Aksyon B: Mga Bagay Na Higit Pa Sa Ginto

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Aksiyon B:

Mga Bagay na higit pa sa Ginto

Kapag naririnig natin ang salitang ginto karamihan sati’y iniisip agad na ito ay isang makinang,
mabigat at mahal na bagay. Ngunit ayon sa teksto hindi lahat ng ginto ay nabibili o naibebenta.
Ang tunay na ginto ay nasa paligid lamang, maganda at nakakatulong.

Kapaligiran ang ating tunay na kayamanan, hindi ang makikinang na ginto, kundi ang
kapaligiran na may mga bulaklak at pinapaligiran ng kulay berdeng damo. Ang karagatan na kay
linaw at lawak, na may naglalakihang isda sa lalim ng kulay asul na dagat. Ang tubig rin ang
siyang nakakalunas ng ating uhaw sa araw-araw, ang siyang nakakatulong sa pagpapalinis ng
ating katawan at iba’t- ibang uri na bagay. Makikita natin ang naglalakihang punong kahoy na
siyang nakakatulong sa paglaganap sa ating ekonomiya, sa pag-gawa ng mga bahay,
imprastaktura at higit sa lahat nakakatulong magbigay ng malinis na simoy ng hangin. Ang mga
naglalakihang punong kahoy ay tumutulong rin tuwing may sakuna o nakakaranas ng pag baha
ang isang lugar, sapagkat ang ugat nito ang siyang humihigop ng tubig sa paligid natin.

Huwag nating kakalimutan ang mga gulay na siyang nagbibigay sa atin ng lakas, sustansya at
matatag na resistensya sa araw-araw nating pagkain nito. Mayroon itong iba’t-ibang kulay, may
dilaw, berde, at sari-saring hugis at nutrisiyon ang hatid nito. Kagaya na lamang ng talong na
kulay lila na nakakapagpalakas ng resistensya. Ito ay dahil sa mataas na bitamin C at kontent ng
talong na mabisang antioxidant ng ating katawan, at marami pang uri ng gulay at prutas na
masasabi nating tunay na natural at nakakabisa sa pagpapatatag ng resistensya.

Tunay nga na hindi lamang ang ginto ang kayamanan natin sa mundo, kailangan lamang natin
tignan at suriin ang bawat halaga nito.

You might also like