalan ng pamumuhay dahil sa epekto ng
kolonisasyon. Mas maraming nabagsak na ekonomiya na sumira ng mga buhay ng
pangsakatauhan.
2. Kung ikaw ang tatanungin , Mabuti ba talaga o masama ang epekto ng ikalawang yugto ng
imperyalismo at kolonisasyon? Ipaliwanag.
Masama ang epekto ng ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon dahil ang mga
pamahalaang kolonyal ay namuhunan sa imprastraktura at kalakal at nagpakalat ng
kaalamang pang-medikal at teknolohikal. Sa ilang mga kaso, hinimok nila ang literacy, ang
7
pag-aampon ng mga pamantayan sa karapatang pantao sa Kanluranin, at inihasik ang mga
binhi para sa mga demokratikong institusyon at sistema ng pamahalaan. Ang ilang mga dating
kolonya, tulad ng Ghana, ay nakaranas ng pagtaas ng nutrisyon at kalusugan na may
pamamahala ng kolonyal, at ang kolonyal na Europa na pag-areglo ay naugnay sa ilang mga
natamo sa pag-unlad.
Aking Repleksiyon!
Panuto: Sa puntong ito, sumulat ng sariling repleksiyon hinggil sa iyong natutunan sa pag-aaral ng
kolonyalismo at imperyalismo. Itala ang mahahalagang bagay na iyong natutunan at kung paano ito
nakatulong sa pagpapabuti ng iyong sarili. Itala rin ang mga bagay na nais mong malaman at paano
mo pauunlarin.
_________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
8
Sanggunian
Susi sa Pagwawasto
GAWAIN : KOLONtrolado
Manifest destiny
Protectorate
Concession
Sphere of influence
Gabay na tanong:
Ang sagot ay nakabatay sa pag-unawa ng mag-aaral sa aralin.
GAWAIN: Paghahambing- Imperyalismo
Ang sagot ay nakabatay sa pag-unawa ng mag-aaral sa aralin.
Gabay na tanong:
Ang sagot ay nakabatay sap ag-unawa ng mag-aaral sa aralin.
GAWAIN: Masama O Mabuti?
Ang sagot ay nakabatay sa pag-unawa ng mag-aaral sa aralin.
GAWAIN: Tinimbang ka Ngunit Kulang!
Ang sagot ay nakabatay sa pag-unawa ng mag-aaral sa aralin.
Gabay na tanong:
Ang sagot ay nakabatay sa pag-unawa ng mag-aaral sa aralin.
9
10