Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Mala-masusing Banghay-Aralin sa Filipino

Baitang 8
Ika-18 ng Mayo, 2023

I. LAYUNIN
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nailalahad ang pansariling pananaw opinyonat saloobin tungkol sa aralin.
2. Natutukoy ang negatibong dulot ng pagkawala ng tiwa sa buhay ng tao.
3. Naitatanghal ang mga pangyayari batay sa hinihinging sitwasyon.

II. PAKSANG-ARALIN
A. Paksa: Florante at Laura Saknong 41-68: Paggunita sa Nakaraan
B. Kagamitan: telebisyon, laptop, powerpoint presentation, video clip
K. Sanggunian: https://www.youtube.com/watch?v=Q6mrgp3H-x0

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
a.1 Pagbati
- Magandang umaga mga mag-aaral!
a.2 Panalangin
- Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral upang pangunahan ang panalangin
sa klase.
a.3 Pagtala ng lumiban sa klase
- Sino-sino ang mga lumiban sa ating klase ngayon?
(Itatala ng guro ang mga lumiban sa tseklist)
a.4 Balik-Aral
- Sa pagsisimula ng bagong aralin, tayo muna ay magbalik-aral hinggil sa
ating huling tinalakay. Ano ang ating tinalakay noong nakaraang araw?

B. Paglinang na Gawain
b.1 Pagganyak
TIWALA!

- Ipaparinig sa klase ang awitin ni Gloc 9 na “Hanap ng Puso”


Sagutin.
-Tungkol saan ang awitin?
-Ano ang mensahe ng napakinggang awit?
- Sa iyong palagay, tama ba na ipagpalit ang isang tao dahil lamang sa kanyang
estado sa buhay? Bakit?

b.2 Paglalahad
-Ang ating tatalakayin ngayon ay Saknong 41-68: Paggunita sa Nakaraan
- Alamin muna natin ang ating mga layunin sa pagtatapos ng talakayan.
(Magtatawag ang guro ng mga mag-aaral na magbabasa ng layunin.)
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nailalahad ang pansariling pananaw opinyonat saloobin tungkol sa aralin.
2. Natutukoy ang positibo at negatibong dulot ng pag-ibig sa buhay ng tao.
3. Naitatanghal ang mga pangyayari batay sa hinihinging sitwasyon.
b.3 Pagtalakay
- Ipapanood sa klase ang Saknong 41-68:Paggunita sa Nakaraan
- Sagutan ang mga sumusunod na tanong.
1. Ayon kay Florante anu daw ang kaakibat ng kagandahan ng isang tao?
2. Tukuyin kung ano ang nais sabihin ni Balagtas sa taong nawalan ng tiwala
sa kanyang minamahal?
3. Anu sa palagay mu ang maaring ibunga ng labis na kawalan ng tiwala?
C. Pangwakas na Gawain
c.1 Paglalapat
Idibidwal na Gawain.
Panuto.Sumulat ng sanaysay patungkol sa pagpapanatili ng tiwala ng isang tao
at ang neagatibo nitong dulot.

Pamantayan
Pagkamalikhain– 25 puntos
Orihinalidad – 50 puntos
Kaugnayan sa paksa – 25 puntos
Kabuoan – 100 puntos

c.2 Pagpapahalaga
-Bilang isang mag-aaral, paano mu maibabalik ang nasirang tiwala?
c.3 Paglalahat
-Bilang pagtatapos sa ating natalakay. Maaari nyo bang ilahad sa klase ang
ating mga tinalakay ngayong araw na ito?

IV. PAGTATAYA
Identipikasyon: Panuto: Alamin ang mga tinutukoy ng bawat pahayag.
Isulat ang sagot sa inyong sagutang papel.
1. Anu- ano ang mga gunita o alaala ang nakababawas sa pagdudurosa ni
Florante?
2. Anong uri ng kasitahan si Laura?
3. Bakit sa kabila ng mga naalalang mabuting katangian at wagas na
pagmamahal ni Laura sa kanya ay nakakaramdam parin ng selos o panigbugho
si Florante?
4. Tama bang isipin ni Florante na tinalikuran na siya ni Laura?
5. Paano nakaapekto kay Florante ang ganitong mga negatibog alalahanin?
V. TAKDANG-ARALIN
Panuto:Gumawa ng isang Islogan patungkol sa Tiwala.
Inihanda ni:
RONAN R. AÑONUEVO
Student Teacher
Iniwasto ni:
MARJORIE F. ECALDRE
Cooperating Teacher/ Teacher I

You might also like