Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

NAME: ELIJAH MARIE C.

LOTERIÑA MODYUL 4
SECTION: 11-STEM 4 TEACHER: MILLETE PRADO

CAMARINES SUR NATIONAL HIGH SCHOOL


PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANLIKSIK 11
2nd SEMESTER IN PAGBASA AT PAGSUSURI – MODYUL 4
GRADE &
NAME: ELIJAH MARIE C. LOTERIÑA SECTION: 11-STEM 4
KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA
SUBJECT: AT KULTURANG PILIPINO (MODYUL 4) SCORE:

PANUTO: Subukin mong sumulat ng isang tekstong naglalarawan. Dugtungan ng limang pangungusap ang
aking sinimulang talata upang makabuo ng tekstong deskriptibo.

Kapag magkakasama kaming pamilya sa bahay ay palaging maraming kuwentuhan, si kuya ang
palaging bida kaya masaya ang lahat. Ngunit ngayon ay iba na, ramdam ko ang nakabibinging
katahimikan na dati-rati’y hindi naman ganito. Nagsimula ang lahat nang magpakabit ng
internet ang mommy ko. Kung dati’y paggising sa umaga ay babati ng “good morning”, ngayon
ay diretso agad sa telepono upang tingnan ang kanilang mga social media . Ang masayang
tawanan at kuwentuhan ay napalitan ng nakalulumbay na katahimikan at kung minsan pa ay
nag-aaway dahil ayaw magpaistorbo kapag naglalaro ng online games. Sa hapag kainan naman,
gadgets pa rin ang hawak ng bawat isa. Malaki ang nailalaan na oras sa internet ngunit sa mga
masasayang bagay na ginagawa namin noon ay tila nakalimutan na at nawalan na ng oras.
Tunay ngang nakakatulong ang internet sa mga bagay, partikular na sa pag-aaral at pagdiskubre
ng mga makabagong impormasyon ngunit kailangan pa rin nating maglaan at magtabi ng oras
para sa ating pamilya.
NAME: ELIJAH MARIE C. LOTERIÑA MODYUL 4
SECTION: 11-STEM 4 TEACHER: MILLETE PRADO

PANUTO: Sumulat ng tekstong deskriptibo na binubuo ng tatlong talata. Pumili ng isang paksa mula sa
tatlong pamimilian na gusto mong ilarawan. Lagyan ng sariling pamagat.
NAPILING PAKSA: Ang sitwasyon ng iyong pag-aaral sa ngayon

Pag-aaral sa panahon ng Pandemya


Mahigit dalawang taon na ang nakakalipas noong magsimula ang pandemya. Labis na takot at
paghihirap ang naramdaman nating lahat dahil sa mga problemang idinulot nito. Dahil dito, lubos na
naapektuhan ang sektor ng edukasyon na kung saan naapektuhan ang mga estudyanteng kagaya ko.
Pagsapit ng ilang buwan, inanunsiyo ng Kagawaran ng Edukasyon na magpapatuloy pa rin ang pag-
aaral. Ngunit, hindi na ito kagaya ng dati. Ito ay magaganap na lamang sa aming mga sariling tahanan sa
pamamagitan ng Modular Learning at Online Learning upang makaiwas sa nakahahawang sakit. Maraming
mag aaral ang napilitang huminto dahil sa kawalan ng gadget at internet connection. Marami rin ang
nakaranas ng mga problema sa kanilang kalusugang pangkaisipan. Modular learning at Online learning ang
siyang ligtas at pinakamabisang paraan na aking nakikita sa pagpapatuloy ng aking pag-aaral sa panahon ng
pandemya. Hindi ko maisip kung ano ang mangyayari sa akin sa ganitong patakaran ngunit alam ko na ito
ang siyang magiging hakbang patungo sa tamang landas kaya naman nagpatuloy ako sa aking pag-aaral.
Bawat tatlong linggo ay may mga bagong modyul na kailangang aralin at sagutan. Hindi madali, paulit-ulit,
nakapapagod at nakakaubos ng lakas. Ilan lamang ‘yan sa mga naramdaman ko sa tuwing ako ay gumagawa
ng mga modyul.
Magulo man ang nangyayaring kaganapan sa ating mundo, ang mga modyul ang siyang magbibigay
ng kaliwanagan sa ating lahat. Hindi tayo uusad kung hindi tayo kikilos. Kaya naman pipiliin kong
magpatuloy sa aking paglalakbay gamit ang mga modyul at ito ang gagawin kong mapa na tiyak na siyang
magdadala sa akin sa tamang daan patungo sa aking tagumpay. Matagal man, ang mahalaga pa rin ay may
progreso.

PANUTO: Sagutin ang katanungan sa ibaba sa pamamagitan ng 4-5 pangungusap.

Tatlong taon mula ngayon, paano mo ilalarawan


ang iyong sariling buhay?
Kung pagbabasehan natin ang realidad, hindi ko hawak ang panahon at ang aking kapalaran.
Subalit, tatlong taon mula ngayon mailalarawan ko ang aking sarili bilang isang estudayante na nag-aaral
NAME: ELIJAH MARIE C. LOTERIÑA MODYUL 4
SECTION: 11-STEM 4 TEACHER: MILLETE PRADO

sa kolehiyo, sa aking napiling unibersidad at napusuang kurso. Sa panahong iyon, malinaw na sa akin ang
landas na gusto kong tahakin at ang kinabukasan na gusto kong makamit hindi lamang para sa akin bagkus
para sa aking pamilya. Malaki man ang dagok na ating nararanasan nawa’y tatlong taon mula ngayon,
mabuti na ang kalagayan ng mundo mula sa tinamo nitong sugat dahil sa pandemya ito. Gayunpaman, pilit
susuungin ang hirap ng buhay sa mundo, para sa pangarap na gustong maabot.

You might also like