Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

JENNY M.

ELAOG
Master of Arts in Education- Filipino
Subject: (FIL 205) Paghahanda at Ebalwasyon sa Kagamitang Panturo

PAKSA: PAGLIKHA NG MGA LUNSARAN SA PAGLALAHAD NG MGA ARALIN SA


FILIPINO

LUNSARAN

 Anumang bagay na nagsisilbing gabay sa pagpapakilala ng bagong aralin.Sa ibang


terminolohiya ito ay nagsisilbing motibasyon o pagganyak sa lalong ikakaganda at
ikasisigla ng talakayan.
 Kinakailangang makatawag pansin ang lunsaran upang ang mga mag-aaral ay magganyak
na makinig at aktibong makilahok sa talakayan.
 Sa paglalahad ng aralin mahalagang maisaalang-alang ng guro ang kawilihan at atensiyon
ng mga mag-aaral.
 Ang mga lunsaran(springboard) ay magsisilbing pagganyak upang kalugdan ng mga
mag-aaral ang leksiyong itinuturo.
 Ang mga ilan sa lunsarang maaring gawin ng guro sa paglalahad ng aralin sa Filipino o
maging sa ibang asignatura ay ang tula,Kwento, alamat, dula,Komik-strip,sanaysay,
balita, talambuhay at pabula.

TULA

 Likas sa mga bata at kabataan ang pagiging mahiligin sa mga tugma at tula. Habang
naglalaro ang mga bata , ay nakakalikha na ang mga ito ng tugma.Dahil kawili-wili sa
mga bata ang mga tugma at tula nagiging aktibo ang mga ito sa klase.
 Madali na ang paglikha ng tula, sinumang may hilig o interes ay makakabuo nito.Sa
panahon ngayon ay halos wala ng sinusunod na pamantayan sa paglikha ng tugma o
tula.Ang mahalaga ay ang ideya, paksa at damdaming nais pangibabawin sa tula.
 Sa paglikha ng tugma kinakailangang taglay ang mga sumusunod:
A. Malawak na Kaalaman sa Paksang isusulat
B. Maging mabuting tagapagmasid
C. May talas ng isipan
D. Malikhaing pag-iisip
E. Naglalakbay sa ibat-ibang lugar
 Ang mga sumusunod naman ay dapat isaalang-alang sa pagbuo ng tula:
A. Mga Babasa- upang ang tula ay angkop sa lawak ng kaisipang mayroon ag
mambabasa.
B. May kawili-wiling terminolohiya- upang ang babasa ay hindi mabagot , higit na
mabuti kung gagamit ng mga tayutay.
C. Maayos na pagkasunud-sunod ng ideya upang hindi mawala ang mambabasa sa
ideyang tinutumbok ng tula.

KUWENTO

 Isa pang kinahihiligan ng mga mag-aaral ang kwento. Nagaganyak ang mga mag-aaral
kung ang mga ito ay makakarinig ng pangmotibasyong kwento.
 Sa kanila ang kwento ay nagbubukas ng kanilang imahinasyon na siyang tulay sa
aktibong pakikilahok sa talakayan.
 Bilang lunsaran ng aralin kinakailangang alamin ng isang guro ang uri ng kwentong
kinahihiligan ng mga bata.
 Ang mga sumusunod ay dapat isaalang-alang sa paglikha ng kuwento bilang lunsaran ng
aralin:
A. Edad ng mga mag-aaral
B. Interes at kawilihan sa mga bagay-bagay
C. Kaugnayan sa totoong buhay

ANEKDOTA

 Ang pagtuturo ng aralin ay nagiging napakadali kung ang isang mahusay na guro ay
marunong ng ibat-ibang estratehiya sa pagganyak ng mga mag-aaral
 Ang pagtuturo sa kabuuan ay hindi lamang sa basta pagsasalita at pagpapaliwanag sa
harap ng mga mag-aaral .Kinakailangan ding gamitan ng sining upang lalong maging
madali at kawili-wili
 Ang anekdota ay isang lunsaran ng aralin dahil bukod sa nakakaaliw ay nakapagbibigay
pa ito ng aral.Nakakaaliw ito sa pamamagitan ng paglalahad ng kakaibang pangyayari o
pagtalakay sa mga pangyayaring nagaganap tungkol sa isang tanyag na tao.
 Maiksi lamang ang anekdota.Kinapapalooban ito ng mga detalyeng kinakailangan sa
paglalahad ng mga pangyayari tulad ng mga kawilihan, kasukdulan at wakas ng kuwento.
 Bilang lunsaran sa aralin ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng anekdota ay ang
mga sumusunod(Rivera, 135):
1.Dapat maging katotohanan ang paksa sa tunay na karanasan.Ang pangunahing layunin
ng isang anekdota ay upang makapaghatid ng isang magandang karanasan na
kapupulutan ng aral.Ito ay magagawa lamang kung ang karanasan o pangyayari ay
makatotohanan.
2. Dapat maging kapana-panabik. Ang isang anekdota ay maikling akda. Bunga nito,
dapat pagsikapan na ang mga pangungusap ay maging kapana-panabik. Ang isang
magandang simula ay nagbibigay ng pangganyak sa mga mambabasa upang ipagpatuloy
ang kanilang pagbasa ng anekdota.
3. Dapat magkaroon ng isang paksa. Ang isang anekdota ay may isang paksang
tinatalakay.Ito ay dapat bigyan-kahulugan sa pagsulat ng anekdota.Lahat ng mga
pangyayari ay dapat magbigay ng kahulugan sa ideyang nais ipadama.
4. Sa pagwawakas ng anekdota, dapat isaalang-alang kung ito ay makapagdudulot ng
ganap na kakintalan sa mga mambabasa.Di dapat mag-iwan ito ng anumang bahid ng
pag-aalinlangan na maaaring may mga susunod pang mangyayari gayong wakas na ang
akda.

DULA

You might also like